webnovel

Chapter 4 The Mean Man

Sa likuran ng Residential Building ako dinaan ng mga mokong. Halatang nagmamadali… Ang lalaki ng mga hakbang nila… kaya nahihirapan ako maglakad lalo na hinihila nila ako na parang convicted ako na parang si Napoles.

"Ano ba! Kaya ko maglakad. Asar naman!" pagrereklamo ko. May mga galit ata talaga ito sa akin.

"Mga binge ba kayo… bitiwan niyo na ako… kasi di naman ako tatakbo! Alam ko kung ano ang nangyayari. Oo na haharapin ko na!"

Saka nila ako binitawan. Tss… Kailangan pa talaga bungangaan ang mga to.

"Sumunod ka sa amin"

Sumunod na lang ako ng tahimik... pero kidnaping ang nangyayari ah.

"Teka, ano ba ang atraso ko sa inyo? Di ako marunong makipag bugbugan. Saka bakit ako makikisali sainyo?" Nagbabakasaling sabi ko na baka hindi ito tungkol sa ID. Ahehehe… Palusot ko sagad.

Walang sumagot. Poker face lang.

"Kayo ha, kinuha ninyo akong buhay, ibalik niyo akong buhay!"

Di ka i-uuwi nila, ibubulok ka nila sa kulungan Sena. Patay ka na ngayong bata ka…

Wala parin effect.

Naghantay kami ng elevator...

Chance ko na ba tumakas? Eh Walo silang mga lalaki na matatangkad.

Doc, sana tumawag ka po ng Pulis. Huhuhu. I need your help. Okey lang na ako ang dakipin ng mga pulis wag lang ang pribadong mga bodyguards na ito… Kasi kung pulis, maari pa ako dumaan sa processo ng pagpapaliwanag. Aksidente nga yun… bakit ganito sila… di ko na ma-take… ang OA masyado ng Taong yun. Saka paano ako magpapaliwanag… nakakaintindi ba yun ng tagalog? Ok, subukan ko na lang mag-taglish.

Bumukas ang elevator at inilahad ng isa na pumasok na ako. Sa taas ng Building… at madaming security, feeling ko talaga… mahalagang tao ito sa bansa namin…

Papa God, bahala ka na sakin.

Parang alam ko talaga na may atraso ako sa kanila.

Worst baka makaharap ko pa in person ang presidente ng Pilipinas. Wala akong dalang Pang-autograph… Mr.President please… help me po, don't worry kahit saang position ka man tumakbo sa susunod na halalan… Sayong-sayo na ang boto ko.

Saka tumigil ang elevator at pumasok kami sa exclusive floor ng Building na yun, Shiny masyado ang sahig…. Pang royal class… na parang minute-minuto nililinisan… Napalingon sa akin yung nakasalubong kong mga babae na parang mga flight attendant sa ganda ng tindig… at magaganda naman talaga ito.

Wow, gusto ko nung fountain na yun sa may lobby,may mga coil fish, yung lighting ng Interior… thumbs up sa magaling na Interior Designer.

"Mam, keep following us."

Tumigil kasi ako saglit. Kala mo naman lalayasan ko ang mga ito. Ok.

First time ko sa Residencial Buliding na ito at talagang napakatanyag nga ng gusaling ito… Karamihang artista dito tumutuloy, kaya nga napaka higpit ng securidad dito… halata naman sa bawat sulok may mga camera na handang I record ang boung pangyayari sa loob ng ilang taon… Live Drama ang peg nito dito.

Saka Balitang balita na exclusive lang ito sa mga mayayaman. Napadungaw ako sa mataas na bintana… at mula doon sa Upper ng isang building… andun ang napakalawak na swimming pool… Awow… parang nasa Boracay dahil naka two piece lang ang mga naroroon at nag-susun bathing sa init pa naman ng Manila… Sila na ang foreigner na di man lang apektado na mangitim. Haist.

"Miss…" muli na naman sakin gising ng kasama kong… mga bugbog sarado.

Oo, mag sosorry talaga ako sa presidente, haist ID na yun di ko alam na magdadala pala ng kamalasan sakin.

Sa inis ko diretso akong naglakad… at namalayan ko, sumobra ata ako ng tawagin uli yung last name ko. Nakita ko sila na nakatayo …

Sa may double door na malaking pintuan na parang mabigat ata yun, sa katawan nito naka-ukit ang dragon na parang kakainin ako ng dis-oras. Ang ganda ah…

kapag natumba yun, tiyak durog ang skull ng ulo mo. Ahahaha.

Aba naman, nakukuha ko pang makipag joke sa sarili ko.

Di ba ako kinakabahan?

Hindi eh.

Presidente yun ng bayan, sus Ama siya ng bayan na ito...at ako Anak niya. Ahahahaha.

Pero pagbukas na pagbukas ng pinto, sumalubong sa tenga ko ang pagmamakaawa ng isang lalaki… at sunod sunod na natamo nito ang tadyak… at sa bandang huli, kalabog ng sinipa ito ng napakalas upang tumilapon sa isang China Vase… at nabasag.

Anong nangyayari?

Kalabog, tadyak...

Te-teka?

Tinignan ko mga hitsura ng kasama ko. Bullying ba ito?

Yung sahig... may dumadaloy na dugo...

Napasinghap ako, at napa atras, ng harangin ang likuran ko ng mga kasama ko.

Napa angat ako ng titig,

Isang golf batter ang pinag hahampas ng isang Sadistang lalaki sa isang lalaki na nakahandusay na sa sahig. Nakayuko ang lahat. Wala man lang silang ginagawa upang tigilan ito… Ramdam na ramdam ko ang takot at pananahimik ng lahat sa silid na iyon… at natatakot ako para sa kanila… hindi para sa sarili ko.. Nayukom ko ang mga kamay ko… Anong oras ngayon, parang paliparin ko na ang aking kamao.

Sa laki ng lalaking nasa sahig, umiiyak na ito at nagmamaka awa. Nainis ako bigla. Kalalaking tao nito, hindi marunong lumaban!

At bakit naririto ako...

"Continue." Isang matikas na boses ng lalaki na nakasandal malapit sa bintana habang pinapaikot ikot nito sa loob ng baso ang wine. At sa pagpasok ko… nakuha ko nga ang atension nila kaya nag-sitigilan, ngunit sa sinabi niya… muling nilapitan ng sadistang lalaki yung kawawang lalaki.

Napapikit na lamang ako sa hiyaw ng lalaking nasa sahig, bakit may mga ganitong tao sa mundo… at bakit naduduwag ang lalaki na lumaban sa kanila… Bakit… Ginagawa ba nila ito ng dahil sa pera? Bakit hinahayaan ninyo na saktan kayo ng pera at alipinin kayo! Parang di na ako makapag-pigil.

At ang dugo na kanina nasa unahan ko pa lang ay dumaloy na sa ilalim ng Dollshoes ko.

Nanaginip lang ako diba?

Anong gagawin ko?Bakit pinapakita sa akin ang pangitain na ito…

"Enough." At ibinagsak ng lalaking nasa bintana ang hawak niyang wineglass.

Kaagad na tumayo ang bugbug saradong lalaki kahit na nahihirapan itong gumalaw. Saka naman may itinulak na isang lalaki sa nilisan niyang posisyon… At nanlaki ang mga mata ko, dahil… ang nasa harapan ko ay ang kapatid ko na humihingi ng kapatawarn sa ginawa… Anong ginawa niya… Saka…

Napailing ako, hindi kami pinalaki ng mga magulang kong ganito… laban kung laban!

"Start." Utos ng lalaking yun na ang bawat hampas at pagmamakaawa ay parng musika sa kanyang tenga. May mga ganito talagang mga tao sa mundong ito. Hindi sila tao!

Kumpirmado na ang boses na naghihinagpis na biktima ay ang kuya ko. Kumulo ang dugo ko, lalo na sa walang awing humpay na paghahampas sa kanya ng golf Bat … at walang magawa ang umag nito? Himala?

Natawa bigla ako… panaginip ata ito… hahaha, pinaglalaruan ako ng imagination ko… Ano ba yan.

Napahakbang at lakas loob na sinabing...

"Hahaha… Kuya, kinakawawa ka sa panaginip ko… Kailangan moa ta ng tulong ko." Panunuya ko kay Kuya. Na sa totoo naman talaga hindi padadaig ang kapatid kong gorilya sa mga engot na ito!

Nawala ang ingay ng paghampas.

At yung lalaki na nasa bintana… napangisi at… itinayo ang sarili ng matikas …

Bakit para siyang demonyo sa ngising yun.

Comment, Hit Star and I will always love your Power Stone

Saranghe

International_Pencreators' thoughts
Next chapter