webnovel

CHAPTER 14

CHAPTER 14

Lucresia's Point of View

4 Days Before the Graduation

Today is our retreat. Due to all the stress and problems na hinarap namin for the past few weeks, the founder made an urgent event and he shouldered the expenses including our foods and transportation to our destination. Actually, my friends were asking me if I will join because this event will be held on Tagaytay and you know I have memories there with Joe.

I insist to join because this is the last and I am actually fine. Medyo nawala na 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon so baliwala nalang ang lugar na iyon para saakin.

Kasalukuyan na akong naka-upo sa bus at katabi ko si Isabella habang sina Arsin at Anicia naman ay katabi si Anthony at Kervin sa likod.

"Are you okay Lu?" Tanong saakin ni Isabella nang mapansin niya na palingon-lingon ako sa paligid.

"Hindi ba sasama si Jhay?" Tanong ko sa kaniya dahil napansin ko wala ito sa loob ng bus.

"We wrangled last night eh dahil sa kalasingan ko sa birthday mo" Sagot niya habang bakas sa kaniyang mukha ang pagka-lungkot.

"Everything will be okay, Isabella!" at nginitian ko siya. Mayamaya ay nakita ko sina Isaiah at Kiara na magkasama.

"Hey love birds! So sweet!" Bati ko sa kanilang dalawa at nginitian ako ni Kiara.

"Where's Miggy?" Tanong ni Isaiah saakin.

"He's on their family business..." I answered.

"Wait?! Again?" Tanong niya at umupo na silang dalawa ni Kiara sa unahan ng dalawang couple sa pinaka-dulo.

"I understand his situation naman. Parang katulad lang nung sa family namin" Mahinahong sagot ko.

"Oh. I see"

Biglang dumating si Jhay na ikinagulat ni Isabella.

"What the heck what he's doing here!?" gulat na tanong ni Isabella. Umupo si Jhay sa katapat na upuan nila Isaiah na likod ng inuupuan namin ni Isabella.

"Go with him. Just fix the misunderstanding" Sabi ko kay Isabella.

"Are you sure?" Nag-aalangang tanong niya..

"I'm okay here. I'm not child anymore!��� Sagot ko at lumipat na siya sa upuan ni Jhay. Sinuot ko ang aking Prada na sunglasses at mayamaya lamang ay umandar na ang bus.

Pansin ko na puno ang lahat ng seat pwera lang sa tabi ko. Si Israel lang kasi ang hindi nakasama saaming section.

Ganto ang pwesto namin magkakaibigan sa bus ngayon.

KERVIN | ANICIA | ARSIN | ANTHONY

KIARA | ISAIAH ISABELLA | JHAY

VACANT | ME

Ayan sana gets niyo. Nasa bandang dulo ako naka-upo.

Binuksan ko nalang ang netflix app ko sa aking phone at nanood ng series. Medyo malayo-layo ang Laguna sa aming school at sana walang traffic...

~*~

Nakatapos ako ng dalawang episodes at napansin kong napapaso na ang aking balat kaya napatingin ako sa may window. Mataas na ang sikat ng araw at it's time para iharang ang curtain.

Isasarado ko na sana ang curtain nang mapansin kong may kumakaway sa labas ng window kaya mas lumapit ako dito. hindi ko ito maaninag dahil ng aking suot na sunglasses kaya tinanggal ko ito.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Israel na kumakaway saakin mula sa kanilang kotse na may sunroof. Nakatayo ito habang naandar ang kotse at naka-ngiting nakaway saakin.

Napangiti ako dahil sa aking nakita. Pinilit niya talagang humabol kahit ang hectic ng schedule niya.

Tumigil ang bus sandali at gayundin ang kotseng sinasakyan ni Israel. Dali-dali itong tumakbo sa may door ng bus at umakyat ito.

Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang saya... at gayundin saakin.

"OH MIGGY DUDE YOU CAME!" Bati ni Israel.

"Of course, dude. I can't let my girl to be alone in this trip." At umupo siya saaking tabi.

"How are you?" He asked me.

"Mas naging okay dahil you're here" Naka-ngiting sagot ko sa kaniya at hinawakan niya ang aking kamay.

Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"I'm tired and exhausted Lu? Can you be a wall that I can lean on?" tinignan ko siya and his eyes are now closed. Mukhang pagod nga siya...

"You can lean on my shoulders anytime..." sagot ko sa kaniya at ipinikit ko na rin ang aking mata.

~*~

Kasalukuyan na kaming nakain dito sa may buffet. Maganda at malaki ang place na napili ng founder. It can accommodate Scout Students well. Hindi siya hotel type pero para siyang airbnb, kubo at may mga pwedeng rentahan na bahay dito.

Maganda rin pala dito dahil may beach. Yes tama kayo. We're not in Tagaytay yet. We're in Cavite dahil dito magaganap ang unang activity namin. Kaya pala kami pinagdala ng mga swimwear dahil maliligo pala...

Magkaka-iba ang tutulugan ng bawat strands at siyempre hindi kami pwede magsama-sama sa mga actitivities. Same activities pero hindi kami magkakasama. Gets niyo ba?

Mamayang gabi ay magkakaroon kami ng activity. Kung ano 'yon? Wala akong idea.

"Hey Lu just eat fast excited na kami mag-swim there!" Sabi ni Arsin kaya napabalik ako sa reyalidad.

"Fine!" at nagpatuloy na ako kumain. Sila Israel ay tapos na kumain at baka nagbibihis na para mag-swimming.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kami kumain. Dumiretso kami sa aming room upang magbihis.

"I'm full shit!" Pagre-reklamo ko.

"Sayang ang beach girl!" Sabi ni Anicia.

"I don't care. I can go to Maldives!" Mataray na sagot ko sa kaniya.

"Pero sayang 'yung memories with Scout Students no!" na-realized kong tama si Anicia. I can go to different beaches anytime pero hindi kasama ang mga taga-Scouts. Tama! Sayang nga ang memories!

"Ito na!" at kinuha ko na ang aking bag at nagbihis na ako ng swimwear.

After a couple of minutes, I'm done! Tapos na ako magbihis. Nakapag-lagay na rin ako ng sunscreen sa aking mukha para iwas sun rays.

I'm wearing a Gucci Black stretch fabric swimsuit na may gold GUCCI print sa unahan. This fits on my body well! Ang maganda pa is one-piece siya. Sa footwear naman, Black round Flat sandals naman from Balenciaga. Siyempre alangan naman mag-boots ako diba? Since lalabas ako at ayaw ko munang i-expose ang body ko dahil may speech nga ako, ipinatong ko muna ang Fendi Roma Joshua Vides terry bathrobe. Ang ganda ng fabric na ginamit dahil hindi siya mainit...

Since tapos na ako magbihis ay lumabas na ako ng comfort room at nagulat ang aking mga kaibigan sa kanilang nakita.

"Hey girl we know you're rich but argh! You look so fab!" Sabi ni Arsin.

"Well thanks! I bought these in Paris last Christmas!" sagot ko. Lumabas na kami magka-kaibigan at as usual, pinagtitinginan kami.

Nung nagpunta ako ng Paris ay binilhin ko rin sila ng Swimwear at ayon ang suot nila ngayon. From Gucci also!

Napatingin kami sa naliligo sa beach at napanganga kaming apat sa aming nakita.

"What the---" halos mahulog na ang aming panga sa aming nakita. Sila Israel and company, no top just a short. They're body is sooo hooot! I love those six packs!

Napabalik kami sa reyalidad nang magsalita ang isang Head Teacher...

"Since you guys are here, here is our SBO President to leave a message..." bumalik na kami sa katinuan at nagpunta na rin sina Israel dito sa may white sand.

Wait nadi-distract talaga ako sa katawan ni Miggy! He has a good body built plus basa pa! WHAT THEEEE?!

"Lucresia???" Napatingin ako kay Arsin nang bigla niya ako tawagin at narealized kong inaantay na pala ng bawat isa ang aking mensahe.

"A-ah ayon. Thank you to our founder for this! Rock en roll lez gaw folks!" Sigaw ko at nagsigawan na rin sila. Actually, nawala na sa aking isip ang gusto kong sabihin. Geez! I memorized it earlier in the comfort room!

Nagsi-takbuhan na ang mga ibang estudyante at gayundin kami magka-kaibigan. Pumunta na kami sa may mababaw na part ng beach at nagsimula na kaming magtanggal ng aming bathrobe na naka-agaw atensiyon ng mga estudyante.

Napatingin sila saamin kasama na sina Israel, Jhay, Anthony at Kervin. Ngayon kayo maglaway! Give and take!

Nang mahubad na namin ng tuluyan ang bathrobe ay mas lalong napatitig saami ang magka-kaibigan dahil sa aming body goals na katawan. Hindi naman to the point na ang sexualizing nung tingin ha.

Nagbasaan kami ng tubig kaya tumakbo sa aming direksiyon sina Israel at naki-harot saamin.

"WAAAAAAAAAAAH!" binuhat ako bigla ni Israel at sabay hagis sa medyo malalim na part ng beach.

"HOW DARE YOU!" at nag-splash ako ng tubig sa kaniyang mukha dahilan ng pagka-ubo niya...

"Lagot saakin!!!" at hinabol niya ako...

~*~

Gabi na ngayon at tapos na rin kami kumain. Nandito kami sa may white sand kaharap ang mga bonfire na aming papaliparin.

Habang nag-aantay sa ibang students ay nagbabasa ako ng mga messages mula kay Unknown...

"Wala na bang next ito? Ito na talaga sila?" Tanong ko habang tinitignan ang 11 steps na pinasa niya saakin. nanlaki ang mata ko nang makita kong may bagong message mula sa kaniya.

12th Rule – Let him go, forget and accept.

You should make a new fresh beginning.

"What's that?" bigla akong napatago ng aking phone nang biglang umupo sa aking tabi si Israel.

"Wala 'yon. Are you done eating?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Yes and I'm freaking full!" at bigla niya akong niyakap. Nakaramdam na naman ako ng pagwawala ng aking dibdib.

"Okay students we're here to do an activity. Each strand has their own team leader. For the STEM, ABM and GAS strand ay makinig kayo sa inyong Team Leader kung anong gagawin sa bonfire okay? Be careful sa pagpapalipad ha. For HUMANISTAS naman, makinig kayo kay Lu because I informed her naman. Okay?" sabi ng isang teacher.

"Okay Ma'am." At luamyo na ang ibang strand at naiwan kami dito sa may gitna ng white sound. Kailangan daw kasi na per strand ang activity dahil magkakaroon ng misunderstanding kapag pinagsama-sama ang lahat since iba-iba kami ng perspective.

Tumayo na ako at nagpunta sa gitna.

"Okay guys bilog kayo! The bigger the better!" at tumayo naman sila para bumilog at tiyaka umupo.

"Kung makikita niyo, may mga bonfire tayong papaliparin. Sa loob ng bonfire ay may papel na white, blue at red. Susulatan niyo 'yung white paper para sa anumang wish niyo or anything na thankful kayo. Sa blue naman, you can write a letter to anyone basta positive lang okay? Sa red naman, if you have a person na kinagagalitan or kinaiinisan, you can write a letter for them. If gusto mo naman mag-sorry, sige lang. ito ang key terms ha? White for wish or blessing that you thank for. Blue for a letter to your love one. Red for forgiveness and angriness letter. Got it?" at nagsi-tanguan naman ang bawat isa.

"mapapansin niyo may green paper din sa loob ng bonfire. 'Yun naman ay para sa Scout International. Anything na message niyo to our school. Rants man or pagpapasalamat, it's your decision. Okay?" at nagsimula na kaming magsulat sa mga papel...

~*~

Fly Time

Nakatayo na ang bawat isa at handa nang paliparin ang bonfire kasama ang mga papel na nakatali dito.

"Okay guys 1... 2... 3!!!" Sigaw ko at ang lahat ng estudyante ay binitawan na ang kanilang bonfire at pinanood ito habang nalipad.

Habang nanonood, inakbayan ako ni Israel kaya isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib.

Tuluyan nang nakalipad ang mga bonfires at nagkaroon lang ng konting sharing ang bawat isang estudyante. Pagkatapos nito ay nagpahinga na rin ang bawat isa dahil maaga pa ang alis para sa next destitination bukas.

The next day, Paradizoo Tagaytay

Dahil medyo puyat ang bawat isa ay nadelay ang aming pag-alis kanina. Dapat ay 10 am ay aalis na kami sa beach ngunit mga pagod pa ang estudyante kaya napag-desisyunan kong ibahin ang schedule namin.

Nasa alas-kwatro na ng hapon ngayon at golden hour na. hindi na masakit sa balat habang naglilibot kami rito sa Paradizoo, Tagaytay. Ito pala ang next agenda namin. ang maglibot libot sa farm na ito.

Ang daming bulaklak na magaganda rito at ang presko't sariwa ng hangin.

Maraming mga students ang nagpi-picture taking sa iba't-ibang uri ng bulaklak.

"Hey!" nagulat ako nang may biglang tumusok sa aking tagiliran.

"What the! You startled me!" At napahawak sa aking dibdib.

"This is for you!" naka-ngiting saad ni Israel at inabot saakin ang isang malaking sun flower.

"Gago ka ba? Baka mamaya hulihin tayo bawal magbunot ng bulaklak dito!" At napahawak siya sa kaniayang ulo.

"Ganda kasi eh kasing ganda nung taong mahal ko!" at nagpout pa ang gago. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako, maiinis o maaawa.

"Lagay mo diyan sa isang tabi baka mamamaya malintikan pa tayo eh!" At ibinaba niya ang sunflower katabi ng mga roses.

8 PM

Tapos na kami kumain at kasalukuyan kami nandito sa may hotel sa Tagaytay na pagmamay-ari pala ng school founder namin. Malaki naman ang hotel na ito at sa tingin ko kasya naman siguro ang 360 students ng Grade 12.

Malapit dito ang chapel na pinuntahan namin ni Joe before. Pinipilit kong hindi alalahanin pero wala akong magagawa eh.

Nandito ako sa pool area ng hotel at nagmumuni-muni muna. Nakita ko si Israel na papalapit sa aking direksiyon at umupo sa aking tabi.

"Transfiguration chapel is just a nearby" sabi niya saakin at inakbayan ako.

"Then?"

"Ang bitter naman" natatawang sagot niya kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Okay I'm sorry. I'm just trying you to make you laugh!" hindi nakakatuwa Miggy. Itulak kaya kita sa pool.

"Arsin told me everything happened in that church" napa-buntong hininga ako.

"What the heck. Arsin's mouth is sooo noisy. Marami na siyang nalalaman kaya dapat patumbahin na" saad ko at natawa si Israel.

"You know what, I don't want to make promises to you." Napatingin ako sa kaniya matapos niya sabihin 'yon.

"W-why?"

Tumingin siya saakin at nginitian ako.

"I don't want you to expect. I don't want you to hurt and to be disappointed. Promises meant to be broken" he responded.

"Pero bakit naman si Isaiah kay Jianna and vice versa?" Jianna made a last will or promises for Isaiah in order to improve his own traits.

"Because that's a different situation. Isaiah wants to make Jianna happy in heaven so he followed it and that's the last thing he can do for her since he didn't have a chance to save her" well may point naman si Israel.

"I feel ashamed to your ex. He made a promise to you in front of God but he didn't grant it. Alam mo kung mahal ka ng isang tao, mamahalin ka nito kahit ano mang ugali ang mayroon ka. Iintindihin sa hirap o ginhawa" bigla akong natamaan sa kaniyang sinabi. The reason why Joe cheated on me because he's tired of my attitude.

"If hindi na niya kaya, he should confront you dapat na nasasakal na siya hindi 'yung ipagpapalit ka sa ibang babae. If ayaw niya na, pwede naman niya sabihin agad para hindi humantong sa point na masasaktan ka ng todo. Masakit ang feeling na ipinagpalit dahil sa tingin mo, may kulang sa iyo na hindi mo kayang ibigay..." hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga words of wisdom niya.

"Ako I won't promise to you but all I can do is I will love you as long as I can because love is part of understanding and accepting each other's flaws. Love is a sacred feeling..." habang sinasabi niya 'yung katagang iyon, parang nababawasan ang tinik sa aking dibdib. Para bang napapawi na ang lahat ng sakit na matagal ko nang nararamdaman. Tila ba'y handa nang umibig muli ang pusong luhaan at nasaktan...