webnovel

Chapter 41 Mother's Favor

((( George )))

Bakit nagugulo ang buhay ni Master Sean sa babaeng to? Pagmamasid ko nang maihiga siya sa isang coach nang hotel room na yun.

Nasisigurado ko na hindi ito papalampasin ni Master Sean. Grabe, sinisira niya ang plano nito para sa pamilya ng mga Madrid. Lalo na kanina… maraming nakakita ng kahihiyan .

Bumukas ang pinto,

Si Mam Janine… ang ina ni Master Sean. Kasama ang dalawang bodyguard nito. Di niya ito pinatuloy at tanging siya ang pumasok na ako mismo ang sumara ng pinto.

"Maari ko bang maka-usap George ang anak ko saglit?"

"Sasabihin ko sa kanya… ngunit."

"Maghihintay ako dito."

Ngunit di ko alam kung papaunlakan siya ni Master Sean. Umalis na ako, para sabihin kay Master Sean ang nais ni Mam Janine.

( SENA )

"Awwwww…" nang mahulog ako… sarap pa naman ng tulog ko…

May babaeng lumapit sa akin, yung Middle woman kanina… Ina ni Boss Luis.

" Okey ka lang ba Iha?"

Napaupo ako sa sahig at nagawa kong makabalik sa couch na maayos na umupo… Awwww… sakit ng ulo ko."

"Okey lang po."

Dapat maganda ang attitude sa harap ng ina ng Prince Charming ko.

"Bakit narito po kayo?" at bakit naririto ako natutulog.

"Andito ako para sa anak ko."

Wait… Kay Boss Luis ba ang silid na ito. Huh? Bakit andito ako… Napangiti na lang ako…

"Ahhh…siguro po busy pa siya. Ayyyy… naka idlip ako." Kunyari pag unat ko ng mga kamay ko… Pero namalayan ko, nakapaa ako… Asaan yung sandal ko?

Biglang bumukas yung pinto… mga bodyguards na naman.

"Mam Janine, hinahanap na po kayo ni Chairman."

Napabuntong hininga ito… napatayo.

"Teka lang. Limang minuto pa."

"Pero Mis Janine."

"Gusto ko makausap ang anak ko." Pagmamatigas nito.

Ha? Wait, di ba sila nag uusap ni Boss Luis? Naghintay nga siya… nang tumunog yung phone niya.

"Teka lang…" at umiyak na ito. Bakit … ehhh? Sinagot lang yung tawag umiyak na? Anong meron sa phone niya, may sibuyas.

At malungkot niyang ibinaba. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Parang isang ina na nangangailangan ng yakap ng isang anak at nangungulila na ito. Tinignan niya ako.

"Iha, pabigay na lang nito sa aking anak. Sabihin mo gustong gusto ko siyang makausap. Ibigay mo ito sa kanya."

"Pe-pero?"

"Sabihin mo mahal ko siya." At kwintas na ang pendant ay isang singsing…

"Gusto kong isauli yan sa talagang nagbigay sa akin, ayoko na kunin nila yan sa akin.Please…"

Napatango ako. Kanina, kaharap niya lang si Boss Luis diba? Eh bakit sa akin niya binibigay?

Parang inilihim niya ang pag abot ng singsing sa akin, dahil sa ipinaloob niya sa aking mga kamay bago ito itinikom niya.

Pinunasan niya ang luha na tumulo sa kanyang mga mata, bago lumabas ng silid na yun. Ngayon, hawak ko yung singsing na ibibigay ata ni Boss Luis kay Rhen…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter