116 Jelling Si Mel

Kahit papaano, nakahinga ng maluwag ang lahat.

Kinabukasan din inuwi na ni Mel si Kate sa bahay nila sa bulakan at syempre, sabit si Ethan.

Walang magawa si Mel dahil ito ang gusto ni Kate.

Okey lang naman sa kanya na sumabit si Ethan, kasya pa naman ang isa sa bahay kaya lang ang problema ni Mel, pakiramdam nya masyadong malapit si Ethan kay Kate.

Mas madalas si Ethan ang tinatanong nito, eh andito lang naman sya.

Madalas din nyang inaala si Ethan na para bang sila lang kung minsan ang tao.

Pakiramdam tuloy ni Mel hindi pa umaalis ang huwisyo nitong dalawa sa isla, feeling nila nasa isla pa sila.

In short naiitswapwera na si Mel at nagseselos na sya.

Maging sa pagtulog ayaw din ni Kate na maalis sa paningin nya si Ethan kaya sa ibaba ng kama nya ito natutulog at si Mel ... sa sofa sa loob ng silid natutulog.

Hindi nya hahayaan iwan si Ethan sa silid kasama ang asawa nya. Kaya kahit na may isa pang silid, dito pa rin sya sa master bedroom natutulog, sa may sofa nga lang.

'Alangyang lalaking ito, nakakarami na!'

'Asuuus! Kung makangiti, wagas!'

Nagngingitngit sa selos si Mel habang pinanonood nya ang asawa na nakikipag kwentuhan kay Ethan.

'Makausap na nga si Sissy para mapadeport na nya 'tong mokong na 'to! Hmp!'

'Hmp! Wala akong pakialam kung mala adonis ka at may abs! Hindi ko pa rin gusto na ikaw ang nilalapitan ni WifeyLabs ko!'

'Makausap na nga si Sissy para mapadeport na nya 'tong mokong na 'to! Hmp!'

Kinabukasan.

Naka received ng tawag si Mel mula kay AJ, badly needed daw sya sa Tambayan Restaurant.

Nakabalik na kasi si AJ sa winery nya sa Cebu at si Frankie naman na kasalukuyang manager ng restaurant ay hindi pa nakakabalik mula sa bakasyon, kaya walang choice si Mel kundi ang pumunta ng Tambayan.

Pero anong gagawin nya? Ayaw nyang iwan si Kate kay Ethan.

"Uhm, WifeyLabs, kailangan ko kasing magpunta ng Tambayan ..."

"Tam.. ba ... yan?"

Naputol ang sasabihin ni Mel ng biglang nagsalita si Kate, nagtatanong.

Ramdam kasi ni Kate na mahalaga sa kanya ang sinasabi ni Mel.

"Oo, WifeyLabs, Tambayan, Tambayan Restaurant! Ikaw kaya nagpangalan nun! Hehe!"

"Restaurant yung Tambayan?"

Singit ni Ethan habang busy na kumakain.

Nasa lamesa kasi sila nagaalmusal ng mga sandaling yun.

Napataas ang kilay ni Mel ng sumingit si Ethan.

"Nakabalik na kasi ng Cebu si AJ Dude at si Frankie naman ay nasa Australia pa. Duon kasi sila nagpakasal ng asawa nya.

May problema daw sa Tambayan kaya kailangan kong magpunta."

Pagpapatuloy ni Mel.

"Sasama ko!"

"Huh?"

"Huh?"

Nagulat pareho ang dalawang lalaki sa sinabi ni Kate.

"Gusto mong sumama sa Tambayan?"

Natuwa si Mel pero iniisip nito ang kalagayan ni Kate. Mag aanim na buwan na syang buntis at napakalaki ng tyan nya!

Pagtinitingnan nya si Kate sa kalagayan nito, sya ang nahihirapan.

'Hindi ba sya nabibigatan?'

"Elise, sigurado ka sasama ka?"

Nagaalalang tanong din ni Ethan.

"Oo, sasama ko!"

"Okey sige mabuti ngang sumama ka. Tinawagan ko si Sissy Eunice, pupunta daw sya. Hindi kayo nagkita kasi dinala ka agad namin sa ospital at masyadong busy yun kaya hindi nakasunod. Tyak na matutuwa si Sissy pag nagkita kayo!"

"Sino?"

Nalilitong tanong ni Kate.

Si Eunice Perdigoñez, pinsan mo! Best friend ko sya since highschool kaya Sissy tawag ko sa kanya!"

Pero blanko pa rin ang itsura ni Kate.

*****

Tambayan Restaurant.

Sa likod usually dumadaan si Mel kapag nagpupunta dito pero dahil sa kalagayan nyang nakasaklay, mas mainam kung sa harap sila dumaan.

"Gusto kong magkape!"

Biglang bulalas ni Kate na ikinagulat ng dalawang lalaki sabay tingin sa direksyon ng coffee shop na nasa harapan.

'Tila may naalala itong si WifeyLabs ng makita nya ang coffee shop!'

Ang coffee shop kasi ay isa sa sikat na branch ng Ysay Cafe.

"Sige, buti pa punta na muna tayo dun sa coffee shop."

Nakangiting sabi ni Mel

Pero...

"Hindi Melabs, kami na lang ni Ethan ang pupunta ng coffee shop. Tumuloy ka na sa loob, susunod na lang kami!"

Sabay hila kay Ethan.

"Oy teka sandali! Naman! Haaay kainis!"

"WifeyLabs bili mo rin ako kape!"

Sigaw ni Mel pero hindi sya nilingon ni Kate. Nakahawak ito sa braso ni Ethan habang tumatawid papuntang coffee shop.

Napakamot na lang ng ulo si Mel at pumasok na sa loob ng Tambayan.

"Guard, pagdating nung asawa ko at yung kasama nya, pahatid mo sa opisina ko!"

Bilin ni Mel.

"Yes Sir!"

Sagot ng guard kahit na nagtataka dahil ang alam nya, patay na ang asawa nito.

Pero nakita nya ng lumabas ito ng sasakyan na may kasamang. bumaba at nagpunta ng coffee shop.

"Marahil sila yung tinutukoy ni Sir Mel."

Sa coffee shop.

Nakatingin si Kate sa itaas, binabasa ang mga flavor ng kape habang nakapila. Hindi sya makapili sa dami ng nakikita nya.

Pero pagdating nya sa unahan...

"Magandang araw Mam Kate, what's your order po?"

Agad naman sinabi ni Kate ang order nya na parang usual na nyang ginagawa. Pati order ni Mel nasabi rin nya.

Napatanga naman si Ethan habang nagsasalita si Kate.

'Ang galing nyang magsalita! Nakakainlab!'

Pero ng babayaran na ni Kate ang inorder, naalala nyang wala nga pala syang dalang pera.

"Naku, teka lang Miss .... wala pala akong dalang pera!"

Sabay tingin nito kay Ethan na nagtataka bakit sya tinitingnan.

"Wala din akong pera! Bakit kasi hindi mo na lang hinayaan na sumama sa atin si Melabs kanina?"

Tanong ni Ethan.

Napatingin na lang si Kate sa direksyon ng Tambayan.

Hindi nya masabi kay Ethan na nahihiya sya kay Mel kaya nya ginawa iyon. Umiiwas sya.

"Naku Mam Kate, okey na po! Bayad na po ang order nyo!"

"Ha? Paanong ...?"

"Tumawag po si Sir Mel charge ko daw po sa account nya!"

Muling napatingin si Kate sa direksyon ng Tambayan.

'Ang thoughtful nya!'

Nangiti si Kate habang iniisip ito.

Nahihiya sya kay Mel sa sobrang kabaitan nito.

Nagulat naman si Ethan ng makita na biglang namula si Kate.

'Gosh! She's soooo beautiful!'

'She's a goddess!'

'Wooooh! Wait a minute! Am I liking her or am I starting to love her?'

avataravatar
Next chapter