webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 80 - THE GENDER REVEAL!

CHAPTER 80 - THE GENDER REVEAL!

---------

ETHAN SMITH POV

5 months na ngayon ang tiyan ng asawa ko kaya nandito kami sa OB ngayon para makapag pacheck up nang sa gayon ay malaman na din namin ang gender ng anak namin. Plano na talaga naming mag asawa na alamin agad dahil ganun nalang kami kaexcited.

Pagpasok namin sa loob ay pinasuot agad ang asawa ko ng Hospital gown. Pagkatapos ay pinahiga na siya at pinataas yung damit para malagyan na ng gel. Nilapat na yung aparato sa tiyan ng asawa ko kaya rinig agad yung heart beat nila, Nakakatuwa silang tignan napaka likot ng anak namin grabe namana pa sa Mommy nila.

Matapos ang ultrasound ay inaantay pa namin si Dr. Bella na ibigay ang gender result ng kambal.

Nakita na namin si Dr. Bella na papalapit sa amin. Nagkatinginan pa kami ng asawa ko at napangiti. At paglapit niya.

"Ethan at lil sis, sana ay patawarin nyo ako ha. Pero nais ko na munang ipaalam sa inyo na hindi ko muna sasabihin ang gender ng kambal ." wika ni Ate Bella.

Biglang umangal naman ang asawa ko dahil nga sobrang excited na din niyang malaman ang gender ng kambal.

"Hala, Ate Bella naman. Bakit?" nakasimangot na sabi ni Penelope.

"Hep hep hep. Di pa naman ako tapos e. Mag papa gender reveal kasi ako. Bukas na bukas don't worry. Sagot ko na." surpresa ni Ate Bella.

"Pero eto ha, Advice ko lang lil sis, sobrang lusog ng mga babies ninyo. Mainam siguro na pakibawas muna ang rice, Daddy Ethan at baka mahirapang manganak ang asawa mo. At baka sumobra yung laki nitong dalawa." paalala ni Ate Bella kay Penelope at Ethan.

Pagkatapos nun ay umalis na kami. Hindi pa din maka move on ang asawa ko na hindi pa pala namin malalaman ang gender ng kambal ngayon. Pero at least bukas na. Makatulog pa kaya kami nito.

Nasa sasakyan na kami nang mag request ang asawa ko na parang hinahanap daw ng dila niya ngayon ay ang fresh buco. Para daw siyang naglalaway sa juice ng buco. Kaya naghanap agad ako ng malapit na tindahan ng buco.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang magandang lugar, payapa, tahimik, at masarap na langhapin ang hangin dahil ang napuntahan namin malayo sa polusyon.

Nagpark na muna ako, at bumili ng fresh buco kay manong.

"Dalawang buco po boss. Salamat."

Pagkabili ko ay nilapitan ko na muna ang asawa ko. Napansin ko na nakatingin siya banda sa may playground sa di kalayuan. May mga naglalarong bata.

Buti nalang may upuan dun malapit at may silungan pa. Kaya naupo na muna kami ng asawa ko. Sakto naman na dineliver na sa amin ni manong yung buco. Binayaran ko na din at hindi ko na hiningi ang sukli. At sakto na may dumaan na nag babanana cue kaya bumili kami ng asawa ko. Tag isa kami ng asawa ko at isa din para sa kambal. Bale isang stick ang sa akin at dalawang stick sa asawa ko.

Habang nakaen kami napatitig nalang kami sa playground kung saan may mga naglalarong mga bata.

PENELOPE THOMPSON POV

Pagkapunta pa lang namin sa lugar na to ay napukaw agad ng atensyon ko yung mga naglalarong bata sa may playground. Hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Nung mga panahong nag eenjoy din kami ni Ethan sa duyan na yan. Tuwang tuwa ako nung mga panahon na yun dahil lagi niya akong tinutulak. Tapos pag siya na ang nakaupo lagi akong nagrereklamo dahil ang bigat niya. Ehh maliit na bata pa lang ako nun at si Ethan nung bata ay malaking bulas na talaga.

"Grabe hon no? Dati tayo ang naglalaro dyan e." wika ni Ethan sa mga naglalaro sa playground habang kumakaen ng banana cue.

"Oo nga hon e, ang bilis ng panahon. Wala pa tayong ka muwang muwang noon basta laro lang maghapon." tugon ni Penelope habang kinakaen ang pangalawang stick ng banana cue niya.

"Ohh hon oh, tignan mo yung bata na yun ang laking bulas din. Haha ang cute!" pagpuna ni Penelope.

Habang giliw na giliw ako sa mga batang pinapanuod namin sa playground ay nakakaramdam ako ng pananakit ng tiyan.

"Aray, Ethan." nakangiwing sabi ni Penelope.

"Ohh bakit hon?" pag aalala ni Ethan.

"Ang lilikot ng anak mo. Hala tignan mo oh. Bumubukol. Hahaha." wika ni Penelope habang tinitignan nilang mag asawa ang naglilikot na kambal sa tiyan.

"Hahaha grabe ang likot ng kambal ko grabe. Sabi siguro nila, "gusto na namin mag play diyan Mommy and Daddy". tuwang tuwa na sabi ni Ethan dahil sa malilikot na anak na bumubukol sa tiyan ng kanyang asawa.

KUYA PATRICK THOMPSON POV

Time Check: 6:00 pm

Okay, kumpleto na kami dito sa bahay nila Ethan at Penelope. Kumpleto kaming family. Mommy, Daddy, Bella, Bethina, and Nurse Austin. Nandito na din yung family ni Ethan na sina Tita Isabel at Tito Albert. Maging ang Assistant ni Ethan na si Jessica at ang beshie ng kapatid ko na si Mica. Kumpleto din ang tropa niyang mga gwapings at mayayaman. Ang mag asawa nalang ang kulang.

Di kasi nila na ngayon talaga ang Gender Reveal. Balak namin silang isurprise ngayon. Lahat ng ito ay pakana ni Tita Isabel nang malaman niya na naka schedule na ang Gender Ultrasound ng Kambal. Kinuntsaba niya ang asawa ko na kapag nakuha na ni Bella ang resulta ay huwag muna itong ipaalam kina Ethan dahil eto nga ang balak ni Tita Isabel ang surprise Gender Reveal sa mag asawa.

Nag success naman sila at heto inaantay nalang namin sila. Dito kami naka set up sa sa may pool area. Grabe, namangha nga ako sa laki nitong bahay. Pwede mo na tong ihambing sa 5 star hotel e. Sobrang bongga nito. Tapos hindi ka rin basta basta makakapasok sa subdivision na to dahil ang tanging may ticket lamang ng subdivision ang maaaring makapasok kaya naka convoy kaming lahat sa Mommy at Daddy ni Ethan.

Pagkarating namin dito sa mansyon ay tulong tulong nalang kami sa pag decorate at maganda naman ang kinalabasan.

Time Check: 7:30 pm

Mga naiinip na itong mga kasama ko, medyo nabawasan na ang mga energy.

Pero lahat ay nabuhayan nang may bumusina na. Naka off lahat ng lights.

Once na makababa sa sasakyan ang mag asawa tsaka magbubukas ang mga ilaw.

ETHAN SMITH POV

Hmm? Napansin agad namin ng asawa ko na nakapatay ang ilaw sa may garden at pool area. Pero napansin ko din agad na may lobo. Hindi ko masyadong maaninag dahil madilim.

At habang gumagarahe na ako. Yung asawa ko napatingin sa side kung nasaan ang mga lobo.

"Anong meron hon? Birthday ba ng isa sa mga kasambahay natin? Ang daming lobo oh."

Nauna akong bumaba at sumunod naman ang asawa ko. At nung papalapit na kami.

"SURPRISEEEEE!"

PENELOPE THOMPSON POV

OMG!! Hindi ko napigilan ang luha ko nang makita ko ang pamilya ko at ang beshie ko. Hala, nakita ko din si sina Mommy Isabel at Daddy Albert. Pero bakit naka pink at blue silang damit. Ano to Gender Reveal?

Sabay lapit sa amin ni Ate Bella. Meron pang malakas na tugtog. At dinala na kami ni Ate Bella sa may gitna kung saan napakaraming lobo na kulay pink at blue.

"Hala hon, Gender Reveal na ata to?" bulong ni Ethan sa asawa.

"Ohh? Hello sa inyong mag asawa. Hahaha. Nasurpresa ba kayo?" tanong ni Bella sa mag asawa.

Di ko mapigilang umiyak at niyakap ko si Ate Bella.

"Nakakainis ka naman Ate e, mang susurprise ka pala." wika ni Penelope sa Ate Bella niya habang naiyak.

"Hahah sorry na. Napag utusan lang. Tsaka eto na ohh. Alam ko masama loob mo sakin kanina. Pero eto, the wait is over." habang pinupunasan ang luha ng buntis.

"Okay, so let's start!" wika ni Bella bilang host ng Gender Reveal nila Penelope and Ethan.

"Syempre bago natin i-reveal nais ko munang tanungin ang mga parents. Maaaring niyo po ba kaming samahan dito sa gitna? Magkakaroon lang tayo ng kaunting survey lang naman."

Nag puntahan agad agad ang mga magiging lolo at lola.

"Ayun oh. Nais ko lang naman kayo tanungin isa isa kung ano ang hula ninyo sa Gender ng Kambal. We have 3 choices. Letter A is 2 boys, Letter B is 2 girls, and Letter C is 1 girl and 1 boy. Maliwanag?"

"Unahin ko na ang kanina pang nagtatalo dito na mag asawa. Tito Albert ano po ang hula ninyong Gender ng Kambal a, b, or c?"

"Eto, Doc. Bella. Obvious naman sa suot ko. Team Boy tayo kaya ang kambal ay Letter A!! 2 Boys!! Itaas ang bandera ng mga lalake!" mataas na energy ni Daddy Albert na naka blue shirt at blue din na cap.

"Hahaha grabe naman ang energy ni Lolo Albert. Okay next ang aming Tita Fashionista talagang bagets na bagets na si Tita Isabel. Palakpakan po please."

"Hello Tita Isabel. Tatanungin pa din kita kahit obvious naman kung anong hula mo. Tita Isabel what do you think the Gender of the Twins? Letter a, b, or c?"

"Thank you Lovely Bella. Syempre kitang kita naman sa napaka ganda kong manugang. For sure babae yan. Girl power tayo Doc. Bella. Letter b!" na may pag irap pa sa asawa nitong si Don Albert.

"Hahaha grabe. So, meron na tayong tag isang vote para sa 2 boys at vote para sa 2 girls. Okay, next ang chill na chill lang na si Daddy Harvey!"

"Daddy Harvey, what do you think the Gender of your apo?"

"Ako, tutal kambal yan. Para walang away. Dun tayo sa 1 girl and 1 boy. Fraternal Twins yan." malumanay na sagot ni Daddy Harvey.

"Bongga, world peace ang choice ni Daddy Harvey. Hahaha. Okay next is ang hindi magpapatalo kung postura lang din ang usapan, palakpakan si Mommy Patricia!"

"Okay Mommy, what do you think the Gender?"

"Syempre kampi ako sa balae ko. Girl power tayo! Wooh!" mataas na energy na sabi ni Mommy Patricia dahilan ng pagtawa ng anak nitong si Penelope.

"Hahaha. G na G ang Mommy Patricia namin." natatawa ding sabi ni Bella dahil hindi ito sanay sa nasaksihan sa kanyang biyenan.

"Okay at next is the Lovely Parents. Unahin ko na ang Ama na mukhang binata pa din. Ethan, what do you think the Gender?"

"Uhm. Actually, may point ang mga mother e. Since sila ang naka experience na niyan alam nila wether ang pinagbubuntis is lalake or babae. And looking at my wife e, talagang napakaganda e. Lalo siyang gumanda actually." nakangiting sinabi ni Ethan habang nakatingin sa asawa nito.

"Aww, grabe naman. Mukhang pag nanganak na ang lil sis ko eh bubuntisin mo na agad ha? Hahaha. De biro lang. What's the Gender, Daddy Ethan?"

"2 girls Ate Bella." nakangiting sagot ni Ethan.

"Ohh, lamang na lamang na ang 2 girls ah."

"Last ang mommy. Ano ang napupulsuhan mo Mommy Penelope? What is the Gender ng kambal?"

"Ahm. Bago ako sumagot nais ko munang magpasalamat Ate Bella." biglang napaiyak si Penelope while appreciating Ate Bella.

"Thank you sa inyo ni Kuya. Sa pag alaga sakin pati sa parents namin na hindi kami pinabayaan. Lalo na nung bahagyang nalagay sa alanganin ang kambal. Kayo ang naging mga lakas ko. Maraming salamat. Sorry kung naging emosyonal. Gusto ko lang talagang iappreciate ang pagmamahal niyo sa akin at sa kambal. At syempre sayo Hon, Mahal na mahal kita. Salamat at inaalagaan mo ako ng sobra."

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Talagang iyak kung iyak. Nahawa nga din maging ang mga bisita. Mga nagsisinghutan na din ng mga sipon.

"Anyways, I am sorry. Hahaha. Ganito lang talaga pag buntis emosyonal." pagpaumanhin ni Penelope na natatawa nalang nang makitang naging emosyonal ang lahat.

"Ayan Lil sis. Pano pa ako mag host ngongo nako. Hahaha." biro ni Ate Bella.

"Hahaha. Sorry Ate Bella, it's a tie naman e. Pero mabalik tayo sa Gender. Ang hula ko dyan is Letter c. 1 girl and 1 boy."

"Ohh, so nakuha na natin ang lahat ng sagot ng parents at ng kanilang mga anak. It's time for the revelation."

Kinuha na ni Ate Bella ang malaking balloon at pin. Ipinwesto na niya sa bandang taas at gitna namin ni Ethan.

"Bilang kayo guys in 3..2..1..

POP !!

Woah, para bang nag slow mo. Naka tingin lang kami ni Ethan sa may taas at nagaabang ng mga kulay na babagsak. Binuka ko lang ang mga palad ko. Unang bumagsak sa palad ko ang nagniningning na para bang kulay pink.

"OMG! Babae?"

Hanggang sa may pumatak na din na kulay asul!!

At nagtayuan ang lahat at nagsaya!!

"Ladies and Gentlemen. It's a BOY and a GIRL!!!!!"