webnovel

The Twilight Goddess : Chaos and Order ( MLBB 515 Fanfiction )

reven_dance · Video Games
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 1 : Isang NORMAL na Araw

Amity's POV

"Ano 'to nasaan ako?" , tanong ko sa aking sarili. Nakaupo ako sa isang madamong lupa at nakikita ko ang liwanag at dilim na tila nag-aagawan kung sino ano ang dapat mangibabaw hanggang sa isang misteryosong babae ang lumapit sa akin. " Bumangon ka sa iyong pagkakahimbing, Kailangan ka ng mundo iligtas mo ito kung hindi lahat ay mawawala. Hanggang sa nawala sa isang iglap ang babae at nilamon ng nag-aagawang liwanag at dilim.

* Alarm *

" Ang sama ng panaginip ko, anong oras na ba? ", tumingin ako sa alarm clock. " 6:00 na pala male-late na ako sa pagpasok!" , sabay baba ng mabilis upang maligo at kumain.

" Ma, Pa una na ako," "Sige anak ingat ka," sabay alis na ng bahay papunta sa University.

* Bell *

Papasok na naman ako at isang BORING na araw na naman ang paparating kasi ang pinakaayaw ko na professor na si Mr. Tigrealson.

" Good Morning Class " bati ni G. Tigrealson habang papasok sa room. " Good Morning Mr. Tigrealson ", para sa amin siya ang pinaka-weird na gurong nakilala ko. Dahil may dala siyang tungkod kahit mukha namang maayos ang pangangatawan at tuwing hinahampas niya ang tungkod sa sahig ay tila lumilindol.

* Bell *

" Goodbye Class " , " Goodbye and thank you, Mr. Tigrealson, " at dali-dali akong umalis sa room pero tinawag niya ang aking pangalan.

" Amity , " ani niya. " Bakit po? ", tanong ko. " See you at 6:00 PM we'll find a way to fix your grade, " Sige po, " sagot ko. Pero sa isip-isip ko inaayos ko naman ang pag-aaral ko.

Tuwing uwian lagi muna akong nagpapalipas ng oras sa isang abandonadong parke. Nagmamasid-masid sa kagandahan ng paligid at minsan dun na rin ako nagrereview.

Pero nung mga oras na pumunta ako doon may nakita akong nagliliwanag na bagay.

Parang yung nakita ko sa aking panaginip nilapitan ko ito kung saan ito nanggagaling.

Hanggang nilapitan ko ito at hinawakan ko at bigla akong napunta sa isang ibang lugar.