webnovel

CHAPTER 5: Stalker

Luna's Point of view

Maaga akong nag-asikaso para maaga kong mai-tap ang ID ko sa gate. Kahapon kasi hindi ako nakapag-tap pero nakapasok ako. Patay pa kasi yung scanner no'n kaya nagkatanggap si mama ng notice galing school na hindi ako pumasok. Nagalit tuloy sa'kin. Akala nag cutting ako.

Pagpasok ko sa classroom namin, marami na agad ang estudyanteng tumambad sa'kin. Napansin kong bakante ang upuan ni Sky. Early bird si Sky kaya nakakapagtaka na hindi pa rin siya pumapasok sa ganitong oras.

Dalawang subject na ang dumaan, pero walang pumasok na Sky. Kung kailan naman may ipapakwento ako sa kanya, saka naman siya umabsent. Wala tuloy akong tinatanungan kapag na b-bobo ako.

Damn, you! Ang daya mo.

Sinubukan kong kontakin si Sky sa kaniyang Facebook account at mukhang hindi siya active masyado sa Fb. Nagsend ako ng paalala kay Sky na may session kami mamaya. I f-flex ko na ang natutunan kong kanta. Susubukan kong kantahin 'yon sa harap niya mamaya.

"Hindi pumasok tutor mo sa guitar?" Takang tanong ni Bryan habang nginangatngat ang straw ng Chuckie.

"Hindi talaga papasok 'yon kasi hindi naman kasya," sabat naman ni Zoe. Nag-irapan ang dalawa. Hindi talaga sila magkasundo. Silang dalawa lang sa circle namin ang mag kaaway palagi.

"Pasukan kaya kita?" Nakangising wika ni Bryan. Hinampas hampas naman siya agad ni Zoe. No wonder kapag nagkatuluyan 'tong dalawa.

Napalingon ako kay Ice na pangisi-ngisi lang habang nakatingin sa phone niya.

"Wow. Bongga! May ka-fling 'tong isa rito oh!" Ani ko sabay kuha sa phone niya.

"AY! Sino 'tong iniistalk m-"

"Si Sky?!" Bulalas ko.

"Oo. Ang pogi 'no? In-accept niya friend request ko kagabi lang. Ka-chat ko nga siya eh," nakangiting tugon niya.

Wait. Is this some kind of dream or something? Magka-chat pa nga sila. Samantala ako halos ugatin na ang mga messages ko sa kanya mula no'ng naging friends kami sa fb.

"Lalim na naman iniisip ni Luna. Joke lang 'yon. Sa'yong sayo si Sky. Napopogian lang," nakangisi niyang sambit. "Tinitignan ko lang 'tong bago niyang profile picture." Dugtong niya. Inabot niya sa akin ang phone niya at pinakita sa'kin ang bagong pfp ni Sky.

"Duh! As if I car-"

Tangina. 1.5k likes?!

Ang famous! Grabe. Naka high-five pose at poker face lang naman siya. Nakasuot siya ng red na t-shirt at may hikaw siya sa isang tenga.

Ang daming comments. Puro mga babae. May mga nag s-share pa. Samantala 'yong profile picture ko 10 likes lang tapos puro haha reactions pa. Hirap talaga pag hindi famous! Buti pa siya.

"Tama na 'yan! Tulo na laway mo, eh." Humalakhak si Ice at Zoe.

"Bahala nga kayo diyan! Hmp." Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria. Naiwang nagtatawanan ang tatlo ro'n habang nakatingin sa'kin.

Natapos na naman ang araw na walang ka-excite excite na ganap. Wala ba diyang magsasabunutan o may biglang may mag susuntukan? Ang boring na!

Or boring kasi wala si Sky?

"The fuck am I thinking?" Bulong ko sa sarili ko.

"May kasabay ka umuwi?" Halos sumigaw ako sa gulat nang may biglang umakbay sa'kin.

Nasa labas na akong campus naglalakad pasakay ng jeep. Kasama kasi ni Mang Amboy pamilya niya ngayon.

"Ay ikaw pala 'yan Jude." Kabadong sambit ko.

Isa si Jude sa mga classmate ko sa chemistry subject. Matalino si Jude, kaso may pagka weird din minsan.

"Naghahanap kasi ako ng kasama magpainit nilalamig ako ngayon eh." Aniya.

I look at him confused. "Eh? Ang init nga ngayon. May sakit ka ba?"

Napakamot batok siya. "I don't know. I feel unwell today."

Ah kaya pala kanina pa siya matamlay sa classroom. Hindi ko narinig dumaldal ang isang 'to kanina eh.

"Tara kape tayo." I smiled.

Niyaya ko siyang magkape sa lugawan. Nanghingi kami ng mainit na tubig at bumili ng twin pack na instant coffee.

"You know what? Ang simple mo. I thought tulad ka ng karamihang babae sa school natin." Wika niya at humigop ng kape.

My brow furrowed. "What do you mean di tulad ng ibang babae?"

"Well, you don't act like a weird bitch on school. You know, girls sa Lindway always get what they want. Pakiramdam ng karamihan sa Lindway mabibili nila lahat gamit pera." He smiled. "Y-youre kinda cute tho." Dugtong niya.

"Sus! Nambola ka pa. Tipikal na tao lang ako na may tipikal na pangangailangan." Ani ko.

"Speaking of pangangailangan, kailangan mo ng boyfriend?"

Halos ibuga ko ang kapeng nahigop ko sa tanong niya.

"Out of the blue? Hindi 'no! Study first! Ang bobo ko na nga sa acads, tapos dadagagan ko pa ng pagka-bobo sa lovelife." Natatawang sambit ko.

"I see. May nagugustuhan ka na ba?" Sumandal siya sa upuan at seryosong tumingin sa'kin.

"Why so interested? Sobrang instense mo naman mag tanong. Syempre wala!" Naubo ako kaunti. Wala ba talaga? Ewan ko. Feeling ko wala naman.

"Sabi mo 'yan. Sige na. Una na ako. Madilim na oh." Aniya at tumayo.

"Salamat sa pagsama sa'kin Luna. See you tomorrow!" He beamed and wave his hand.

"Bye!"

Tumingin ako sa phone ko para malaman kung anong oras na.

"6:50?!"

Kumaripas ako ng takbo sa terminal ng Jeep. Nako! Baka nagpunta sa bahay si Sky. Nag message pa naman ako sa kanya.

Wait. Hindi naman niya ata nabasa dahil hindi naman siya active sa Facebook.

Sinilip ko ang conversation namin sa messenger ni Sky. Laking gulat ko nang makita kong na-seen niya ang mga messages ko.

And what is this?

Ni-like niya message ko?

NASA BAHAY NA 'YON!

Malayo pa lang, tanaw ko na ang isang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. Naka halukipkip ang mga braso nito at nakatingin sa direksyon ko.

Ayan na naman siya sa stance na 'yan.

"Why late?" He glared at me.

"Alam mo bang saktong 5:00 PM nandito na ako?" Aniya.

Halos umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Well, hindi kasi you didn't let me know."

"Sorry. Na-lowbatt ako. Magrereply talaga ako. I guess male-late na naman ako ng uwi nito." Tinanggal niya ang suot niyang cap. Ngayon ko lang napansin ang suot niya.

Huh? 'Yan yung nasa fb niya ah?

"Bakit ka pala absent?" Inabutan ko siya ng tubig at umupo sa harap niya.

"Sinamahan ko kapatid ko mag-apply ng bagong work sa isang university."

So that's why. Akala ko naman may sakit siya or what.

"Y-you look good today." Wala sa sarili kong sambit.

"First time mo ako nakitang naka ganito pala." He looked at me and smiled.

Oh mah sweet lord. He smiled at me.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilng pisngi ko. Shems! Baka nag b-blush na ako.

"Btw, nagawa mo ba yung pina-assignment ko sa'yo?" Wika niya habang inaayos ang mga gamit niya sa mesa.

"Uh, excuse me. 8:00 PM na. Ang bilin sa'kin ni Madam hanggang 8:00 lang ang tutor mo rito." Biglang salita ni Ate Rosie sa likod namin.

Si Ate Rosie ang aming pinaka nagtagal na kasambahay. Para ko na siyang pangalawang nanay. Kapag wala si mama, si ate Rosie ang kasama ko to keep a company with me. Mabait at masunurin 'tong si Ate Rosie, 'yon nga lang medyo strict siya pagdating sa bilin at rules ni mama.

"Uh...okay po. Iligpit ko lang po ito sandali." Yumuko si Sky at niligpit ang mga gamit na kalalabas lang niya galing sa bag niya.

Lumapit ako para tulungan siya.

"This is your fault." Wika niya.

Sinamahan ko siyang lumabas ng gate namin. Sabi niya sa'kin, kaya na raw niya mag-isa. Sinungitan muna niya ako bago siya umuwi.

Heh! Maligaw ka sana.

Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Nagpunta ako sa Facebook at bumungad naman sa'kin ang mukha ni Sky.

He looks so handsome. Walang filter ang litrato niya pero sobrang ganda ng pagkakakuha.

Wala ba siyang picture na nakangiti siya? Nagpunta ako sa timeline niya para tignan kung may iba pa siyang mga litrato. Merong nakatayo siya sa tabi ng puno. Meron naman 'yung nag g-gitara siya.

Heart react.

Heart react.

Heart react.

...

Lahat ng photos ni Sky ay natignan ko. Chineck ko ulit isa-isa ang mga photos kung may na-like ba ako.

Oh. My. God. I'm. Fucked. Up.

"OH MY LIFE."

Nakita ko na lahat ng photos ni Sky ay na-heart react ko. What the heck.

Dali-dali akong nagpunta sa messenger para humingi ng tawad at sabihing hindi ako stalker at manyakis. Nagustuhan ko lang lahat ng photos niya. Yun lang.

Ang bobo mo talaga Luna. Wala na. Hindi na mababawi ni Zuckerberg yung notification kay Sky after kong i-spam ng likes mya posts niya.

Damn it.

Nag pop-up nang paulit-ulit ang pangalan ni Sky sa screen ko. Notification from Facebook. I'm so fucked up na talaga.

Tinignan ko ang notification panel ko para malaman kung ano ang mga 'yon.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa nakita ko.

"Sky Glean Capariño reacted to your photo ♥️."

OH MY GOD! HINDI LANG PALA ISA.

Lahat ng photos na meron ako sa

Facebook.

Malamang tumatawa na nang malakas si Sky sa bahay nila. Naawa siguro sa mga count reacts ko. Mga tig bente at tila napilitan pa ang mga reactors ko. HAHAHAHAHA.

"Pft." Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano 'tong pinipigilan ko. Tila may gustong kumawala sa loob ng katawan ko.

Nag pop-up muli ang pangalan ni Sky. This time, from messenger na.

Katapusan ko na.

Binasa ko ang laman ng conversation namin.

"Stalker. Lol."

AAAAAAAAAAAAARRRRRRGGGGGGHHHHH!!!! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya bukas.

After reading his message. I found myself blushing infront of the mirror.

AGAIN.