webnovel

Chapter 64

~~~I'll always remember the first time we met.

You were so handsome, and your smile took my breath away.

I didn't know if I'd ever be able to be brave enough to talk to you,

but you made it so easy!

And now, here we are, years later, and we're still talking ang loving each other.

You always lift my spirit and assure me that everything is going to be okay

because we're in this together, and you're oh so right.

Everything is better because I got to experience it with you.

You're my teammate, my bestfriend, my lover, and my soulmate.

Everyday I get to spend with you is a gift.~~~

- Unknown -

Naramdaman ni Hayley na may bumuhat sa kanya. Nakatulog pala siya sa biyahe. Naalala niya na dahil sa inis kay Nico ay humarap siya sa bintana para hindi makita ito at hindi niya nnamalayan na nakatulog pala siya. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya ng si Fin ang makita niya. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay dahan-dahan siyang binaba. "Nasaan si Nico?" Tanong niya sa kaibigan. "Nasa loob." Maikling sagot nito. May itatanong pa sana siya kay Fin pero bumukas na ang pinto ng bahay at mabilis na lumabas si Amanda. Muntik pa nga itong maipit sa pinto sa pagmamadali. "Bakit ka ba nagmamadali?" Takang tanong ni Hayley. "Isuot mo 'to." Sabi ni Amanda na hindi sinagot ang tanong ng pinsan. "Sandali, bakit ko isusuot 'yan?" Takang tanong ni Hayley ng pilit isinusuot ni Amanda ang eye mask sa mukha niya. "Basta isuot mo at malalaman mo kung bakit pagpasok natin." Sabi ni Amanda. "Teka...teka..." Tanggi ni Hayley pero naisuot na sa kanya ng pinsan ang eye mask. Tatangalin sana ito ng dalaga pero nakatanggap siya ng palo sa kanyang kamay mula sa pinsan. "Subukang mong tanggalin 'yan, hindi na ikaw ang kukunin kong designer sa kasal ko." Banta pa ni Amanda pero hindi nakinig si Hayley pero bigo na naman siya na tanggalin ang takip sa mata dahil muli na naman siyang pinalo ng pinsan. "Ley, sundin mo na lang si Amanda, baka mapaanak 'yan ng di oras, sige ka." Pananakot ni Fin at para namang tumalab kay Hayley ang sinabi ng kaibigan dahil hindi na muling sinubukang tanggalin ng mask.

Binuksan ni Fin ang pinto at inalalayan nila ni Amanda si Hayley na makapasok sa loob at iniupo sa silya na nasa gitna. Nagtaka si Hayley dahil pagkaupo niya ay ramdam niya ang paglayo ng dalawa. "Fin? Amanda?" Tawag niya sa dalawa pero wala siyang sagot na nakuha. Nakiramdam siya sa paligid,napakatahimik pero ramdam niya na hindi siya nag-iisa. Hindi na siya nakatiis, tinanggal niya ang takip sa mata at nagulat siya sa kanyang nakita.

~~~I love how optimistic you are,

how you know exactly what to say and

it always eases my mind and my nerves.

I love how sexy you still are and

how you still make my heart beat fast.

I love how generous you are with compliments,

even when I'm feeling down on myself.

I love how willing you are to drop everything and

help out because you know how much I matter to you.

You show me how much you love me everyday.

You exemplify that love is an action!

Most importantly, I love how much you complete me.~~~

- Unknown -

Sa harap niya ay nakatayo ang kanyang mga kaibigan kasama ang mga kaibigan ni Nico. Si Ashley na may hawak na letter W. Si Lily na may hawak na I. Si Amanda at Fin na parehong may hawak ang letter L. Sumunod si Quinn na hawak ang letter Y na katabi ang asawa na si Dashiell na hawak ang letter O. Si Landon naman ay hawak ang letter U. Magkakatabi naman sila Levi, Holden, Jacob, Grey, at Rod na hawak naman ang mga letters na M A R R Y. Ang mag-asawa namang Leo at Rose ay hawak ang letters na M at E na katabi ang nakaluhod ng si Nico na hawak ang nakabukas na box at kita ni Hayley ang kumikinang na singsing na nakalagay sa loob nito. Hindi malaman ni Hayley kung ano ang mararamdaman pero sigurado siya na mahal niya si Nico, medyo nabibilisan lang siya sa mga pangyayari. Lalong kinabahan si Nico ng hindi kumikibo si Hayley. Alam niya na medyo mabilis ang naging desisyon niya na mag-propose agad pero ayaw na niyang patagalin pa. Alam niyang wala ng mananakit pa kay Hayley at kahit na meron man ay sisiguraduhin niyang ni dulo ng daliri ng dalaga ay hindi nito mahahawakan. Hindi naman siya nagmamadaling pakasalan ang dalaga, ang gusto niya lang ay ipaalam sa lahat na si Hayley ay para sa kanya at siya ay para kay Hayley.Pinagpapawisan na si Nico dahil lumipas na ang ilang minuto ay wala pa din siyang nakukuhang sagot mula sa dalaga. Pati mga kaibigan nila ang hindi na din malaman ang mararamdaman para sa dalaga lalo na sa binata na nagplano ng lahat.

Kinausap sila ni Nico isa-isa magmula ng maibalik nila si Hayley mula sa pagkakakidnap sa kanya nila Brittany. Noong una ay nadalian nga sila sa desisyon ni Nico pero ng ipaliwanag ni Nico na hindi naman porket ng propose siya ay kasal na agad ang kasunod. Ang gusto lamang ng binata ay maging maayos ang lahat para sa kanila ni Hayley lalo na't sa bahay na iyon na sila titira. Nakapangalan na kay Hayley ang bahay kahit na nga ba hindi pa sila kasal. Ayaw din niya kasing makaladkad ang pangalan ni Hayley sa mga balita katulad ng dati. Ayaw niyang maging laman sila ng tsismis na puro naman walang katotohanan.

"Ley, alam kong masyadong mabilis ang mga kilos ko pero..." Hindi natapos ni Nico ang sasabihin dahil may sinabi si Hayley. "Yes..." Dahil mahina ito ay hindi masyadong nadinig ni Nico. "Ha?" Sabi ni Nico. "Yes, I will marry you." Sabi ni Hayley. Para namang itinulos sa pagkakaluhod si Nico dahil ang akala niya ay tatangihan siya ng dalaga. Nang lumapit si Hayley sa binata at iniabot ang kamay ay hindi pa din makapaniwala si Nico kaya hindi agad siya nakagalaw. "Nagbago na ba ang isip mo Mr. Bermudez?" Nakangiting tanong ni Hayley. "Ha? Hindi! Hindi!" Sagot ni Nico na nagmamadaling isinuot ang singsing sa kamay ni Hayley pagkatapos ay niyakap ng mahigpit ang dalaga. Nagpalakpakan naman ang lahat pagkatapos ay binati ang bagong engaged na couple.

~~~I just want to hold you in my arms,

I'm very happy that your in my life.

Your everything I could've ever asked for.

A dream that became reality.

It's like I'm walking in the clouds and I met the love of my life.

There will come the day when I wake up next to you,

look into your amazing hazelnut eyes and fall deeper for you.

Kiss you and make you breakfast in bed.

Hold you and call you my Queen my everything.

I can't explain how you make me feel,

its not as simple as being happy, it's more than that.

You're just perfect.

The best gift I could ever recieve from above.

You're the one.~~~

- Unknown -

Next chapter