webnovel

Simon

Simon's POV

¬

"Why everyone seems to be saying that Darren Sy III and the rest of the Blue Eagles are the team to beat.... For Ateneo, it's the 5th season of coach Gab Balbin.....of course they are the defending champions and they are everyone's favourite because their line ups are still intact, the High Five of Ateneo de Manila University but it seems Simon Tan cannot make it this 2nd day of our brand new season…." ito ang pinapalabas sa malaking LED screen pagpasok ko sa opisina ng chairman ng SD Group of Companies na si Madam Thetis De Loyola-Sy (kitang-kita ko rito ang starting line up ng Ateneo Blue Eagles, sila Sol, Menard, Thirdy, Lee at Vince).

Nabanggit talaga ako sa laro, hindi ako makakasama sa opening dahil ipinatawag ako ngayon ni Auntie….alam kong tungkol ito sa nangyari kagabi sa Antipolo.

Pinatay ni Madam Thetis ang telebisyon habang nakaupo sa reclining office chair, at dahan-dahan itong humarap sa akin. Tila sasabog na ang puso ko nang makita ko ang kanyang hitsura, para siyang mangkukulam na handa nang tusukin ang kanyang manika.

"I'm sorry po Tita, hindi na po mauulit ang nangyari…." nangininig ang bibig kong nagsasalita....at sa mga mata pa lang niyang napakadominante ay makikita mo na kung anong nais nitong marinig. "Ang PR department po ng school at buong kompanya naming magkakaibigan ay ginagawa na ang lahat upang hindi madawit ang pangalan ni Thirdy…. at masugpo ang mga kumakalat na balita…."

"Masugpo ang mga kumakalat na balita?????" hindi kumbinsidong boses at nanunuot sa kanyang mga ugat ang pagkairita nito…. "Sa tingin mo….mawawala na lamang ba ito sa isang iglap???? Bakit niyo hinayaan ang mga journalist na banggitin ang pangalan ni Thirdy????!!!" galit nitong boses kasabay ng padabog niyang kamay sa mesa.

"Patawad po Auntie, patawad po….."

"Alam mo ba kung ba't karumaldumal at nakakatakot ang opinion ng publiko???? Because it is ignorant!!!!!" sabay dabog ulit sa mesa. "At kapag lumala ito ng lumala, hindi na ito maitatama ng kahit anomang rason at pagpapaliwanag!" Napabuga ito ng hininga at napasapo sa kanyang ulo.

"Huwag po kayong mag-alala Auntie...nakausap na po namin ang pamilya ni Damo Dela Cruz Jr. at mukhang madali naman po silang kausap," at kumalma ng kaunti ang mukha nito sa sinabi ko.

"Kung sino ang nagsimula, siya rin ang dapat tumapos nito….." At biglang pumasok ang kanyang lalaking assistant.

"Madam Chairman nasa linya po si House Speaker Gloria Arenas," mabilis na inabot ng assistant ang telepono kay Auntie.

"Hello Madam....." (ilang segunong pakikinig) "That's great!"

Mukhang nasolusyunan na ang problema.

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES