(Hereux Academy, Tuesday morning)
(Third Person's POV)
(Auditorium)
"WELCOME to the sixth edition of Hereux Academy's History Quiz Bee!"
Nagpalakpakan ang mga estudyanteng nanonood sa auditorium nang matapos na ang opening remarks ng chairperson ng event at guro nina Charlize sa Araling Panlipunan na si Mrs. Gorospe.
Pagkababa ni Mrs. Gorospe sa stage ay sunod namang umakyat ang isa pang teacher na siya ring magsisilbing quiz master para basahin ang mechanics para sa quiz bee. Mula sa gilid ng stage ay nakapila na ang mga kasali sa quiz bee. Kalmado lang na nakikinig si Charlize habang tahimik lang si Raffy. Halata na sa mukha ni Laurrie ang matinding pressure at walang tigil sa pagpapayabangan ang magkaibigang Eunice at Rachel. Lahat sila ay nag-aasam na manalo sa naturang patimpalak.
Nung matapos nang magsalita ang quiz master ay kaagad nang umakyat sa stage ang mga kalahok sa quiz bee. Isa-isa silang pinaupo sa nakahilerang mga magkakahiwalay na upuan at tsaka binigyan ng tig-iisang cardboard, chalk at eraser. Kasabay nun ay muling umakyat sa stage ang quiz master para simulan ang event na pinakahihintay ng buong Academy.
(Auditorium, contest proper)
(Third Person's POV)
RAMDAM na ang matinding pressure sa paligid ng auditorium. Tapos na ang easy, average at difficult round ng History Quiz Bee pero hindi pa rin naidedeklara ang first, second at third place dahil pare-parehong naka-perfect score ang mga ito sa tatlong round. Kung sinu-sino ang tatlong naglalaban-laban sa tie-breaker round, walang iba kundi sina Raffy, Charlize at Eunice.
"For tie-breaker question, World History. Who is the English queen consort venerated as the heroine of the English reformation? Three, two, one, go!"
Mabilis na nagsulat sina Raffy, Charlize at Eunice sa kani-kanilang mga cardboard at agad itong itinaas.
Raffy, Charlize and Eunice - Anne Boleyn
"Times up! The answer is Anne Boleyn." sabi ng quiz master. Ngunit hindi pa rin nakapagdeklara ng official winner dahil pare-parehong tama ang mga sagot nila. Halata na ang pressure sa mukha ni Raffy habang kalmado lang si Charlize. At si Eunice naman ay confident na mananalo sa quiz bee.
"Next question, Philippine History. Who is the official messenger of the balangay or barangay during pre-Spanish era? Three, two, one, go!"
Agad na isinulat ng tatlong natitirang contestant ang kani-kanilang mga sagot, ngunit tila alanganin sa kanyang final answer si Raffy. Itinaas nila ang cardboard para ipakita ang kanilang sagot.
Raffy - Chieftain
Charlize and Eunice - Umalohokan
"Times up! The answer is Umalohokan."
Napapalakpak sina Charlize at Eunice habang napabuntunghininga si Raffy dahil third place lamang siya sa competition, malayo sa matataas na rankings niya sa mga nakaraang competitions na sinasalihan niya.
"OMG. Third place lang si Young Master Raffy?"
"What happened to him?"
"First place pa naman siya last year."
"Sayang naman."
"Look oh, sina Miss Charlize at Miss Eunice na lang ang natira sa stage."
"Sino kayang mananalo sa kanila?"
"Sana si Miss Eunice ang manalo."
"Mas gusto kong manalo si Miss Charlize kaysa sa mayabang na Bad Queen Bee na yan."
"Tama ka. For sure, tanggal ang yabang ng babaing yan kapag natalo siya ni Miss Charlize."
Napairap na lang si Eunice sa mga naririnig niyang bulung-bulungan mula sa mga audience habang tila nag-ko-concentrate si Charlize para sa susunod na tanong.
"Let's proceed to the next question. Philippine History. It is the United States federal law that establish the process for the Philippines to become an independent country after a ten year transition period. Three, two, one, go!"
Sabay na isinulat ng dalawa ang kani-kanilang mga sagot sa cardboard at agad na itinaas ito upang makita ng quiz master, tabulator at ng mga audience.
Eunice - Jones Act
Charlize - Tydings - McDuffie Act
"Times up! The answer is Tydings - McDuffie Act."
That unexpectedly shuts Eunice.
"We have now the winner for the sixth edition of Hereux Academy's History Quiz Bee---"
"Ms. Gonzales, I protest!" biglang sabad ni Eunice, dahilan para matahimik ang buong auditorium. "Mali ang sagot niya." sabay turo niya kay Charlize. "Alam naman nating lahat na yung Jones Act ang naging way for the declaration of Philippine Independence."
Impit na natawa si Charlize sa mga sinabi ng kanyang mortal na karibal habang napa-face palm na lang si Raffy sa sobrang pagkadismaya sa inasal ni Eunice. At ang mga audience, hayun at wala na namang tigil sa pagbububulungan.
"That's enough, Ms. Go. Tama si Ms. Lazaro. Isa yan sa mga naging misconceptions sa history." kalmadong sabad ni Mrs. Gorospe, dahilan para literal na mapanganga si Eunice.
"Enough of your stupid alibis, Bad Queen Bee! Tanggapin mo na lang kasi na natalo ka ni Miss Charlize sa quiz bee!" parinig ng kaklase nilang si Gilana mula sa 'di kalayuan na sinang-ayunan ng mga kaibigan nito.
"Silence, Ms. Magsaysay." maawtoridad na pagsaway ng quiz master kay Gilana, dahilan para matahimik ito at ang mga kaibigan niya.
"So, our winner for this year's History Quiz Bee is no other than Ms. Charlize Lazaro of IV - A. Congratulations!"
Nagpalakpakan ang lahat habang ngiting-ngiti si Charlize. At mas lalong lumawak ang ngiti niya nang ibinigay na sa kanya ng principal ng Academy ang trophy at isinabit na sa leeg niya ang medal. Si Eunice naman ay halos pagsakluban na ng langit at lupa sa mga nasaksihan niya.
"You witch!" at akmang susugurin na sana ni Eunice si Charlize nang bigla siyang hawakan sa braso ni Raffy.
"Don't you dare, Eunice. Don't you dare." mariing babala sa kanya ni Raffy. Sa takot na lalo pang mapahiya ay hindi na niya itinuloy pa ang binabalak niya.
Sunod namang pinarangalan sina Eunice at Raffy. Mabigat sa loob na tinanggap ng dalaga ang
kanyang silver medal at trophy habang professional naman si Raffy nang tanggapin ang kanyang bronze medal at trophy.
Pagkatanggap nilang tatlo ng kanilang awards ay sunud-sunod nang tinawag ang mga nakapasok sa Top 10. Fourth place si Laurrie, fifth place si Kyle, seventh place si Courtney at tenth place si Rachel. Overall ay masaya ang lahat sa naging resulta ng competition, except Eunice, dahil hindi pa rin niya matanggap na natalo siya ng mortal niyang karibal na si Charlize.
"Congratulations, Charlize. Job well done." nakangiting bati sa kanya ni Raffy.
"Thanks, Raf. Congratulations din sayo. You sealed third place." ganting bati ni Charlize sa binata.
"Congratulations, Miss Charlize. Ang galing mo. Pati na rin ikaw, tisoy. Ang galing mo din." magalang na sabad sa kanila ni Laurrie.
"Aww, you're welcome, Lau." nakangiting pasasalamat ni Charlize sa bago niyang kaibigan.
"Thanks, Peppa. Congrats din sayo. Fourth place ka." tila may lambing na sagot ni Raffy kay Laurrie.
"Sus. Tsamba lang ang pagkakapasok ko sa Top Ten." nahihiyang sagot ni Laurrie.
Natigil sa pag-uusap ang tatlo nang lumapit sa kanila si Eunice kasama ang kaibigan nitong si Rachel. Matalim ang pagkakatitig nito kay Charlize.
"Hi, my dear ex-bestfriend." sarkastikong bati ni Charlize kay Eunice. "I won the top plum. Hindi mo man lang ba ako iko-congratulate?"
"At ba't ko naman babatiin ng congratulations ang mandarayang tulad mo?" mataray na sagot ni Eunice.
"Ako? Mandaraya? Saan banda, girl?" at kunwaring napatutop si Charlize sa pagkagulat. "My gosh. Don't tell me, bitter ka pa rin sa nangyari kanina. Ikaw naman kasi eh. Masyado kang over-confident sa sarili mo. Ayan tuloy, lumagapak ka ng wala sa oras."
"I'm still better than you, witch." nagngingitngit na sagot ni Eunice.
"Oh really? If you think that you're much better than me, then, bakit ka natalo sa quiz bee?" nakangising balik tanong ni Charlize sa dating kaibigan. Susugurin na sana siya ni Eunice nang awatin siya ni Rachel.
"Don't make patol to her. She's just provoking you." bulong ni Rachel habang pilit niyang inaawat si Eunice.
"Hindi pa tayo tapos, Charlize Lazaro. May araw ka rin sa akin." sabay sibad ni Eunice palabas ng auditorium. Agad siyang sinundan ni Rachel.
"Ugh. Hindi pa rin siya nagbabago. She's still a sore loser until now. Am I right, Raffy?" tanong ni Charlize sa binata, dahilan para hindi ito makasagot.
"Hindi mo man sabihin sa akin, I know that you're thinking the same way that I think about my loser ex-bestfriend." at natawa si Charlize. Napabuntung-hininga na lang si Raffy habang tahimik lang si Laurrie.
Nung lumapit na si Wade sa kanila ay agad nang sumama si Charlize sa binata. Sabay nang bumalik sa kani-kanilang classrooms sina Raffy at Laurrie.
(Girls Restroom, breaktime)
(Third Person's POV)
"GET out of this place! Now!" singhal ni Eunice sa mga babaing naabutan niya sa loob ng restroom. Agad na naglabasan ang mga ito sa takot na mapagbuntunan sila ng galit ni Eunice.
"Bwisit. Bwisit. BWISIT KA TALAGA, CHARLIZE!" sabay hagis ni Eunice sa hawak niyang trophy sa sahig ng restroom.
"Miss Eunice."
Natigil siya sa pagwawala nang mapansin niyang pumasok sa loob ng restroom si Rachel.
"OMG! Anong ginawa mo sa trophy mo?!" sabay pulot ni Rachel sa trophy ni Eunice na nasa sahig. "Look oh! Sira na yung trophy mo!"
"Kasalanan ng Charlize na yan kung bakit natalo ako sa quiz bee! Ako sana ang panalo sa quiz bee kung hindi niya ako sinabotahe! Simula nung bumalik siya dito sa Pilipinas, nagkandaletse-letse na naman ang buhay ko! I hate that girl, Rach! I hate her!" nanggigigil na sagot ni Eunice. "Kailangan kong makaganti sa Charlize na yan. Much worst than she's expecting!"
"Wait, Miss Eunice. Calm down, okay? I think you should lie low muna with your plans. Pag puro na lang sugod ang gagawin mo, I swear, you'll lose all your ammunitions against her. Gusto mo bang mangyari yun?"
"Of course, not." maagap na sagot ni Eunice.
"Then chill! Fix yourself muna, para, the next time na magtutuos ulit kayong dalawa, the luck is on your side na."
"You're right, Rach." at napabuntung-hininga si Eunice. "Kung inaakala ng Charlize na yan na naungusan na niya ako, nagkakamali siya, because I'll do anything para lang matalo ko siya. Hinding-hindi ako makakapayag na mapabagsak niya ulit ako tulad ng ginawa niya sa akin noon."
(Third Person's POV)
MULA sa 'di kalayuan ay nakatanaw sa kanilang dalawa si Wade. Seryoso ang itsura nito.
"Really, Eunice? Pwes, hindi ako makakapayag na mangyari ang lahat ng pinaplano mo, dahil hangga't nandito ako, gagawin ko ang lahat, wag lang mapahamak muli si Charlize nang dahil sayo."