webnovel

The Diary Of A Blacksheep

The diary of a troubled girl. An Epistolary. I will translate the book in English, soon. All rights reserved. Copyrighted by IsabellaLlantino October 2020.

Isabella_Llantino · Teen
Not enough ratings
45 Chs

Kabanata 5.1

Dear Diary,

Second year na ako, yehey! Masaya nung una kasi ang babait nila saken, pero nag-one week lang eh bigla na lang masama lagi tono nila kapag kinakausap ako. Doon ko lang narealize na, ah okay, alam na nila yung issue noong first year ako.

Nakita ko ulit yung kaklase ko noong first year na pinagbintangan akong sinisiraan siya. Hindi naman kami totally nagusap, para bang nagulat siya kasi nakita niya ako. Kasama niya non mga kaibigan niyang pinaringgan ako noon na sinisiraan ko kuno yung kaibigan nila, eh feel ko non na nagsalubong kilay ko kasi sa isip-isip ko, bakit niya ako kinakausap eh ayaw niya nga sa akin?

Diba pinagbibintangan nila akong naninira ng tao tapos kakausapin niya ako? Kaya nga simula nung nangyare nun tumahimik na ako eh, di na ako masyadong nakikiusap kasi sa isip ko non malalaman lang naman nila yung issue noong first year kaya wag ng mag-effort makipagusap.

Buti na lang talaga naandito ka diary, di mo ako iniiwan.