87 Something Happen To Dad!

"Divina, naka file na ang retirement ko at malapit na ito. Plano kong iwan sa inyong mag ina ang bahay na 'to."

Sabi ni Jaime.

Matagal na nyang pinagisipan ang bagay na ito at alam nyang mas makakabuting pag alis nya, iwan na nya ng tuluyan ang lahat kabilang na ang bahay na ito. Tutal kinuha lang naman nya ito para may mapagpahingahan sya.

"Pero Sir Jaime ..."

"Huwag kang mag aalala, Divina, nag usap na kami ng fiancé ni Diane mas makakabuting dito kayo mag stay, pagkatapos ng kasal, mas safe. Kaya sa inyo ko na iiwan ito kesa naman sa iba ito mapunta."

Isang government employee ang mapapangasawa ni Diane pero sundalo ang lolo nito at may sarili ding bahay sa loob ng kampo.

Natahimik si Divina, hindi alam kung ano ang isasagot dahil hindi nya alam kung matutuwa sya o hindi.

'Napakalaking responsibilidad itong bahay na ito, makakaya kaya namin ito?'

"Bakit Divina, may problema ba? Ayaw mo ba dito sa bahay?"

"Hindi naman po sa ayaw Sir, kaya lang ang laki po ng bahay, saan po ako kukuha ng gagastusin namin, pambayad ng kuryente tubig at iba pa?"

"Huwag kang magalala, dahil ikaw ang gagawin kong manager sa mga paupahan kong apartment."

Apat ang paupahan ni Jaime na may tig aanim na pinto bawat isa na namana nya sa Lola Fe nya. Simula pa ng una ay si Divina na ang tagasingil nya sa mga ito.

Nangiti na si Divina. Akala nya tuluyan na syang mawawalan ng income.

Maya maya sumeryoso si Jaime.

"Divina, yung tungkol sa nang..."

"SIR!"

Tiningnan sya bigla ni Divina na parang may gustong sabihin. Sumesenyas ang mga mata nito.

Tumango si Jaime bilang pagtugon.

Naintindihan nito ang ibig sabihin ni Divina, hindi safe na magusap dahil may nakikinig.

'Mukhang pinasok ng mga gunggong na yun ang bahay ko!'

"Sir Jaime, malaki po ang utang na loob ko sa inyo. Buhay naming mag ina ang sinagip nyo kaya huwag na po kayong magalala, naintindihan ko po. Alam kong kailangan kayo ng pamilya nyo ngayon."

"Salamat Divina, sa lahat."

Ang tinutukoy ni Jaime ay ang minsan may mangyari sa kanila.

Minsan kasing naaya itong makipaginuman ng mga tauhan nya at may naglagay ng gamot sa iniinom nyang alak. Si Tess.

Nagulat na lang sya ng bigla itong dumating sa kung saan sila nagiinuman.

Alam na agad nyang may masamang balak ito sa kanya kaya nilayasan nya agad ang mga ito at umuwi.

Pinilit nyang labanan ang epekto ng gamot kahit nahihirapan na sya. Nagbabad sya sa pool pero nasundan sya ni Tess.

"Asan si Jaime?"

Nadinig nyang tanong nito kay Divina.

"Wala nga po dito, ang kulit nyo naman! Baka umuwi sa kanila!"

Dinig nyang sagot ni Divina.

Nasa likod ang pool kaya hindi sya kita ni Tess.

"Jaime! Jaime! Asan ka?"

Pilit syang pumasok sa bahay pero binakuran sya ni Divina at Diane.

"Ms. Tess, tresspassing na po ang ginagawa nyo at nakakabulahaw na po kayo! Wala nga dito si Sir Jaime! Pwede ba umuwi na kayo!"

"Huwag nyo akong pinagloloko! Nakita ko sa kanto ang kotse nya!"

"Mam, baka naman po may pinuntahang iba! Kung umuwi na po yun dapat nakaparada na ang sasakyan nya dito sa garahe hindi sa kung saan nyo nakita! Kaya umalis na po kayo at duon kayo maghanap!"

Pinag tulakan ng magina palabas si Tess kaya wala itong nagawa.

Nagsusumigaw man si Tess hindi na ito maka pasok dahil mataas ang pader ni Jaime. Sinadya ni Jaime na taasan ito para sa nga makukulit na tulad ni Tess.

'Teka, baka naman nasa kotse pa si Jaime?'

Sa lakas ng ibinigay ko sa kanyang gayuma bukas pa yun mawawalan ng bisa!'

'Malamang..... '

Nagmamadali itong bumalik sa kotse ni Jaime.

Pinatulog na Divina si Diane saka ito tumawag sa gate para alamin kung dumating nga si Jaime.

"Yes Mam, nakita na po naming pumasok ang sasakyan nya!"

"Pero nasan sya? Wala pa sya dito?"

Hinanap ni Divina si Jaime at nakita nya ito sa pool. Nakadapa.

"Sir!"

Natakot sya, akala nya patay na si Jaime. Pero pulang pula ito ng angatin nya ang mukha.

Tinulungan nya itong umakyat sa silid nya at dinala sa banyo para mahimasmasan subalit...

Bigla sya nitong hinila at hinalikan.

Nagulat si Divina pero hindi ito nanlaban. Hinayaan nya si Jaime na gamitin sya para maalis ang init ng katawan nya.

Kinabukasan na realize ni Jaime ang ginawa nya.

Wala na si Divina sa silid nya pero pagbaba nito, binati sya ng buong pag galang gaya ng dati.

"Divina...."

"Sir, magalmusal na po kayo. Huwag nyo na pong alalahanin iyon at tapos na yun."

Hindi ito galit.

"Divina, humihingi ako ng tawad."

"Sir, hindi po ako galit. Alam ko pong wala kayo sa katinuan kagabi. Kaya huwag nyo na pong sisihin ang sarili nyo dahil ginusto ko rin po kayong tulungan. Kaya sana po kalimutan na natin ang nangyari."

Yun ang huling usapan nila tungkol sa nangyari at ngayon na lang inulit ni Jaime.

At mula noon nagingat na sya, pagdumating si Tess, umaalis na agad sya o kung minsan ay hindi na sya nakikipag inuman sa nga ito.

Aminado si Jaime na may mga babae syang pinapatulan pero alam nya kung ginagamit lang sya kagaya ni Tess.

"Salamat Divina."

TOK! TOK! TOK!

"Gen. Santiago, alam naming andyan ka! Buksan mo ang pinto!"

"Sir Jaime may mga naghahanap po sa inyo!"

Kinabahan si Jaime. Hindi nya gusto itong nararamdaman nya.

'Boses ni Gen. Pasahuay yun!'

"Divina, tawagan mo si Gen. Malvar, sabihin mo ang nangyayari!"

BLAG! BLAG! BLAG!

"GEN. JAIME SANTIAGO! BUKSAN MO ANG PINTO!"

"Sandali lang!"

"Ano ba Gen. Santiago? Huwag mo kaming paghintayin! Bilisan mo!"

"Bakit ba? Ano bang problema nyo?"

Tanong ni Jaime pag bukas nito ng gate.

"Gen. Santiago, you are under arrest! Sumama ka ng maayos sa amin!"

Sabi ni Gen. Pasahuay habang pinoposasan sya ng isa pang sundalo.

Tahimik na sumama si Jaime.

Samantala sa Sinag Island

Bigla namang nahiwa ni Kate ang daliri nya.

"Ahh!"

Kinabahan sya.

"Dad!"

Agad nitong tinawagan ang Mommy nya.

"Mom, something happen to Dad!"

avataravatar
Next chapter