webnovel

Chapter 42 Little Lost

((( SENA )))

Tinignan ko yung Kwintas… Oo, ibibigay ko kay Boss Luis.

Pero, yung sandal ko! At napalinga ako sa mga accessories na gamit ko, hays buti naman andito pa, maibalik ko na nga to, nang maretrieve ko na yung Cardigan saka Dollshoes ko sa nang-iinsultong baklang yun. Yabang. Che! Di ako madadala sa halaga ng mga gamit na ito… Nakakatakot kaya mawala. Yung sandal nga lang… Asaan?

Baka maramdaman ko na naman yung pakiramdam tungkol sa 23,867, 000.00.

Pumasok ako sa may loob, baka may spare na tsinelas man lang… nilalamig na kasi ang paa ko… at parang hinihigop ng katawan ko yung lamig. Aircon pa naman kahit ang hallway dito…

Wow, ganda ng loob… sarap naman maging mayaman. Naglalakihang Bintana na pinagsisigawan ng kurtina na di kami mahirap kagaya mo. At mga Furniture na parang ayaw magpahawak. Sus ko!

Tsinelas ang hanap ko! Mga loka-loka kayo. Oo, simula ng mangyari yung sa Mall… parang ayoko na humawak ng mga mamahaling gamit… Nakaka truma kaya.

Ganda naman ng kama. Hey, wala kayo sa beauty Pageant! At kama lang disqualified na kasi wala kayong buhay! Maganda lang kayo.

Hay naku, sa bagay lahat naman ata ng tao, nag-iimprove lalo na kung magagandang bagay ang nakapaligid sa kanila.

Hanap sa ilalim… Wala.

At tumampad sa akin ang isang malaking Wardrobe… Anlaki! Pumasok ako… Wow, Organize masyado yung mga damit… Saka, teka… kala ko Hotel to? Bakit parang ang may ari ng silid na ito dito na nakatira? Hindi naman to bahay ni Boss Luis… And take note parang for now check in lang ito.

Okey…. Sila na mayaman, Siguro isang gamit lang, tapon na kaagad. Meron bang taong ganun?

Ewan lang…. Nang may marinig ako…

" I got the call, they warn me not to meet that woman, or else they will kill her."

Napasiksik ako sa loob ng parang comportment na ang mga laman coats… at sa lugar ko… mga underware ng lalaki… oh my ghad…

Bumukas yung pinto ng Wardrobe…

"Yes, I think the woman already left."

At yung mga yapak palapit sa lugar ko… may full length body Mirror… sa tabi ko… hindi kaya.

Diyos ko wag naman sana mag make up ang lalaking to sa harapan ko. Halata namang hindi si Boss Luis to! Huhuhu

"Is the Crazy woman still slumbering?"

"I will look for her Master Sean."

Crazy lady? Wow, sino tinutukoy niya? Kilala ba niya ako? Huh? Sino to?

Narinig kong sumara yung pinto… Pero halos malaglag ngipin ko ng…

Inalis niya yung belt ng bathrobe niya at bumukas ang tanawin ng…. Oh my GhaD! Ang Virgin kong mata! Napalunok laway ako… Ano to…

At namalayan ko na lang nasa sahig na ang robe niya… Talagang hubad na hubad siya sa paningin ko… Bakit ganito… Hindi na nga virgin yung kilay ko… pati ba naman ang aking mga mata… oh my ghad…

Nang biglang nag extend yung kamay niya sa pinagtataguan ko para kumuha ng underwear… di siya tumitingin… kaya kinapa niya… sa takot na makapa niya ako… inabot ko sa kamay niya yung isa…

Yuck, nakakadiri!

Pati kamay ko! Di na Virgin! Bigla siyang natigilan…

Hindi kaya…

At halos ….

Nagkatitigan kami…

Di kami makagalaw…

Statue na lang forever please… Author! I pause mo ang kahihiyan na ito!

Ako unang naka recover sa gulat… kasi ako kanina ko pa siyang nakikita… habang siya.. ngayon pa lang…

Lumabas ako at bumaba…

Eh naka pause pa siya eh. Ako on the resume and play.

"And where do you think you're going!" Ang sakit sa tenga… Halos, basag eardrums ko…

Halos mabingi ako sa sigaw na yun. Kung babae to lakas siguro ng tili.

"Outside." Marahan kong sabi… na di ako humarap sa kanya.

Saka tumakbo na ako. Nagmadali naman siya na pulutin ang roba, at hinabol ako…

"George!."

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter