webnovel

The Betrothed Maiden

Mirrage_Nim · Urban
Not enough ratings
4 Chs

I

*HARRA

"Hija, hindi na nagre-respond ang katawan ng nobyo mo. Makina na lang ang sumusuporta sa kanya. Maaring hindi na siya magigising," malungkot na saad ng doktor. Umiling ako.

"Doc, kung ang sinasabi niyo po ay sumuko na ko... hindi ko po iyon gagawin. At kahit abutin pa ng sampung taong nakaratay siya riyan ay hihintayin ko pa rin ang paggising niya. Wag kayong mag-alala dahil babayaran ko naman kayo. Hangga't tumitibok ang puso niya mahina man 'yon o sobrang hina pa basta't tumitibok ang puso niya patuloy akong aasa na babalik siya." Sagot ko sa doktor na tumitingin kay Yul, ang aking irog. Napailing na lang ito at tumango saka lumabas. Hinaplos ko ang hapis niyang pisngi.

"Yul, kahit mabaon ako sa utang basta manatili ka lang sa buhay ko kahit ganito ay sobrang magpapasalamat ako sa Kanya dahil hindi ka pa Niya kinukuha. Maghihintay ako sa'yo. Hindi ako magsasawa." Sabi ko sa kanya saka hinagkan ang kamay niyang maputla. Inilapit ko iyon sa pisngi ko at para na rin niyang hinaplos iyon. Napaiyak na lang ako lalo. Siya lang ang taong hindi ako tinalikuran at ganun din ang gagawin ko. Hindi ako susuko. Napatingin ako sa orasan sa kwarto ni Yul, oras na pala para magtrabaho.

"Yul, aalis ulit ako. Pero babalik din agad. Magtatrabaho muna ako para sa'yo. Mahal kita. Hintayin mo ko." Bulong ko sa kanya saka hinagkan siya sa noo. Muli ko siyang sinulyapan bago tuluyang lumabas. Palabas na ko nang mahagip ng mata ko ang pagkukumpulan at tilian ng mga babae sa di kalayuan. Nagtataka akong lumapit at pinakatitigan kung ano mang meron.

"Anong meron?" Tanong ko sa babaeng hindi magkamayaw sa kakatili.

"Si Neien Geryon! Nasa loob! Naghahanap ng surrogate mother! Waaaah~ Kahit ako na lang! Basta malahian niya lang ako!!" Nagtititiling saad niya. Napasimangot naman ako. Bakit surrogate mother pa ang hanap? Kung mag-asawa na lang siya? Napailing na lang ako at umalis sa kumpulan.

"Baka ma-late pa ko dahil dito," sabi ko sa sarili ko saka nagtungo sa bar na pinapasukan ko bilang isang serbedora. Buti na lamang at maaga akong nakarating. Agad akong nagpalit ng uniporme at nagsimula ng magtrabaho. Abala ako sa pagse-serve ng inumin ng mga costumer namin nang lapitan ako ni Mama Lia, ang manager ng pinapasukan ko.

"Harra, hali ka muna rito sandali at may sasabihin ako," sabi niya sa 'kin saka ako marahang hinila papalapit sa isang table. Napatigil ako sa harap ng mesa at bigla akong kinabahan.

"Mama Lia naman... hindi po ako nagpapa-table. Mag-o-overtime na lang po ako mamaya basta h'wag naman po ganito," naiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Sira! May iaalok raw na trabaho itong VIP natin. Naisip agad kita kaya ikaw na ang pinapunta ko rito. Di ba't kailangan mo ng malaking pera? Tignan mo muna, kung ayaw mo ay iba na lang. H'wag kang mag-alala at hindi ka naman niya babastusin. Kilala ko 'yan," nakangiting saad ng niya saka iniwan kami. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa assurance na ibinigay ni Mama Lia.

"So Miss Harra, I'm Darin. Nakita ka ni Boss kanina at agad ka niyang pinahanap sa 'kin. Kanina pa nga nagwawala 'yon dahil hindi ka niya naabutan. Kailangan mong sunama sa 'kin," seryosong saad niya saka tumayo at inilahad ang palad niya. Pumiksi ako agad at lumayo sa kanya. Hindi ito ang unang beses na may nagtangkang bilhin ako, kaya alam ko na ang gagawin ko.

"Ayoko! At kung sino man 'yang baliw mong amo sabihin mo sa kanya na hindi ako interesado sa kanya!" impit kong sigaw sa kanya saka siya tinalikuran. Akmang tatawagin ko na si Mama Lia ay nagsalita siyang muli.

"Nakasasalalay sa kanya ang buhay ng boyfriend mo... ang buhay ni Yul," saad niya. Marahas akong napalingon sa kanya.

"ANO?! Sino ka ba? Ano bang gusto niyo?" kinakabahan kong tanong. Kung sino man sila ay wala silang mahihita sa 'kin dahil lahat ng kinikita ko ay napupunta sa ospital. Wala rin akong alam na pinagkakautangan ni Yul dahil hindi naman siya pala-utang at ni ayaw niyang nagkakaroon ng utang na loob sa iba. Tumikhim ang lalaki sa harap ko at muling nagsalita.

"Sumama ka sa 'kin. Kanina pa naiinip si Neien. Masamang pinaghintayin iyon. Kung may mga tanong ka ay mabuting siya na ang tanungin mo. H'wag kang mag-alala at kapag nagkasundo kayo ay wala namang mangyayaring masama," sinamantala niya ang pagkabalisa ko at inalalayan ako palabas. Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang kaba at pagkabigla sa nangyayari. Sino ba sila? Anong kinalaman ni Yul dito? Kung sino man ang 'Neien' na 'yon ay tiyak na hindi siya magdudulot ng magandang balita.

***

Namumuti na ang kamay niya sa higpit ng hawak nito sa lata. Lapat na lapat na ang pantay-pantay niyang mga ngipin sa kahihintay. Nanggigil na ito sa sobrang pagkainip, maya-maya pa ay nagbukas ang pinto ng kanyang opisina.

"Boss, nandito na po kami," pormal na pahayag ng kanyang sekretarya.

"Leave," naiinip na tugon niya rito na agad namang tumalima palabas. Naiwan sila ng babaeng kasama ng kanyang sekretarya.

"A-anong kailangan niyo sa 'kin?" nauutal na tanong ng dalaga.

"You're Harra, right? What took you so long?" mariing tanong niya sa dalaga saka hinaplos ang pisngi nito.

"A-ano ba!? Huwag mo nga akong hawakan!" asik ng dalaga saka lumayo sa kanya. Napikon na ito kaya agad niyang hinablot ang dalaga at marahas ba isinandal sa pader ng kanyang opisina. Narinig niya pa ang mahinang pag-igik nito ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"You don't tell me what to do. I will," inilapit niya ang mukha niya sa takot na dalaga at sinamyo ang kabanguhan nito.

"P-please.. k-kung pera ang kailangan niyo wala akong maiibibigay sa inyo. W-wala akong naaalalang may utang ako sa 'yo," nakapikit nitong sambit habang umiiwas sa mukha ng binata.

"Look at me," maawtoridad na utos nito sa kanya kaya agad siyang napatingin rito.

"B-bakit?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ang magaganda ngunit walang emosyong mga mata nito.

"You need money for your commatosed boyfriend, don't you?" nakangising tanong nito.

"P-paano mo nalaman?" nanlalaki ang mga matang tanong niya rito.

"I have ways. Don't you know who I am?" tanong niyang muli na iling ang isinagot ng dalaga.

"Oh, so there are really humans who doesn't know me. Anyway, let me introduce myself. I am Neien Thunder Geryon," mapanuksong ngiti niya sa dalaga na labis ang pagkabigla.

"Neien? Yung naghahanap ng surrogate mother?" manghang tanong ng dalaga na ikinatawa ng lalaki.

"Stop playing hard to get. Since alam mo na ang pakay ko sa 'yo. Let's get straight to business. I want you to bear my child," walang ngiting sambit nito. Saglit na natulala ang dalaga pagkuwa'y nahimasmasan din. Agad niyang tinulak ang lalaki at sinikmuraan ito.

"Siraulo!" sigaw ng dalaga saka nagmamadaling nagpunta sa pinto. Bago pa man siya makarating sa pinto ay kinaladkad na siya ng binata papasok sa isang kwarto saka tinulak siya sa kama.

"Wag mo kong sigawan! You don't yell on me, I do! Kung ayaw mong ipatigil ko ang makina na bumubuhay sa nobyo mo ay pumayag ka na lang sa kasunduan at pirmahan mo ang mga papeles," nangangalit na saad nito.

"At kung ayaw ko?!" asik ng dalaga.

"Gagawa ako ng paraan para pumayag ka. You won't like it when I'm mad," nakangising sabi nito saka tumabi sa dalaga at hinaplos ang magkabilang braso nito saka binulungan.

"You'll have all the benefits if you choose to bear my child." bulong nito saka pinagapang ang kamay nito sa kanyang impis na tiyan. Naiiyak na lang ang dalaga at sa sobrang kaba at takot na nararamdaman niya. Gulong-gulo man siya ay malakas ang kutob niyang tototohanin ng estranghero ang banta niya kapag hindi siya nagpasakop sa binata.

Hi, this is Mirrage!

Hope you enjoyed the story.

This story was originally from another platform and was published as a book.

You can grab a copy if you'd like.

I will be doing some revisions and this version will be different from it's original. So, if you have already read this... please don't be confused.

If not, enjoy the ride. Hang on tight~ ;)

You can follow me on instragram:

@_mxrrxgx

Happy New Year!!!

Mirrage_Nimcreators' thoughts