webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
24 Chs

CHAPTER EIGHTEEN

(Hereux Academy, Monday)

(Eunice's POV)

(Lobby, Fourth Year Building, lunchtime)

"ARGH, where the heck is Rachel? Kanina pa ako nandito sa lobby pero wala pa rin siya." inis na bulong ko habang palinga-linga ako sa paligid ng lobby. Tapos na akong kumain ng lunch at napag-usapan na naming dalawa na magre-review kami sa library pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang gagang yun.

Speaking of review, nung nakaraang linggo pa ako abala sa pag-aaral para sa History Quiz Bee na gaganapin bukas. Although I'm excited for the competition ay nandun pa rin ang kaba at pressure, that's why I need to deal with it, lalo pa't isa sa mga makakalaban ko sina Raffy, Kuya Kyle, Ate Courtney at ang santa-santitang ex-bestfriend ko na si Charlize. Kating-kati na akong ipamukha sa kanya na ako ang mananalo sa contest at hindi siya.

Natigil lang ako sa pag-iisip sa contest nang mapansin kong palapit na sa akin si Rachel kasama si Clarissa.

"Salamat naman at dumating ka na." mataray na bungad ko sa kanya. "Saan ka ba galing at ang tagal mong makarating dito?"

"May dinaanan pa kasi ako sa faculty office bago ako dumiretso dito." sagot ni Rachel.

"K. Let's go. I don't want to waste my time in non sense." at naglakad na ako palabas ng Fourth Year Building. Dali-dali naman silang sumunod sa akin.

(Library, Main Building)

(Eunice's POV)

PAGDATING namin sa library ay natiyempuhan kong may dalawang girl stupidents na nakaupo sa pinupwestuhan namin at nagkukwentuhan.

"Excuse me. That's our table." mataray na sabad ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at lumabas ng library.

"Okay, girls. Let's sit." at naupo na ako. Sunod naman silang naupo sa tabi ko.

"Anong gagawin natin dito, Miss Eunice?" tanong ni Clarissa sa akin.

"Ano pa? Eh 'di mag-aaral. Bukas na ang quiz bee, so Rachel and I need to prepare." sabay tingin ko kay Rachel. "Are you ready, Rach?"

"I'm always ready, Miss." sagot naman niya.

"Good! So, let's start." sabay buklat ko sa hawak kong questionnaire. "Here's my question for you, Rachel. Who's the first president of the United States?"

"George Washington." confident na sagot ni Rachel.

"Very good. Next question, what is the largest Muslim country in the world?"

"Indonesia." sagot pa niya.

"Correct! Next, who's the first man landed on the moon?"

"First man landed on the moon? Hmmm.....Edwin Aldrin?" tila alanganing sagot ni Rachel.

"Your answer is wrong. It's Neil Armstrong." and I rolled my eyes heavenwards. "Seriously, Rach, nag-review ka ba talaga last week? Napakadali lang ng tanong ko sayo tapos 'di mo pa masagot ng tama."

"Sorry, Miss Eunice." pahiyang sagot ni Rachel.

"Focus ka kasi, girl." sabad ni Clarissa. "Or else.....baka matulad ka kay Miss Sore Loser." sabay turo niya sa kaklase naming si Tangerine na nagbabasa ng libro mula sa 'di kalayuan.

"What?! No way!" sabay irap ni Rachel. "Ayokong maging katulad niya! She was bullied to infinity dahil natalo siya sa interschool quiz bee! Ipinahiya niya ang school natin, remember?!"

"Pero nabawi naman ni Eunice ang kahihiyang idinulot ni Tangerine. She won in interschool quiz bee last year at nakapag-compete pa siya internationally!" sabay palakpak ni Clarissa sa harapan ko. "And besides, hindi katulad ni Tangerine si Eunice because unlike that sore loser, Eunice is always on top. Nobody beats her. Nothing outshines her. That's the rule."

"Good. Mabuti't naiintindihan mo, Clarissa." and I smirked devilishly at her sabay tingin ko kay Tangerine. Isang matalim na irap ang ipinukol niya sa amin sabay tayo niya at lakad palabas ng library.

"Run, loser, run!" pang-aasar ni Clarissa sa kanya.

"Haha. She's such a loser talaga." dagdag pa ni Rachel.

"Sinabi mo pa." at nag-appear silang dalawa.

Natigil lang sa pag-uusap ang dalawang kasama ko nang mapansin kong palapit na sa amin ang teacher namin sa Araling Panlipunan na si Mrs. Gorospe.

"Hi, Ms. Go and Ms. Zanders. Kanina ko pa kayo hinahanap. Buti na lang may nakapagsabi sa akin na nandito kayo sa library." bati ni Ma'am sa amin.

"Why? Do you need anything, Ma'am?" tanong ko.

"Wala naman. I just want to remind you about the quiz bee tomorrow. Sa auditorium ang venue. Dapat nandun na kayo, before 8 am. Do you understand?"

"Yes, Mrs. Gorospe." Rachel and I said in unison.

"Very good. And lastly, goodluck for both of you tomorrow. I expected you to do your best." sabi pa ni Ma'am.

"Absolutely, Ma'am. I'm always at the top of my game." I said confidently, dahil alam kong ako ang mananalo sa quiz bee na yun.

Mark my word.

* evil smirk *

(Library)

(Third Person's POV)

MULA sa 'di kalayuan ay nakatingin sa kanilang tatlo si Charlize. Nakangiti ito sa kanila, pero ang klase ng ngiti niya ay nagbabadya na naman ng hindi maganda.

"You're always at the top of your game, huh. Let's see tomorrow. Baka kainin mo yang mga sinabi mo oras na isampal ko sayo ang katotohanan, that you're still a sore loser that I used to know." and she smirked devilishly at her ex-bestfriend.