webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 79 - LIFE OF A PREGNANT WOMAN

CHAPTER 79 - LIFE OF A PREGNANT WOMAN

--------

ETHAN SMITH POV

Sabi ni Kuya Patrick kailangan namin bumalik sa Ob-gyne, para malaman kung ano kalagayan ng baby namin bago kami palabasin dito sa Hospital.

Naeexcite din ako makita yung mga baby ko, alam ko naman na maliit pa pero marinig lang ang heartbeat nila ay sapat na sa akin.

Pero nagpatulong muna ang asawa ko na maligo. Dahil init na init daw siya. Kaya kumuha ako ng maliit lang na upuan para relax siya habang naliligo. Inasisst ko din siya sa mga kaliangan niya. Gaya ng damit. Pinagprepare ko na din siya agad.

Payo daw kasi ng Doctor sa kanya na huwag masyado mag gagalaw kaya todo tulong ako sa kanya para hindi na sya masyadong kumilos.

PENELOPE THOMPSON POV

Nang matapos na akong maligo sumunod naman ang asawa ko at pagkatapos ay oras na para pumunta sa OB. Ikinuha pa ako ng wheelchair ng asawa ko para hindi na daw ako maglakad.

Ang swerte ko naman sa asawa ko. Talagang gagawin ang lahat hindi lang ako mapagod. Di ko tuloy maiwasan na mapatitig at maluha. Pero pinigilan ko dahil bawal din na masyado akong emosyonal.

Nang makarating na kami ay pinalista niya na agad yung pangalan ko. Buti nalang wala masyadong tao dito. nag iintay nalang kami na tawagin ako.

Habang naghihintay kami, may nakakilala sa amin simula kasi nang makasal kami ni Ethan hindi na siya nag aabala na magtago sa mga fans niya. Pero dahil buntis nga ako kaya ako nalang ang naka mask sa aming dalawa.

"Salamat po Doc. Ethan. Buntis po pala ang asawa niyo. Pero ang sexy ng buntis ha." wika ng Nanay na nagpapicture kay Ethan.

"Oo nga po e. Pero alam nyo po, tabang taba pa nga siya sa sarili niya. Oh diba hon? Sabi sayo ang sexy mo e." nakangiting tugon ni Ethan kay Nanay.

Nginitian ko nalang sila. Di ko kasi alam kung binobola lang nila ako. Pano ba naman, sabihan akong sexy eh nakabistida ako. Kitang kita yung malulusog kong mga braso.

30 mins ang iantay namin bago kami tawagin sa loob. Si Ate Bella ang OB dito sa hospital kaya siya ang mag checheck-up sakin.

Transvaginal ultrasound ang gagawin dahil sa bleeding na nangyari sa akin pagkatapos ay ichecheck din kung ano kalagayan ng mga baby ko.

"Okay relax ka lang don't worry hindi naman masakit to."

Di ako sanay na seryoso ang Ate Bella ko. Ganito pala siya pag nasa trabaho.

pag pasok ng aparato nakaramdam ako ng malamig, siguro gawa ng gel na nilagay. nakarinig ako ng heartbeat napatingin ako sa monitor shocks! nakita ko yung mga babies ko ang liliit pa nila. naluluha ako habang pinagmamasdan ko sila. napatingin ako sa asawa ko nagpupunas na luha.

" Oh ayan lil sis yung mga baby ninyo halata namang healthy silang pareho at nagiging makapit na din sila pero kailangan mo pa din mag bedrest. Tapos yung gamot na pampakapit ilagay mo pa din sa loob ng v***na mo bago ka matulog okay. Lagi kang mag ingat ka dahil 7 weeks palang ang babies mo kaen lang ng mga healthy food at higit sa lahat yung vitamins mo at gatas." paalala ni Dr. Bella Adams

Pagkatapos ng mga yun ay ready na kaming umalis ng Asawa ko.

"lil sis pwede na kayo madischarge tutal normal naman lahat. Wala ka naman nang bleeding. Tsaka congrats sa inyong dalawa. nagulat ako dahil ang bilis ninyong gumawa at kambal pa ha. Hahaha." sabay tingin kay Ethan, dahilan para matawa din ito.

"Alam mo napag isip isip ko, pag mag aanak na ulit ako hihingi ako ng tips sa inyo kung ano position baka sakaling maging kambal din anak namin. hahaha. Pangarap ko kasi yan lil sis kung di mo maitatanong" pagbahagi ni Ate Bella.

"Hahaha Ate Bella. You are asking ba kung paano nabuo ang twins? Hahaha. Lahat ng position ginawa namin ng isang gabi lang ayan na buo hahah." natatawang pag bubunyag ni Ethan.

Kaloka naman tong asawa ko. Nabigla ako sa pagsingit niya na yun. Binulgar pa yung mga ginawa namin that night. Buti kami kami lang ang nandito. Tawang tawa tuloy si Ate Bella sa amin.

"Okay, copy yan. Gagawin namin yan sana kambal din maging anak namin. Haha sige na .Bye guys. See you around." nakangiting sinabi ni Ate Bella sa mag asawa.

Lumabas na kami sa kwarto ni Ate Bella at bumalik sa room namin. Inayos na din ng asawa ko ang papeles namin para makauwi na maya maya.

ETHAN SMITH POV

Tapos ko na ayusin yung mga papel para sa pag labas namin. First time kong ginawa to. Actually may option naman ako na iutos nalang ang mga gawain na to pero mas pinili kong ako nalang para naman maranasan ko kung paano maging ama at asawa na abala sa pag aasikaso para sa asawang nagdadalang tao.

Pagkatapos ng ilang pabalik balik ay lumabas na kami ng asawa ko para abangan si Kuya Piolo. Hiniram ko na muna siya ulit kay Dad dahil kailangan kong masecure ang asawa ko habang bumabiyahe kami. Hawak hawak ko lang ang tiyan niya habang nakasandal naman siya sakin.

After 1hr ay naka dating na din kami sa bahay namin. Nag elevator na din kami at deretso sa kwarto.

" Hon may gusto kabang kainin?"

"Hon gusto ko ng mangga hilaw na may bagoong at Ice cream"

"Hon hindi ba sumakit ang tiyan mo dahil may ice cream?" may pag aalalang tanong ni Ethan

"Tsk! bilin mo nalang" nakasimangot na sabi ni Penelope

At ayan na nga ang matalas na mga tingin niya.

"Okay okay, Sige na alis muna ako para magpaluto ng bagoong at mag pabili ng manggang hilaw at ice cream."

Pagbaba ko ay nagpabili na ako ng mga gusto ng asawa ko. Niluluto na din ni Nanay Helen yung bagoong na. Mmm. Grabe ang bango naman. Nakakatakam.

Nagulat sina Nanay Helen at mga tao sa bahay nang malaman nila na buntis na ang asawa ko.

"Nakaktuwa naman sir. At mukhang nag lilihi na po ang asawa niyo." natutuwang sabi ni Nanay Helen.

" Opo Nanay Helen 7 weeks na ang tiyan ng asawa ko po." tugon ni Ethan.

"Wow congrats Sir. Ethan. Sa wakas magagamit na yung mga baby stuff sa kalapit ng kwarto ninyo at yung play area." Masayang sabi ni Nanay Helen.

" Po? anong baby stuff at play area Nanay helen?" nagtatakang tanong ni Ethan.

"Di nyo po ba alam Sir. Ethan? una palang po ay may kwarto na talaga yung baby ninyo at may play area din po dun. Nasa tabi lang po ng kwarto ninyo ang room. Hindi pa pala ninyo nahahalughog ang buong bahay Sir. Ethan?" kwento ni Nanay Helen

"Hindi pa po Nanay Helen. Tsaka wala ding nabanggit sina Mommy. Siguro gusto nila kaming isurpresa pero yun nga lang kung hindi niyo pa sinabi ay hindi ko pa malalaman. Hehehe." pailing iling na sabi ni Ethan

Matapos ng usapan namin ay tapos na ding maluto ang mga nirequest ng asawa ko. Maging ang Ice Cream ipinagkuha ko na din siya sa may freezer namin.

Sumakay na ako sa elevator at di pa din mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Nanay Helen na nursery room. Naexcite tuloy ako. Hahanapin ko kung nasan ang pinto na yun.

Pag labas ko ng elevator ay bungad ang abot tengang ngiti ng asawa ko.

Sobrang saya ng asawa ko. At habang kinakaen niya yung mangga, napansin ko na yung mangga ay sinasasawsaw sa ice cream tapos yung bagoong pinapapak. Haha grabe ang weird. Pinagmamasdan ko lang siya. Grabe kaya pala napansin ko dati na kapag kakaen na kami hindi na niya ako inaalok basta kaen lang siya agad. Kaya madalas nauuna siyang matapos kumaen.

Naalala bigla yung nakwento sakin ni Nanay Helen. Kaya pagkatapos kumaen ng asawa ko ay sinabi ko sa kanya yung about sa nursery room dito sa kwarto.

"Hon tara may pupunta tayo. Pero wag kang mag alala hindi ka naman mapapagod. Tsaka sigurado akong magugutuhan mo to."

sabi ni Ethan kay Penelope

Ayaw ko na munang sabihin sa asawa ko ang tungkol sa nursery room, gusto ko parehas kaming masurpresa.

PENELOPE THOMPSON POV

Curious ako kung ano ba yung ibig sabihin ng asawa ko na ikagagalak ko daw pag nakita ko. Lumakad lang kami saglit sa may kwarto namin at biglang punta sa

"Pinto?" pagtataka ni Penelope.

"Ohh? yan pala yun?" nakangiting sinabi ni Ethan.

Di ko alam na may pinto pala dito sa may gilid.

Pag bukas ng asawa ko ng pinto ay may nakita agad ako na mga baby stuff. Naiyak ako nang makita ko kaya napayakap ako sa Asawa ko.

Pumasok na kami at wow! Puti ang dingding ng kwarto tapos may malalaking sticker ng mga animals. Yung dulong bahagi ng kwarto may malaking window glass at may kurtina na color lightgray. Tapos yung sahig niya ay marmol na white may fur carpet na color lightgray, sa right side nanduon yung crib na white katabi yung changing diaper. Sa left side naman ay yung katabi ng window glass may breastfeeding chair at may drawer din para sa mga baby stuff at may walking closet.

OMG! Naluluha ako.

"Ohh? wag ka nang umiyak hon, baka makasama sa kambal natin yan, Pero alam mo hon, ngayon ko lang din to nalaman kung di pa nabanggit sakin to ni Nanay Helen ay hindi ko pa malalaman yung about dito sa nursery room." wika ni Ethan habang pinupunasan ang luha ng asawa.

"Grabe sila Mommy at Daddy mo no? Ganito sila kaexcited. Una yung soundproof na kwarto ngayon naman itong nursery room. Palandong planado nila ang lahat." halong ngiti at iyak na reaksyon ni Penelope.

Nag hiwalay muna kami ni Ethan dahil kanya kanya kami ng tinitignan ako. Ako, abala sa mga gamit at mga cute design nitong nursery room hanggang sa tinawag ako ng asawa ko.

"Hon! Tara dito. Dali, may room pa." excited na tinawag ni Ethan ang asawa.

Pag bukas ng kwarto. Napa OMG! naman ako. Para na kaming nasa mall gawa ng play area na pang bata. Grabe ang ganda at ang luwag. May slide pa tapos ang dami ding mga bola na maliliit. Meron ding play house at mga kitchen set tapos meron ding maliit na ring. Buong kwarto ay palaruan lang talaga ng bata.

"Hon siguro kung hindi ka lang buntis ngayon aayain kita na mag laro dyan. Hahaha. Grabe kasi para nilagay lang yung mall dito sa bahay natin." natatawang kwento ni Ethan.

"Kaya nga e nakakatuwa ang mga parents mo napaka daming pasabog. Dun ka pala nagmana sa kanila no? Ang dami mo din laging pakulo eh." kantsaw ni Penelope sa asawa.

Nag aya na ako sa asawa ko na bumalik na sa kwarto namin dahil nakakaramdam na ako ng antok.

Nagising ako gabi na kumuha nalang ang asawa ko ng pagkaen dito na kami kumaen bawal kasi ako lakad ng lakad .

Napansin ko na parang dumadalas na ang pagkaantok ko lalo na kapag nakaka kaen ako.

May nadiscover nanaman na lugar dito sa bahay namin si Ethan kaya pumunta kami sa may Theater room nitong bahay. Kumuha din siya ng pagkaen, mangga at ice cream sa akin at ang kanya naman ay chips at tubig lang. Habang nanonood kami, hindi ko pa man tapos ang kinakaen ko ay nakatulog na din agad ako sa balikat ng asawa ko habang nanunuod ng cocomelon.

------------

2 Days Later...

------------

ETHAN SMITH POV

Naisipan namin na dumalaw naman kina Daddy Harvey. Dahil umiigi igi na daw ang pakiramdam niya. Under recovery stage pa din kasi si Daddy Harvey matapos ang operasyon.

Nang makapunta na kami sa kwarto ni Daddy Harvey, naabutan namin na nandun sina Mommy Patricia at Nurse Austin.

Nang makita nila si Penelope kita ko ang paglaki ng mga mata nina Mommy Patricia at Daddy Harvey na medyo naka angat ang Hospital bed.

Tinuturo nila ang tiyan ni Penelope dahil hindi na talaga maitatago kahit na nasa 2 months palang ang tiyan ni Penelope.

"Yes, Dad and Mom." maluha luhang tugon ni Penelope.

Agad na niyakap ni Penelope ang mga magulang niya. Alam kong miss na miss na din niya ang Mommy at Daddy niya.

"I am so happy with you sweety. Salamat sa Diyos. Excited na ako na magkakaapo na ako sayo. Congrats Ethan anak." habang naluha si Daddy Harvey at yakap ayakap ang anak.

Lumapit din ako kay Daddy Harvey at niyakap siya. Ganun na din si Mommy Patricia. As expected emosyonal talaga ang una naming pagkikitang muli lalo buntis na si Penelope.

PENELOPE THOMPSON POV

Sobrang namiss ko ang parents ko. Tuwang tuwa sila nang malaman nila na buntis ako. Tinanong din nila kung ilang weeks na ang tiyan ko.

"Mag 2 months na po Mom and Dad. Tsaka alam niyo ba? Twins ang baby ko." masayang ibinalita ni Penelope sa mga mgaulang niya.

" Wow anak sobra saya ko para sa inyong dalawa. Congrats anak." naluluhang sabi ni Daddy Harvey.

Patuloy ang masayang usapan namin. Tinanong ko din ang lagay ni Dad at sa awa naman ng Diyos, ay bumubuti na ang lagay niya.

"Kaya pala napakatakaw mo kumaen sweetheart pati matulog buntis kana pala nun. Tsaka kaya pala nagkakalaman laman kana. Pero kahit na buntis kana parang walang nagbabago sa mukha mo ang ganda mo pa din siguro babae yan. " masayang sabi ni Mommy Patricia habang pinagmamasdan ang tiyan ng anak.

" Talaga ba mommy? feeling ko nga ang panget ko na e tas ang taba." nakanguso na tugon ni Penelope.

" Anak hindi ka panget ang ganda ganda mo nga e, tumaba ka nga lang dahil lumalaki na yung tiyan mo."

" Hon maniwala ka kay mommy, dahil kahit kanino ka mag tanong maganda ka pa din." pagkampi ni Ethan kay Mommy Patricia.

" Ayy sige na nga, nagkampihan na kayo eh. Hahaha."

Pagkatapos ng mahaba habang kwentuha at kamustahan ay kumaen na muna tska kami umuwi ng asawa ko.

----------

Mabilis lumipas ang araw, linggo at buwan..

Nakauwi na si Daddy sa bahay pero every week may check up siya. Para ma sure na okay na talaga ang heart niya. Tapos nung August 08 kung saan iyon ang aking special day ay sinurprise ako ng asawa ko. Syempre dahil nga lagi akong antok nag drive lang ang asawa ko at di naman niya sinasabi kung saan ba kami pupunta. Kaya habang bumabyahe ay natutulog lang ako.

Hindi ko namalayan na sa Resort pala namin ni Mr. Lee ako dadalhin ng asawa ko at hindi ko din inaasahan na nandun ang mga family members ko. Duon kami nag celebrate ng Birthday ko. Ang saya lang nag swimming, kumaen,at madami pang adventure habang ako ay nakatanaw lang sa kanila sa malayo habang tabi ko naman ang asawa ko.

Invited din ang Beshie ko at si Mr. Lee. Kaya talagang masaya ang naging kaarawan ko.

Nagulat pa nga yung dalawa ng malaman na buntis na din ako at mas nagulat pa nang malaman na kambal ang anak namin ni Ethan.

Lamang lang sa akin si Mica ng isang buwan. Medyo malaki na din ang tiyan niya. Sexy and pretty na buntis din ang beshie ko. Chikahan galore kami at sabay na din kumaen kaya yun yung mga asawa namin mga tulog. Ang sweet nga ng magkaibigan dahil hindi nila alam na magkayakapan na sila. Tawa lang kami ng tawa ng beshie ko.

Nang mag 4 months na ang tiyan ko bumalik na kami sa work ng asawa ko dahil healthy naman na yung kambal namin at makapit na din. Hindi din naman ako masyado nagpapagod sa work dahil madami na din mga Doctor na nakaka tulong ko sa pag oopera.

Araw araw din ako minomonitor ng Asawa ko pag nag text ako ng gusto kung pagkaen bibili agad siya at papapuntahin agad ako sa office niya.

-----

Napaka bilis lumipas ng panahon. Medyo nabibigatan na ako sa kambal namin dahil napakatakaw nila. Medyo nag eexercise na nga ako feeling ko kasi baka nag aaway na sila sa loob dahil baka tulad sila ng Mommy nila na malaki din ang braso.

Tuloy tuloy ang mga masasayang araw. Halos wala na din kaming nagiging problema ni Ethan bukod nalang siyempre sa mga mood swings ko.

Ring! Ring!

Hmm? Tumatawag ang asawa ko?

"Hon, tinawagan ako ni Ate Bella. Advice niya sakin na pwede na daw natin malaman ang gender ng kambal!" masayang balita ni Ethan sa kanyang asawa.