1 PROLOGUE

"What are these?" mahina ngunit mariing tanong niya sa 'kin habang mahigpit ang hawak sa maliit na bote.

"Uhh.. Th-that's..---" nauutal kong sagot sa kanya dahil sa sobrang kaba. Humakbang siya papalapit sa 'kin at mariing hinablot ang braso ko.

"Dammit! Answer me! Bakit ka nagpi-pills?! Akala ko ba ito ang gusto mo?!" Nanggigigil na tanong niya sa 'kin. Naluluha na ako sa takot.

"K-ka-kasi..." pinilit kong magsalita pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Napapiksi na lang ako ng bigla niyang ibinato sa pader ang bote ng contraseptive pills.

"Sumagot ka! Akala ko ba gusto mong mabuntis?! Kailangan mong mabuntis! Bakit?! May nakita ka ng iba?! Mas mayaman ba sa 'kin yan?! Mas matalino?! Mas gwapo?! Mas malaki?" Nakangisi siya sa huling tanong niya na ikinapula ng buong mukha ko.

"U-umuurong na ko sa kasunduan natin." Nakayuko kong sagot sa kanya. Hinaklit niya ang braso ko at pabalyang tinulak sa kama.

"You can't back out now. Not now, not ever! Nasa kontrata na kung hindi ka susunod sa usapan, tuluyan ng mawawala sa 'yo ang nobyo mo! Makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Kayang-kaya kong ipatigil ang makinang 'yon." Sabi niya saka ako kinulong sa katawan niya. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking leeg paakyat sa kapingulan ng tenga habang ito'y marahan niyang hinahagkan.

"Pero hindi siya matutuwa kapag nalaman niya 'to," humihikbi kong sabi. Hindi ako nanlaban dahil alam kong kaya niyang gawin ang banta niya. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa minamahal ko. Siya lang ang meron ako at hindi ko hahayaang mawala pati siya.

"You should've thought that before deciding to bear my child. Naisip mo yan bago mo isinuko ang buong pagkatao mo. Kawawa naman ang lantang-gulay mong nobyo dahil naunahan ko pa siya. Hindi ka pwedeng umatras. Hindi lang buhay ng nobyo mo ang tatapusin ko, pahihirapan ko rin ang buhay mo." Banta niya saka marahas na hinablot ang pantulog ko. Napapikit na lang ako at hinayaan siya. Matatapos rin naman ito. Tahimik akong umiiyak habang malaya niyang pinapagapang ang palad niya sa katawan ko.

"Hayup ka," mahina kong sabi sa kanya na abala sa paglalakbay sa buong katawan ko.

"I know and I like it," nakangising tugon niya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at inisip na matatapos din ang lahat. Lahat, kasama ang damdaming unti-unting umuusbong sa puso ko. Mali ito dahil may nakatakda na sa 'kin at hinihintay niya ko.

avataravatar
Next chapter