webnovel

Danger

"Papa, ano po bang problema, bakit hindi makontak ang Sinag?"

Tanong ni Jaime sa ama na puno ng pagaalala.

"Sabi nung pulis pangkaragatan na si Wesley, delikado yung illegal alien kaya kailangan mahuli agad. At sabi din nya, nasa Sinag Island yung illegal alien! Ano po ba ang totoo Papa?"

"Kumalma ka kaya muna! Para kang hindi isang heneral! Papaano ka makakapagisip ng maayos nyan?"

Singhal ni Gene na naririndi na sa ingay ng anak.

"Papa, andun po ang asawa ko at tatlong anak sa Sinag Island! Papaano ako kakalma?"

"Jaime, hindi lang ang asawa mo at mga anak ang nandun, naroon din si Mel ang manugang mo pati si Vicky at saka ang apo mong si Karlos!"

Sabi ni Belen.

"Ano pong apo, Tiya Belen? May apo na ako? Kanino? Bakit hindi ko po alam?"

Naguguluhang tanong ni Jaime.

"Jaime, naalala mo ba yung batang si Karla, yung nasa bahay?"

Tanong ni Joel na hindi maintindihan ni Jaime kung bakit isinisingit nya ang batang yun.

"Tito Joel, ano naman pong kinalalaman nung makulit na batang yun na laging nakaakap sa binti ko?"

"Yun kasing batang makulit na yun ay apo mo at kakambal nya yung andun sa Sinag na si Karlos! Anak sila ni James."

Paliwanag ni Joel.

Natulala si Jaime, nagiisip. Pilit na isiniksik sa utak nya ang sinabi ng tyuhin.

"Lolo na ako?"

"Bakit parang hindi ka makapaniwala dyan? Mahirap bang tanggapin na gurang ka na?"

May pangiinis na sabi ni Gene.

"Hindi ko kasi maintidihan Papa, bakit kapag may nangyayaring ganito sa pamilya, ako lagi ang huling nakakaalam?"

"Nakuha mo pang magtaka?"

Sarkastikong sabi ni Gene.

Nanlumo si Jaime. Pakiramdam nya sa mga oras na iyon napakawalang kwenta nyang nilalang.

Wala man lang syang kaalam alam sa nangyayari sa pamilya nya.

"Jaime, hindi pa huli ang lahat, may panahon pa para itama ang lahat. Pagaralan mong alamin at tanggapin ang gusto ng pamilya mo."

Usal ni Belen.

"Opo Tiya Belen."

"Okey, tama na muna yan at nangungulit na yung bangkero ng yate, kailangan na nyang bumalik ng Sinag pero ayaw pumayag nung pulis na hindi sya kasama."

Paalala ni Joel sa kanila.

"Hindi po ba pwedeng isama na lang sya nung bangkero para matapos na ito? Sasama rin ako!"

Tanong ni Jaime

"Hindi pwedeng magsakay ang bangkero hangga't walang abiso mula sa BigBoss."

Sagot ni Gene.

"Pero hindi po tayo titigilan nung Wesley!"

"Mukhang no choice tayo kundi ang bumalik."

Sabi ni Gene

"Hindi! Hindi tayo babalik dun Eugene! Nangako ka kay Kate na kahit anong mangyari hindi ka babalik ng Sinag!"

Mariing sabi ni Belen.

"Kung kami na lang kaya ang sumama pabalik?"

Suhestyon ni Joel.

"Wala kayong access papasok ng isla kaya hindi kayo papasukin dun! Saka, andito ka para sunduin at ihatid ako pa Maynila, bakit ka sasama sa kanila?"

Singhal ni Gene kay Joel.

"Sabi ko nga!"

Ganito ang problema nila ng dumating si Gen. Malvar.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong agad ni Gene kay Gen. Malvar.

"Pinapunta ako ng Presidente. Nakarating sa kanya na may problema daw dito."

Sagot ni Gen. Malvar na ipinagtaka ng lahat.

"Bakit Malvar, ano bang nangyayari at kanino galing ang utos na arestuhin ang illegal alien, ano bang nagawa nya?"

"Yan din po ang gustong malaman ng Presidente kaya ako ang personal na pinapunta dito!"

Sagot ni Malvar.

"Papaano naman nakarating sa Presidente ang nangyari dito?"

Tanong ni Jaime.

"Si Kuya Miguel!"

"Si Don Miguel ba ang tinutukoy mo Ate Belen?"

"Oo! Mukhang kinontak ng bangkero ang isa sa tauhan ni Kuya Miguel at sya ang tumawag sa Presidente."

Paliwanag ni Belen.

Namangha si Gen. Malvar ng marinig nyang tawagin ni Belen na Kuya si Don Miguel.

'Hindi ko akalain na close pala ang pamilyang ito kay Don Miguel!'

*****

Sinag Island.

"Take a closer look Prince and tell me who he is!"

Sabi ni Kate habang bitbit si Prince Tobias sa bintana.

Mula duon kita nila ang isang anino na papunta kung saan naroon sila.

"Who is he? I don't him!"

"Come here, I show you!"

Pinakita ni Kate ang mukha ng lalaking nakunan ng picture mula sa isang secret camera na nasa sasakyan nya.

"Oh my!"

Kita ang takot sa mukha ng Prinsipe ng mamukhaan mula sa tablet na gamit ni Kate ang mukha ni Arik.

"Do you know who he is?"

Tanong ni Kate habang nakaalerto naman sila Roger at Mel sa pinto.

Pakiramdam nila anytime papasok na lang ang lalaki sa pinto.

Pero ng mga oras na iyon naghahanap pa ng ibang madadaanan si Arik.

"Yes I know him! He's Arik, a professional assassin!"

Nangangatog na sagot ni Prince Tobias.

"So, now do you believe me that your life is in danger?"

Yes! Please save me! Please! Please! Please!"

Umiiyak na pakiusap ng Prinsipe.

Kilala nya ang taong ito, wala itong sinasanto at walang awa kung pumatay. Para sa kanya ang lahat ay trabaho lang.

"Now, listen! We will save you but you need to trust me!"

Dinala sya ni Kate sa isang secret cabinet.

"This chamber will help you get out of this place!"

Ipinasok sya ni Kate sa loob ng isang chamber tube at mabilis na inilagay ang mga belt sa katawan at helmet sa ulo nito.

Matagal ng andito ang chamber tube na ito dahil plano nyang isang araw patulugin ang Prinsipe at isakay dito. Kung di nga lang sya pinigilan ni Don Miguel.

"What? What will I do?"

"Nothing! Just stay here and don't be scared! A submarine will catch you on the boarder and they will bring you out of this country! They are already there, waiting!

Look Prince, don't be scared, everything will be okey!"

Tumango tango lang ang Prinsipe, hindi makapagisip dahil sa sobrang kaba.

"Wait! How can I open this?"

Tarantang tanong ni Prince Tobias.

"You can not! I am the only one who can open it! Don't worry it's bullet proof! And you will not get hungry!"

"????"

"Goodbye Prince!"

"Thank you Kate!"

At isinara na nito ang chamber.

Pero nasa kamay pa ni Prince Tobias ang tablet kung saan nya nakita ang mukha ni Arik.

Sa mga oras nasa harapan na ng pinto si Arik. Wala syang makitang ibang way na pwedeng pasukan kaya wala syang choice kundi ang biglang pagpasok tapos ay barilin agad si Prince Tobias.

'I wish they will not interfere because I will not hesitate to shoot them too!'

BLAG!

Bigla nyang sinipa ang pinto na ikagulat ng tatlo.

Pagbukas ng pinto pinaputukan nya agad si Roger.

PSSHOONG!

Napagkamalan nya itong si Tobias dahil pareho sila ng tindig at nakatalikod pa ito sa pinto.

Saka pamilyar na sya kila Mel at Kate kaya inassume nyang ang ikatlo ay si Prince Tobias.

Mabuti na lang at mabilis magisip si Kate at inihagis ang dala nyang bag kaya hindi napuruhan si Roger, sa tagiliran ito tinamaan.

Dahil sa inis, agad namang itinutok ni Arik ang baril kay Kate at ipinutok ito.

PSHHOONG!

Next chapter