webnovel

Damo

3:00 PM at narito na kami sa labas ng Mall of Asia arena.

"Menard Razon passed the ball and Gokongwei for three! Pasok! Yes Sir!!! Hoooo!"

"7 point lead for the Blue Eagles with under 5 minutes to go for the opening quarter, Darren Sy III for three!!!"

Ito ang ingay na naririnig ko sa cellphone ni Papa habang silang tatlong nila Mama at ng kapatid ko ay naka-focus sa panonood ng opening ng UAAP last season. Grabe masyado silang excited, nagtro-throwback pa! Bwiset, hahaha!

"Ninang pwede sa loob muna tayo ng mall???" pagkakalabit ko kay ninang.

"DJ huwag na, magagalit ang Papa mo, iisipin nun na tatakas ka!" si ninang.

Tatakas talaga??? Hahahaha! Iyon na nga ang gagawin ko sana eh! Kailangan ko na kasing magpunta ng Macabebe College, may ensayo pa kami at magtatampo sa akin si coach dahil hindi ako nakapagpaalam ngayon sa kanya, hindi ko naman matawagan si Shane dahil pinapagawa pa ni Papa ung cellphone ko (nasira daw ito nang dahil sa insidente kagabi) pero pinagtataka ko kung papaano ito nasira???

"Aaaaah! Waaaaah! Waaaah!!! Oh my God!! Waaaaah!" mga sigawan at tilian ng mga tao nang biglang may magpark na kulay itim na limousine sa hindi kalayuan, para itong candy na mabilis nilanggam nang may lumabas na lalaki rito, mukhang isa ito sa mga player ng Ateneo Blue Eagles. Hinarangan ng mga security ang mga tao dahil dadagsain na ang sikat na player na lumabas ng sasakyan.

"DJ tara, si Thirdy 'yon," si ninang habang mabilis nitong dinampot ang kamay ko at nakipagsabayan sa mga tao na dumagsa papalapit kay Thirdy.

"Ninang, ayoko, kayo na lang...." binitawan ko ang kamay ni ninang at hinayaan ko na sila nila Papa na lumapit kay Thirdy (as if makakalapit sila sa kanya dahil parang presidente ito ng Pilipinas sa dami ng kanyang bodyguard na kasama).

Kita ko naman si Thirdy kahit malayo, may hitsura din.....uhmmmm, sige na nga, gwapo na (pero gwapong-gwapo talaga sa kanya ang mga tao para siyang diyos kung ituring), matangkad, sobrang tangkad pala, 6'2 ang height nito (nang makita kong naka-browse sila Papa sa kanyang profile sa Blue Eagles), mukhang kayumanggi sa TV at picture pero mas maputi pa pala sa akin sa personal, at sa hitsura niya kung titignan ko ngayon ay mukhang sensitibo(magkakasakit siguro ito kung dadapuan ng langaw), maarte, maselan at...mayabang! Napakaseryoso din ng mukha pero natatawa lang ako sa ayos ng kanyang buhok, para kasing pinya (ahahahahaha), suplado at hindi man lang pansinin ang kanyang mga taga hanga, ayaw pang mag-painterview sa mga journalist basta naglakad na lang ito papasok ng MOA arena.

"May nilikha talaga ang Diyos na kagaya niya!" buntong hininga ko habang pinagmamasdan ko ang aking pamilya na nakikipagsiksikan sa mga tao kahit nawala na ang anino nung Thirdy na iyon.

"Aray....." napadaing ako nang may biglang nakabangga sa aking braso, at kamuntikan pa akong madapa sa lakas ng pagkakatama nito sa akin. Nakita kong nabitawan ko ang aking panyo (nakita ko sa sahig na may dalawang panyong kulay puti ang nahulog at sa akin 'yong isa). Pinulot ito ng lalaking nakasuot ng sunglasses, jacket na may hood (halos matakpan na ang kanyang mukha), at jogger pants....ito 'yong bumangga sa akin. Ang tangkad niya, parang 'yong Thirdy kanina.

"Sorry ha," nagtanggal ito ng sunglasses, at saka ito ngumiti sa akin habang inaabot nito ang aking panyo. Natulala ako sa hitsura niya, maamo ang kanyang mukha na parang anghel, sobrang puti nito, mapula ang kanyang labi at kay ganda ng kanyang mga ngipin.

"Ahhhhhhh," lalag panga lang ako, hindi makapagsalita, na-starstruck siguro ako sa kanya.

"Sige," tipid niyang bigkas at paalam. Mabilis na itong naglakad papasok ng MOA arena at nang makalayo ito ay parang sinundan ito ng mga tao, "Warren Lee!!!!!!!!!!!!" sigaw ng isang babaeng nagtititili pero huli na ang lahat dahil nakapasok na ito sa loob at naharang na sila ng mga guwardya.

"Warren Lee???" player ba siya ng Ateneo Blue Eagles??? Pupunas na ako sa aking pawis nang mapansin kong ibang panyo ang nasa akin dahil nakita kong may nakaburdang initials dito na WLG. "Sa kanya ito," nabigkas ko.

Lumakas ang ihip hangin, napasinghap ako....at naalala ko ang mukha ni Warren Lee na siyang nakangiti sa akin...... Hindi ko alam kung ba't bumibilis ang pintig ng aking puso. First time ko 'to.

----------

written by J J  Tilan

THE FALL OF ACHILLES