webnovel

Chapter 59 Her Fiance

((( SENA )))

"And who do you think likes you." Aba nagsalita na yung lalaking nagpapaka-Martyr. Kala ko di papatulan ang usapan namin ni Tatang

"Oy, baka di mo naitatanong may Boyfriend ako." Sambit ko na di ko alam kung saan galing…

Opsss… Sena, Single ako Since Birth… At paanong may Boyfriend ako bigla.

Biglang natigilan ang mag-ama. Kala niyo ha single ako. Bleehhh… In my Dreams… Jowa ko ang Boss Luis ko… Huhuhu… magtatanong ba sila about sa Boyfriend ko sa Dreams?

" Boyfriend mo ba, kasing gwapo ng anak ko? Nakapag tapos at napakasipag sa trabaho niya, kaya kang i-pundar ng ganitong bahay. Kaya kang pakainin at ibigay ang gusto mo… Aba, kung babae lang ako, di ko uurungan ang anak kong to… ako talaga ang manliligaw." Pag-sasale ni Tatang ulit. Tang! Di na yan bebenta sa akin. Ugali pa lang niyan, sarap ng palayasin!

O asaan ang Maria Clara dyan. Payabangan ba ito… Makabenta si Tatang ng Anak niya sa akin, eh ayaw na ayaw naman sa tulad ko.

"Who is your Fiancé then."

Tanong niya na gusto ako paaminin para pagtawanan nilang Mag-ama. Huhuhu, kung maari lang sambitin ang pangalan dito ni Boss Luis, kaya lang may Girlfriend na yun, at kung gamitin ko man ang pangalan niya… Baka sabunutan ako ni Rhen… no no no. At halata naming pinagtutulungan ako ng mag-amang to sa sobrang yabang nila.

"Wag na magugulat lang kayo." Sabay sandok ko sa bowl at humuli ng Apat ng Shells… ayan…

"Because he is totally failure." Pahayag niya sa lalaking di ko nga alam kung sino ang tinutukoy kong Boyfriend.

"Maka-failure ka dyan!" Parang No Mistake since Birth ang lalaking to.

"So tell me…"

"Alam mo ba Iha, halos kilala ng anak ko ang mga Bachelor dito sa mundo."

"O tapos Tang?" Pakilala naman niya ako sa isa dyan oh.

"Baka sakaling kilala niya…"

Sabihin ko kayang si Sir Josh… Wait Speaking of Sir Josh, may pangalan yun na pinagyayabang sa akin… na halos yung lalaking yun ang dahilan kung bakit nagpapaka Low Profile ako. Kung sabihin ko kaya sa mag-amang mayabang na ito… Matitigilan na ba sila… Nagyayabangan na lang naman bakit hindi.

"try me Sena." Sabay abot niya sa Juice niya at uminom siya…

" Sus, Multi-Billionaire lang naman Boyfriend ko. Si Sean Herald." Matapang kong sambit with pride.

Biglang naibuga ni Aaron yung Juice… Gulat nga. Ahahahha.

"Kadiri ka naman."

"Who it is again?!" Hahaha. Gulat nga ang isang to…

"SEAN HERALD! My Fiancei!" Matikas kong sabi, O asaan ang kayabangan niyo.

"Sino bang Sean Herald yan Anak, at parang ka-Apelyido natin?" tanong ni Tatang…

Nakatitig lamang sa akin si Aaron, ako naman, ninanamnam ang pagkain… Ang sarap magluto ni Tatang…

"He is the known Multi-Billionaire Bachelor of the World. And this girl is his … Fiance?. " At bigla siyang tumawa… halatang di makapaniwala ata ang gagong to.

Binelatan ko na lang. Makatawa… makahigop na nga lang.

" I want to meet him sooner Sena." Tapos tumawa na naman.

Haist. Napasobra ba si Ako? Di ko nga kilala yun… Pero… wholebody ko naman nakita katawan nun… ahahahaha.

"Ahahahahaha." Tanga kong tawa… sabayan ko na yung umag diba… atleast di ko man masyado maalala yung mukha… nakita ko naman katawan nun, saka alaga. Opss.. My Bad.

"Talaga bang pinatulan ka ng Binatang yun? Ginayuma mo ba IHa?" haist, second the motion ni Tatang. Mag-amang to… nabu bwisit na ako.

"Oo, dadalhin ko siya dito One day. Humanda kayong dalawa."

Lalong natawa si Aaron. Teka? Kilala niya ba si Sean? Para di niya ako paniwalaan.

"Sena…, hahaha. Your funny though… that wish of yours would not entertain by him."

"Oo, dahil busy yun… Kaya please, kumain na lang kayo. Mga asungot." Kain na lang ako…

Di parin mawala ang pagtawa ni Aaron, yung tipo na di makaget-over sa joke at napapabungis-ngis na lamang… OA naman ng lalaking to, kala mo kung sinong clown si Sean na pinagyayabang ko sa kanila.

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter