"Ate! Gumising ka nga! Tumutulo na laway mo diyan!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses na iyon, idagdag pa ang sikat ng araw na dumadampi sa mukha ko. So, panaginip lang pala iyon? Hindi naman sa tanga-tangahan pero bakit mukhang totoo?
"A-Aladdin?" Bigla ko na lang nasabi kaya nasampal tuloy ako ng kapatid ko. Aba sorry naman! Kakagising ko lang at hindi pa nag-re-register sa utak ko ang lahat.
Dahil sa sampal na iyon, mabilisan kong kinusot ang ga mata ko at bumangon na rin naman ako sa higaan. Hawak-hawak ang pisngi kong sinampal niya, tuluyan na akong tumayo at nagtungo sa may banyo. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto para pumasok na at maligo nang nagsalita muli ang kapatid ko kaya natigilan ako.
"Maligo ka na, Ate. Alalahanin mo, ngayon ang practice ninyo sa sabayang pagbigkas." Tumango na lang ako bilang sagot at hinintay ko munang isarado niya ang pinto para makasigurong nakalabas na siya. Hindi ako makakaligo at makakapag-isip ng maayos kung mananatili pa siya sa kuwarto ko, lalo't natangay na ni Aladdin sa dream land ang utak ko.
Gaya ng sabi niya, naligo na ako pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko iyong panaginip ko. Bukod sa favorite movie ko iyong Aladdin, doon lang kasi ako naging tunay na masaya. Oo. Si Jafar ang conflict, pero sa huli kasi, nanaig pa rin ang pag-ibig nila. Hindi naman love lang ang sinasabi ko rito eh. Sadyang may mga bagay lang talaga sa mundo na kahit pilitin mong maging kuntento, hindi mo pa rin maiaalis na kulang at kailangang hanapin ang pupuna roon.
So, ito na talaga. Pumasok na ako sa banyo at noong tuluyan ko nang isinara ang pinto, nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Bumibilis ang tibok ng puso ko at para akong naghahabol ng hininga sa naiisip ko. Hindi ko pa rin maiwaglit iyong panaginip ko kagabi. Pakiramdam ko kasi, may koneksyon ito sa angyayari ngayong araw. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o sadyang dala lang ito ng kapapanood ko ng movies.
Matapos makaligo at magpakabaliw, diretso pasok na kami ni Sandra sa school. Wala nang kain kain dahil medyo late na rin ako nagising. Inihatid niya ako sa room kung saan kami mag-pa-practice at iniwan niya rin naman ako agad dahil may klase pa siya. So anong ending ko nito? Mag-isa kahit na marami nang tao sa room. Wala naman kasing gustong kumausap sa akin, not unless kailangan. Maliban na lang kay Andrea na pinakamatalik kong kaibigan. Teka nga. Nasaan na kaya iyon?
Kung nasaan man siya, sana, maging masaya siya. Joke lang. Kung nasaan man siya, wala akong pakialam dahil for sure kasama lang niya iyong crush niya. Ang galing kasi gumalaw noon, kumbaga, hahamakin ang lahat, masunod lang. Pero wala pa naman siyang nagiging boyfriend, puro crush crush lang. Study first daw muna kasi.
Tanging ingay lang ng mga taong naririto ang naririnig ko na sinasabayan pa ng mga cellphone nila na may pinapatugtog siguro. Hindi ako makakatagal sa ganitong atmospera kaya kinuha ko na rin ang cellphone at earphones ko sabay salpak nito sa tainga. Nakinig lang ako ng music, hindi ko na alintana ang nararamdaman kong kakaiba sa paligid ko. Mayamaya pa, may bigla na lang kumalabit sa akin, dahilan para nanlalaking mata akong mapalingon sa kaliwang direksyon, wala mang kasiguraduhan kung may tao roon.
"Puta nandito ka na pala? Hindi ka nag-text punyeta ka!" Walang anu-ano, may bigla na lang nagsalita sa kanan ko. At ang ganda ng bungad ha? Ang aga kong namura! Pero mukha rin naming ewan iyong paglingon ko sa kaliwa dahil wala naman palang tao doon.
Well, mabuti na lang at nandito na siya dahil may gusto akong itanong sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, may mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko maintindihan pero sa mga titig na iyon, para akong tinutunaw at kung nakakakita lang ako, malamang, nahumaling na ako sa mga titig na iyon kung lalaki man ang nakatingin.
"Makamura ka naman diyan eh wala nga akong pan-text. Saka, bakit kailangan ko pang mag-text sa iyo?" Akala niya hindi ko siya papatulan ha?
"Wala. Concern lang naman-" Oh no! Ang, plastic ng sasabihin niya! Pero nagtataka lang ako. Bakit hindi niya tinapos? Hanggang sa tinuloy niya na ang sinasabi niya at napangiti na lang ako sa di inaasahang pagkakataon.
"Jasmine! Kanina pa ata ngumingiti sa iyo si Ali! Pansinin mo naman!" Saad niya gamit ang malakas na boses. Kung hindi ko lang ito kaibigan, nilayasan ko na ito. Ang ingay eh.
Pero bakit noong sandaling banggitin niya na ang pangalang Ali ay parang tumigil ang mundo ko? Mistula ring tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang paghinga ko. Ano bang nangyayari? Lutang na ba ako?
"Sinong Ali?" Imbes na sagutin ang tanong ko, hinampas niya lang ako. Problema nito? Hindi naman ako magtatanong kung alam ko eh. Ano ako? Inusente kunwari?
Sa totoo lang, wala naman kasi akong masyadong kakilala sa school na ito dahil unang taon ko pa lang dito. Kahit nga iyong ibang teacher hindi ko rin kilala eh. Pero teka? Ano raw ang pangalan noong lalaking nakangiti sa akin? Ali? Parang familiar.
"Attention! Hindi raw tuloy ang practice ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers! Pero pinapa-stay tayo para kabisaduhin ang piyesa!"
Naghiyawan naman ang lahat ng tao sa room matapos marinig ang announcement na iyon. Akmang magkakabisado na sana ako nang bigla na lang may tumabi sa akin. Gumalaw kasi iyong upuan kaya alam ko. At sino naman ito? Sino ba itong katabi ko para makaramdam ako na hindi ako komportable?
"Puwede bang tumabi?" Shocks! Ang guwapo ng boses! Plus factor din iyong ang bango niya! Please lang. Ayaw ko munang lumandi. Tukso lumayo ka!
"O-oo p-puwede n-naman." Hala? Bakit ako nauutal? Jasmine please, umayos ka! Hindi ka ganiyan kumilos eh! Hindi ka ganiyan!
"By the way, I am Ali and grade 9 student ako. You are Jasmine, right?" Nilahad ko ang palad ko pagkasabi niya noon, hindi man ako sigurado kung tama ang pinaglalaharan ko. Para namang uminit iyong mukha ko noong sandaling hawakan niya na ang kamay ko. Bakit ganito? Ano ba ito?
"Oo. Jasmine nga ang pangalan ko." Ay wow! Nakapagsalita rin ng diretso! Akala ko madadala na ako eh. Kanina pa kasi malikot itong mga nasa Sistema ko. Ano ba ito?
"Sabi na nga ba. Okay lang ba sa iyo kung magkuwentuhan muna tayo? Just a little conversation."
"Oo naman. Ano bang gusto mong pagkuwentuhan natin?"
"Alam mo ba iyong Arabian Nights?" Ngingiti na sana ako dahil may student sa ibang grade level na kinakausap ako eh. Pero the fact na itinanong niya iyon sa akin? Parang wirdo lang. Ang tanong. Ako lang ba itong nagbibigay ng kahulugan doon at lesson ba nila iyon at gusto niya lang i-share? O sadyang over acting lang ako at masyadong malikot ang isip ko?
"Iyong kanta o iyong kuwento?" Tanong ko kahit medyo naguguluhan.
"Iyong kuwento. Ako kasi, Aladdin saka Ali Baba lang ang kabisado ko."
Teka. May nakakakabisado pa pala niyan na gaya kong teenager? Wala lang. Napaisip lang ako lalo pa at lalaki siya. Karamihan kasi sa may alam ng mga kuwentong gaya ng Aladdin at Ali Baba ay babae. Kung may lalaki man, for sure bata iyon at hindi kasing edad namin. So, may natitira pa pa palang mga wirdo sa mundong ito? Akala ko ako na lang eh.
"Oo. Alam ko na may kuwento noon pero gaya mo, iyon lang din ang kabisado ko."
At doon. Doon na kami nagsimulang maging close ni Ali. Hindi naman sa self-proclaimed ako pero ganoon na nga rin ang tingin ko. Kapag magkakasalubong kami sa school, o kaya pag may program, lagi siyang tatabi sa akin o di naman kaya ilalapit ako ni Andrea sa kaniya. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak ng babaeng iyon pero ang alam ko lang, masaya ako pag kasama ko si Ali. So ano? may malisya agad? Masaya ako kasi siya lang halos ang nakakasundo ko sa maraming bagay gaya ng movies, favorites, at marami pang iba.
"Jasmine! Makinig kang mabuti sa sasabihin ko!" Ano na naman bang dinadada nito ni Andrea? Nandito kasi kami ngayon sa court ng school dahil may Singing contest. Eh, sa kamalas-malasan, kasali ako sa mga kalahok. Tapos mag-iingay pa itong si Andrea kita na ngang, kinakabahan ako?
"Anong sasabihin mo?"
"Nanonood si Aladdin. Galingan mo ha?" Iyon lang pala. Alam ko na kung sinong Aladdin ang tinutukoy niya. Walang iba kundi si Ali.
Minsan isang araw, pinag-ayos kami ng library. Hindi na nila ako pinatulong kasi siyempre, hindi ko naman nakikita ang mga libro, baka kung saan ko pa mailagay. Habang nananahimik ako, may isang papel na nahulog dahil nilipad ng electric fan. Kinuha ko iyon at sa tingin ko, may naka-drawing. Ipinakita ko iyon kay Andrea at sinabi niya sa akin na ang naka-drawing ay isang lalaki at isang babae na nasa garden. Wala sana akong magiging reaction noon, pero noong banggitin niya na ang pangalan na nasa itaas, doon na ako napabulalas. Guess what? Cloud Aladdin Amor. So, simula rin noon, ako lang ang tumatawag sa kaniya ng Aladdin pero pag magkausap lang kami kasi he was not used to that name.
"And now, may I call on contestant number 3, Cassiopeia Jasmine Flores? Let us give her a round of applause!" Shocks ako na pala? Napahaba ata iyong pagkukuwento ko about kay Aladdin ah. Wala na. I need to face this.
Inalalayan naman ako ni Andrea para makapunta sa stage at sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko dahil ayaw ko sa lahat ang humaharap sa tao lalo't napakarami pa. Hindi naman sobrang dami, pero buong school kasi ang nanonood eh. Puwede bang umuwi na lang? Kung puwede lang gagawin ko na. Now na.
"Go for Ababwa!" Dinig ko pang pahabol ng ilan sa mga kaklase ko bago ako magsimulang kumanta. Well, alam na kung ano ang ibig nilang sabihin sa Ababwa at si Andrea lang ang pasimuno noon.

In a perfect storybook the world is brave and good
A hero takes your hand, a sweet love will follow
But life's a different game, the sorrow and the pain
Only you can change your world tomorrow
Kung hindi lang maraming tao rito, malamang, umiyak na ako. Sa lahat kasi ng kanta, feel na feel ko ito. Totoo naman kasi iyong lyrics ng kanta. Sa mga story book, napaka-perfect ng mundo. Ganiyan sa fairytale eh. Iyon bang kahit maraming conflict, tuloy pa rin na para bang walang pakialam iyong mga bida sa mga hahadlang sa kanila basta ang mahalaga ay masaya sila. Sa buhay kasi, sobrang iba. Nandiyan iyong paglalaruan ka pa ng tadhana, iyong pipilitin mong maging masaya kahit mahirap na, iyong pait at pighati na hindi mo alam kung kailan matatapos, at kung anu-ano pa na malayo sa mundo ng story book.
Let your smile light up the sky
Keep your spirit soaring high
Iyan na, hindi na ako iiyak kasi masaya na iyong lyrics. Dapat naman kasi talaga, kahit na may mga pagsubok, ngingiti pa rin tayo. Kahit pa sabihin mong fake smile iyan o genuine smile, still, ngumiti ka pa rin. Hayaan mong ang ngiti na iyon ang magbigay liwanag sa buhay mo at sa paligid mo. Ganiyan na lang ang ginagawa ko lagi eh kahit kung tutuusin napaka-drama ng buhay ko. hindi naman kasi ako puwedeng magpatalo sa mga malulungkot na pangyayari. Kailangan, titingin pa rin ako sa mga positibong bagay na mayroon ako, ganoon din ang iba.
Trust in your heart and your soul shines forever and ever
Hold fast to kindness, your light shines forever and ever
I believe in you and in me
We are strong
Lahat ng tao, malakas. Basta, magtitiwala ka lang sa sarili mo, sa kakayahan mo. Pero siyempre, dapat galing sa puso ang tiwala na iyon at lahat ng gagawin mo ay sasamahan mo ng kabutihan. Iyan ang lagi kong iniisip sa tuwing dadating ang hamon sa akin. Well, actually, araw-araw may hamon sa buhay ko, lalo pa nasa bahay ako at hindi ko na lang iyon pinapansin dahil wala namang mangyayari. Bakit? Makikinig ba sila pag pinansin ko? Hindi rin naman eh.
When once upon a time in stories and in rhyme
A moment you can shine and wear your own crown
Be the one that rescues you
Through the clouds you'll see the blue
"Sige lang, para kay Ababwa!" Si Andrea iyon, agaw-eksena na naman ha?
Ang buhay natin ay para naman talagang isang story book. Iyon nga lang, hindi siya perfect dahil maraming challenges at, hindi mo rin makukuha ang happily ever after kung gugustuhin mo. Marami kang kailangan gawin para makuha mo iyon at marami kang obstacles na kailangang lampasan kung gusto mo talagang maging masaya. Makikita mo, dadating ka na lang sa punto ng buhay mo na kuntento ka na, iyong tipong kung pahihintulutan kang humiling ay wala ka nang maiisip hilingin dahil okay ka na.
Trust in your heart and your soul shines forever and ever
Hold fast to kindness, your light shines forever and ever
I believe in you and in me
We are strong
"Jasmine nakatingin si Ali!" Imbes na kabahan ay lalo akong nakaramdam ng tuwa na hindi ko mawari kung saan ba nanggagaling. Siya kasi ang dahilan kung bakit ko kinanta ito. Sinabi niya kasi noon sa akin na kung puwede lang daw maging katulad ng mga pambatang story books ang buhay, malamang sa alamang mas pipiliin niya na raw mamuhay ng ganoon. Kung puwede nga lang din daw siyang pumasok sa libro ginawa niya na eh.
Napakalabo ng tong iyon. Sabi niya noon sa akin, maniwala raw ako sa sarili ko. Grabe rin kung maka-compliment siya sa akin na kesyo ang ganda ko raw kahit hindi ko alam kung totoo, pero kung titingnan mo siya sa paraan ng pananalita niya, para siyang may gustong sabihin na ewan. Iyong hindi ko malaman kung bakit gustong-gusto niyang nanonood ng mga movies na gusto ko rin sabay kakabisaduhin ang isang linya roon, parang ako. Pero may something na kakaiba talaga akong nararamdaman eh, hindi ko lang ma-explain.
A bird all alone on the wind can still be strong and sing
Sing
Trust in your heart and your soul shines forever and ever
Hold fast to kindness, your light shines forever and ever
I believe in you and in me
We are strong
After kong kumanta, nagpalakpakan siyempre ang lahat ng tao, respeto na siguro kumbaga. At teka? Bakit iba na ang nag-aalalay sa akin pababa? Sino naman itong nilalang na ito?
"Soon, magkakatotoo rin lahat ng fairytales mo. Basta, have courage and be kind." Ah, si Aladdin pala. Hindi na naman mapakali ang Sistema ko, buwisit! Ano bang ginagawa mo sa akin, Aladdin?
"Sa Cinderella iyan ah! Si Aladdin ka, hindi ba?" Nang-aasar kong tanong sa kaniya. Ayaw na ayaw niya kasi iyon. Parang napako naman ako sa posisyon ko nang hawakan ngniya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamayat saka nagsalita.
"Well I guess, without you, I am just Aladdin."