It's something I've always wanted to do: be his wife. Despite his refusal to marry the two of us, he did nothing but carry out his parents' wishes. Nonetheless, I believe he will come to love me as much as I love him. I've adored him since then and will continue to do so. That was how insane I was with him. Even though it's an unrequited love, being his wife is a dream come true. Will my outpouring of love for him, however, bring me happiness, or will I eventually find it in his brother?
ALANA
"May malapit bang drug store dito?" saad ko na nanghihina. Napaupo ako sa kama at napasuklay ng aking buhok. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Sa kabilang bayan pa. But if you want we could go may sasakyan naman ako and I cancelled all of my appointments. Pero kung di mo pa kaya ako nalang ang bibili. You want me to buy you a pregnancy test? It's okay you don't have to hide it from me. Sige bibili na muna ako maghintay ka lang dito at kung may gusto ka mang kainin may tao sa baba at ipagluluto ka niya agad. Pagsasabihan ko siya at-," hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin nang bigla akong nagsalita at tila naman natigilan siya sa kanyang kinatatayuan. Heto naman ang mga taksil kong luha, lagi nalang ganito I am so weak.
Agad kong pinahid ang aking mga luha at ngumiti ng pilit.
"Ash, salamat," saad ko at agad na nag-iwas ng tingin. Narinig ko na lamang ang kanyang mga yabag at ang pagsara ng pinto.
Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto nang mahagip ng aking mga mata ang isang upuan na may mga damit. Isang maluwag na puting tshirt at jogging pants at isang boxer. Agad naman akong nagpalit mas maigi na ito kesa sa wala.
Napaupo uli ako sa kama at kinuha ang sandwich sa plato. Nakaramdam narin kasi ako ng gutom.
Habang ngumunguya ako ay may bigla akong naisip. Agad akong tumayo hawak hawak ang aking pagkain at inalis ang kumot sa higaan.
Wala
Wala ang aking mga gamit.
Napalingon ako sa mesa naroon ang aking clutch at biglang napailing.
Naitapon ko nga pala ang aking cellphone sa basurahan.
Paano ko na ngayon kokontakin si Atty. Michelle. Sa pagkakatanda ko ay meron ng files for annulment para sa amin ni Knight at meron narin itong pirma niya ako lamang ang wala. Ginawa na niya ito noon pa pagkatapos naming ikasal dahil planado niya naman lahat. Kinausap niya rin ako noon kaya wala akong nagawa kundi umoo lamang for the sake na makapiling siya kahit na sandali at malagay ang kanyang apelyedo sa aking pangalan. Ganun ako kabaliw.
Pero hindi na ngayon.
I will sign that papers.
Kung buntis man ako o hindi tatanggapin ko ang lahat. Pipirmahan ko parin ang divorce papers namin. Mamumuhay na akong malaya, sapat na siguro ang ilang taon na naging tanga ako. Tatanggapin ko na lamang na kailanman ay hindi ako naging sapat para sa kanya. Kukupkupin ko itong bata, palalakihin ng mag-isa. Siguro darating ang araw na makikilala niya si Knight at hindi ko rin siya ipagdadamot dito. Ang akin lang sa ngayon ay ang mahalin ang sarili ko. Alagaan ang sarili ko at magpakalayo-layo.
Tama na.
Napatutop ako ng aking noo nang maalala ko sina daddy at mommy. Napatingin ako sa sahig, andun parin ang cellphone ni Ash. Hindi ko alam kung nalimutan niya itong pulutin o sinadya niya nalang na iwan ito. Agad kong kinuha ang cellphone sa sahig and thankfully memorize ko ang numero ni dad.
Agad kong tinipa ang keyboard at dinial at ilang ring lang ay agad niya itong sinagot.
"Dad?" sagot ko sa tawag at agad naman siyang sumagot at bakas na bakas sa kanyang tono ang pag-aalala. Narinig ko naman ang paglapit sa kanya ni mommy.
"My God Alana! Where are you? We are worried sick here! Kagabi ka pa namin hinahanap at hanggang ngayon ay hinahanap ka ni Knight. Where are you sweetheart?" saad niya sa kabilang linya at tila inagaw ito agad ni mommy.
"Anak, Alana where are you? Tell us at ipapasundo ka agad namin. Are you okay?" tanong ni mommy sa kabilang linya at rinig ko ang kanyang pagsinghot. Tila naman nakonsensya ako sa aking ginawa. Napag-alala ko ang mga magulang ko.
"I'm okay mom and dad. I am totally fine, safe and sound. Magbabakasyon na muna ako mom and don't worry I'll be back as soon as I can. And please don't tell Knight I called. I don't want him to tract me. We are over," mahinang saad ko sa huling salita.
"Okay sweetheart if that is your wish. But we will tell him soon okay? And please sana mag-usap kayong dalawa."
"Okay mom. I'll hang up na I love you both bye," saad ko at agad na pinatay ang tawag.
Oo aaminin kong masakit parin hindi naman kasi dali-daling maalis ang pagmamahal ko sa lalaking halos buong buhay ko ay umikot na sa kanya. Mahal ko parin siya pero ang paulit-ulit akong gawing tanga at paulit ulit kong nararamdaman itong sakit ay hindi ako magiging masaya. Ilang taon na ba ako ngayon? Ilang taon din akong nagtiis.
Marami akong mga nakaligtaang bagay sa aking buhay pero hindi ko naman sinisisi ito kay Knight. Desisyon ko ito noon pa man at ang dapat na sisihin dito ay walang iba kundi ako lang.
Sarili ko.
Tuloy parin.
Tuloy parin ako sa buhay ko.
Buhay ko at ng magiging anak ko.
Kailangan sigurong umalis narin ako dito. Nakakahiya din naman kay Ash kung siya pa ang kukupkop sa akin. Kailangan ko rin naman sigurong gastahin ang mga naipon ko, sapat na siguro yun para makapagsimula ng bagong buhay kasama ang nasa sinapupunan ko ngayon.
Napahaplos ako sa aking tiyan at napangiti.
"Hello little one." Bahagya akong natawa dahil hindi ko pa naman kumpirmado na buntis nga ako o hindi pero parang gusto ko narin.
"I will take care of you. Mamahalin kita at palalakihin. Ibibigay ko ang mga pangangailangan mo sa abot ng aking makakaya. Siguro magkukulang ako sa isang bagay pero pipilitin ko itong punan sa buhay mo and I hope you will understand. Ipapaliwanag ko rin sayo ang lahat lahat pag malaki ka na at naiintindihan mo na ang mga bagay bagay. I'm sorry if this is how it ends anak, hindi ko naman ito ginusto. Walang ina ang hindi gusto ng kompletong pamilya. A child needs both, a mothe and a father pero it looks like ako lang ang makikita mo. Mahal kita anak ko," saad ko at di na napansin ang pagtulo ng aking mga luha. Agad ko naman itong pinahid gamit ang likod ng aking kamay.
Bigla akong napatalon mula sa aking kinauupuan nang may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Mahal kita Alana please stay here. I'll be the father of that child you are bearing."