webnovel

CHAPTER 13

CHAPTER 13

Lucresia's Point of View

Nagkaroon ng Entrance Examination for Scout University kung saan binabalak kong mag-aral this coming college. Medyo mahirap ang exam though nasagutan ko naman.

For the past days, I became busy because I have a lot of responsibilities in this school. Marami kaming inayos ng founder ng school na ito na ultimo sa basic education, inayos namin.

Dahil sa pagiging abala sa school, hindi ko na nabigyan pansin ang mga rules na sine-send saakin ni Unknown Sender. Past few days, he sends me a new two rules...

10th Rule – Love yourself more

You should love yourself first before others...

11th Rule – Improve yourself

Try to let go those bad traits you are possessing. There's no wrong in changing...

Hindi ko alam pero feel ko, mas nauna ko pang ma-accomplish ang 11th rule dahil tumulong ako sa mga scholar students na makapasa sa SUEET (suwet) in a good way.

SUEET is a college entrance exam of Scout University. Sister school ito ng Scout International.

I helped those students na gustong-gusto makapasa sa entrance exam na ito kaya binigyan ko sila ng libreng book reviewer na most of the questions ay lalabas sa SUEET. Pansin ko rin naman na mas nagiging responsible na ako kaysa sa grade 11 self ko. Mas iniisip ko ang kalagayan ng iba kaysa sa pang-sarili ko. I won't make a promise that I can't even grant.

Pagdating sa 10th rule, I can't say na mas mahal ko ang sarili ko right now. For me kasi, kapag sinabing love yourself ay dapat hindi ka na naaapektuhan or wala ka nang paki sa ibang wala naman ambag sa buhay mo. As of now, medyo nasasaktan pa rin talaga ako sa ginawa ni Joe. I can't love again because I'm scared to be hurt again. Para bang traumatized?

I really love Israel pero hindi pa ako handa. I'm asking myself everyday if I'm ready to love again? To open my heart again? Pero sa kada maaalala ko ang past ko, para bang mas nanghihina ako. Para bang hindi ko na kakayanin kung masasaktan ako muli.

I know Israel can wait. Nag-aantay lang ako ng perfect timing...

"Ma'am Zamora kayo na po ang next!" napabalik ako sa reyalidad nang may biglang magsalita. Napatingin ako sa kaniya at na-realized kong ako na pala ang susunod na kukunan ng litrato.

Kasalukuyang nagaganap ang aming Toga Pictorial or in other term, Graduation Portrait Pictorial. Tapos na rin naman ang aking makeup at ang aking buhok kaya tumayo na ako at umupo na ako sa harap ng mga ilaw.

"you have a good posture. Are you a model?" Tanong saakin ng photographer matapos kong umupo sa bar stool.

"Yes. I'm doing modelling on my free time!" Naka-ngiting sagot ko sa kaniya.

"Ohh nice! Shall we start?" tumango na ako sa kaniya at pinahawakan ng assistant niya ang graduation cap saakin.

"Okay. 1...2...3. Next pose, without the cap" Sabi ng photographer at kinuha ng assistant niya ang graduation cap saakin.

"Next pose again. Wearing the cap" this time, suot naman ang graduation cap. Isinuot ng assistant niya saakin ang graduation cap sa aking ulo at inayos ang aking buhok.

"Good smile... 1...2...3!" tumayo na ako mula sa aking pagkaka-upo at lumapit sa monitor ng photographer. Tinignan ko ang aking mga pictures at ang gaganda ng quality nito.

"this is superb! I love the quality!" Manghang-manghang sabi ko.

"Thank you haha! I'll call you later for another pictorial!"

"Okay sure!" mamaya kasi magkakaroon ng freestyle shots. Ibig sabihin duo, triple or by squad ay pwedeng magpa-picture sama-sama.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at hinubad ang suot na toga. Ang kulay ng toga namin is color blue based sa logo ng Scout International.

Habang nagce-cellphone, napansin kong bumukas ang pinto ng room na ginawang studio. Nakita kong pumasok na ang mga boys. Nakita ko si Israel na posturang-postura.

He looked manly with his sleeves. Ang gwapo niya tignan.

"Hey? Are you done?" napabalik ako sa reyalidad nang bigla siyang magsalita.

"Y-yes!" Nauutal kong sagot.

"Happy birthday!" Sabi niya saakin kaya kumunot ang aking noo.

"h-huh?" napatingin ako sa calendar ng aking cellphone at ngayon ko lang naalala na birthday ko pala! Sa sobrang busy ko, hindi ko na naalala ang 18th birthday ko.

"Have you forgotten your 18th birthday???" he asked. Napabuntong hininga ako.

"Because of never-ending-paper works, I forgot." I answered. Hindi ko namalayan talaga ang araw. Wala rin naman akong balak for my 18th birthday dahil isa lang naman ang gusto ko. 'Yung Lamborghini na matagal ko nang hinihiling kay dad.

"Boys! Be ready! You're next!" Sigaw ng assistant kaya nagmadali na ang boys sa pag-aayos.

"Okay Lucresia, see you later!" Israel said and he started walking.

"M-miggy!" sabi ko kaya napatigil si Israel sa kaniyang paglalakad.

"Yes?"

Napatingin ako sa kaniyang dark brown eyes. "You looked great! By the way thank you for greeting me!" I said. He smiled at me and he continues walking.

Meanwhile

Pagkatapos picture-an ng boys ay nagkaroon na ng casual pictorial. Nagpicture kami magkakasama nila Arsin, Anicia, at Isabella. Isinama namin ang portrait ni Jianna dahil naging part siya ng squad namin and we won't never forget her no matter what where she is. We know she's happy already na sumasaya na uli si Isaiah.

Sumunod na nagpicture ay ang tropahan naman nila Isaiah. Ang saya lang makita na sabay-sabay silang magtatapos ng senior high. Since elementary until now, magka-kaibigan pa rin sila.

"Okay done!" Sabi ng photographer kala Isaiah kaya nagsi-tayuan na sila. Lumapit si Israel saakin at hinila ako papa-upo sa may bar stool.

"Can you please take us a photo?" nagulat ako sa ginawa ni Israel saakin.

"Oh sure no problem!" sabi ng photographer. Umupo si Israel sa isang bar stool ngunit nananatili pa rin akong windang sa nangyayari.

"Hey calm down" naka-ngiting sabi ni Israel saakin at inilahad niya ang kaniyang kamay. Napatingin ako rito at napa-ngiti.

Umupo na ako sa kaniyang tabi at inayos ng assistant ang aming buhok at damit.

"All set!" Sabi niya.

Ngumiti na kaming dalawa ni Israel at nagsimula na ang photographer. "Okay 1...2..." bago mapindot ng photographer ang capture button ay mabilis na inakbayan ako ni Israel.

"OMGGG!!! How sweet!" rinig kong sabi ng iba kong mga classmates.

Tumayo na si Israel at nagpunta sa photographer habang ako'y nananatiling tulala.

"I love your smiles here! So genuine!" sabi ng photographer kaya napabaling ang atensyon ko sa kaniya at nagtungo sa kanilang direksiyon. Nakita ko ang picture at ang ganda nga ng kuha namin.

"I'll email it to you guys ha so you will have a softcopy of your photos!" Sabi ng photographer saamin.

Dismissal

Tapos na kami mag-practice ng Graduation march at time na para umuwi. Nakakapagod dahil halos alas-siyete na rin ng gabi.

Nagtataka ako dahil biglang nawala sila Arsin. Sabi nila masama raw ang kanila pakiramdam. Wow sabay-sabay ah? Ano 'to sabay sabay tayo ni Marian Rivera???

Naiwan ako dito sa school dahil nagkaroon kami ng meeting with the current heads kasama ang founder. Based sa aming meeting ay talagang mapapatalsik ang mga heads. Hindi ko lang alam kung may magpu-push ng case pero bahala na sila sa kanilang buhay. Gulo nila 'yan no.

Kasalukuyan na akong naglalakad sa parking at nakita ko ang driver namin at dala ang Mercedes Benz.

Pinagbuksan ako nito ng pinto at sumakay na ako sa loob ng kotse. Dahil nga inaantok ako, hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.

Resort

"Ma'am nandito na po tayo" napa-mulat ako ng aking mata at tumingin sa labas. Pansin kong nasa kakaibang lugar kaya nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Na-realized kong nasa resort kami na pagmamay-ari ng family namin.

"Manong bakit tayo nasa resort?" Tanong ko habang nag-uunat.

"Dito raw po kayo dumiretso sabi ng daddy niyo po" Sabi niya kaya bumaba na ako ng kotse. Takte ang creepy naman ang dilim ng paligid.

Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob ng resort.

"HAPPY BIRTHDAY LUUUU!!!" nagulat ako sa sigaw na narinig ko at mas nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw.

"WHAT THE---" Nanlalaking matang tingin ko habang naka-tingin sa banner na nasa harap ko na nakalagay ay Happy 18th Birthday Lucresia.

"Surprise my little girl!!!" At bigla kong nakita si dad na bigla akong niyakap.

"I told you dad that I hate surprises!" naiinis kong sabi at natawa siya.

"Surprise my baby girl!" nagulat ako sa aking narinig dahil pamilyar ang boses na ito.

"OMG MOOOM?"

"Since we didn't spend Christmas together, bakit ko papalampasin ang chance na ito diba?" niyakap ko ng mahigpit ang mom ko dahil alam ko namang busy ito sa kaniyang business sa New York.

"Happy Birthday panget!" nanlaki ang aking mata sa aking narinig.

"HEY YOU'RE NOT INVITED! WHY ARE YOU HERE?"

"FINE!" at tila ba'y lalabas na si Ross nang bigla ko itong pigilan.

"Just kidding! Thanks dudeee!!!" at niyakap ko ang aking kapatid. I really missed him and my mom also!

"Just go with her okay? Magpaganda ka because this is your night!" biglang may lumapit na babae saakin at sumama ako sa kaniya.

"See you later hon!" Naka-ngiting paalam ni Mom at tuluyan na kaming umalis. Pumasok na ako sa isang room at inayusan na ako ng mga stylist dito. 'Yung iba ko palang gamit ay nandito na...

Ano kayang pasabog nila at parang may tinatago sila?

~*~

Lumipas ang halos isang oras. Mabilis at simpleng makeup lang ang sinabi ko sa makeup artist dahil pagod na ang aking mukha sa heavy makeup.

Suot ko ang isang Balmain Long white satin double-breasted dress in color white. Para itong coat na dress na may slit sa gitna. Sa footware naman, Balenciaga corset 110 mm Bootie in the color white also.

Nagsimula na ako maglakad papunta sa mismong resort. Hindi ko alam bakit ang bongga ng suot ko feel ko naman mga relatives lang naman ang nandito.

Malayo palang ako ay nakikita ko na ang venue. Nagulat ako dahil ang daming tao. Wait, mga Scout students din ba ang mga ito?

"Ang here's our debutant, Ms. Lucresia Aguiari Zamora!!!" saakin nabaling ang atensiyon ng mga tao nang magsalita ang emcee kaya mas na-overwhelm ako.

Nakita kong sinalubong ako ng mga kaibigan ko na sina Arsin. Tamang takbo ang mga gaga kahit naka-heels ang mga ito.

"Happy birthday Lu! You looked gorgeous!" bati saakin ni Isabella.

"Happy birthday to the most bad bitch!" Sabi ni Arsin.

"thank you guys huhu! Kaya wala pala kayo kanina ha!" Naka-ngiting saad ko.

"Well tito contacted us and it's time to give you some relax naman no!" Natatawang paliwanag ni Anicia.

I hugged them tightly. No words can explain how lucky I am with my friends.

Lumapit kami sa mismong venue at nakita ko sina Isaiah, Kervin, Jhay at Anthony.

"Happy birthday! You look superb!" bati saakin ni Isaiah.

"Happy birthday Lu! Sorry wala akong gift kasi alam ko namang nasa iyo na ang lahat eh!" bati naman ni Kiara saakin.

"thanks Isaiah. Don't worry Kiara it's okay!" and I hugged her. To make this clear, okay na kami ni Kiara. Okay na ako. Wala nang competition between us.

"HBD LU" bati naman saakin ni Kervin.

"TY K" tipid na bati ko sa kaniya kaya natawa kami.

"If you're looking for someone, he's not coming due to their business meetings" sabi naman ni Anthony. He's pertaining to Israel.

"Really?"

"Yes. Pero pinapasabi niyang Happy Birthday to you!" Sabat naman ni Jhay. Nakakalungkot lang dahil this is my first birthday with him but I understand din naman dahil ganon si dad. Atleast, siya ang nagpa-alala saakin na birthday ko pala ngayon...

"Okay guys just chill ha? I'm going to entertain others lang!" Paalam ko sa kanila at umalis na ako.

Nag-entertain ako ng iba't-ibang guest. Nandito rin ang mga business partners ni Dad and Mom. Even Ross' friends are here. Nakakatuwa naman dahil ang daming tao sa birthday ko.

I was born na hindi masiyadong pala-celebrate ng birthday. Ayoko ng malalang birthday celebration kasi ang practical ko. I'd rather spend the money in shopping than this.

After kong mag-entertain ay nagpunta ako sa stage to make a small message for everyone.

"Good eve everyone! Thanks for coming to my birthday! This is unexpected to be honest. I don't have any plans for my debut by my family insist and their plans was followed accordingly. I would like to thank first to our God who continues to give me a life. That's a blessing that I'm thankful for. Second, to my family specifically my mom and dad who always work hard to sustain me and Ross. Speaking of Ross, thanks for coming kahit alam ko namang napilitan ka lang!" and everyone laughs.

"Just kidding. I really missed you, my brother. Thank you for coming despite of your hectic schedule! Third, to my friends and other acquaintances who came here to celebrate my birthday with me! Thank you so much for coming" napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang dumating. Si Israel...

"Lastly, to the person I love, thank you for understanding me. Thank you for your patience. The right time will come for us... let's enjoy this night, everyone!" habang sinasabi ko ang katagang iyon ay nakatingin ako sa mata ni Israel at kita ko ang saya sa kaniyang mukha.

"Okay here's our surprise!!!" Sabi ni dad habang naka-mic siya kaya napatingin ang bawat isa sa kaniyang direksyon at tinanggal ang isang tela. Nagulat ako sa aking nakita.

"Your dream car Lu! Ross customized it for you! Lamborghini Aventador SVJ Roadster!" nakita ko rin ang gulat ng ibang mga bisita sa pinakita ni Dad kaya napatakbo ako sa kaniyang direction.

"OMG dad is this for me?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitignan ang sasakyan! Grabe ang ganda niya!

"And thanks to me because I customized it like my Ferrari!" Sabat naman ni Ross kaya bigla ko itong niyakap.

"Woah!" reaksiyon niya nang bigla ko siyang yakapin ng mahigpit.

"So this is your key! Just take care of it and also drive safe okay?"

"Yes dad thank youuu!!!" at niyakap ko uli si dad.

Nung mahimasmasan na ako sa pasabog ni dad ay bumalik na ako sa mga bisita to entertain them.

"okay let's start 18 roses uwu!!!" Sigaw ni Arsin dahil siya ang emcee ngayon sa 18 roses.

Ang una kong sinayaw ay siyempre si dad. Habang nagsasayaw kami ay nagpapasalamat ako for his sacrifices on us. pangalawa naman si Ross. Nakaka-inis pa itong kapatid ko dahil ang cold niya at tinatapakan pa ang balenciaga heels ko. kainis.

Hindi ko namalayan na isang rose na pala ang natitira. Halos naka-sayaw ko na ang ibang lalaki kong friends bukod si Israel.

Nakita ko si Israel na hawak ang isang red rose at ibinigay niya saakin ito. Nilagay niya ang kaniyang kamay saaking bewang at ang akin naman ay sa kaniyang balikat.

"I thought you're not coming..."

"ME? How can I do that to my princess?" he answered.

"Sorry Israel..."

"Why you're sorry?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

"Because I can't answer you yet" malungkot na sabi ko sa kaniya. inalis niya ang kaniyang kamay saaking bewang at iniharap ang aking mukha sa kaniyang mukha.

"Don't worry. I'm willing to wait. Love is not about rushing. True love waits." Sagot niya saakin kaya niyakap ko siya.

"Thank you for everything, Miggy."

"I love you more, Lu"

"Okay Miggy baka naman may message ka kay Lucresia???" Napa-alis kami sa aming yakapan nang biglang magsalita si Arsin at ibinigay nito ang mic kay Israel.

"First of all, I just want to say Happy Birthday to the first girl I love. Most of the students know how playboy I am but when I got close with Lu, I stopped making out with other chic's 'coz I know she's the one I'll love until my last breath. My message for you is unconditional happiness and blessings to you and your family. Don't worry I'm always here for you and willing to wait for your answer whether it's yes or no. okay? I love you so much!" actually, ilang buwan na talagang nanliligaw saakin si Israel but since I'm in pain, I can't entertain him. But he became ears when no one wants to listen to me. He became shoulder when I need to cry. He became wall when I have nothing to lean on.

Niyakap ko siya at bumulong ako ng I love you.

~*~

Few hours later, hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Nagkaroon kasi ng mga games at may bandang nagperform. I found out that Ross joined a band. I'm a proud little sister here and na-touch ako sa kinanta nila.

Habang nag-e-entertain uli, may narinig akong bumati saakin...

"Happy birthday" napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Joe.

Wala akong naramdam na inis, sakit o galit sa kaniya matapos ko siyang makita. I feel weird huh?

"It's been a long time na rin... how are you?" He asked.

"I'm fine! Btw thank you for coming! Make yourself at home and I need to entertain other visitors pa eh!" at nagpaalam ako sa kaniya. At this point, I love myself more than anybody else...