webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

She Needed Me!

Little Manor.

Nicole: "Anyare? Bakit ka nagpapanic Ate Nadine?"

Tanong ni Nicole sa Ate nya ng tawagan sya nito.

Nasa opisina sya ng mga oras na iyon. Si Nicole na kasi ang nagmamanage ng negosyo ng pamilya Belmonte na mga Hotels at Resorts pero si Nadine pa din ang nag ga guide sa kanya.

Wala kasi talagang hilig si Nicole sa pag handle ng business, kundi lang may malaking problema si Nadine, hindi nya ito hahawakan. At isa pa, ang kulit ng tatay Enzo nya, lulusubin talaga sya pag hindi nya tinanggap ang responsibilidad.

Nadine: "Nicole si Khim at Karla, nawawala!"

Natatarantang sagot ni Nicole sa kabilang linya.

Nicole: "Ha? Papaanong .... ?"

Nadine: "Nagpunta daw dito si Ethan sa Little Manor kanina, sabi ng mga security sa gate. Nagwawala ito sa harap ng gate at nagpupumilit makapasok! Walang tao dito, si Khim lang at si Karla kaya nilabas sya ni Khim at sumunod naman si Karla kay Khim! Ngayon pareho silang nawawala!"

Nasa ospital kasi si Nadine at Jaime ng mangyari iyon, samantalang si Nicole ay nasa office at si Edmund ay hindi pa nakakabalik, nasa Sinag Island pa.

Si Eunice ay nasa munisipyo at si Earl naman ay nasa NicEd, kaya ang naiwan lang ay si Khim at Karla.

Kaso, sobra ang pagwawala ni Ethan kaya tumawag na ang security para ipaalam ito at si Khim ang nakasagot.

Nagtungo naman si Khim sa front gate ng Little Manor para kausapin si Ethan at syempre hindi gugustuhin ni Karla na maiwan kaya sumunod ito sa Tita Khim nya.

"Sir, bawal nga po kayong pumasok! Ang kulit nyo naman eh, bakit ba hindi kayo makaintindi?"

Ito ang naabutan ni Khim na sitwasyon, pinipigilan ng guard ang nagwawalang si Ethan sa labas ng gate.

"Guard, sige na po, ako na pong bahala sa kanya."

Sabi ni Khim sa guard. Nakaramdam ito ng awa kay Ethan.

Ikinatuwa naman ni Ethan ang pagdating ni Khim, ang akala kasi nya makakapasok na sya ng gate

"Sige po Ms. Khim, pero hindi pa rin po sya pwedeng makapasok, hangggang gate lang po sya. Bawal po sya dito, ipinagbabawal ni Sir Edmund!"

"Naintindihan ko po!"

"What?!"

Inis na sabi ni Ethan sa security.

Kung si Khim naintindihan ang sinabi ng guard, sya hindi dahil buong akala nya, makakapasok na sya.

"But I need to talk to ELISE!"

Nagpupuyos na sa galit si Ethan

"Sir, wala nga pong Elise na nakatira dito! Ang kulit nyo naman talaga eh!"

"Mamang guard, sige na po, iwan nyo na po kami. Ako na po ang bahalang magpaliwanag at makipagusap sa kanya."

Ayaw pa sanang iwan ng security si Khim pero pinaalis na sya nito.

"Khim, please do something! I need to go inside, I need to see Elise! Kailangan nya ako! Hindi ako pwedeng mawala sa tabi nya!"

"Kuya Ethan, nagsasabi ng totoo si Mamang Guard, wala na dito si Ate Kate at Kuya Melabs, umuwi na sila ng Sinag, kahapon pa!"

"Pero nagpunta na ko dun sa bahay ni Mel, wala naman si Elise dun! Walang tao dun sabi ng mga neighbors!"

Ang tinutukoy ni Ethan na bahay ay ang bahay ni Mel sa Bulacan kung saan sila nag stay.

"No Kuya Ethan, you don't understand! Umuwi na sila Ate Kate ay Kuya Melabs sa Sinag Island. Malayo yun dito at isa yung isla malapit sa palawan!"

"No! That's impossible! Hindi ako iiwan ni Elise! She needed me!"

Hindi maintindihan ni Khim kung bakit ganito si Ethan.

'Bakit ba Elise sya ng Elise eh hindi nga iyon ang name ni Ate Kate!'

'Mahirap bang tanggapin na hindi Elise ang name ni Ate kundi KATE?'

'At bakit nya parating sinasabi na needed sya ni Ate?'

'Eh, obvious naman na walang pakialam sa kanya si Ate Kate at parang sya pa nga ang needed si Ate!'

Naguguluhan na si Khim sa ikinikilos ni Ethan. Hindi nya kasi ito nakitang nagwala nung isang araw dahil nagpupumilit na makita si Kate. Pero nabalitaan na nya na totoong mag kuya sila na sobrang ikinasama nya ng loob.

Minsang lang kasi sya nagka crush, tapos Kuya pa nya. First time syang nainis sa pagiging babaero ng Daddy nya.

"Please Khim, help me! Kailangan kong makita ang Ate Elise mo, kailangan nya ako! Hindi sya makakatagal na wala ako sa tabi nya!"

"Pero Kuya Ethan, paano naman kita matutulungan? Hindi ko alam ang papuntang Sinag Island!"

"Imposible! Imposibleng hindi mo alam! I'm sure nakarating ka na duon, right? Kaya imposibleng hindi mo malalaman ang pagbalik dun!"

"Pero Kuya Ethan, naka chopper sila papunta duon! Malayo ang lugar na iyon!"

"No your lying! Come!"

"Teka Kuya, saan mo ako dadalhin?"

"Sumama ka sa akin and help me find Elise!"

Isinakay sya ni Ethan sa passenger's seat ng kotseng dala nya.

Kay Joel ang sasakyang ito na kinuha nya ng walang paalam.

"Tita Khim wag mo ko iwan!"

Sigaw ni Karla ng makitang sumasakay si Khim sa sasakyan.

Humahabol ito, natatakot na maiwan.

"No Karla stay, umuwi kana and wait for Lolo ang Lola! Padating na sila!"

Pero hindi sya nadinig ni Karla at sa takot nito na maiwan ay humabol at sumakay din sa likod ng sasakyan habang si Ethan ay pasakay na din sa driver's seat kaya hindi nya namalayan na sumakay din si Karla.

Napansin sila ng guard at agad na tinawag ang mga ito pero pinaharurot na agad ni Ethan ang sasakyan ng makitang papalapit ang guard. Wala itong kamalay malay na nakasakay sa likod si Karla, tahimik na nakaupo sa likod ng driver's seat para hindi sya makita.

Walang nagawa si Khim ng biglang pinaharurot ni Ethan ang kotse.

At sa mga oras na iyon, bigla syang nakaramdam ng takot, kaya sinenyasan nya si Karla na manahimik.

Tumango naman ang bata, sabay pasimpleng inabot ni Khim ang cellphone nito kay Karla.

Pati ang guard ay wala ring nagawa ng pinaharurot ni Ethan ang sasakyan.

"Nakupo naman malalagot ako nito!"

Hindi naman nya kasing nakitang nanlaban itong si Khim at alam na rin naman ng lahat duon na anak ito ni Jaime, kaya medyo naging maluwag sya.

Agad nyang kinuha ang phone at tinawagan si Nadine para ireport ang nangyari. Nagmamadali namang umuwi si Nadine at Jaime ng malaman ito kahit hindi pa tapos ang check up ni Jaime.

Nicole: "Ate kumalma ka lang mahahanap din natin sila!"

Sabi ni Nicole sa kabilang linya kahit na maging sya ay natataranta na rin.

'Juskupo naman! Ano ba naman klaseng tao itong anak ni Kuya Jaime at naisipan kunin ang mga bata?'

'Hindi ba sya nagiisip? Hindi ba nya alam na pwede nyang ikapahamak ang ginawa nya?'

'Haaaaist! Buong akala ko pa naman nung una ay napakatino, nuknukan pala ng gunggong! Manang mana sa tatay nya at mukhang may tililing pa!'

Iritang irita na talaga si Nicole, pero pinipigilan nya dahil sa Ate Nadine nya.

Pero saan nga kaya dadalhin ni Ethan si Khim?

At paano kung malaman nyang naroon din si Karla? Anong gagawin nya sa bata?

Pabababain ba nya?

At may tililing nga ba si Ethan?