62 Cleaning Operation

"Everyone, calm down huwag magpanic and stay where you are!"

Boses ni Mel ang madidinig na nagsasalita sa speaker.

Dinig ito sa lahat ng sulok ng Sinag Island na nataranta ng madinig ang ingay ng signal.

Ito kasi ang unang beses na makadinig sila ng ingay na parang isang warning.

"Anong meron sa dako pa roon at bigla na lang nag ingay? May tao ba dun?"

Lahat ay biglang tumigil sa kanilang ginagawa, kita ang takot sa bawat isa.

Marami ng nakakakilala kay Mel pero karamihan ay mga taga IDS hospital, ngunit kahit papaano ay nabawasan ang takot nila ng madinig sya.

"Sino yun?"

"Kilala nyo ba kung sino yung nagsasalita?"

"Baka isa sa mga Head ng Elite!"

"Siguro nga!"

Napatigil si James sa pagtakbo ng madinig ang boses ni Mel.

'Lintek na! Nasaan ba sila, bakit walang tao dito sa opisina? Saan ko pa ba sila pwedeng hanapin?'

Naalala nya na papuntang Security Office kanina si Kate.

"Baka nasa Security Office pa!"

After a few minutes nawala din ang ingay.

"Pasensya na sa lahat! May ginagawa lang pong Cleaning Operation sa bandang Luntian Forest kung saan nagmula ang signal.

Pasensya na rin po kung naapektuhan din ang signal ng mga phone dahil din po yun sa ginagawang Cleaning Operation.

Huwag po kayong magalala at babalik din po sa normal ang lahat pagkatapos ng Cleaning Operation."

Paliwanag ni Mel.

Napataas ang kilay ni James ng madinig ang paliwanag ni Mel.

'Cleaning Operation?'

Napansin naman nyang naniwala ang mga nakarinig. Nawala na ang pangamba nila at nagsibalikan na sa kani kanilang ginagawa.

Pero gulat si James ng hindi nya makita ang dalawa sa IDS Hospital Security Office.

"Security, saan ko ba makikita ang kapatid kong si Kate?"

Tanong ni James

"Sinong Kate?"

"Si BigBoss!"

"Kapatid nyo po pala si Boss, Dr. James?"

"Oonga kapatid ko sya, asan na sya? Alam kong nagtungo sya rito kanina!"

May pagkairitang tanong ni James.

Tiningnan sya ng may pagdududa ng mga kausap.

'Grabe, wala ba kaming resemblance ni Kate? Bakit ganito sya makatingin?'

"Security, may problema ba?"

"Wala naman po Doc. Pasensya na, hindi po kasi kayo magkamukha ni Boss. Hehe!"

"Opo Sir, hindi nga po sila magkamukha ni Ate Kate pero totoo po na magkapatid po sila. Si Daddy po kasi ang kahawig ni Kuya at si Ate Kate ..... sino nga bang kamukha ni Ate Kate, Kuya?"

Biglang sabat ni Khim, kararating lang.

"Khim! What are you doing here? Diba sabi ko sa'yo stay with Grampy and Granny bakit ka sumunod?"

Gulat at inis na tanong ni James sa bunsong kapatid.

"Sinundan kita!"

Sagot ni Khim

"Haaay Khim, ang bilis mo namang maglakad!"

Humihingal na sabi ni Vicky.

Nagulat si James kung bakit narito rin si Vicky.

'Hindi ba nila narinig ang instructions ko kanina?'

"Vicky, diba sabi ko magtungo kayo sa room ni Grampy, bakit andito ka rin asan si Karlos?"

"Iniwan ko kay Madam, sabi nya sundan ko daw si Khim kaya ako napunta rito! Eh, ikaw, anong ginagawa mo dito?"

Tanong ni Vicky.

"Hinahanap ko sila Kate at Mel. At kayo, bakit nyo naman ako sinundan?"

"Dahil dito Kuya!"

Ipinakita ni Khim ang isang two way radio.

"Saang galing yan?"

"Ibinigay sa akin ni Kuya Melabs. Sabi nya magagamit ko daw ito for emergency, kaya sinundan kita para ibigay sa'yo 'to!"

Paliwanag ni Khim.

Sabay abot kay James ng dala nyang two way radio.

"Dr. James, kung si Boss po at si Chief ang hinahanap nyo, nadinig ko pong sa Villa sila nagpunta."

Sabi ng isang security.

"Ah, ganun ba, salamat!"

"Bakit naman umuwi agad sila Ate Kate at Kuya Melabs sa Villa?"

Nagtatakang tanong ni Khim dahil maaga pa sa uwian at usually umaalis ang magasawa ng past 9 pm.

"Ang dinig ko po sa usapan nila magdedessert daw!"

Sagot ng security

"Andaya naman nila, nagdessert pero hindi nag aya! Hmp! Isusumbong ko sila kay Mommy!"

Nagkatinginan na lang sila James at Vicky, alam na kasi nia ang ibig sabihin ng dessert.

"Buti pa, let's go to Grampy!"

Pagdating sa elevator may naalala si Khim.

"Teka Kuya, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Sino nga ba ang kamukha ni Ate Kate? Bakit nuknukan sya ng ganda?"

Tanong ni Khim

Pero imbis na sumagot si James nagtanong ito.

"Khim tapatin mo nga ako, pangit ba ako? Yung ilong ko, malaki ba? Saka, wala ba talaga akong resemblance kay Kate?"

"Kuya naman! Syempre gwapo ka! Ikaw ang pinaka gwapong Kuya na nakilala ko! Saka huwag mong ikunucompare ang sarili mo kay Ate Kate, kung ayaw mong masaktan, alam mo namang dyosa ang kagandahan nun!"

"Nakakainis kasi yung security kung makatingin, ayaw maniwala na kapatid ko si Kate, hindi raw kami magkamukha! Buti andyan ka!"

Parang batang reklamo ni James sa kapatid.

"At anong ibig mong sabihin Kuya, pangit ako? Kamukha ko kaya si Mommy! Sumbong kita kay Mommy dyan!"

Habang nagkukulitan ang magkapatid nakikinig lang sa likod nila si Vicky, hindi makapaniwala na may ganito pa lang side si James.

'Pwede pa ba akong umatras dun sa alok nya? Hindi ko pa naman nasusuot yung singsing eh!'

*****

"WifeyLabs, makokontak mo ba talaga si Sissy? Sa kanya ba talaga nanggaling yung alarm?"

Nagaalalang tanong ni Mel.

"Oo HubbyLabs, inaantay ko na nga ang sagot!"

"Ano ba talagang nangyayari, bakit may ganun? At saan galing yun?"

Sunod sunod na tanong ni Mel.

Kung kanina malumanay at relax ang boses nito sa speaker, ngayon natataranta na sya.

"Sa Secret!"

Sagot ni Kate.

"Secret? Anong Secret? May Secret ka na sa akin, WifeyLabs ko?"

Naguguluhang tanong ni Mel

Tinigil ni Kate ang ginagawa nya at hinarap si Mel.

"HubbyLabs, wala akong secret sa'yo. Ang tinutukoy ko ay isang lugar na pinuntahan namin kanina ni Kuya James. Secret ang name nya dahil maraming secret ang andun. Pasensya na kung hindi ako nakapag paalam sa'yo."

"Okey na gets ko na pero marami pa rin akong tanong."

Sabi ni Mel.

"Ako din maraming tanong tungkol sa Secret pero hindi namin magawang makapunta dun dahil nasa gate pa lang kami ng forest may naging problema na."

"Ha? Ano yun?"

"Si Dr. Bien ninakaw ang identity ko bilang BigBoss at marami syang napaniwala duon."

"So, dun pala galing si Dr. Bien. Eh ano naman yung nasa usb na ibinigay nya sa akin?"

"Yun ang secret ng Secret! Kaya itago mong maigi yung usb."

"Ate Kate! Beshy Mel!"

"Eunie!"

"Sissy!"

"Sa'yo ba galing yung signal mula sa Secret?"

"Hindi! Shinutdown ko ang buong system ng Secret kaya malamang may nagpanic, kaya may nagpadala ng signal!"

"At bakit mo naman ginawa yun?"

"Para malaman natin agad kung sino ang traydor!"

avataravatar
Next chapter