webnovel

The Paramount Code

Jacob never wanted to go to Faircastle High School - it was his mother who wanted it. But when Jacob thought that staying in the school was all he had to endure, he manages to top a certain placement exam. Through it, he becomes a member of the Paramount - the group of Faircastle's best eight students that represent the intelligence division they are from. Little did he know that behind the after-school activities and supplemental classes, a secret about themselves will be discovered and awakened. Their lives are about to change, when great power come from the peculiarity and intelligence they all possess. Note: This story is highly inspired by the Thai novel-turned-series, The Gifted and its sequel, The Gifted: Graduation. NOTE: THIS IS A FILIPINO STORY.

ayrasheeeen · Sci-fi
Not enough ratings
9 Chs

5 | The New Paramount

Bakas sa mga mukha nina Jacob at Vladimir ang pagkalito nang mahawakan nila ang mga sulat na ibinigay sa kanila ni Mr. Arevalo. Habang binubuksan nila ang mga ito, narinig nila ang sigawan ng mga nagtatakbuhang estudyante sa hallway. Nakalagay na raw sa bulletin board sa hall ng main building ang ranking ng mga bagong miyembro ng Paramount.

Sabay nilang tiningnan si Miss Mariano, na ibinaling naman ang tingin kay Mr. Arevalo. Napangiti ang lalaking guro bago nagsalita. "Since members na sila ng Paramount, ako na ang bahalang mag-take over at mag-reprimand sa kanila dahil sa ginawa nilang commotion kanina."

The school's head administration sighed in frustration, before nodding to finally grant them permission to go down the building and check the rankings.

Pagbaba nila sa hagdan, napatingin sa kanilang dalawa ang mga tao dahil sa mga dala nilang sulat. Nang makita na nilang dalawa ang rankings, doon napagtanto ni Jacob kung bakit napakaraming mga mata ang nakatuon kay Vladimir. Ito kasi ang Top 1 sa Paramount rankings.

Habang tahimik na binabasa ni Jacob ang ilan pang mga pamilyar na pangalan sa listahan, isang malalim na tinig ang umalingawngaw sa hall.

"Parang ayoko nang maging member ng Paramount kung araw-araw kitang makakasama."

Napatingin silang dalawa ni Vladimir kung saan nanggaling ang tinig, at doon nila nakita si Nico na nakasandal ang katawan sa pader kung saan nakakabit ang bulletin board. Pero halatang si Vladimir ang pinariringgan nito at hindi naman siya, kaya tahimik lamang niyang pinanood ang dalawa.

Vladimir shook his head in distaste. "Eh 'di huwag kang sumali. Pwede ka naman siguro nilang palitan. Marami namang estudyante sa division ninyo na mas okay kaysa sa'yo... Paano ka ba nakapasa, ha? Ikaw na talaga ang pinakamagaling sa division ninyo? How pathetic... This exam is a joke."

Naningkit ang mga mata ni Nico habang pinipigilan ang sarili na undayan ng suntok ang lalaking kinaiinisan. "Kung joke na nakapasok ako, eh 'di joke rin 'yang pagiging Top 1 mo."

Vladimir hissed before smirking slyly. "Nothing beats the funniest joke only you can make – your existence." He chuckled menacingly as he looked down on Nico, before bumping on Jacob on purpose as he left the area.

Nang tuluyang makaalis si Vladimir ay tumama ang tingin ni Jacob sa mga mata ni Nico na nakita ang lahat ng nangyari. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ng mas malaking lalaki. "Mukhang hindi lang ako ang hindi gusto ng ungas na 'yun ah." Lumapit ito sa kanya at tinapik-tapik ang balikat niya, "See you around, dude."

After Nico left, Jacob went to the rankings and looked at it, still looking confused. Hindi niya kasi maintindihan kung paano iyon nangyari, lalo na't hindi niya naman sineryoso ang placement examination na iyon. Halos hindi niya nga binasa ang mga tanong at kung anu-ano lang ang isinagot niya, kaya wala siyang ideya kung paanong siya pa ang nag-top sa Interpersonal Intelligence Division kung saan siya enrolled.

Habang naroon siya ay dumating ang pinsan niyang si Kevin na kasama na ang mga kaklase nito. Mukhang nauna na nitong nakita ang rankings kaya nagbitbit ito ng mga kaklase para ipagyabang na nakapasok ang kuya niya sa Paramount.

Abot-tenga ang ngiti ng nakababatang pinsan ni Jacob nang inakbayan siya nito. "Kuya, ang galing mo! Sabi ko na eh... Makakapasok ka sa Paramount!"

Habang pinangangalandakan ni Kevin ang paglusot niya sa Paramount, isang lalaking may kaliitan at nakasuot ng glasses ang lumapit sa kanila. Napatingin ito sa rankings, bago ibinaling ang mga mata kay Jacob.

"Ikaw ba 'tong Jacob Vergara sa rankings? Nakapasok ka rin sa Paramount? Nice one!" The bespectacled guy grinned brightly before tapping his shoulder, "Ay, baka hindi mo na ako natatandaan... Ako 'yung seatmate mo noong placement exam... You can call me Sketch."

Tumango si Jacob, at isang alangang ngiti ang sumilay sa mukha niya. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa utak niya na miyembro na siya ng Paramount.

"Ang galing naman!" pagpapatuloy ni Sketch na ipinapakita ang excitement sa ekspresyon ng mukha nito, "Tama talaga ako... Magkikita tayo ulit. Kita tayo bukas sa first meeting!"

Nanatili pa ito ng ilang minuto para kunan ng pictures ang ranking, bago tuluyang umalis. Hindi nagtagal ay dumating na rin sa hall si Gwen. Mukhang kakatapos lang nitong kumain ng lunch, at may nakalagay pang lollipop sa loob ng bibig nito.

Lumapit si Gwen sa kanya bago nagsalita, "Ano 'yan? Sabi ng mga kaklase natin pumunta raw ako dito. Ano bang meron?"

"Kasali ka sa Paramount, Gwen," nakangiting tugon ni Jacob dito.

Napataas ang isang kilay ng babae, na halatang ayaw seryosohin ang narinig. "Ako?"

"Oo... Ikaw ang pangalawa sa rankings. Tingnan mo."

Gwen looked at the piece of paper where the rankings are printed, then frowned. "Importante ba 'yan?"

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa Paramount?"

Umiling ang babae habang inilalabas ang stick ng lollipop sa bibig niya. Mukhang kinagat na nito ang candy. "Hindi eh."

"Hindi mo man lang ba binasa 'yung student handbook?"

Gwen chuckled and shook her head. "Sinong engot ba ang nagbabasa ng student handbook?"

Napailing-iling na lamang si Jacob. Hindi niya mapigilang mamangha sa pag-uugali ng babae. "Nakalagay dun 'yung tungkol sa Paramount. Nag-take ka ng placement exam tapos hindi mo man lang inalam kung para saan 'yun."

Gwen just shook her head again and rolled her eyes, showing no interest in it. "Hindi ko naman ikakamatay kung wala akong idea tungkol diyan."

Kevin then looks at her, then the ratings. With shock and amazement on his face, he finally said in a loud voice, "0.08 lang ang lamang sa'yo nung Top 1..."

Natigilan ang lahat dahil sa narinig, at agad na napatingin sa direksyon ni Gwen na hindi maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang atensyon na nakukuha niya. Halata sa mukha nito ang pagkailang.

Lumapit siya kay Jacob at siniko ito. "Bakit nila ako pinagtitinginan?"

Ang pinsan ni Jacob na si Kevin ang sumagot sa kanya. "Medyo kilala kasi si Vladimir sa pagiging unbeatable niya pagdating sa grades. Palaging malayo ang agwat ng ratings niya sa kasunod niya sa ranking kahit noong junior high pa siya. Ngayon lang kasi nangyari na wala pang 1% ang nilamang niya sa sumunod sa kanya. Ibang klase ka..."

Gwen just grimaced as she shook her head distastefully. "Ang babaw naman ng mga tao dito. Ratings are just ratings. Ano ba ang basehan niyan?"

"It's all based on our scores sa last part ng exam," biglang tugon ng isang babaeng may maikling buhok at nakasuot ng salamin at nakatingin din sa rankings, "Sa last fifty items ng placement examination, magkakapareho na ang mga tanong para sa lahat ng estudyante, regardless kung ano ang pinanggalingan nilang division." She then looked at Gwen with a haughty look on her face, "I'm Emma, from VLID, Rank 4 of the Paramount. Congratulations. It's not easy to beat Vladimir. Next time, try harder."

Napangisi lamang si Gwen at umiling-iling dahil sa narinig mula sa babae. "Beating that guy isn't an achievement. And by the way, I have a reputation for not taking things seriously... So just so you know, hindi ko naman pinaghirapan na maabot ang ranking ko. Paano na lang kung sineryoso ko 'yung exam, 'di ba?" She then sneered, placed wore the earphones she is carrying in her pocket, then left the hall.

Sinundan ni Jacob ng tingin si Gwen, bago ibinalik ang atensyon kay Emma na halatang nairita dahil sa mga narinig. Doon niya napansin na papalapit si Leia sa babae, at agad na kinalabit ito. Sa tingin ni Jacob ay magkaibigan ang dalawa dahil mukhang nakikinig si Emma rito.

Nang magtama ang mga mata ni Jacob at ng bagong-dating na si Leia, nginitian niya ang babae. Isang maliit na ngiti at mahinang tango ang isinagot nito sa kanya, bago tiningnan ang rankings na nakakabit sa board. Sa halip na matuwa na nakapasok siya sa Paramount kagaya ng iba, naging iba ang timpla ng mukha ni Leia. Napatingin siya sa bandang kaliwa kung saan nakatayo ang isang babae na masama ang tingin sa kanya.

Natatandaan ni Jacob kung sino ang babaeng tiningnan ni Leia. Iyon ang nakita niyang kasama ng huli noong madaanan niya ito sa may library. Ang babae marahil ang kapatid ni Leia na sa hula niya ay palagi siyang inaaway.

Napayuko si Leia, at humawak sa braso ni Emma. "Tara na... Umalis na tayo rito."

Nagtaka si Emma sa sinabi ng kaibigan, kaya tumingin-tingin siya sa paligid. Doon niya nakita ang kapatid ni Leia na nakatingin sa kanila. Binigyan niya ito ng isang matalim na titig, bago sila tuluyang umalis doon ng kaibigan.

Nang makaalis ang dalawa ay muling itinuon ni Jacob ang tingin sa rankings. Napahinga siya nang malalim, bago tiningnan ang hawak na sulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Daniel Arevalo. He looked at it intently, and peeked into the contents. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil talagang pangalan niya ang nakalagay sa sulat, at kasama pa roon ang evaluation ng exam results niya.

Pero... paano?

********

Mabilis siyang umalis doon at dumiretso sa ikalawang palapag ng main building kung saan naroon ang faculty office ng Faircastle High School. Agad siyang pumasok para lapitan si Mr. Arevalo na naabutan niyang kausap ang isang estudyante na may hawak na asul na sulat. May mga piercings ang tenga nito at may bitbit na violin case, at sa hula ni Jacob ay ang miyembro ng Paramount mula sa MRID.

Nagpaalam na ang estudyanteng kausap ni Mr. Arevalo. Nang makita nito na may hawak din siyang asul na sulat ay nginitian siya nito, sabay tapik sa balikat niya bago ito tuluyang lumabas ng faculty office.

"May kailangan ka ba, Jacob?" tanong ni Mr. Arevalo sa kanya.

Iniabot ni Jacob ang sulat sa guro, na labis na ipinagtaka naman ng huli.

"Bakit mo binabalik sa 'kin 'to? That's yours, Mr. Vergara..."

"Pero Sir... Baka po kasi nagkamali lang kayo..." tugon ni Jacob sa kanya, "Imposible pong makapasok ako sa Paramount."

"Bakit naman hindi? Eh 'yun ang lumabas sa placement exam results mo. Pumasa ka, kaya hindi 'to imposible," tugon sa kanya ng nakangiting teacher.

"Sir, hindi naman po ako bagay na maging miyembro ng Paramount. Nakita ko na po kanina 'yung ibang members... Parang hindi naman po ata ako makakasabay sa kanila. Tsaka sa totoo lang po, hindi ko naman sineryoso 'yung exam. Sigurado akong maraming mali ang test paper ko."

Bahagyang tumawa si Mr. Arevalo, at tumayo mula sa kinauupuan niya. "Sumama ka sa 'kin..."

Dahil naroon na siya sa sitwasyon na iyon, wala nang nagawa pa si Jacob kundi ang sumama sa guro. Dinala siya nito sa Paramount Building, at ipinakita ang isang malaking board na nakalagay sa pader pagpasok ng istruktura. Nakalagay sa gitna ng royal blue faux-velvet board ang isang mas maliit na replica ng official seal ng school. Nakapalibot dito ang mga official logo ng bawat intelligence division sa Faircastle High School.

Habang magkasama nilang pinagmamasdan iyon, biglang nagsalita si Mr. Arevalo. "Alam mo ba kung ano ang problema sa traditional educational system dito sa bansa natin? Students work hard not because they want to learn, but because they compete for grades. It's either that, or the1y end up becoming lazy, discouraged, and stressed because of the pressure to comply and perform well. Nakasanayan din na hatiin sila base sa kung ano ang grades nila. The ones with the highest scores go to the top sections, and those students people consider as 'stupid' go to the lower sections..." Huminga nang malalim si Mr. Arevalo bago nagpatuloy, "Pero dito sa Faircastle High School, hindi namin binabase sa grades kung ano ang kakayanan ng isang estudyante. Isipin mo na lang... Kapag ang isang unggoy at ang isang goldfish ay naglaban sa kung sino ang unang makakaakyat sa isang puno, sino ang mananalo?"

"Yung unggoy po... Hindi naman makakaakyat 'yung goldfish eh." Nasa kalagitnaan ng pagsagot si Jacob nang mapagtanto niya ang punto ng guro.

"Exactly. Wala namang laban ang goldfish sa unggoy, dahil ipinanganak ang isda para lumangoy at hindi para umakyat ng puno. Ganun din sa mga estudyanteng katulad ninyo. Hindi naman lahat ng magaling sa Mathematics, magaling sa sports, hindi ba? Hindi naman lahat ng magaling sa musika, marunong gumawa ng speeches o magsulat ng essays.

"Hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat tao, Jacob. Nakasanayan ng lahat na pare-pareho lang ang pinag-aaralan ng mga estudyante kahit hindi naman nila 'yun forte. Pero sa Multiple Intelligences Division Program ng Faircastle High School, inilalagay namin kayo sa mga division kung saan kayo nagpapakita ng galing at interes para doon kayo mag-focus. We acknowledge the fact that we are all born different... created and blessed with a specific intelligence. At sa program na 'to, mas maiintindihan at mas madedevelop ang mga kakayahan ninyo."

"Pero... Ano po ang kinalaman 'nun sa pagiging miyembro ko ng Paramount, Sir?"

"Gaya nga ng sinabi ko, we are all born different. But some of us are a bit more... unique. At lumabas iyon sa placement exam results mo." Hinarap siya ni Mr. Arevalo at tiningnan ito nang direkta sa mga mata. "Huwag mong pagdudahan ang sarili mo, Jacob. May dahilan kung bakit nakapasa ka, at magmula ngayon, bilang adviser ng Paramount Class, tutulungan kitang alamin iyon. Magtiwala ka lang sa akin, sa sistema, at lalung-lalo na sa sarili mo... Naiintindihan mo ba?"

Kahit bahagyang nag-aalangan sa kung ano ang dapat niyang isagot, tumango na lamang si Jacob.

"Opo, Mr. Arevalo. Naiintindihan ko po."