webnovel

CHAPTER 6: Glue Stick

Sky's Point of View

Tatlong linggo na rin mula no'ng naging tutor ako ni Luna. Hindi ko maintindihan kung bakit ba hirap na hirap 'tong Luna sa pag-aaral ng gitara. Ang simple na ng pagkakaturo ko, pero hindi niya pa rin makuha.

May mga pagkakataon na hindi ako nakakatuloy dahil laging late ang uwi namin ni Luna sa bahay nila. Hindi pumayag ang mga parents ni Luna sa weekend session namin. Kapag weekends daw kasi, kailangan gumawa ni Luna ng mga requirements sa school.

"Ugh. Ano ba gagawin ko sa kamay ko para hindi sumakit?" Reklamo ni Luna.

Nasa garden kami ngayon para sa guitar lessons. Foundation week na kasi ngayon. Puro free time dahil ang mga teachers ay nag p-practice para sa gagawin nilang dance number.

"SKYYYYY!! Ayoko na. Ang sakit na ng kuko ko." Reklamo niya ulit.

I frowned. "Ang arte mo. Hindi ako hinire ng parents mo para pag-inartehan mo Luna ha."

"Woah. Chill. Pahinga muna kamay ko. Ang sakit na eh." Nilapag niya ang gitara sa mesa namin.

Nakita kong nag mimistulang talong na ang kanyang index finger. Mukhang pinipilit talaga niyang mapatunog ang mga strings.

"Masakit kuko mo?" Tanong ko. Naglabas ako ng band-aid mula sa phone case ko. I always carry this kasi lagi akong nasusugat sa gitara ko. Natutusok ng strings at nahihiwa dahil pasmado ako.

May lumapit na tatlong babae sa pwesto namin at pinaalis si Luna sa tabi ko. "Excuse me. C-can I have a picture with you Kuya Sky?" Wika ng isa sa kanila.

"Sige." It's been a while simula no'ng may nagpapicture sa'kin. Tuwing may event talaga maraming lumalapit sa'kin para magpapicture o di kaya naman kinukuha akong gitarista para sa mga kalalakihang manliligaw.

"What's the commotion here? Ano ako alikabok sa upuan?" Inis na sambit ni Luna sa gilid.

"Sino kayo at ano'ng karapatan niyo para itaboy ako nang gano'n ha?" Dugtog pa niya.

Nakita kong inirapan siya ng tatlong babae at umalis. Tinawanan ko lang siya.

"Nakakatawa 'yon? Malandi ka rin 'no? Nakalimutan mong may kasama ka dahil nilapitan ka na ng mga magaganda." Halata sa boses niya ang pagka-irita. Ginulo gulo niya buhok niya hanggang sa mag mukha siuang bruha bago umalis.

"Bro." Napatalon ako nang bigla ako nang may kumalabit sa'kin.

"Tangina kuya. Papatayin mo ba ako?" Bulong ko.

"Hindi syempre mahal kita. Kailangan namin ng tulong mo. Wala yung original rhythym guitar player namin. Ikaw na lang." Bulong niya.

"Bakit ka pala bumubulong?" Takang tanong ko.

Ngumisi siya at nag-pogi pose. "Secret mission my sweet little brother."

"Ayoko. Hindi na ako tumutugtog. Matagal na." Mariin kong sambit.

"Matagal na? Sige gaano katagal?" Ngumisi si kuya nang nakakairita. Tinitigan niya ako at tila alam na niya ang ginagawa niya.

"Fine. Fine. Wala akong choice. Makulit ka." Ani ko.

Sumama ako kay kuya sa conference room para mag rehearsal. Konti lang silang nando'n at lahat nakapwesto na pagpasok namin.

"Okay guys. Eto na ang legendary Sky Glean Capariño."

Naghiyawan ang lahat sa sinabi ni kuya. Nahiya naman ako kasi matagal na rin akong hindi tumutugtog sa harap ng maraming audience.

"So ano ang song?" Tanong ko.

"Ayokong tumanda ng Itchyworms." Wika naman ng isa sa mga kasama namin.

Pft! Wala ba silang alam na ibang kanta? Mga tanders talaga.

Dalawang oras ang tinagal ng rehearsal. Hindi sila magkasundo-sundo sa ritmo ng kanta. Masyadong mabilis ang kumakanta, samantala 'yung mga tumutugtog, ayos naman. What can I say? Si Kuya ang kumakanta eh. Hindi naman 'yon singer pinilit pa.

Bumalik ako sa classroom para tignan kung may teacher ba. Sinalubong ako ng magulog classroom,

At ano ito?

"Hi Sky!" Bati ni Jude sa akin. Bakit sila magkasama ni Luna?

"Nasalubong ko siya sa daan. Nakita niya akong bitbit ang gitara ko," nakangiting wika ni Luna. "Look. May finger protector na ako..or...kung ano man ang tawag dine." Dugtong pa niya.

"Dapat binigyan mo siya ng ganyan dahil beginner pa lang siya." Ani Jude.

Aba. Sino ka para mangi-alam sa pagtuturo ko kay Luna.

Kinuha ko kamay ni Luna at inalis ang mga nakalagay na protector. "Do you want to learn guitar or not? No pain, no gain Luna."

"Come on. Don't be ridiculous. Nahihirapan na nga 'yung tao, eh." Jude smirked.

"Okay fine. Whatever you say. Babalik muna ako sa conference room." Lumabas ako ng classroom.

Sinalubong ako ni Janice sa hallway. Marami siyang dala ang mga maliliit na kahon at mukhang dadalhin niya ito sa office.

"Capariño, dalhin mo 'tong mga glue stick na ito sa classroom niyo utos sa'kin ni Ms. Alonzo. Gagamitin niyo raw pandikit sa mga decorations." Ani Janice. Si Janice ang SSG president ng Lindway Academy. Nasa ABM strand siya at ang pinaka masipag na officer na kilala ko.

"Got it." Tumango ako at umalis.

---

Luna's Point of View

"Tara samahan mo ako sa library. Ibabalik ko lang 'tong mga book na dala ko." Aya ni Jude. Kinuha niya lahat ng mga librong ginamit niya sa mga notes niya.

Siya na ata ang pinakamasipag na kaklase ang nakilala ko.

"Dito na lang ako maghihintay." Tumayo ako sa gilid ng pinto ng library. Habang hinihintay si Jude, tinignan ko ang mga naka-display na bulletin board sa pader.

May isang bulletin board ang pumukaw ng pansin ko.

"SSG Officers...SKY CAPARIÑO AS V-" Tinakpan ko ang bibig ko nang may lumingon sa direksyon ko.

That all make sense. Kaya pala karamihan ng faculty ng campus siya may hawak ng susi. At kaya pala kilalang kilala siya dahil SSG Officer din pala siya. How lucky.

"Tara na. Do'n na tayo sa classroom natin. Tapos na ata session niyo ni Sky." Nakangiting sambit ni Jude.

Umiling-iling ako. "May gagawin daw kami sa classroom namin. Adviser ko kasi adviser nila Sky kaya do'n ako."

Nakita kong nalungkot siya. Tumango na lang siya at kumaway sa akin.

"Mamaya kape tayo ulit!" Aniya.

Pagbalik ko ng classroom, nakita kong nag d-distribute si Sky ng mga glue stick at si Nina naman namimigay ng mga colored paper.

"Pasensya na sa mga walang gunting. Pahiramin na lang ng meron. Paki-ayos ang gawa ha? Yung gawa talaga ng senior high school. Kailangan nating manalo this time." Narinig kong announce ni Nina sa harap.

"Meron ka na sa mesa mo." Bulong sa'kin ni Sky.

Teka, how did he-

"Sa cafeteria muna ako." Wika niya bago umalis.

Nakita ko ang limang gluestick na nakalapag sa mesa. Yaman talaga ng Lindway. Kailangan may price tag pa.

Wait...

Hindi ito price tag.

Tinitigan ko nang mabuti ang naka pulupot sa bawat isang glue stick.

May mga words na nakasulat. What are these?

"Don't be with Jude. Please." Bulong ko.

Agad akong tumakbo sa cafeteria gaya ng sinabi niyang pupuntahan niya. Nakita ko si Sky na nagmumuni-muni habang kumakain.

"Sky!" Kumaway ako.

Lumapit ako sa kanya at agad naman siyang tumayo. Tila alam na niya kung ano'ng meron.

"Luna. As much as possible, wag kang mag titiwala sa taong 'yon." Pinisil niya ang magkabilang balikat ko. Kitang-kita sa mga mata niya na natatakot siya.

"B-bakit naman?" Takang tanong ko.

"Basta." Mariing sagot niya.

"W-whoah. Ano meron?" Biglang sulpot naman ni Jude sa tabi namin.

Hinila niya ako palayo kay Jude.

Hinabol naman kami ni Jude. "Sandali. Bakit mo siya nilalayo sa'kin?"

"N-No! Hindi. May aayusin na kasi kami sa classroom. Right Luna?" Utal na wika ni Sky.

"Alam mo Sky, hindi ka marunong mag sinungaling." Ngumiti si Jude. "Gano'n ka pa rin tulad ng dati." He added.

Humigpit ang hawak sa'kin ni Sky. Tumingin ako kay Sky na tila hindi na natutuwa sa mga nangyayari.

"I don't know what you're up to. Wag mong idamay si Luna." Mariinig wika ni Sky at tuluyan akong hinatak pabalik sa classroom.

Habang inaayos ng buong klase ang classroom, narito ako sa upuan ko. Iniisip kung ano ang tinutukoy nilang dalawa. Idamay ako? Iwasan si Jude? Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari.

Tumayo ako at lumapit kay Sky.

"Sky, let's talk. Privately."

His brows frowned and nodded.

Dinala niya ako sa dulong bahagi ng garden.

Ang lamig naman dito. Mejo malamok pa. Tila hindi dinadaanan talaga ng tao.

"Jusko. Ano ginagawa natin dito?" Reklamo ko habang kinakamot ang braso ko.

"You wanted privacy right? So ano pag uusapan natin?" Walang gana niyang wika.

Kabado akong tumingin sa kanya. What if itaboy niya ako after kong itanong kung ano'ng nangyayari. What if mainis siya sa'kin lalo?

"E-erm...about sa sinabi ni J-Jude. A-anong mer-"

Nagulat ako nang may dumamping malambot at mainit na kung ano sa labi ko.

He kissed me!

"Be my girlfriend." Wika niya sa seryosong tono.

ANO?!

Sinampal ko siya nang malakas.

"Sagot kailangan ko hindi halik."

Iniwan ko siyang mag-isa sa garden.

Ano'ng akala niya sa'kin? Madadala sa halik-halik na 'yan? Ibahin mo ako Sky. Di ako tulad ng ibang babae mo.

Hipokrito!