Hindi maintindihan ni Nadine ang mararamdaman.
'Gugustuhin ko bang mag retiro itong lalaking 'to?'
'Hindi kaya mas lalong pasakitin nito ang ulo ko?'
Pero wala naman syang magagawa dahil nasa retirement age na talaga si Jaime.
"Congrats Nadine, may bago kang sakit ng ulo! Pero bago mo isipin ang retirement Jaime, tapusin mo muna ito!"
Sabi ni Issay sabay bigay ng isang folder.
Napataas sng kilay ni Jaime.
"Ano po yan Nanay Issay?"
Curious na tanong ni Nadine.
"Yan ang nakalap na ebidensya ni Eunice sa sindikatong kumidnap kay Khim at hiniling nya sa akin na ibigay ko sa'yo Jaime!"
Sagot ni Issay.
Si Nadine naman ang napataas ang kilay.
"Bakit nya po sa inyo ibinigay at hindi sa akin o kay Jaime?"
Tanong ni Nadine.
"At nagtataka pa kayo eh pareho kayong can not be reach! Paguntugin ko kayong dalawa dyan eh!"
Mataray na sagot ni Issay.
"Nanay Issay kay Eunice po galing ito? Paano nya po ito nakuha?"
Nagtatakang tanong ni Jaime sa detalyadong ebidensya na nasa harap nya ngayon.
"Dahil dito. Nakuha nila sa mga sindikato pero hindi ipinaalam sa mga pulis."
At iniabot ni Issay ang laptop.
Hindi makapaniwala si Jaime. Akala nya matatapos ng ganun lang ang kaso ni Khim.
Wala syang nagawa ng isa isang nawawala ang mga ebidensya sa sindikato at pati ang mga nahuli nilang miyembro ay malaya na naman dahil nakapag pyansa.
Halatang malakas ang nasa likod ng sindikatong ito, pero ngayon, titiyakin nyang makukulong ang sino mang pinuno ng sindikato pati na ang mga nasa likod posisyon na nasa likod nito.
"Isa lang ang hiling ni Eunice, ang masugpo ng tuluyan ang sindikato. Magagawa mo ba yun Jaime?"
Hamon ni Issay.
"Opo Nanay Issay! Sisiguraduhin kong makukulong ang mga bwisit na yun!"
Galit na sabi ni Jaime.
"Pero .... walang tiwala si Eunice sa mga tauhan mo at nagkalat ang mga Piliin mo lang ang pagkatiwalaan mo!"
Sabi ni Issay.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
Naguguluhan tanong ni Jaime.
"Sa tingin mo ba hindi planted ang nangyari kay Angela, kung bakit sya napunta sa'yo?"
"Alam ni Eunice ang nangyari kay Angela?"
"Actually, alam ni Kate ang nangyari kay Angela tapos inimbestigahan nila ni Eunice."
Sa mga sundalong under ni Jaime si Major General Cinco lang ang alam nyang loyal sa kanya pero may kabagalan ito at madaling mabuyo kaya hindi mapagkatiwalaan ni Jaime.
Masasabing si Jaime ay biktima ng pulitika sa loob ng militar. Marami ang naiinggit dito dahil sa kanyang amang si Gene, kaya marami ang may gustong sirain ito pero wala sa kanilang nagtagumpay.
Kahit kasi retired na si Gene, malaki pa rin ang impluwensya nito at marami pa ring loyal dito.
"Ikaw kasi, masyadong malaki ang tiwala mo sa mga subordinates mo, akala mo siguro hindi ka nila tatraydurin!"
Inis na sabi ni Nadine.
Napaisip si Jaime.
'Masyadong malaki ang sindikato, paano ko ito mapapabagsak ng magisa?'
Mahirap man pero kailangan nyang gawin, hindi lang para sa anak nyang si Khim ngunit pati na rin kay Angela at sa mga iba pang kababaihan na nabiktima ng sindikatong iyon.
*****
Sa Sinag Island.
"Kate, nakarating na sa akin ang balitang gising na raw si Gene. Mabuti naman kung ganun!"
Sabi ni Miguel kay Kate.
Nasa video chat silang dalawa nagmemeeting.
"Uy, Lolo Miggy mukhang okey na rin po kayo, nakakaupo na po kayo eh!"
Pabirong sabi ni Kate.
"Eh, ano ngayon kung nakakaupo na ko? Anong gusto mong mangyari, ibalik sa akin ang pamamahala ng Sinag? Neknek mo!"
Sabi ni Don Miguel na may halong pangiinis.
"Ang taray nyo naman po ngayon Lolo Miggs, nabati ko lang naman po!"
Kambyo agad ni Kate.
"Mabuti naman, akala ko kukulitin mo na naman ako sa responsibilidad mo sa islang yan!"
Hindi na umimik si Kate dahil aminado syang nageenjoy na sya dito basta kasama ang asawang si Mel.
"Siguro naman panahon na para sentensyahan mo na yang mga lintek na yan. Masyado ng matagal ang tinatambay ng mga yan sa Sinag!
Ngayong gising na si Gene stop messing around and deal with those people!"
Utos ni Miguel.
Ang tinutukoy ni Don Miguel ay sila Dr. Gonzales and company. Hindi kasi sila agad pinalabas ng Isla dahil masusing nagimbestiga si Kate. At saka, pasaway si Dr. Santy, kung ano anong pinagsasabi at paninirang ginawa kay Dr. Gonzales para makaligtas sya.
Ang hindi alam ni Dr. Santy, alam na lahat ni Kate ang mga pinagsasabi nito. Hindi lang nya pinalabas muna ito sa isla dahil baka magingay sa labas, masira ng husto ang Sinag Island.
"Okey po Lolo Miggy sisintensyahan ko na po! Tapos na naman po akong magimbestiga."
Magalang na sagot ni Kate.
"Good! Pag natapos mo yan ng mas maaga padadalhan kita ng masarap na dessert. Balita ko nahihilig ka raw dito lately."
"Ay Lolo Miggy huwag na po, isang dessert lang po ang gusto ko at na kay HubbyMelabs ko po yun! Hehe!"
'Alangyang bata ito, iba pa lang dessert ang gusto!'
*****
Sa isang basement somewhere in Sinag Island, tinipon silang lahat.
Sila na mga pinatalsik mula sa IDS Hospital.
Karamihan sa kanila ay hindi pa alam na napatalsik na pala sila.
Kinabahan ang lahat ng magkita kita sila.
"Bakit kaya tayo pinatawag?"
Tanong ng isang med tech.
Isa ang taong ito na ipinuslit dito sa Sinag para magtrabaho.
Wala ang pangalan nya sa original master list na ipinagtataka ni Kate.
At hindi lang sya nagiisa, marami sila.
"Hindi ko nga alam, ang balita ko lang nag imbestiga daw yung Big Boss kaya tayo narito."
"Sino ba yung Big Boss, kilala nyo ba?"
"Ewan ko, wala pa namang nakakakita sa kanya sa atin, ang nadinig ko lang, pinagkakatiwalaan daw yun ni Don Miguel."
"Pero, ano nga kaya ang dahilan kung bakit tayo pinatawag at dinala dito? Kinakabahan ako, ayokong mawalan ng trabaho!"
"Wala ka namang ginagawang masama bakit ka natatakot?"
"Kasi ... Kasi .... "
Napatingin ito sa direksyon nila Dr. Santy at Dr. Alonso. Batid nilang na terminate ang mga ito kaya kung mapapasama sila sa mga ito, tyak na mapapatalsik din sila kagaya ng mga ito.
Nabalot ng takot ang lahat.
"Magsitigil nga kayo!
Nakakarindi na kayo!"
Singhal ni Dr. Gonzales na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
Tumahimik ang lahat ng madinig si Dr. Gonzales.
"At sino ka naman para utusan sila? Naghahari harian ka na naman dyan feeling mo ikaw ang may ari ng islang ito!"
Sarkastikong tanong ni Dr. Santy kay Dr. Gonzales.
Hinarap nya ang mga tao na walang malay sa nangyayari.
"Kung meron man dapat na sisihin sa nangyayari sa atin, SYA YUN! Si Dr. Gonzales!
Sya ang dahilan kung bakit tayo narito ngayon, walang trabaho!"