86 Kaya Pala!

Samantala.

Nakauwi na rin si Jaime kasama ang asawang si Nadine.

Pinagtulakan kasi si Nadine ng mga anak nya lalo na ni James na halos maya't maya kung hambalusin nya ng sapatos dahil sa ginagawa nitong pagbabalewala kay Vicky.

"Pag binalewala ka pa ng anak ko sabihin mo sa akin agad ha at ng mahambalos ko yan!"

Ito ang utos ni Nadine kay Vicky bago ito umalis na ikinatuwa naman ni Vicky.

Na touch sya dahil kakampi nya ang byenan nyang hilaw.

Pero hindi nagpaiwan si Khim at sumama na rin pauwi. Na mimiss na nya ang Mommy nya at wala itong oras pag andito sa Sinag dahil laging na lang na kay Karlos ito.

Subalit hindi nya inaasahan na si Karla, ang kakambal ni Karlos, naman ang magiging karibal nya sa atensyon ng Mommy nya.

Sinundo ito agad ni Jaime sa bahay nila Joel at sumama naman agad ang bata.

"Hi po Loloy san po tayo pupunta?"

"Iuuwi na kita pero pwede bang baguhin mo naman ang tawag sa akin, apo!"

"Ay ayaw ko po! Sabi po ni Lolo Groovy yan daw po ang bagay na tawag ko po sa inyo!"

Ang tinutukoy nitong Lolo Groovy ay si Joel.

'Haaay bakit ba ang hirap kausap ng mga babae sa pamilya ko?'

Naluha si Nadine ng makita ang apong si Karla for the first time at muli, gusto nyang bumalik ng Sinag para hambalusin si James.

"Loley, your so verrry pretty po! Pero bakit po hindi po kita kamukha?"

Gustong maluha ni Nadine sa tanong ng apo.

'Josme, paano ko ba ipapaliwanag ito sa bata?'

'Sino ba naman kasi yung naanakan ng anak ko at tila walang pakialam sa mga batang 'to?'

"Oh, ang apo ko! Kahit naman di kita kamukha, your also pretty naman!"

"At saka, ako ang kamukha ng Mommy ko!"

Sabat ni Khim na may halong pangiinis.

Tiningnan ni Karla ang mukha ni Nadine tapos ay ni Khim.

Napamulaga ito.

"Ay, bakit po pareho face nyo?"

"Eh, kasi, Mommy ko syah. Di mo naman sya Mommy kaya dimo syah kamukha ka!"

Pangiinis na naman ni Khim.

Para itong bata sa ikinikilos nya.

"Eh, bakit hindi ka po pretty kagaya ni Loley?"

"Oy, pretty ako! Kamukha ko nga Mommy ko! Kaya pretty din ako! Nuh!"

"Hindi ka po pretty! Si Loley po ang pretty at saka ... si Mama Kate ang pretty! Ikaw po hindi!"

"Naman eh! Kainis ka! Ang bata bata mo pa ang galing mo ng manginis dyan!"

"Hahahaha!"

Napasibangot tuloy si Khim.

"Sino po ba kasing kamukha ni Ate Kate bat nuknukan sya ng ganda?"

"Khim you're also beautiful like your Ate Kate."

Sabi ni Nadine kahit alam nyang mas maganda talaga si Kate. Alangan namang hindi nya sabihing maganda si Khim eh, kamukha nga nya.

"Yung mata ni Kate sa Mommy mo, yung face nya kay Lola Fe at yung tindig nya at buong mannerism nya pati pagsasalita, sa Mama ko!"

Sagot ni Jaime.

This is the first time na marinig ito ni Nadine.

'Kaya pala paborito nya si Kate dahil naalala nya si Lola Fe at ang Mama nya sa kanya.'

'No wonder hindi makapasa si Melabs sa kanya, because for him, there is no perfect guy for Kate.'

'Dahilan nya lang ang lahat because the truth, ayaw nyang mawala si Kate sa poder nya gaya ng Mama nya at ni Lola Fe.'

Alam ni Nadine na nagseselos itong si Khim sa pagdating ng mga pamangkin nya sa buhay nila. Kaya may naisip itong paraan para hindi na ito magtampo at maging responsable na rin.

The last time kasi na nagtantrum si Khim, hindi nagustuhan ni Kate at napalo sya ng ate nya.

Nagalit si Nadine kay Kate sa ginawa nya pero nagulat sya sa sinagot ni Kate.

"Naging bunso rin po ako for 16 years but I never been a spoiled brat like her! Baka po pag sinanay nyo sya maging katulad sya ni Tita Ninang at malamang ikapahamak nya ulit ang katigasan ng ulo nya!"

At that moment duon na realize ni Nadine na naiispoiled na nga nya ng sobra si Khim. Kung nagmatigas sya at hindi nagpadala sa kagustuhan ng anak, hindi sya makikidnap in the first place. Masasabing kasalanan nya rin ang nangyari.

'Kailangan may gawin na ako bago mahuli ang lahat!'

"Khim, since ikaw ang mas matanda, ikaw ang magaalaga dito kay Karla. Mula ngayong ikaw ang in charge. Maliwanag?"

"Po? Bakit po ako?"

"Para maging responsable ka! You need to grow up!"

"Andaya naman! Ayoko po!"

"Nope! Pagsinabi ko sinabi and that's final!"

"Daddy...?"

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan at wala akong magagawa pag sinabi ng Mommy mo!"

Muling napasibangot si Khim.

"Okey lang Mommy Khim kung ayaw mo po akong alagaan ako na lang po mag aalaga sa'yo! Big girl na kaya ako!"

Sabi ni Karla na biglang inakap si Khim.

"Oohhhh!"

Sa matagal na panahon, muling napuno ng kulitan at tawanan ang bahay na iyon.

Wala silang kamalay malay na sa mga oras na iyon ay inilatag na ang complaint laban kay Jaime.

Sya ang itinuturong ulo ng sindikato at ang may gawa nito ay si Gen. Pasahuay.

*****

Habang nangyayari ang lahat ng ito si Mel at Kate naman ay busy sa pagaaral sa bagong negosyo na gusto nilang itayo.

Ang Secret Haven SPA

Si Mel ang may idea nito matapos nyang malaman ang ginawa ni James sa kanya sa OR.

Lahat ng gagamiting product sa SPA ay sila ang magpoproduce. Ito ang naisip nilang magandang paraan para ma share nila ang biyaya ng talon sa iba.

Pero two weeks na hindi pa nila nabubuo ang feasibility study ng negosyo kaya nakialam na si Nadine. Yan din ang isa sa mga dahilan kaya napauwi ng mas maaga si Nadine.

Busy kasi si Kate sa pag rerenovate ng Secret dahil duon na nya iuuwi si Mel para madali itong makarecover.

Paralyzed kasi ang katawan nito at hindi na makalakad dahil tinamaan ang spinal cord nya.

Pero ganito din ang kaso ni Prince Tobias, mas malala pa nga ang sa Prinsipe pero muling nabuo ang mga organs at mga nerves pati buto na nawasak. Nakarecover ito at nakatayo muli kaya alam nyang may pag asa pa si Mel.

'May pag asa pang makapag dessert! Hehe!'

Pagkatapos ng press conference ng presidente unti unti ng nakakalimutan ng lahat ang tungkol sa Prinsipe at sa Sinag. Lahat naka move on na maliban kay VP Sales.

Hindi nya matanggap na wala syang mapapala sa nangyari.

"Hindi maari ito! Ang laki ng nilabas kong pera, kaya kailangan maibalik ko yun!"

Pero mas lalo syang hindi naka recover ng magsalita na si Wesley at sya ang itinuturo na nagutos sa kanya.

Kaya sa isang iglap bumaba ang popularity ni VP Sales at malamang hindi na ito makatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

avataravatar
Next chapter