webnovel

The Fairytale of Us

Sana all. Totoo pala talaga ang fairytales? Seryoso? Iyan talaga ang pangalan ng boyfriend mo? Ang cute ng mga pangalan ninyo. bagay talaga! Kumbaga, parang itinadhana! Ilan lang iyan sa mga naririnig kong sinasabi ng mga kaibigan ko simula noong nakilala ko siya. Pero teka ha? Walang kami. Sinasabi lang nila na boyfriend ko kasi talagang bagay daw sa isa't isa ang pangalan namin. Pero, magiging totoo nga kaya ito kung sa aspeto ng reality? I mean, may fairytale ba akong makakamtan?

Aleeia_Maclit · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Simula

Fairytale

Happy ending

Happily ever after

Sa henerasyon ngayon, alam kong marami na ang hindi naniniwala sa salitang iyan. Katuwiran nila, wala raw lahat ng iyan kasi lahat ng tao mamamatay. O di naman kaya wala iyan at hindi totoo iyan kasi hindi naman daw sila masaya. Marami pang dahilan na hindi ko matanggap dahil sa totoo lang, may fairytale naman talaga. Hindi lang nakikita ng iba kasi they are asking for so much more. Isa pa, wala naman daw kasing magic sa mundo kaya hindi totoo ang fairytale. So magic pala ang basehan ah? Paano kaya kung titingnan ang magic sa ibang aspeto? Kung tutuusin, napaka-magical naman talaga ng buhay eh, hindi lang natin ito alam dahil ayaw nating tingnan o sadyang tinatakpan lang natin ng negatibo ang positibo.

Oo. Wala pa akong boyfriend dahil teenager pa lang ako. Pero hindi ibig sabihin noon bitter ako dahil alam kong marami pa ring dahilan para maging masaya ka at alam ko rin na may happy ending dito sa mundong ibabaw. Hindi naman kasi ipapamulat sa mga bata ang fairytale stories gaya ng kay Aladdin kung hindi totoo hindi ba? Paano ko nasabi? Dahil nakikita ko ito sa ibang aspeto. Alam kong lahat ng tao, namamatay. Pero hindi naman porque sinabing ending ay katapusan talaga ang literal na ibig sabihin eh. Para kasi sa akin, ang ibig sabihin ng katapusan ay isang bagong simula. Hmmm. Medyo magulo. Pero kung mapapanood sa mga movies, ganito ang madalas na sinasabi kapag tapos na iyong palabas.

Hindi ko kayang ipaliwanag ito sa pamamagitan lang ng pagdada pero kapag ikinuwento ko na ang buhay ko, baka through that, I can make a better explanation. Ganoon talaga. May mga bagay na mahirap ipaliwanag kung magsasalita ka lang at sasabihin ang mga pananaw mo. Madalas kasi, hindi ka maiintindihan ng tao kapag idadaan mo lang sa puro salita.

"I can see a love story!" Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga sa kama nang marinig ko ang boses na iyon. Kailan pa siya natutong manggulat ng ganito?

"Susmarihosep ka Sandra! Bakit ka ba nanggugulat? Saka ano bang ginagawa mo rito?" Hinawakan ko ang kamay niya pagkasabi noon just to make sure na hindi niya ako lalayasan.

"Wala lang ate. I just want you to tell me a story." Story? Sa ganitong tanghali gusto niya akong magkuwento? Seryoso ba siya?

Sa lahat ng mga nakakasama ko dito sa mundong ibabaw, ang kapatid ko lang ang nakakasundo ko pagdating sa mga ganitong bagay. Oo. Kapatid ko si Sandra at hindi ko alam kung bakit nasa story telling age pa rin siya. Dalawang taon lang kasi ang tanda ko sa kaniya at nasa ikalimang baitang na siya. Ang alam ko kasi, kapag nasa ganiyang edad na ang tao, hindi na siya interesado sa mga kuwentong pambata. Ako lang ata itong isip bata na hanggang ngayon ay nanonood pa rin ng mga Disney movies at nakikinig ng mga kuwento such as Cinderella, mga alamat, at kung anu-ano pa.

"Huy Ate!" Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sigaw niyang iyon. So kailangan talagang sumigaw? Huy din ba ang pangalan ko? Hindi naman eh. May ipinangalan kaya sa akin sina Papa!

"Ano ba? Tanghali ngayon tapos story ang gusto mo?"

Walang anu-ano, bigla na lang niya akong sinampal ng papel at alam ko na kung anong nasa laman noon. Iyon ang summary na sinulat ko noong grade 6 pa ako at hinding-hindi ko iyon itatapon dahil iyon ang summary ng favorite movie ko. Oh, I wish na magkaroon ng remake noon.

Si Jafar, ang Royal Vizier ng fictional city ng Agrabah na matatagpuan malapit sa Jordan River, at ang kanyang parrot na si Iago ay nagmanap sa nakatagong lampara sa loob ng Cave of Wonders. Sila ay nasabihan na isang tao lang ang karapat-dapat na makapasok, Ang tinatawag na "diamond in the rough", na napag-alaman ni Jafar na si Aladdin, ang Agrabah Street Urchin o iyong bata na madalas sa lansangan at laging sangkot sa gulo dahil sa galing at hilig nitong magnakaw. Si Prinsesa Jasmine ng Agrabah ay dismayado dahil sa batas na kinakailangan niyang magpakasal sa isang Prinsipe imbes na sa taong minamahal niya talaga. Kaya naman, tumakas siya sa palasyo at nakilala niya si Aladdin at ang unggoy nito na si Abu.

Habang binabasa ko ang paragraph na iyan, bigla na lang akong nakakita ng ibang lugar. May mga street vendors doon at iyong mga alleys ay masikip. As in parang palengke doon saka iyong lugar ay puti. Iyong mga bahay ay pa-square ang structure. Tapos maraming mamamayan na umiikot then iyong mga tao roon ay nakasakay iyong iba sa camel. Eto pa. Iyong castle ang pinakamalaki sa entrada noon. Tapos may malaking gate at pader na nagkukulong sa magandang palasyo sa loob.

Teka? Nasaan na si Sandra? Kanina lang, kinukulit niya akong magkuwento, hindi ba? Bakit ngayon, iba na ang nakikita ko? Nasaan din iyong papel na hawak ko? At nasaan ako? Sa Agrabah? Anong ibig sabihin nito?

Sa totoo lang, bukod sa nakikita kong hindi ko maipaliwanag, naririnig ko rin ang usapan nina, Jafar at Iago? Teka totoo ba ito? Hinahanap nila iyong lamp at kailangan nila si Aladdin. Oo, iyon ang usapan nila. At teka, bakit may korona yata ako? Prinsesa lang ang babaeng nagsusuot ng ganito hindi ba? Ano ba talagang nangyayari?

Hinuli ng mga guwardya sa palasyo si Aladdin ayon sa utos ni Jafar. Kinompronta ni Jasmine si Jafar na palayain si Aladdin, pero nagsinungaling si Jafar at sinabi niya na si Aladdin ay pinatay.

So patay na raw si Aladdin. As if naman na maniniwala akong totoo. Ano ako, tanga? Napanood ko ito kaya alam ko ang lahat. Tigilan nga ni Jafar! Sorry na. Ako rin kasi ang kumompronta sa kaniya eh. Teka? Bakit ako? Si Jasmine dapat hindi ba? Anong ibig sabihin nito?

"Saan dinala ng mga guwardya mo ang lalaking iyon?" Pagtatanong ko sa matandang pangit na iyon. Teka bakit ba kasi ako? Saka alam ko na naman ang sagot sa sariling tanong ko ah! Pero bakit mistulang wala akong alam?

"Saka bakit mo siya ipinahuli?" Pagpapatuloy ko pa.

"Ipinahuli ko siya dahil sa nagawa niyang krimen." Krimen? Anong pinagsasasabi nitong matandang pangit na ito?

"At ano ang krimen na kaniyang nagawa?"

"Ang pagdukot sa prinsesa," Sagot niya na akala mo makukumbinse ako.

"Hindi niya ako dinukot. Ako ang kusang umalis dito."

"Kung alam ko lang, mahal na Prinsesa. Kung sana, nalaman ko ng maaga, hindi sana siya nasintensyahan."

"Anong sentensya naman ang ipinataw mo sa kaniya?"

"Kamatayan."

Nagpanggap na isang matanda si Jafar upang palayain sina Aladdin at Abu. Pagkatapos, dinala sila sa kuweba at inutusang kunin ang lampara. Sa loob ng kuweba nakakita si Aladdin ng isang Magic Carpet at kinuha niya ito pati ang lampara. Sumuway si Abu sa bilin ni Aladdin na walang ibang hahawakan kundi ang lampara at kinuha niya ang isang hiyas. Nagmadali silang lumabas nang magsimulang bumagsak ang kuweba. At noong makalabas ay ibinigay ni Aladdin kay Jafar ang lampara ngunit ibinalik ulit sila nito sa loob. Pero bago sila makapasok ulit ay nakuha ni Abu ang lampara kay Jafar.

Naguguluhan pa rin ako. Si Abu lang ang nakikita ko pero malabo na iyong mukha nina Aladdin at Jafar. Nakasunod lang din ako sa kung saan man pupunta si Aladdin pero wala akong kinalaman sa nangyayari sa kaniya. Totoo ba ito? Sana oo para makasama ko na talaga siya. Ang tagal ko na siyang hinahanap eh.

Habang nandoon pa rin sila, kinuskus ni Aladdin ang lampara at lumabas dito ang isang Genie na nakatira sa loob nito. Ang Genie ay nagbigay ngbabala na maaari lang siyang humiling ng tatlong hiling. Dinaya ni Aladdin ang Genie at sinabing palabasin silang lahat sa kuweba bilang hindi raw ito kasama sa mga kahilingan. Bilang unang hiling, ninais niyang baguhin ang kaniyang ayos at gawin siyang isang prinsepe at ipinangako niya sa Genie na ang huling hihilingin niya ay ang palayain ito sa pagkakakulong sa lampara.

What if ako na lang ang pakasalan mo, Aladdin? At least, hindi mo na kinakailangang mag-ayos prinsipe para lang payagan ka ng batas na pakasalan ang taong mahal mo. Siyempre biro lang iyon. Pero totoo pala talaga ang love at first sight? O sadyang maganda lang ang prinsesa at nabighani siya kaya niya naging, crush tapos minahal din eventually? Oh, so sad. Hindi talaga maitatanggi na kasama ang panlabas na kariktan para mahalin ka ng isang tao. You changed my mind, Aladdin. Mabait ka, oo, kahit na medyo wala kang manners. Pero kagaya ka lang din ng iba.

Ako na lang kaya ang magkiskis ng lamp para makahiling din ako, ano? Kung sa bagay, lahat naman ng tao gustong humiling eh. But there are many times that they ask for so much more even if they already had what they wished for. Teka. English iyon ah! Straight? Naks! Kinaya kahit na hindi sigurado sa grammar. Pero seryoso nga. Bakit ka pa kasi hihiling ng mga bagay na higit pa sa kung anong mayroon ka? Hindi ba dapat hangarin mo iyong wala sa iyo? Well actually hindi rin eh.

Kung ako ang tatanungin, wala namang masama sa wish pero hindi ba dapat makuntento na lang tayo sa kung anong mayroon at hindi na maghanap ng wala? Madalas kasi, naririnig ko ang mga salitang sana maging mayaman ako o kung ano pa na katulad niyan. Ngayon alam ko na kung bakit walang Genie sa mundo. Dahil ito sa kailangan nating pagsikapan na matupad ang hangarin natin at ma-realize ng bawat isa na the more na malaking bagay ang gusto mo, the more na kailangan mong paghirapan para makuha mo. Sabi nga, walang bagay na parang instant noodles na kaunting init lang, makakain mo na. Parang sa pag-please lang din ng tao iyan. Kung gusto mong makuha ang loob niya, aba paghirapan mo. Ano ka? Suwerte?

Alinsunod sa mungkahi ni Iago, binalak ni Jafar na pakasalan si Jasmine para maging sultan ng Agrabah. Si Aladdin, bilang "Prince Ali Ababwa", ay dumating sa Agrabah na may malaking host, ngunit nagalit si Jasmine nang talakayin niya ang kanyang kapalaran sa kanyang amang si Sultan at Jafar na wala siya. Bilang paghingi ng tawad ni Aladdin, inaya niya si Jasmine na sumakay sa Magic Carpet.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari. Ang alam ko lang, nandito ako sa magandang kuwarto at kasama ko Si Aladdin, I mean Prince Ali pala na malabo pa rin ang mukha. Walang anu-ano, bigla na lang siyang tumalon at sa katangahan niya, nadulas siya pero sinalo naman ng, teka? Magic carpet?

"Hoy! Hindi! Hindi puwede-"

"O ano?" Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ko.

"A-Anong nangyari? Paano mo nagagawa iyan?"

"Magic carpet," Tugon niya na siyang naging dahilan para matigilan ako. Gusto ko kasi talagang Makita ang mukha nitong Aladdin na kaharap ko pero kahit anong pilit ko, wala talaga akong Makita. Kinusot ko na ang mata ko pero gaya ng inaasahan, wala talagang pagmumukha ang limilitaw.

"May tiwala ka ba sa akin?" Nakangiti niyang tanong. May gana pa siyang ngumiti? Kita nang naguguluhan na nga ako? At saka, paano naman ako magtitiwala sa blurred mna mukha? Gusto kong sabihin iyan pero ibang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Oo."

Para naman akong lumipad nang direktang pagkasabi ko noon, inabot niya ang kamay ko at tinulungan akong makasakay sa magic carpet. Habang kumakanta kami ng A Whole New World, tanaw namin ang magagandang tanawin ng Agrabah. Nariyan ang asul na dagat, ang burol, ang mga puno, at ang mga tala. Mula sa taas, kita rin namin ang mga taong nagsasayawan. Teka nga pala. May nakalimutan akong isang bagay na hindi ko malaman kung ano bang i-re-react ko. Magkahawak lang naman ang kamay namin ni Aladdin habang kumakanta. Sana di na matapos ang ride na ito, kung puwede lang humiling kahit isa. Mas pipiliin ko nang holding hands kami kaysa umuwi sa isang bahay na hindi ko mawari kung nakatira ba talaga ako. At least, dito, nakatira talaga ako, sa puso ni Aladdin. Ay, hindi nga pala ako. Si Jasmine. Sorry napasobra ang pag-a-assume ko.

Nang mapagtanto ni Jasmine ang totoong pagkatao ni Aladdin ay kinumbinse niya si Jasmine na nagdamit pangmagsasaka lang siya para makatakas sa mga stress ng pagkakaroon ng royal na buhay. Pagkatapos nito ay hinatid na ni Aladdin si Jasmine sa palasyo, ngunit ang mga gwardiya ng palasyo ay hinuli si Aladdin ayon na din sa utos ni Jafar dito at itapon ito sa dagat.

Nagpakita si, Genie, sa pakiramdam na gagamitin na ni Aladdin ang Pangalawa niyang hiling para iligtas siya at tulungan. Bumalik si Aladdin sa palasyo para isiwalat ang masamang plano ni Jafar. Tumakas si Jafar pagkatapos matuklas ang tungkol sa lampara na naging dahilan ng paglabas ng tunay na pagkatao ni Aladdin.

Sa takot na baka mawala sa kaniya si Jasmine, sinira ni Aladdin ang pangako niya sa Genie at tinanggihan niya ito na maging malaya. Ninakaw ni Iago ang lampara kay Aladdin at ibinigay kay Jafar, at si Jafar na ang naging bagong master ng Genie.

Ang una at pangalawa niyang hiling ay ginamit niya para maging isang Sultan at maging pinakamalakas na salamangkero. Inilantad niya ang totoong pagkatao ni Aladdin at pinatapon ito sa Frozen Wasteland kasama si Abu at ang Magic Carpet. Ngunit tumakas sila at bumalik sa palasyo. Sinubukan ni Jasmine na tulungan si Aladdin na kunin ang lampara kay Jafar ngunit nalaman niya ito at ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan (magic) upang matalo ang mga ito. Tinuya ni Aladdin si Jafar sa pamamagitan ng pang-iinsulto at pang-aasar. Sinabi niya na mas makapangyarihan ang Genie kaysa sa kaniya.

Naisihan ni Aladdin si Jafar sa pamamagitan ng paggamit ng huling kahilingan niya at hinilingan niya na gawing pinakamakaoangyarihan ng Genie ang kaniyang sarili. Ngayon nakatali na siya sa bago niyang lampara at ang kinahinatnan ni Jafar ay ang pagkakakulong sa loob ng lampara kasama si Iago.

Sa bagay. I wish to be the most powerful genie lang naman kasi ang sinabi niya. Teka ha? Para sabihin ko sa kaniya, walang ibang most powerful being sa universe kundi si God. Tigilan niya nga. Nakakainis eh.

Ang Agrabah ay bumalik sa dati. Tinaboy ng Genie ang lampara ni Jafar at binigyan niya ng payo si Aladdin na gamitin ang huling hiling upang mabawi ang kanyang royal title para mapayagan siya ng batas na manatili kay Jasmine. Ngunit mas pinili ni Aladdin na tuparin pa rin ang kanyang pangako at pinalaya si Genie. Dahil napagtanto ng Sultan ang pagmamahalan ni Aladdin at Jasmine ay binago niya ang nakasaad sa batas at ginawa niyang si Jasmine na ang pipili kung Sino ang gusto niyang pakasalan. Ang Genie ay umalis na dahil gusto niyang libutin ang buong mundo, samantala nagsimula ng bagong buhay Sina Aladdin at Jasmine.

"Mahal kita, Jasmine." Saad ng nakangiting si Aladdin. Bago pa ako nakasagot, hinalikan niya ako sa labi na naging dahilan para maistatwa ako sa kinatatayuan ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Hinalikan niya na ako eh.

Mula noon, ay nabuhay kami ng masaya at maligaya. Assuming na naman ba ako? Sorry na. Eh sa sarili ko ang nakikita ko eh, although hanggang sa huli, hindi ko nasilayan ng malinaw ang mukha ni Aladdin.