65 Chapter 65

~~~They say love is blind. I disagree.

Infatuation is blind, love is all seeing and accepting.

Love is seeing all the flaws and blemishes and accepting them.

Love is accepting the bad habits and mannerisms, and working around them.

Love is recognizing all the fears and insecurities, and knowing your role is to comfort.

Love is working through all the challenges and painful times.

Infatuation is fragile and will shatter when life is not perfect.

Love is strong and it strengthens because it is real.~~~

- Unknown -

Mabilis na naka-recover si Hayley dahil na din sa pag-aalaga ng kanyang fiance. Halos hindi ito humuhiwalay sa kanya kahit ipinagtutulakan na niya ito na pumasok sa Kleid at magtrabaho na. Kahit nandoon naman sila Leo at Rose na hindi muna bumalik sa States para maalagaan din siya ay ayaw pa din siyang iwan ng binata.

"Nagsasawa ka na ba sa akin kaya pinapaalis mo na ako?" Kunyaring pagtatampo ni Nico. "Hindi naman sa ganoon kaso ay nakakahiya na kila Dashiell at Landon. Wala na silang time sa buhay nila dahil nakatali na sila sa Kleid at DND." Paliwanag ni Hayley. "Okay lang sa kanila lalo at wala naman si Quinn dahil may shoot siya abroad. Mas okay kay Landon para matigil sa mga kalokohan niya." Kahit kailan naman ay hindi siya manalo-nalo sa binata kaya hinayaan na lamang niya ito. Tutal naman ay matatapos na din ang isang buwan nilang usapan na kanyang leave sa trabaho.

Kahit nasa bahay sila ay hindi naman siya nainip dahil dinadalaw naman siya ng mga kaibigan tuwing weekends. Pinayagan din siya ni Nico na gumawa ng sketches ng kanyang mga designs. Si Nico naman ay ganoon din, dinadala nila Dashiell at Landon ang mga documents na dapat niyang i-review at i-sign. Kapag may meeting naman o seminars ay si Dashiell o si Landon ang uma-attend o kaya naman ay sumasaglit si Nico lalo na at importante ang project pero naka-monitor ang binata kay Hayley. Minsan ay tumutulong din sa kusina si Hayley kahit ba ayaw pumayag ni Nanay Editha ay wala naman itong magawa kapag sinabi na ng dalaga na gustong ipagluto ang fiance.

"Ikaw na bata ka, kapag ako napagalitan ni Nico..." Sabi ni Nanay Editha. "Hindi po magagalit 'yun lalo at matitikman na niya ang luto ko." Nakangiting sabi ni Hayley. "Maiba ako iha, kailan ba kayo magpapasakal este magpapakasal?" Nanunuksong tanong ni Nanay Editha na ikinatawa ni Hayley. Hindi napansin ni Hayley na dumating na si Nico mula sa meeting nito pero nakita siya ni Nanay Editha at sinenyasan na huwag maingay. "Hindi pa po namin napag-usapan ang exact date pero baka po pagkatapos na ng kasal nila Fin at Amanda. Hindi naman po kami nagmamadali." Sagot ni Hayley habang naghihiwa ng mga gulay na ilalagay sa kanyang iluluto. "Mahal na mahal ka ni Nico, iha." Sabi ni Nanay Editha na kinindatan pa si Nico. "Mahal na mahal ko din po siya Nay. He's everything to me. Akala ko po si Toby na ang "the one" ko pero nagkamali ako. Hindi pa po ganoon katagal ang pagkakakilala namin ni Nico pero I know he's the one I want to be with for the rest of my life." Biglang napatili si Hayley ng yumakap sa likod niya si Nico. "Same here, my angel." Sabi ng binata. "I love you." Sabi ni Nico. "I love you more." Sabi naman ni Hayley. "I love you most." Muling sabi ni Nico. "Ha'ay naku! Tumigil na nga kayong dalawa at nagkalat na ang mga langgam dito." Sabi ni Nanay Editha na kunyaring nagpapagpag ng langgam na ikinatawa naman ng dalawa.

~~~Do you want to know what my problem is?

I will tell you what my problem is,

I LOVE YOU I love your name, I love the way you look at me,

I love your gorgeous smile, I love the way you walk,

I love your beautiful eyes, I love what you look like when you are asleep,

I love the sound of your laugh, to hear your voice fills my entire heart with an indescribable feeling.

I love the way I can be having the worst day of my life and seeing you completely changes my mood.

I love how when you touch me I get weak, that is my problem~~~

- Unknown -

Nakabalik na si Hayley sa Kleid at nagulat siya dahil may welcome back party na ginawa ang mga kaibigan para sa kanya. Nang malaman ng iba nilang clients na nakabalik na ang Kleid's top fashion designer ay bumuhos na ang projects para kay Hayley pero kahit na busy siya ay sinigurado niya na hindi sila nawawalan ng "we time" ni Nico. Ipinagkaloob niya ang buo niyang pagkatao kay Nico kahit pa nga ba hindi pa sila kasal. Alam niya sa sarili na mahal na mahal niya ang binata at ganoon din ito sa kanya. Dumating ang araw na hiniling niya kay Nico, ang makausap si Brittany.

"Are you sure about this?" Ilang beses na siyang tinanong ni Nico pero iisa lang palagi ang sagot niya. "Yes, I am." Sagot niya na may kasama pang isang matamis na ngiti. Bago sila pumasok sa isang silid kung saan naghihintay si Brittany ay hinalikan pa ni Nico sa noo ang dalaga. Nakita nila sa labas ng silid na nakatayo sila Levi, Holden, Jacob, at Grey. Tiningnan ni Hayley si Nico. "Sila ang may gusto niyan." Sagot ng binata sa nakataas na kilay ni Hayley. Hindi na sila madalas samahan ng apat lalo at tinuruan na siya ni Nico ng self defense. Kapag out of town or out of the country lang sila sinasamahan ng apat dahil iyon na din ang utos ni Leo at Rose. Tiningnan ni Hayley si Levi. "Utos ng hari, hindi mababali." Nakangiting sabi ni Levi na ang tinutukoy ay si Leo. "The five of you, just stay here. I will talk to her alone, okay?" Sabi ni Hayley. Tututol sana si Nico pero ng tingnan siya ni Hayley ng kabisado na niyang tingin ay hindi na siya nagsalita pa. Ayaw niyang maging outside the kulambo mamayang gabi. Pumasok na nga si Hayley at iniwanan ang apat sa labas.

"Don't worry, Rod is monitoring them." Sabi ni Holden kaya nakahinga ng maluwag si Nico.

Nakaupo na si Brittany sa silya ng bumukas ang pinto, Sabi lang sa kanya ay may gustong kumausap sa kanya. Kanina niya pa iniisip kung sino ang gustong makita siya eh isa na siyang ulilang lubos. Tiyak niyang hindi ang mga Ayala dahil alam niyang galit din ang mga ito sa kanya dahil sa pananakit kay Hayley. Nagulat si Brittany ng ang bumungad sa kanya ay ang taong sinaktan niya. Lalo siyang nagulat ng ngitian siya ng dalaga bago ito umupo sa silya na nasa kabilang parte ng lamesa.

Nainis si Hayley ng makitang nakaposas pa din si Brittany kahit hiniling na niya na hayaang makakilos ang babae ng maayos habang kausap niya.

"Hi! How are you?" Bungad ni Hayley na hindi inalis sa magandang mukha ang matamis na ngiti. "Magsisinungaling ako kung ang sasabihin ko sa'yo ay okey lang ako." Sagot ni Brittany na hindi makatingin ng deretso kay Hayley. "Sorry..." Muling nagulat si Brittany. Dapat siya ang mag-sorry sa dalaga dahil sa mga ginawa niya pero bakit ito ang nag-sosorry sa kanya. "Salamat nga pala." Kumunot ang noo ni Hayley. "Para saan?" Takang tanong ni Hayley. "Sabi ng attorney ni Mr. Bermudez ay hiniling mo daw na ibaba lang ang sintensya ko. Salamat pero bakit? Ang dami kong ginawa sa'yo. Pinagtangkaan ko pa ang buhay mo. Bakit...?" Kita ni Hayley ang pagkalito sa mukha ni Brittany.

"Everyone deserves a second chance. Nakakagawa tayo ng mga bagay na nakakasakit hindi lang sa ating kapwa pero higit sa atin ding sarili. I know you've been blinded by your anger towards me but if I will return your anger with my anger, what will happen? Do you think matatahimik tayong dalawa? You've done things to me but I know pinagsisisihan mo na iyon because you're not a bad person, Brittany. I know you can change for the better." Hindi namalayan ni Brittany na tumutulo na ang kanyang mga luha. "I'm sorry, I'm really sorry." Bulong ni Brittany pero maliwanag na nadinig ni Hayley. "I already forgave you. When your sentence is finish, come to Kleid and find me." Sabi ni Hayley na naging dahilan para tumingin sa kanya si Brittany. "I will let you wear my designs and become a model for Kleid." Pagkatapos noon ay tumayo na si Hayley at lumakad papunta sa pinto pero bago niya mabuksan ito ay nagsalita si Brittany. "Thank you, thank you so much." Pagkatapos ay humagulgol na ito. Tuluyan ng lumabas si Hayley. Nagulat pa siya ng paglabas niya ay nakatayo na si Nico sa harap ng pinto na nakangiti sa kanya.

"Ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo." Sabi ni Nico habang yakap-yakap siya. "At bakit?" Tanong naman ni Hayley. "Hindi ka lang maganda, sexy, at matalino, napakabait pa." Kumunot ang noo ni Hayley. "Don't tell me nakinig kayo sa usapan namin?" Tanong ni Hayley pero ngumiti lang si Nico. "I love you, my angel." Sabi ni Nico sabay halik sa labi ng dalaga. "I love you too, Mr. Bermudez." Sagot naman ni Hayley. "I love you more, Mrs. Bermudez." Muling sabi ni Nico pagkatapos ay muling hinalikan ang fiancee at saka sila lumabas na magkahawak ang kamay.

~~~I am not one of those girls who spend hours dreaming about getting married,

living in a perfect house with 2 and half children, a dog, a cat, and a white picket fence,

I am not those girls who has had their wedding planned since the age of 6 and fantasizes

about it every second they get or the kind of girl who spends her whole class scribbling

little hearts and kisses all over a piece of lined paper...but I found myself today...

writing my first name with your last...~~~

avataravatar