webnovel

The Diary Of A Blacksheep

The diary of a troubled girl. An Epistolary. I will translate the book in English, soon. All rights reserved. Copyrighted by IsabellaLlantino October 2020.

Isabella_Llantino · Teen
Not enough ratings
45 Chs

Kabanata 8

Dear Diary,

Nag-away na naman sila. Ugh. Lagi naman. Umabot na rin ng 26k ang tuition fee ko, di pa kasi nababayaran. My dad's an engineer from abroad kaya malaki-laki rin ang kinikita niya dahil medyo nakikilala na pangalan niya. Ang pinag-aawayan nila ni mama?

Pera.

He's earning half a million pero hanggang 30k lang ang kaya niyang ipadala kay mama. Tatlo kaming magkakapatid at lahat kami ay nag-aaral pa rin. Ako ang bunso, sinundan ko ang kambal kong mga kapatid. They're already in college and nagkakaproblema rin sila sa tuition fee. Lahat kami actually malaki-laki na rin ang babayaran sa school.

Di rin kami nakakabigay ng tamang amount sa school events kapag may kailangang bayaran kasi laging kulang ang budget. Pang-bayad lang kasi sa utang at iba pang mga bayarin ang pinapadala ng magaling kong ama. Sabi kasi niya tama na raw 'yon para sa amin. 1k pesos per person, pagkasyahin na lang daw sa isang buwan.

Laging 5 thousand pesos ang natitira sa amin, di kami nagbabayad fully sa mga pinagkakautangan namin kasi mawawalan kami ng budget para sa pang-araw-araw kapag ibinayad namin 'yon lahat.

Those debts are the reason why my demon-of-a-father got the chance to finish his studies and got a chance in abroad because of mom's nonstop persuasion to him.

Si mama lagi ang nagp-push at sumusuporta sa mga ginagawa niya para sa amin. Nabuntis niya kasi si mama habang nag-aaral pa sila. Okay na sana siya kasi pinanagutan niya si mama, pero ganito pala talaga kapag nakahawak ka ng malaking pera. Nawawala ka sa katinuan.

Hindi kasi marunong lumingon 'yang lalakeng 'yan sa pinanggalingan niya kaya ganyan paguugali. Di ko na rin siya kinakausap, minsan lang kapag may pinapasabi si mama o kaya may kailangan akong hingiin sa kanya para sa school. Pero simula noong sabihan niya akong walang kwenta, bobo, demonyo, walang mararating sa buhay, salot at malas sa buhay niya, 'di na ulit ako nag-try humingi.

Since that day, di ko na siya kinausap. Wait nakalimutan ko, sinabihan niya akong plastic. Kaya ang ginagawa ko kapag umuuwi siya dito for vacation, pinaplastic ko nga siya at binobola para mabili niya gusto ko. Besides, he spends his money to his mistresses a lot than us, might as well empty his money before his mistresses could even get a chance.

Tsaka hindi lang naman yan ang rason kung bakit di ko na siya kinakausap, it's because sisiraan niya lang ang mama ko sa akin when I know the truth really well. Masyado kasi siyang naniniwala sa iba. Mas may tiwala siya sa iba kaysa sa amin kaya linulustay niya pera niya sa iba. Iyan ang klase ng mindset mayroon siya, at kahit anong paliwanag namin sa mga paratang niya kay mama hindi siya naniniwala.

Why?

Kasi nga hindi naman kami kaibigan niya para paniwalaan at pagkatiwalaan niya. Hindi kami mga kapatid, nanay, tatay, tito, tita o iba pang relatives niya para paniwalaan kami. Hindi kami kabit niya para paniwalaan at pagkatiwalaan niya. In short, hindi kasi namin tinotolerate mga mali niya kaya ayaw niya sa amin.

Ang gusto niya, nabibili niya pagmamahal, loyalty, at pagtitiwala ng isang tao para ibalik niya lahat ng binabayaran niya sa kahit na sino para makuha atensyon nila. He's just overwhelmed dahil hindi na katulad noon ang buhay niya. Kasi ngayon, "mahal na mahal" siya ng mga relatives niya. Ngayon, pinapansin na siya ng mga ito hindi katulad noon na tinatakbuhan at pilit lumalayo noong mga panahong pa-raket-raket lang siya.

Hindi niya kasi kayang bilhin ang utak namin kaya sa iba niya binubuhos lahat ng paghihirap ni mama sa kanya. And that's the reason why I hate him. Kasi kahit na nagtatrabaho siya at nagpapadala pa rin sa amin, sa paningin ko, wala siyang kwentang ama.

Pero kasalanan ko rin naman kasi, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit I wished to have a broken family noong bata pa ako. Siguro masyado kasi akong na-amaze sa mga single moms na kayang itaguyod ng mag-isa ang mga anak. Nagsisi ako at pinagalitan ang sarili ko sa napaka-batang-isip ko dahil sa nakikita ko ngayon kay mama, hindi na niya kaya iyon di katulad noon.

One time kasi, pinipilit namin siya mag-work, pero nakikita ko sarili ko sa kanya, ayaw niya. Natatakot siya. Kahit nga sa pag-aaral ng TESDA ay ayaw niya, gusto niya ako ang mag-aral ng baking doon para kapag marunong na akong mag-bake, magbebenta kami. Dagdag budget para sa laging kulang na padala ng magaling kong ama. Dagdag budget sa 1 thousand na "pagkasyahin" daw namin sa isang buwan.

Pero ayaw ni mama.

Naiintindihan ko kung bakit, iniisip kasi niya na bata pa ako at mas kailangan ko iyon. Pero naiirita lang ako dahil sa body language niyang 'yon. Tumatanda na kasi siya, wala ng tatanggap sa kanya if ever mag-apply siya sa mga open jobs.

Ang gusto kong ipunto sa kanya ay mas kailangan niya 'yon once na tumanda na siya. Once na magkaroon na kami ng sarili naming pamilya, at least may makukuha siyang pera if ever hindi kami makapagbigay. Pero hindi niya 'yon makita dahil ayaw na niyang gumalaw.

Ang dahilan niya ay hindi namin kaya ang sarili namin, na hindi namin magagampanan ang house chores. Paano niya malalaman na kaya namin o hindi kung di niya kami pababayaang mag-isa habang siya ay nag-aaral sa TESDA?

And so, nawalan na ako ng gana dahil sa lack of motivation niya. Kaya siya nasasabihan ng palamunin ng asawa niya dahil he can see through her. Kaya nga gusto ko siyng i-push na mag-TESDA para maipakita niyang hindi siya palamunin. Pero wala akong magagawa dahil matanda na siya, naiisip siguro niya na baka pagtawanan siya sa TESDA kapag nalaman na nag-aaral pa rin siya,

I don't know her reason, aside from the on I mentioned, because we don't talk much. Pagalit kasi lagi yan si mama magsalita kapag ako na ang kausap katulad ng mga kaklase ko sa school, sa kanya ko lang naman yan nakuha na attitude kaya kapag kinakausap niya ako ng matino, pagalit ang tono ko kapag sinasagot mga tanong niya.

"Do not do unto others what you do not want others do unto you".

Humans are already set to that mode, you can never blame people.

Besides, di rin naman ako kinakausap ng mga kapatid ko kasi it will only lead to an argument daw. Paanong hindi mapupunta sa away eh kapag matino akong kausap di nila ako kinakausap, pero kapag badtrip ako saka lang ako papansinin. Kung wala ba naman sira utak nila baka naging maayos buhay namin.

That's why I play mobile legends, para wala akong makausap sa kahit na sino sa kanila because I always tell them to not talk to me when I choose to play for a lot of hours. And ML is also the reason why I lost weight, masyado kasing nakakaengganyo.

Nailalabas mo lahat ng galit mo sa ibang tao kahit na hindi naman dapat.