46 Tresspassing Kayo

"Anong pinagsasabi mo dyan Dr. Santy? Bakit kailangan mong isisi sa akin ang lahat?! Kayo lang dalawa ni Dr. Alonso ang na terminate, huwag mo kaming idamay at huwag mong isisi sa akin ang lahat because it is YOUR CHOICE not mine!"

Sagot ni Dr. Gonzales.

Umuusok ang ilong sa galit ni Dr. Santy.

"Oo, maaring choice ko nga ang ginawa ko pero ginawa ko yun sa utos mo! But what about them? Bakit sila andito rin sa silid na ito?"

Tumingin si Dr. Santy sa lahat.

"Hindi ba nagtataka kayo? Nagtatanong?

Anong dahilan kung bakit kayo inalis sa trabaho nyo at hindi pinalalabas sa tinutuluyan ninyo?

Pare pareho lang tayo!

Pare pareho lang na dinetaine sa sa sari sarili nating tinutuluyan tapos ngayon ay dinala sa silid na ito na hindi natin alam kung saan ito!"

Litanya ni Dr. Santy.

Ito na ang oras para makaganti sya kay Dr. Gonzales.

Nagpapalitan ng tingin ang lahat. Kinakabahan.

"Ibig sabihin, bigla ka rin tinawag tapos ay pinauwi ng bahay?"

Tanong ng isang nurse.

"Oo, nagulat nga ako kung bakit, wala naman akong ginawang mali!"

Sabi ng kaibigan nitong nurse din

"Ibig bang sabihin kaya tayo andito dahil wala na tayong trabaho, sisante na tayo?"

"Ano? Pero bakit? Diba dapat may reason kung bakit?"

Puro ingay ang madidinig sa paligid, lahat ng nagtatanong sa isa't isa.

"Uhm, hello? andito ako oh? Hindi nyo ba ako tatanungin? Hindi nyo naman alam ang sagot sa mga tanong nyo kaya bakit kayo nagtatanungan dyan bakit hindi nyo itanong sa akin instead?"

Inis na sabi ni Dr. Santy.

Gusto nya na ibaling ng lahat sa kanya ang atensyon.

"Pwede ba Dr. Santy, sabihin mo na ng diretso, huwag ka ng paliguy lugoy!"

"Sasabihin ko naman ng diretso kaya lang ayaw nyo akong pansinin eh!"

Sagot ni Dr. Santy.

"Okey Doc you got our atensyon. Tell us!"

"Kasi, wala kayo sa masters list! Ibig sabihin nun ilegal ang pagpasok nyo dito sa Sinag Island at sinong nagpapasok sa inyo?"

Lahat ng tingin ay dumapo kay Dr. Gonzales.

Namutla si Dr. Gonzales ng makita ang mga nanlilisik na mata na nakatingin sa kanya na parang gusto syang lapain.

"T-Teka, huwag kayong basta maniwala sa kanya! Desperado na ang taong ito! Anong masters list? Anong ilegal entry na pinagsasabi nya? Bakit Dr. Santy, may ebidensya ka ba sa mga pinagsasabi mo ey ni ako hindi ko pa nakikita yang masters list na sinasabi mo?"

Pagtatanggol ni Dr. Gonzales sa sarili.

Napabaling ang tingin ng lahat kay Dr. Santy.

"Eh paano mo naman makikita ang masters list, bakit ikaw ba si Big Boss?

At kayo gusto nyo ng ebidensya? Sige pagbibigyan ko kayo!

Tanong, may isa ba sa inyo na nakausap ni Doña Isabel? Dumaan ba kayo sa series of test and interviews bago nakapasok dito?"

Muli, nagpalitan ng tingin ang lahat, nagtatanong, inaalam ang sinabi ni Dr. Santy.

"Sino si Doña Isabel?"

Tanong pa ng isa

"Si Doña Isabel, ang may ari ng IDS Hospital, hindi mo ba alam?"

"Aba malay ko, hindi ko naman sya kilala at hindi ko pa sya nakikita! Bakit ikaw, kayo, nakita nyo na ba sya?"

"Tama si Dr. Santy hindi pa natin nakikita si Doña Isabel pero nagbayad ako ng placement fee ng magapply dito!"

"Ako din!"

"Ako din!"

At lahat ay nagtaasan ang kamay.

"Exactly! Nagbayad kayo! Ang tanong, bakit kayo nagbayad at .... kanino kayo nagbayad?"

Sabay tingin ni Dr. Santy kay Dr. Gonzales.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil wala akong natatanggap!"

Depensa ni Dr. Gonzales.

"Wala kang natatanggap kasi iba ang tumatanggap!"

Sabi ni Dr. Santy

At lahat ng tingin ay dumapo sa direksyon ni Ms. Nancy, ang head ng Caregiver Department.

Namutla ito, kinabahan. Dinapuan ng tingin si Dr. Gonzales, nanghihingi ng saklolo pero hindi man lang sya tinitingnan nito. Tumalikod pa sa kanya si Dr. Gonzales.

Natataranta si Ms. Nancy, kinakabahan syang baka lusubin sya ng mga taong ito.

"Bakit hindi ka maka imik Ms. Nancy? Hindi ba magkakuntsaba kayo ni Dr. Gonzales? Akala mo ba walang nakakaalam na may relasyon kayo ni Dr. Gonzales?"

Nakangising sabi ni Dr. Santy kay Ms. Nancy.

Nagaaburuto na ang kalooban ng karamihan. Nagtatayuan na ang iba, handa ng lusubin ang dalawa ng biglang ....

Blag!

Bumukas ng malakas ang pinto, pabalibag itong binuksan ni Kate para tumahimik ang mga nasa loob at para malaman nilang dumating na sya.

"BigBoss! Hehe! Magandang araw sa'yo BigBoss!"

Buong ngiting bati ni Dr. Santy.

Pero hindi sya dinapuan man lang ng pansin ni Kate, dirediretso lang ito sa isang mesa na may upuan.

"Magandang araw po!"

Buong pakumbabang sabi naman ni Dr. Alonso. Tumayo pa ito at bahagyang yumuko para magbigay galang.

Hindi sya katulad ni Dr. Santy bitter pa din hanaggang ngayon.

Tanggap na at pinagsisihan ni Dr. Alonso ang mga kasalanan nya, nakahingi na rin sya ng tawad kay Kate ng huli silang magkausap at naihanda na nya ang sarili nya sa pagalis ng Sinag Island.

Nang makita ng karamihan na naroon ang ginawa ni Dr. Alonso, nagtayuan din ang mga ito at magalang na bumati.

"Magandang araw po BigBoss!"

Ito ang unang beses na malaman nilang si Kate pala ang tinutukoy nilang BigBoss. Ang iba sa kanila ay ngayon lang sya nakita.

"Magsiupo na kayo!"

Sabi ni Kate hindi sila tinitingnan.

Agad namang tumayo si Dr. Gonzales.

Ang tagal nyang naghanap ng pagkakataon na makausap si Kate at ngayon narito na hindi nya ito palalagpasin.

"Mrs. Kate de Guzman ...."

"Tahimik!"

Gulat si Dr. Gonzales.

"Gusto ko lang ibigay ang side ko!"

"Sabi ko, TAHIMIK!"

Napikon si Dr. Gonzales.

'Bwisit na batang 'to binabastos ako!'

"Karapatan kong magsalita at ipagtanggol ang sarili ko!"

Inis na singhal ni Dr. Gonzales.

"Security, patahimikin nyo sya!"

Utos ni Kate habang inaayos ang mga dala nya sa lamesa.

Agad namang kumilos ang dalawa sa security, iniupo nila si Dr. Gonzales at nilagyan ang bibig ng packaging tape. Tapos ay tinabihan.

Pilit na inalis ni Dr. Gonzales ang nilagay na tape kaya sa inis ng dalawang security tinape din nila ang dalawang kamay nito sa silya at saka naupo sa tabi nya.

Tuwang tuwa naman si Dr. Santy.

"Ngayon tahimik na magsimula na tayo. Dr. Santy, Dr. Alonso at Caregiver Head Nancy, duon kayo sa malapit kay Dr. Gonzales."

Sabi ni Kate.

Gustong mag react ni Dr. Santy pero ayaw nyang matulad kay Dr. Gonzales kaya sumunod ito pero lumayo ng kaunti kay Dr. Gonzales.

"Now the rest of you dito sa kabilang side."

Dalawampu lahat sila na dinala duon kaya minus yung mga tinawag, bale 16 lahat ang napunta sa kabilang side at kabilang ruon si Nitz ang pamangkin ni Ms. Nancy at si Linette, ang caregiver ni Karlos na nakilala ni Mel.

Naguguluhan ang lahat, nakikiramdam.

Bakit sila inihiwalay?

Tumayo si Kate at hinarap sila.

"Marahil nagtataka kayo kung bakit ko kayo inihiwalay sa kanilang apat."

Tanong ni Kate sa lahat.

Gusto nilang magsalita pero ... natatakot sila.

"Kaya ko kayo inihiwalay sa kanila kasi nakapasok kayo dito at nakapagtrabaho ng walang pahintulot ng may ari ng

ng Sinag Island. In short tresspassing kayo!"

Deretsahang sabi ni Kate.

avataravatar
Next chapter