92 Hindi Nya Akalain

"Hi Mam Eleanor, thank you po again for coming to our cafe!"

"Your welcome!"

"Uhm, Mam Eleanor, dahil po sa isa kayo sa VIP customer namin, iniimbitahan po naman kayo sa gaganaping opening ng bago naming SPA."

"Oh, my SPA na kayo rito sa resort? And when is this?"

"Yes po Mam and three days from now po ang soft opening, exclusively lang po ito para sa mga special VIP customers po ng resort kagaya nyo! And we are offering this for free on that day po!"

"Wow that is nice! Possible ba if I bring someone with me?"

"Yes po Mam, pwede po kayong magsama ng plus one pero may bayad po ang plus one at kailangan nyo pong sabihin ng mas maaga para po mapasama sya sa bilang. Ilalagay ko na po ba ang name nyo Mam Eleanor?"

"Why not! Count me in! Wala naman akong gagawin sa araw na iyon."

"May plus one po ba kayo Mam?"

"Well I'm not yet sure, hoping! Hehe!"

*****

Si Eleanor Advinqulla ay ang unang pagibig ni Jaime. Ellie kung tawagin nya ito, pero Elise talaga ang palayaw nito.

Sya ang unang babaeng pinangakuan nya ng kasal.

Dating sundalo si Eleanor. Sabay silang pumasok sa PMA ni Jaime.

Unang beses pa lang sya nakita ni Jaime, nainlove na ito sa kanya.

Niligawan sya agad ni Jaime, at kinalaunan sinagot naman nya rin ito.

Pursigido kasi si Jaime at mabait pa. Maging ang ina ni Eleanor boto sa kanya.

Masayahing tao si Elise, puno ng buhay ang aura nito at hindi natatakot sabihin ang saloobin in a nice way.

Parang ang Lola Fe nya. Kaya madaling minahal ni Jaime si Eleanor.

Akala ni Jaime si Eleanor na ang babaeng makakasama nya habang buhay, katulad ng kanyang ama na nakapangasawa din ng sundalo. Ang kanyang inang si Major Janine.

Pero nagbago ang lahat dahil sa di inaasahan pagkakataon, nagkita sila ni Nadine.

Engage na sila ni Elise at excited na syang ibalita ito sa pamilya nya.

Ang gusto nya ay makasal na sila agad, tutal nasa tamang edad na naman sila.

Pauwi na noon si Jaime ng San Roque para sabihin ang magandang balita.

Dumaan muna ito sa isang pastry shop para bumili ng pasalubong kay Lola Fe ng mapansin nya ang isang babae na sinusundan ng mga kahina hinalang babae.

Sa itsura ng babae para itong inosente, mahina at napaka daling lokohin. Hindi nga nya alam na sinusundan na pala sya.

Pagliko ng babae sa susunod na kalye, bigla syang nakadinig ng sigaw. Kaya patakbo nyang pinuntahan ito at duon na nga nya nakita si Nadine na pinagtutulungan ng mga lalaking ito.

Iniligtas nya si Nadine sa kapahamakan at sa sobrang takot nito, hindi na sya umalis sa tabi ni Jaime. Sinudan nya ito hangggang San Roque.

Simula nuon naramdaman na ni Jaime na kailangan sya ni Nadine at hinding hindi nya ito iiwan.

Kaya ng matuloy ang pagaaral ni Nadine sa abraod, sinundan agad sya ni Jaime.

Hindi alam ni Jaime na mahal na nya nuon si Nadine.

Magkaiba si Nadine at Eleanor.

Si Nadine ay mabait, inosente at maganda at napaka talino. Apat na taon ang agawat nila.

Laging iniisip ni Jaime na kailangan ako ni Nadine kung hindi, mapapahamak na naman ito katulad ng dati.

Malaki ang pagkakaiba nya kay Eleanor. She's cute and bubly, at matapang. Sundalo din kasi ang ama nito na namatay sa isang labanan.

Masayahin ito at positibo ang tingin sa buhay. Magkasing edad sila ni Jaime at alam ni Jaime na magkakasundo sila ni Nadine.

Pero hindi maintindihan ni Jaime kung bakit hindi nya magawang ipagtapat ang tungkol kay Nadine na para bang may itinatago sya.

Walang kamalay malay si Eleanor na may roon na palang ganuon pangyayari.

Malaki ang tiwala nya kay Jaime, alam nyang hindi sya nito lolokohin.

Naibalita na nya sa kanyang ina na engaged na sila ni Jaime at plano ng magpakasal agad. Masayang masaya ang kanyang ina.

Subalit, nagkamali sya.

Hindi inaasahan ni Eleanor na yung mga pagpunta punta ng nobyo nyang si Jaime na akala nya ay nasa Singapore lang sya yun pala nasa Australia na.

Well nung una dun talaga nagtungo si Nadine sa Singapore, hanggang sa maisipan nitong lumipat sa Australia para hindi sya masundan ng ama.

Kahit saan sya mapunta sinusundan sya ni Jaime.

Pero sa bandang huli, nakahalata na rin si Eleanor. Kinukutuban na rin kasi sya. Kaya nagpasya syang sundan ito kung saan man ito patungo.

At duon nya nakita sila Jaime at Nadine masayang masaya.

Natakot sya.

"Hindi! Para sa akin lang dapat ang mga ngiti mong yan!"

Umiiyak syang hinarap ang dalawa pero hindi sya hinayaan makalapit no Jaime kay Nadine.

Napuno ng takot si Nadine. Alam nyang wala silang ginagawa ni Jaime sinasamahan lang naman sya nito pero bakit feeling guilty sya?

Kilalala nya si Eleanor, alam nyang fiancé ito ni Jaime. Ipinagtapat na ni Jaime sa kanya ang lahat at may plano na nitong makipaghiwalay sa kasintahan para maging seryoso na ito sa panliligaw kay Nadine.

Pero naunahan na sila ng kutob ni Eleanor. Nabuko na sya.

"Kaya pala..."

Gigil na gigil sa galit si Eleanor. Agad syang inilayo ni Jaime kay Nadine.

Walang nagawa si Eleanor, gusto nyang saktan si Nadine pero hindi nya magawa dahil pinoprotektahan sya ni Jaime.

Galit na galit si Eleanor ng bumalik ito ng Pilipinas pero sumama si Jaime sa kanya.

Ito ang kundisyon ni Eleanor kay Jaime at pumayag naman sya para hindi na nito guluhin pa si Nadine.

At si Nadine, naiwang naghihimutok. Nagseselos sya kahit nung mga panahon na iyon wala pa syang karapatang magselos.

Pag uwi nila ng Pilipinas, agad syang sinuyo ni Jaime, pilit nitong ipinaliwanag ang sitwasyon at sinubukang nyang tapusin na ang lahat kay Eleanor.

Pero hindi pumayag si Eleanor. Hindi nya matanggap na gagawin yun sa kanya ni Jaime.

Ginawa nya ng lahat ng paraan para maibalik ang pagtingin ni Jaime sa kanya, pero HULI na pala sya. Nabihag na ng buo ni Nadine ang puso ni Jaime.

Si Nadine ng mga oras na iyon ay puno ng hinagpis. Pero hindi sya nagsalita, ni hindi lumaban.

Problema ito ni Jaime na dapat nyang solusyunan.

'At ano bang karapatan ko?'

Walang nakakaalam ng pinagdadaanan ni Nadine ng mga oras na iyon.

"Kung talagang para sa akin sya, maghihintay ako. Pero kung talagang hindi, kahit masakit, tatanggapin ko!"

Ani Nadine sa sarili kahit na punong puno ng pagseselos ito habang nakikita nya ang mga pictures nila sa isang apps sa internet.

Hanggang sa mapagod sa pakikipaglaban si Eleanor. Tinanggap nya ang pagkatalo nya at pinakawalan ng tuluyan ang kasintahang si Jaime.

*****

"Lester, sino yung kausap mo kanina?"

Tanong ni Nadine sa kanya.

Kinutuban kasi sya ng makita nya sa malayo ang babaeng kausap ni Lester.

Pamilyar ito sa kanya.

"Ay Madam, si Mam Eleanor Advinqulla po, isa sa VIP customer natin. Inalok ko po na umattend sa soft openinng ng SPA!"

Nangatog ang mga tuhod ni Nadine at namutla ito kaya sya napaupo sa isang malapit na silya.

'H-Hindi ko akalaing magkikita pa ulit kami!'

avataravatar
Next chapter