Pagkatapos samahan ang pinsan na si Kevin sa building ng mga nasa junior high school, diniretso na ni Jacob ang daan papunta sa InterID Building. Habang naglalakad, nadaanan niya sa tapat ng main library ang dalawang babaeng tila nagtatalo. Wala naman sana siyang pakialam sa mga ito, pero napansin niyang ang isa sa kanila ay ang babaeng nakabangga sa kanya noong araw ng placement exam. Hindi niya basta makakalimutan ang mukha nito, kaya hindi niya mapigilang mapatigil sa kinatatayuan habang pinapanood ang dalawa.
Kahit hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil sa distansya mula sa mga ito, pansin niyang tila nadedehado at mangiyak-ngiyak na ang babaeng nakabangga sa kanya noon. Hindi ito makasagot at bahagya pa itong sinasaktan ng mas maliit na babaeng kausap nito. Hindi nagtagal ay sumagot ang babaeng tila maiiyak na dala ng emosyon, kaya itinulak ito ng kausap niya bago tuluyang umalis.
Nanlaki ang mga mata ni Jacob nang makitang bumagsak ang babae sa lupa kaya agad siyang tumakbo palapit dito para tulungan itong makatayo.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jacob sa babae, "Hindi ka ba nasugatan?"
"Okay lang ako –" Naputol ang pagsasalita ng babae na tila naalala na kung saan niya unang nakita si Jacob. Agad itong yumuko at tinanggal ang alikabok na dumikit sa uniporme nito. "Huwag mo na akong intindihin... Umalis ka na."
Napangiti si Jacob habang pinagmamasdan ang kaharap. "Wala man lang 'thank you'? Technically, we're not strangers anymore kasi nagkita na tayo noong placement exam." He then reached out his hand to her, "Ako nga pala si Jacob."
Hindi sumagot ang babae na nakatayo pa rin at nakayuko sa harap niya. Alam ni Jacob na nahihiya at naaalangan ito sa kanya, pero hindi niya mapigilan ang sarili na kausapin ito. Naaaliw kasi siya sa ipinapakita nitong pag-uugali. Sinilip niya na lamang ang nakasulat sa name plate ng kaharap.
"Ahh... Leia Selene Thompson, Naturalist Intelligence Division." Jacob chuckled before placing his hands inside his pockets, "Hi, Leia. Nice to meet you. Thompson ang apelyido mo, so ibig sabihin may lahi ka... Anong nationality ng tatay mo?"
Agad na tinakpan ni Leia ang name plate, bago mabilis na naglakad palayo. Mabilis namang sumunod sa kanya si Jacob na madali lamang siyang nasabayan sa paglalakad.
"Katabi ng VLID ang building ninyo, hindi ba?" tanong niya rito.
Hindi nito sinagot ang tanong niya, at sa halip ay sinagot siya nito ng isa ring tanong. "T-transferee ka ba? Hindi ka nakasuot ng uniform noong placement exam eh..."
Tumango si Jacob, at bahagyang nakahinga nang maluwag dahil kinausap na siya ng babae. "Oo. Medyo awkward nga sa pakiramdam eh. Sana lang hindi mainit ang mga dugo ninyo sa mga transferees na kagaya ko."
"H-hindi naman..." She still sounded meek, but still trying to keep on with the conversation, "Wala namang ganun dito."
Tumango-tango si Jacob, na pinipigilan ang pagngiti dahil sa patuloy na pagkausap sa kanya ni Leia, "Pwede ba akong magtanong?"
"Ano 'yun?"
"Bakit palagi kang nakayuko?"
Leia seemed a little startled, but still averted her eyes from him as they walked. "N-naiilang kasi ako dahil sa height ko..."
"Gaano ka ba katangkad?"
"Uh..." Bahagyang nag-alangan si Leia, pero sinagot pa rin nito ang tanong niya, "170 centimeters."
Napatigil si Jacob sa paglalakad, dahilan para bahagyang mapahiya si Leia dahil iniisip niyang nagulat at nailang ang lalaki sa laki niya.
Tumaas ang isang kilay ng lalaki, at ipinatong ang kamay nito sa ulo niya. Pagkatapos ay unti-unting inilapit ni Jacob ang kamay sa sarili niya hanggang sa tumama ito sa bandang itaas ng ilong niya. Doon napagtanto ni Leia na kinukumpara pala ng lalaki ang mga height nilang dalawa.
"Matangkad ka, oo. Pero mas malaki pa rin ako sa'yo," Jacob said as he smiled, "At isa pa, kahit naman yumuko ka, hindi ka naman liliit eh. Ayaw mo ba sa height mo?"
"Hindi naman sa ganun, p-pero... Pero babae ako... S-sabi ng kapatid ko, awkward daw kapag masyadong matangkad ang babae."
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jacob, at napagtantong pinagdidiskitahan lagi ng kapatid si Leia.
"Huwag kang yumuko. Hindi bagay sa'yo. I-enjoy mo 'yang height mo. Alam kong mas magiging pansinin ka dahil diyan, pero huwag mo nang intindihin 'yun. Ang isipin mo na lang, hindi mo naman kasalanan na matangkad ka, at mas lalong hindi mo rin kasalanan na ipinanganak silang mas maliit kaysa sa'yo."
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Leia, dahilan para mapangiti na rin si Jacob. Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya at halos marinig niya na ang biglang pagkabog ng puso niya, kaya wala sa sarili siyang napakamot ng batok at biglang nagmamadali nang umalis.
"Uh, ano... Kailangan ko nang umalis," untag ni Jacob, "Baka ma-late na ako eh."
Tanging isang maliit na tango ang naging sagot sa kanya ni Leia, kaya tumugon siya ng isang maliit na ngiti bago tuluyang nagtatakbo palayo doon.
********
Habang nakaupo sa pinakalikod na hanay ng mga upuan, hindi mapigilan ni Jacob na mapangiti habang inaalala ang naging pag-uusap nila ni Leia. He finds her meekness amusing, and he can't help but be drawn towards her shyness. Nang mapagtantong tila napapatagal na ang pag-iisip niya ng tungkol sa babaeng nakilala ay agad siyang umiling-iling, bago itinuon ang pansin sa harap ng klase habang unti-unting napupuno ng mga estudyante ang silid.
Sa unang subject nila ay makakasama nila ang ilang mga Grade 12 students galing sa IntraID kaya marami-rami sila roon.
Nang halos mapuno na ang mga upuan sa loob ng napakalaking classroom, ilang minuto ang lumipas at dumating na rin ang instructor nila. Nasa early 50s na ang lalaki na may payat na pangangatawan, kulay-pilak na buhok na nahahati sa gitna, thick-rimmed na salamin, at nakakairitang mataas na boses na hindi bagay sa kanya.
"Good morning, class... My name is Mr. Juancho Fabella, your instructor for this subject. This area of learning is important for both the InterID and the IntraID students, so I expect you to be serious about it. I will distribute the prospectus –"
Natigilan sa pagsasalita ang guro nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na tinanggal ang earphones sa tenga niya. Kalmado lamang ito, at hindi man lang nailang kahit nakikita niyang pinagmamasdan na siya ng lahat.
The girl suppressed her laughter after seeing her classmates' shocked and confused faces, and soothed herself before facing the teacher. "I apologize for being late, Sir."
"You are forgiven," sagot ng guro na halatang hindi kuntento sa paghingi ng tawad ng babae, "You may take your seat."
Tanging ang upuan na lamang sa pinakahuling row na katabi ng bintana ang bakante kaya doon na dumiretso ang babae.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Jacob dahil kilala niya ang babaeng katabi niya sa upuan. Ito rin kasi ang babaeng nakasabay niya sa pila noong placement exam, at katulad niya rin na isang transferee.
Pag-upo ng babae sa upuan ay agad itong kinausap ni Jacob. "Mukhang bad shot ka dun sa instructor natin ah... Jacob nga pala, InterID."
"Bahala rin siya sa buhay niya..." tugon ng babae na hinilot ang sentido niya bago nagpakilala, "Gwen, IntraID."
Tumikhim ang instructor nila bago nagsimulang magsalita sa harap ng klase, "I have heard a lot of stories about students from both of your divisions, especially from the ones in IntraID. Sana naman ay hindi niyo mapatunayan na talagang mga sutil kayo, because I really feel bad that the Faircastle community thinks of your division in that negative light," ani ng guro sa kanila, "Your actions will always reflect on your division and on its faculty, kaya dapat maingat kayo. Tingnan niyo na lang ang mga nasa Logical-Mathematical Intelligence Department... They have a good reputation because they are excellent in all aspects. I can say that myself dahil nakapagturo na ako ng ilang subjects sa kanila..."
Habang patuloy sa pagkukwento ang instructor sa harap ng klase, nagpangalumbaba si Gwen sa desk niya at umiling-iling. "Tama talaga ang narinig kong tsismis... Halos lahat ng mga teachers dito sinasamba 'yang mga nasa LMID. Nakakairita..."
"Ganun talaga eh..." tugon ni Jacob na naiintindihan ang pinanggagalingan ng inis ng kausap. "Sila ang nag-uuwi ng pinakamaraming awards at recognition sa school. Kaya nga andaming gustong makapasok sa LMID. Hindi mo ba gusto dun?"
Gwen rolled her eyes. "Ayoko dun, syempre. I hate Mathematics. Bakit ako mag-eenroll sa division na naka-focus sa pinakakinaiinisan kong subject?" She scoffed and gazed at the teacher with fake amusement. "Ito namang teacher na 'to, puro LMID ang bukambibig. Kung paborito niya dun eh 'di dun na lang siya. Andami pang satsat –"
"I can clearly hear what you're saying, young lady," biglang saad ng instructor na ibinaba ang hawak niyang class record sa teacher's desk.
Sa halip na mag-alala ay isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Gwen. "Oh, I'm sorry, Sir. I thought I was just talking to my seatmate here. I did not expect you to listen to us."
"Sinusubukan mo ba ang pasensya ko, Miss –"
"Ortega, Sir. Gwendoline Ortega. Gwen for short." She then stood up from her seat and confidently faced the instructor in front of the class.
"Miss Ortega, putting out airs just like that will only get you in trouble. Alam mo, you should aspire to be more like the students from LMID. This just isn't directed to you, but to everyone here. Pero kung hindi niyo naman kaya ang ginagawa nila, I suggest that you just stay quiet on your seat –"
"But what if I could?" biglang putol sa kanya ni Gwen.
Pilit na pinigilan ni Jacob ang pagtawa nang makita ang pagtitimpi ng instructor sa harap ng klase. Napatingin siya kay Gwen na tila may inihahandang plano laban sa teacher nila.
"Excuse me... W-what did you say?"
"Paano po kung kaya ko ring gawin ang mga ginagawa ng mga nasa LMID?"
The instructor smirked and gave her a menacing stare. "How audacious of you... And what would you want in return?"
"I want you to shut up about how much you enjoy teaching students from LMID. Stop comparing us to them, and don't expect us to be like them."
Halatang nainsulto ang guro sa sinabi ni Gwen, kaya saglit itong nag-isip at nagsulat ng isang equation sa white board.
The equation:

Nang matapos sa pagsusulat ang instructor ay taas-noo nitong tiningnan si Gwen, na para bang hinahamon niya ang estudyante.
"How would you answer this, Miss Ortega?"
Gwen grinned slyly, before making her way down to the front of the class. She took the white board marker from the instructor's hand, and looked at the equation on the board. Hindi siya nagsulat agad, at pinagmasdan muna ito.
Napangisi ang guro nang makitang hindi pa rin nagsisimula si Gwen, kaya umiling-iling ito. "You see, Miss Ortega... Hindi ka dapat nagyayabang –"
"It's -3," biglang tugon ni Gwen. Mukhang sinolve nito ang equation sa loob lamang ng isipan niya.
Bakas ang pagkabigla at pagkalito sa mga mata hindi lamang ng mga estudyante sa loob, kundi pati na kay Mr. Fabella.
"E-excuse me?"
"Oh, do you want me to solve it on the board? Alright..." She then immediately completed her solution on the white board in a matter of minutes, before beginning her explanation, "There are two ways to answer this question, Sir. But since I don't want to waste my time, I just used the faster way. I multiplied each side of the given equation by (ax-2) to get rid of the fraction. Then I multiplied (-8x-3) and (ax-2) using the FOIL method. Pagkatapos nun, I started reducing on the right side of the equation. The coefficients of the x2- term have to be equal on both sides of the equation, so the result would be a= -3. It's quite easy, really... I was expecting you'd give me something harder."
Isang nang-aasar na ngisi ang nasa mukha ni Gwen habang ibinabalik sa teacher nila ang white board marker na ginamit niya. She looked extremely satisfied as she walked back to her chair, and took a seat like nothing happened.
Tumikhim ang guro na halatang napahiya sa ginawa ng sarili niyang estudyante, bago kinalma ang sarili at tuluyan nang nagsimula sa pagtuturo.
Hindi maialis ni Jacob ang ngisi sa mga labi habang buong-pagkamanghang pinagmamasdan si Gwen. "Grabe ka... Ang sabi mo kanina, galit ka sa Mathematics..."
"I only told you that I hate it, but I never said that I'm not good at it." Gwen heaved a sigh and leaned on her chair comfortably. "I know what I want and what I don't want. Ayokong makapasok sa LMID, 'no. Masyadong strict ang mga teachers, at sobrang competitive pa ang mga estudyante. Gusto ko lang ng chill na buhay."
Umiiling-iling habang tumatawa si Jacob dahil sa naging tugon ng katabi, bago itinuon ang pansin sa harap para makinig sa itinuturo ng instructor.
********
Kahit tapos na siyang kumuha ng pagkain sa cafeteria, hindi muna ginalaw ni Jacob ang mga nakalagay sa tray niya. Hinihintay niya kasing makakuha ng pagkain ang pinsan niyang si Kevin. Habang nakaupo sa pwesto niya malapit sa vending machine, napansin niya ang pagpasok ni Vladimir sa loob ng cafeteria. Magkasalubong ang mga kilay nito at panay ang paghilot sa sentido bago pumwesto sa likod ni Kevin sa pila.
Pagkatapos makakuha ng pagkain ang pinsan niya, maingat nitong pinihit ang katawan dahil na rin sa isang bowl ng sopas na nasa tray. Pero hindi nito natantiya nang maayos ang espasyo sa pagitan nila ng nakatayo sa likod niya kaya bahagya siyang bumangga kay Vladimir at natapon sa damit nito ang sopas.
Napatayo si Jacob sa kinauupuan niya nang makitang nasa alanganing sitwasyon ang pinsan. Habang naglalakad siya palapit ay sakto namang itinulak ni Vladimir ang pinsan niya na halatang takot na takot na.
"Bobo ka ba, ha?" galit na galit na tanong ni Vladimir kay Kevin, "Hindi mo ba alam na may tao sa likod mo?"
"P-pasensya na..." nanginginig na tugon ng mas batang lalaki. "Hindi ko naman sinasadya..."
"Wala akong pakialam. To be that absent-minded is borderline stupidity, you know? Huwag kang aanga-anga –"
"Hindi naman sinadya nung pinsan ko 'yung nangyari," agad na singit ni Jacob na tumayo sa harap ng pinsan niya para harangan ito sa galit na lalaki, "Nag-sorry na siya sa'yo, 'di ba?"
Isang pagak na tawa ang namutawi mula kay Vladimir. "Naaalala kita... Ikaw 'yung bumangga sa 'kin dun sa supply hall... Magpinsan pala kayo? So nasa dugo niyo ba talaga ang pagiging tanga? Wow. I never believed it's hereditary, but now I do."
Hindi na nagugustuhan ni Jacob ang mga naririnig mula sa kaharap, kaya unti-unting dumilim ang ekspresyon sa mukha niya. "Sumusobra ka na ha... Ang yabang mo naman. Uniform lang naman 'yan. Bakit gigil na gigil ka dahil nabuhusan ka ng sopas? Namatay ka ba? Mababawasan ba ang tingin mo sa sarili mo dahil amoy-sabaw ang uniform mo? Akala mo kung sino ka... Being smart isn't a personality. Matalino ka sana, pero masagwa ang ugali mo."
Naningkit ang mga mata ni Vladimir. Dahil sa inis, hinawakan niya ang kwelyo ng kaharap at binigyan ito ng matalim na titig. "At talagang sinisermunan mo pa ako... Who the fuck are you to talk to me that way?"
Nanggigil na rin si Jacob, kaya kinwelyuhan niya na rin ang kasagutang lalaki. Dahil doon kaya inawat sila ni Kevin at ng iba pang mga naroon sa paligid kaya mas lalong lumaki ang komosyon. Natigil lamang silang lahat nang umalingawngaw sa cafeteria ang tinig ng head administrator na si Helga Mariano.
"What the hell is happening here?" Kahit hindi pasigaw, ramdam ang disappointment at pagiging authoritative sa tinig ng babae.
Doon na lumayo ang ibang mga estudyante, hanggang sina Vladimir at Jacob na lamang ang natira sa gitna. Binitawan ng dalawa ang isa't isa, at hinarap ang head administrator.
Pinasadahan sila ng malamig na titig ng babae, bago sila nilapitan. "Both of you, in my office... Now."
********
Nakapwesto sa harap ng mesa ni Head Administrator Mariano ang dalawang binata. Ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan ng dalawa, pero kahit papaano ay naging neutralized na ito dahil pareho nilang alam na posible silang maparusahan kung patuloy silang magmamatigas.
"Mr. Garcia... Nanggaling ka pa naman sa LMID pero pumapatol ka sa mga ganitong gulo?" malamig na tanong ng babae kay Vladimir.
"Sila naman po ang nauna eh. Kung hindi nabuhusan ng pinsan niya ng sopas 'tong damit ko, hindi naman ako maiinis."
Jacob heaved a deep breath to control his annoyance. "Nag-sorry na 'yung pinsan ko. Willing naman kaming mag-offer ng tulong o palitan 'yang suot mo. Kaya lang pinaulanan mo kaagad kami ng mga insulto. Sino ba ang hindi magagalit?"
"Why are you so affected, then? Did I hit something true?" Vladimir replied to him in a mocking tone.
Magsasalita na sanang muli si Miss Mariano para sawayin ang dalawa nang biglang lumitaw sa bukas na pintuan ng opisina niya si Mr. Daniel Arevalo. Nakatago sa likuran nito ang mga kamay niya habang pumapasok sa loob.
"Is there a problem, Mr. Arevalo?" tanong ng head administrator sa lalaki.
"None at all, Miss Mariano," nakangiting tugon ng lalaki, "It just happened that I was looking for these two young men. May mga nagsabi sa akin na andito sila sa opisina mo. And from the looks of it... They seem to have caused some trouble."
"Nahuli ko silang nag-aaway kanina, so I excused them from their classes and took them here to be reprimanded."
Tumango-tango si Daniel, "I see, I see... But, can I borrow them for a moment? May ibibigay lang ako sa kanilang dalawa."
Tumango si Miss Mariano, kaya tuluyan nang lumapit si Mr. Arevalo sa dalawang binata na pinupuno pa rin ng tensyon ang buong opisina.
The teacher was carrying in his hands two royal blue envelopes that contain gold embellishments. In the middle is a rubber seal stamped using Faircastle's symbol. Magkasabay niya itong iniabot kina Jacob at Vladimir, bago ipinatong ang mga kamay niya sa magkatapat na mga balikat ng dalawang binata.
Mr. Arevalo's smile looked proud, and there is an obvious excitement in his eyes, "Mr. Vergara, Mr. Garcia... Welcome to the Paramount."