webnovel

Chapter 58 Who else?

"Ahahahahha. My name is Sena. I am Sena. No less, no more…. SENA."

Bumukas yung pinto… Wow ayun yung hinahanap ko… walang sabi naupo na ako sa mesa. Amoy pa lang masarap na…

Tahimik din siyang naupo…

Syempre may table manner din ako kahit paano, hinahantay ko yung mga kakain, kahit takam na takam na ako… puro isda yung mga sidefish… at yung bowl nang sabaw… shells ba yun… Ay wow napansin ko ang gara ng dining area nila. Pati dining set nila… at yung mga plato, bowl… Wow, akin na ang mga ito!

Ahem. Pagkain parin ako… gutom na ako. Wag pansinin baka magkaroon na naman ako ng utang na aabot na naman ng million.

Para akong batang laway na laway na naghihintay, hangang sa may ipinatong sa harapan kong…

Pusit… at paglingon ko… si Tatang… naka custome pang chef ha.

"Kamusta Honeymoon ninyo."nang marinig ko yun parang mauubo ako ….

"Hahaha. Joke lang. Di talaga kita type para sa anak ko." Tapik niya sa balikat ko.

Sus naman. Saan ba nagmana ang mga taong to sa sobrang mayayabang. Pinagmumukha nila akong pangit… Oo na, maganda na si Rhen. Maganda na. Ano pa ba! Siya na girlfriend ng Prince ko.

Naupo na ito sa kabisera habang itong lalaking to di man lang pinatulan yung ama niya. Bawi bawi lang… pang-asar ako sa anak niya, at pang asar din sa akin ang tatay niya. Ganun patas lang. Tapos, kakasabi ko lang na wag patulan ang pang-asar. Haist…

"Future Daughter-In-Law, lead the prayer." Sabi ng matanda habang ngiti-ngiti pa. Sus kung andito tatay ko biruan pa lang magkakasundo na kayo… Namiss ko tuloy… haist.

Yun nagdasal nga ako… tapos kainan na… ngunit…

"Iha, joke lang ulit. Di kita tangap na maging Daughter-In-Law. Hahaha. Dahil gusto ko sa anak ko yung, mala Maria Clara ang dating, hindi yung tatalon bigla sa tulay, at hindi yung mukhang unggoy na umaakyat sa puno ng bayabas, at kung kahit kanino sumasama… It's bad attitude Iha."

"Tang Ismael, sino naman po ang magkakagusto sa anak niyo na ubod effort maging gentleman, isa pa tang… sa lahat ata ng babae dito sa mundong to… ako yung nasa hulihan para maging asawa ng anak niyo. Saka Tang ang Oa naman ng Bad Attitude na yan. Oo na, hindi ako Maria Clara pero isa parin akong Dalagang Pilipina. Ahahahhahah." Okey ako na ang dinaratnan, lalo na nasa harapan ko ang Bowl ng pusit na ito.

"And who do you think likes you."

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter