webnovel

NAKURYENTE, BUHAY PA RIN!

The Lord will rescue me from every evil attack and will bring me safely to his heavenly kingdom. To him be glory for ever and ever, Amen.

2Timothy 4:18 (NIV)

Testimony

July, 1986 isang pangyayari sa buhay ko na lalong nagpalapit sa akin sa Panginoon.

Lagi kong hinahanap ang kanyang presensya at ito yung panahon ng unang pag ibig kay Lord na kung saan sa sobrang in love ko ay gusto kong walang nasasayang na oras na siya ay aking naiisip at pinapupurihan kahit ano pa ang aking ginagawa.

Tuwing umaga pagmulat pa lamang ng aking mata ay dumederetso ako sa aming salas na kung saan anduon ang aming casette radio tape player, lagi kong pinatutugtog ang mga paborito kong papuri song tuwing umaga at ito ay akin pang sinasabayan sa pag awit

subalit ng umagang iyon ay ayaw tumunog ang casette player. Hinanap ko ang dahilan at tinanggal ko ang jack plug nito na nakasaksak sa gilid ,at laking gulat ko dahil may talop na bahagi sa kurdon na kasalukuyang nakasaksak sa 220v at nang oras ngang iyon ay hinihigop ng kuryente ang aking katawan na hindi ko ito mabitawan,nanginginig ako, nanlalambot na hindi makasigaw man lang upang humingi ng tulong,tanging ang gumagana nalang sa akin ay ang aking isipan.

Sa oras na iyon ay humingi ako ng tulong sa Diyos ,binuo ko sa aking isipan ang katagang In Jesus Name!,pagdaka'y nawala ang dumadaloy na kuryente sa akin at lubhang nakamamangha dahil nang oras na iyon ay hindi naman nawalan ng power sa lugar namin, katunayan ay bukas ang aming ilaw sa salas at kusina, maliwanag na isa itong himala dahil hawak hawak ko pa rin ang jack plug.

Wow! Amazing! kahit na sobrang nanlalambot ako na napaupo sa sofa ay nagpupuri ang aking kalooban at galak na galak ako ng oras na iyon. Marahil nga ay malawak pa at marami pa akong lagunin sa buhay na ito kung kaya't naruon agad ang saklolo ng Panginoon. Sa Diyos ang papuri.

Additional insight:

Nang masukol ang mga Israelita sa paglabas nila sa Egipto ay natakot sila, nakita nilang hinahabol sila ng Faraon at mga kawal nito sakay ng mga mabibils na karwahe. Dagat ng mga Tambo ang kanilang kaharap ng oras na iyon subalit malakas na sinabi ni Moises "Lakasan ninyo ang inyong loob, huwag kayong matakot. Tingnan nalang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikitang muli ang mga Egipciong iyan. Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman, "

Exodu14:13-14 (TTSB)

Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.

Kawikaan 14:27(TLAB)

The Lord will. keep you from harm, he will watch over your life.

Psalm 121:7(NIV)