93 Iba Ang Plano Ng Tadhana

"Mom, I'll be coming home po tomorrow para maka attend ako sa soft opening ng SPA."

Sabi ni Kate habang nagvivideo chat sila ng Mommy nya.

Gulat si Nadine. Ang alam nya sa next week pa ang grand opening at yun ang usapan nilang pupunta sya.

"Ha? Paano si Melabs? Sinong magbabantay sa kanya? Pumayag ba sya?"

Napa rolled eyes si Kate.

'Grabe yong Mommy ko, Melabs na din ang tawag sa asawa ko!'

"Okey lang po sa akin Mommy Pretty na mawala saglit si WifeyLabs. Kaya ko na naman po maigalaw ang hands ko, saka hospital po ako magstay!"

Sabat ni Mel.

Pero hindi yun ang totoong inaalala ni Nadine

Nasa gitna ng kontrobersyal ang Daddy nya tapos umeeksena pa si Tess. Tyak na alam na ito ni Kate ang tungkol dito pero nagaalala sya baka magkapikunan ang mag ama.

At hindi lang yun, dadalo ang dating ex girlfriend ng Daddy nya sa gaganaping soft opening ng bagong business nya. Ewan ba ni Nadine pero kinakabahan sya.

Malakas kasi ang pakiramdam ni Kate.

Hindi kilala ni Kate si Eleanor pero hindi maalis ang kaba ni Nadine simula ng makita nya si Eleanor.

Apektado sya simula ng makita nya ito.

Walang alam ang family nya sa pinagdaanan nila ni Jaime nuon bago sila naging sila. At ngayon simula ng makita nya si Eleanor, pakiramdam nya nagbabalik ang nakaraan sa kanila.

Napatingin si Nadine sa kay Jaime na nakikipaglaro sa apo nya.

'Alam na kaya nya na andito na si Eleanor?'

"MOM!"

Nagulat si Nadine.

"Ha? Bakit ano ba yun?"

"Mom ano po bang iniisip nyo? Bakit po kayo tulala?"

"Ha? Hindi ah!"

Hindi na kinulit ni Kate ang ina pero halata pa rin ang pagka balisa nito.

Ito ang unang beses na makita nyang ganito ang ina. Lagi itong kalma at may presence of mind.

'Hindi kaya naapektuhan na sya sa issue ni Daddy?'

Nagaalala tuloy si Kate at mas lalo ang pagnanasa nyang makauwi agad para madamayan ang ina.

*****

Ang hindi alam ni Nadine napapansin na rin sya ni Jaime. At alam nito na dalawa lang ang tao ang makakaapekto kay Nadine.

Una ang kanyang inang si Nelda at pangalawa ay si .....

'Ellie!'

'Hindi kaya nagkita na sila?'

Kinabahan si Jaime. Sinadya nyang ilihim ito dahil alam nyang magkakaganito ang asawa.

Nuon pa man lagi na kasing nakakaramdam ng guilty feeling si Nadine.

Kinagabihan nagpasya ng magkausap si Jaime.

"Ling pwede ba tayong magusap?"

"Kung tungkol ito sa babae mo wala akong pakialam!"

Ang tinutukoy ni Nadine ay si Tess.

"Hindi ito tungkol kay Tess at wala rin akong pakialam sa pinagsasabi nya! Alam ko namang gumagawa lang ng paraan yun para pansinin ko sya.

Tungkol ito kay Ellie..."

Napatigil si Nadine sa ginagawa nya. Hindi sya nakaimik at pinipigilan ang panginginig ng mga kamay.

"Just want you to know na nagkita kami sa isang flower shop. She's buying flowers for her mother."

Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ni Nadine ng madinig ang huling sinabi ng asawa.

Bukod kasi sa na nagiguilty sya dahil nag break si Jaime at Eleanor, nagiguilty rin sya dahil namatay ang ina nito matapos silang magbreak.

"'Ling are you okey? Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo? Hindi mo kasalanan ito, alam mo yun! So please ...."

Inakap sya ni Jaime at hindi nya ito binibitiwan hangga't hindi sya kumakalma.

"It is my choice! Kung meron mang dapat sisihin ako yun! Saka, nagkaron naman kami ng maayos na closure ni Ellie at ng Mommy nya."

"Natatakot kasi ako na baka malaman ng mga anak mo!"

Naiiyak na sabi ni Nadine.

"Ah, kaya pala ganun na lang kung gulpihin mo si James ng malaman mong binalewala nito si Vicky!"

Nangiti si Jaime ng maalala nya iyon.

"Huwag kang magalala sa mga anak mo, they are your kids! Takot lang nilang mapalo! Hehe!"

Natawa na rin si Nadine.

"Bukas daw uuwi si Kate. Huwag mo syang aawayin!"

"Promise! I'll behave!"

Kahit nag promise ito, duda pa rin si Nadine. Kaya plano sana nyang duon muna sa resort si Kate mag stay. But Eleanor is there.

"Jaime, meron kang dapat malaman. Nasa resort namin nagiistay si Eleanor dun sa mismong resort kung saan nakatayo ang SPA at isa sya sa VIP na nagpalista na attend ng soft opening. Kinakabahan ako, baka magkausap sila ni Kate."

"Anong ikinakakaba mo?"

"Ang malaman ni Kate na ex girlfriend mo sya!"

"Sa tingin mo ba wala pang alam si Kate? Naikwento na ata ng Papa ang buong buhay ko sa kanya!"

"Pero Jaime, hindi alam ni Papa Gene na naging engaged ka sa exgirlfriend mo! Tayo lang ang nakaka alam nito!"

"Gusto mo bang kausapin mo si Kate?"

"Ayoko nga! Baka mamya dyan mauwi na naman sa away yang paguusap nyo!"

"Edi sumama ka para hindi kami magaway! Mas maganda naman yung sa atin nya malaman kesa sa iba!"

May point si Jaime, kaya pumayag na rin si Nadine.

Pero iba ang plano ng tadhana.

*****

Maaga pa lang nasa resort na si Kate at ang una nyang nakasalubong sa lobby ay si Eleanor.

Maaga itong gumising para mag jogging at pabalik na ito ng room nya ng makasalubong sya ni Kate.

"Ooops! I'm sorry po!"

Agad sabi ni Kate.

Bukod kasi sa bag ng damit nya, dala nya rin ang mga products na kakailanganin sa soft opening ng SPA.

"Oh, it's okey! Nasaktan ba kita?"

"Hindi naman po! Saka kasalanan ko po kung bakit ko kayo nabangga! Sorry po ulet!"

"Naku ang dami mo namang sorry, okey naman ako, hindi naman ako nasaktan. Halika tulungan na kita. Saan ka ba pupunta? Mag che checkin ka ba?"

"Po?"

"Hindi na nakatanggi si Kate dahil binitbit na nito ang isang bag na naglalaman ng mga products.

"Mam Kate good morning po! Amina po ako na po ang magdadala ng mga yan! Saan ko po ba sya itutuloy?"

Sinalubong sya ng isang receptionist.

"Paki diretso sa SPA, ako ng magaayos mamya!"

"Oh, ikaw ang owner ng SPA na bubuksan bukas?"

"Yes po Mam, ako po at ang asawa ko! If you want po Mam isasama ko po kayo sa list sa opening tomorrow."

"Ay no need, nakalista na ako!"

Natuwa si Kate ng madinig ito.

"By the way po Mam, my name is Kate. May I know your name po?"

"Eleanor... but you can call me Elise or Ellie! Hehe!"

"Mam Elise pwede ko po ba kayong ma invite mag coffee?"

"Okey why not if you take away the 'Mam'! Medyo nakakailang eh!"

"Uhm can I call you po Tita Elise?"

"That's more nice! I'll take a quick shower first tapos magkita na lang tayo sa coffee shop!"

"Yes po!"

Hindi maintindihan ni Kate pero magaan ang loob nya sa babaeng ito.

At si Eleanor, hindi nya rin maintindihan kung bakit pamilyar ang aura ni Kate sa kanya.

*****

Samantala.

Pagising ng netizen, bumalandra ang lahat ng katibayan ng mga kasinungalingan ni Tess.

At kagagawan ito ni Kate.

avataravatar
Next chapter