webnovel

The Twilight Goddess : Chaos and Order ( MLBB 515 Fanfiction )

reven_dance · Video Games
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 2: Ang Twilight Orb

Napunta ako sa isang mala-palasyong lugar at sinalubong ako ng isang matandang lalaki na dala-dala ang hinawakan ko kanina. " Lunox, mabuti naman at nandito ka na, " sabi ng matanda. " Nasaan ako at sino si Lunox?, " tanong ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig. " Ipagkakaloob ko sa iyo ang Twilight Orb, dahil ikaw lang ang may kakayahan na kumuntrol sa kapangyarihan ng Liwanag at Dilim, ikaw lang ang makakapagligtas sa buong mundo lalo na dito sa iyong tirahan , " ani ng matanda.

Nawala agad ang aking paningin at bumalik uli ako sa pinanggalingan ko kung saan nandoon pa rin ang tinatawag na Twilight Orb.

Naniniwala akong may koneksyon sa akin ang bagay na ito at napagdesisyunan ko na ilagay ito sa aking locker sa school tutal papunta na rin ako kay Mr. Tigrealson.

Pumunta na ako sa school at nagtungo sa locker room napansin ko na wala masyadong tao nakasalubong ko ang janitor na naglilinis banda sa locker room. Habang nilalagay ko ang bagay na iyon ay may naririnig akong kumakaluskos.

" Akin na iyang hawak mo " , pabulong na sinabi ng isang taong nasa gilid ko at tignan ko siya sa aking peripheral vision nakita ko na may pakpak siya at nakita ko ang itsura niya para siyang bampira na may pakpak ng paniki sa likod " Tulong !!" , tanging nasigaw ko nalamang ng nga sandaling iyon.

Dadakmain na ako ng nilalang na iyon pero biglang may sumalag sa kanya .....

" Takbo na ! Bilis " , Sigaw ni G. Tigrealson na may hawak na espada