119 Nagbalik Na Sya

Iginala ni Lara ang paligid.

'Wala naman akong nakikitang CCTV camera!'

Kanina, bago sya pumasok sa loob, ilang beses nyang chineck ang paligid ng silid na ito kung may CCTV, pero wala syang nakita ni isa.

Nakuha nya ang susi kay Raymond ng hindi nito namamalayan.

'Anong pinagsasabi nitong si Chief?'

Siguro nanakot lang sya. Mabuti pa ipagpatuloy ko na lang ang pagpapanggap ko!'

Kaninang sakmalin sya ni Kate, totoong nakaramdam sya ng sobrang takot. Hindi nya akalaing ganito katindi at kalakas itong asawa ni Mel. At higit sa lahat, hindi nya inaasahang buhay pa ito.

Pero hupa ba ang takot na at ngayon ay nagkukunwari na lang sya para matakasan ang lahat ng ito. Pero ng madinig ang tungkol sa CCTV, hindi nya maiwasan na magpalinga linga.

Ang hindi alam ni Lara, kanina pa sya pinagmamasdan ni Chief sa sulok ng mga mata nya.

'Kanina tulala sya, ng madinig ko ang CCTV biglang nagka wisyo!'

'Hmmm ... mukhang may balak itong babaeng ito!'

At napansin nyang muling bumalik sa pagkatulala si Lara.

'So, umaarte lang pala sya. Hmmmm.'

"Sige Chief mas mabuti pa ngang makita ang CCTV para malaman ng lahat ang ginawa ng hayup na yan sa inaanak ko!"

Inis na singhal ni Sarhento.

Wala syang planong tumigil dahil alam nyang nasa tama sya.

Kawawa naman sya, sya lang ang nagiisip ng ganun.

Malapit ng mapikon si Chief sa kakulitan ni Sarhento. Gusto nyang umalis na at isama itong pulis nya dahil habang nagtatagal sya dito, lalo lang syang mapapahamak sa katangahan nya.

'Kaya hindi umaasenso ang pulis na ito eh!'

Maya maya, nagulat sila ng biglang magbukas ang tv.

Nanlaki ang mata ni Lara ng makita sya sa tv.

'OMG!'

'Hindi maari ito! Hindi nila pwedeng malaman na plinano ko ito!'

Tama, plinano nya ang lahat ng ito dahil may nagutos sa kanya.

At ang utos sa kanya ay kailangan nyang mapalapit ng husto kay Mel at ang kapalit ay pasisikatin sya nito at gagawan ng pelikula.

Mayaman ang taong ito at foreigner pa kaya naniniwala sya. Hindi nya alam bakit gusto nitong magespiya sya kay Mel basta ang mahalaga ay matupad ang ambisyon nyang maging isang sikat na artista.

'Hindi! Hindi ako pwedeng mapaalis dito!'

'Kailangan kong matapos ang misyon ko!'

Pero lahat ng mata ay nakatingin na sa tv maliban kay Mel na kasalukuyang nakatingin ngayon kay Kate.

'WifeyLabs!'

Nangingilid ang mga luha ni Mel dahil si Kate ang may gawa ng lahat ng iyon kaya nabuksan ang CCTV.

Kanina, bago sila umalis ng bahay, humingi sya ng tulong kay Eunice para mabuksan ang CCTV. Tanging si Kate lang kasi ang nakakaalam kung paano ito buksan, pero may amnesia si Kate, kaya paano nya ito nabuksan?

'Hindi kaya..?'

Hindi mapigilan ni Mel na mangiti ng maisip na baka nagbabalik na ang mga alala ni Kate.

Wala na syang pakialam sa nangyayaring imbestigasyon dahil ang buong atensyon ni Mel ay na kay Kate na.

Maging si Kate ay hindi maalis ang tingin sa screen ng computer. Hindi nya alam pero parang kinukwentuhan sya nito.

Habang si Raymond at si Ethan ay bumalik na rin sa kwentuhan at ang tanging abala na lang ay si Chief at si Sarhento na ayaw pa ring tumigil sa panonood sa CCTV.

'Hindi maari ito, kailangan kong makaalis dito!'

'Pero paano?'

Napansin nyang abala silang lahat kaya unti unti syang gumapang patungong pintuan para tumakas.

Pagdating sa pinto, agad naman syang tumayo para tumakbo subalit....

Blag!

Nabangga sya ng islang taong parang pader ang tigas ng katawan, feeling nya nabukulan ata sya.

***

"Ehem, anong meron?"

"Mayora, ikaw pala!"

Bati ni Chief sa dumating na si Eunice.

Napatingin si Eunice sa CCTV at nagtatanong ang mga mata nito kaya napatingin sya kay Mel na busy namang tinititigan si Kate.

Kaya napadapo ang tingin ni Eunice kay Kate.

'Hindi kaya...?'

Walang nakakaalam ng tunay na kalagayan ni Kate maliban kila mel at Ethan at ngayon naman ay si Eunice.

"Eunie, huwag mong pakawalan ang babaeng tumakas."

Nagsalubong ang mga tingin ni Mel at Eunice.

'Eunie?'

Si Kate lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.

"Eto bang babaeng ito ang tinutukoy mo, Ate Kate?"

"Oo syanga! Huwag mo syang pakawalan, espiya yan! Ikaw ng bahala dyan!"

Sagot ni Kate na hindi nagaalis ng paningin.

"JR, ikaw ng bahala dyan!"

"Te-Teka po, saan nyo ko dadalhin?

Ninong tulungan nyo ako!"

Pero this time hindi na magawang makakilos ni Sarhento.

Napahiya sya.

Hindi nya akalaing pinagmukha syang tanga ng inaanak nya.

Hiyang hiya sya.

Tuluyan ng inilabas ni JR si Lara.

"Chief, mas makakabuti pong umalis na po muna kayo at mukhang may kailangan kayong pagusapan ni Sarhento. Salamat po sa pagpunta, balitaan na lang namin kayo."

Sabi agad ni Eunice.

Kailangan nyang makausap ng sarilinan ang mag asawa kaya pinaalis na nya ang mga ito.

"Naintindihan ko! Mauna na kami!"

Naintindihan naman agad ni Mel ang gustong mangyari ni Eunice kaya binalingan naman nito si Raymond.

"Raymond, isama mo muna yang si Ethan sa baba at pakainin mo. May kailangan lang kaming pagusapan."

"Pero ayaw kong iwan si Elise!"

Sabi agad ni Ethan.

"Huwag kang magalala sa asawa ko at naglalaro lang yan. Hindi yan aalis sa computer. Ganyan sya pag nakakakita ng computer!"

Sinulyapan ni Ethan si Kate, at kita nga nito ang pagka seryoso sa ginagawa nya.

'Mukhang nageenjoy sya!'

"Okey, pero huwag nyo akong iiwan!"

Sabi nito kay Mel.

"At paano naman ako makakaalis ng hindi mo makikita? Sa bagal kong 'to!

Sige na Raymond, dalhin mo na yan sa ibaba!"

Pagkalabas, ng dalawa, agad na ipininid ni Eunice ang pinto at nilock. Saka hinarap ang dalawa.

"Ate Kate, what's going on?"

"Hmmm?"

"Hahahahaha!"

"Jusmiyo, ang tawang yun! Tawa yun ni Kate MyLabs!'

"Nagbalik na sya!"

avataravatar
Next chapter