2 BINUHAT NG ANGHEL

'See, I am sending an angel ahead of you to guard you along the way and bring you to the place I have prepared."?

Exodus5:23:20

Testimony

Natatandaan ko pa ,wayback 1987 ang nangyaring ito sa aming mag asawa.

Mga bandang alas 5:00 ng hapon ay pumunta kami sa Maria Fe Subdivision na kung saan ipinatawag ako ng Owner ng isang private school sa gawing Kaparangan dahil nais niyang isuko ang kanyang mga Idols sa kanyang bahay. May malalaki at malilit na nakalagay sa altar, sa kuwarto at sa salas. Bago ko inalis ito ay naghayag muna ako ng salita ng Diyos at saka nanalangin. Matapos ang alas 6:00 ng hapon ay bumalik na kmi na dala dala pauwi sa Talimundoc, Orani ang mga ito.

Alas 7:00 ng gabi ay gumayak na kmi para pumunta sa isang bible study. Habang padilim ng padilim ang paligid kami ay nakasakay sa isang tricicle papuntang Tenejero sa Orani pa rin.,pagdating namin sa crossing na daan ay nagulat kming mag asawa dahil biglang may tricicle na halos 2 metro nalang ang layo ay sasalpok sila sa amin . Isa pang mahirap na sitwasyon ay parehong mabibilis ang aming sinasakyan kung kaya't ako ay napasigaw ng malakas na malakas na "In Jesus Name !!",sa aming pagkagulat ay lubos ang aming pagkamangha dahil sa isang kisapmata kami ay nakalipat sa kabilang side ng daan, ibig sabihin duon sa kabilang side ng makakasalubong namin. na tricicle, grabe talaga ang himala ni Lord,nagsugo siya ng anghel upang buhatin at ilipat kmi sa kabilang side.Halata sa mga mukha ng driver ang lubos na pagtataka pero isang maliwanag na himala na pagliligtas ang aming naranasan ng oras na iyon. Bigla naisip ko na kung kami ay naaksidente ay magiging questionable ang aming pagkuha sa mga Idols ng araw na iyon pero siyempre to the rescue ang ating ministering angels.Purihin ang Diyos na nagliligtas sa tapat sa kanya..

Additional Insights

Si Pedro ay natutulog sa pagitan ng kawal at nakagapos ang mga kamay ng tanikala at may mga tanod pa sa harap ng pinto ng bilangguan.Siya ay nakatakdang iharap. kay Herodes sa bayan kinabukasan.

Walang anu-ano'y lumitaw ang isang anghel ng Panginoon, at nagliwanag na mabuti sa silid piitan. Tinapik niya sa tagiliran si Pedro at ginising. "Bumangon ka, dali" wika ng anghel. Pagdaka'y nakalag ang mga tanikala sa kanyang mga kamay. "Magbigkis ka't magsuot ng panyapak",sabi ng anghel.Gayun nga ang kanyang ginawa. Sinabi pa sa kanya ng anghel, "magbalabal ka't sumunod sa akin. ".Lumabas naman si Pedro at sumunod sa kanya, nguni't hindi niya alam kung tunay ang nangyayari. Akala niya ay nananaginip lamang siya. Nakalampas sila sa una at pangalawang bantay: nakarating sila sa pintuang bakal na labasan patungo sa lunsod.

Ito'y kusang nabuksan at lumabas sila. Pagkaraan nila sa kalye biglang nawala ang anghel.

Gawa 12:6-10(TPV)

For He will give his angels charge concerning you to guard you in all your ways.

Psalm91:11

The angel of the Lord encamp around those who fear Him and He delivered them

Psalm34:7

Maliwanag na merong nagbabantay sa mga tunay na sumusunod sa Diyos, tumawag ka lang at dagli kang sasaklolohan. Purihin ang Panginoon!

avataravatar
Next chapter