webnovel

Chapter 12

Ara's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. it's already 4:00 am. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Baka malate pa ako sa una kong klase.

Makalipas ang kalahating oras, tapos na ako maligo.

Nagsuot ako ng red dress na hanggang tuhod. Hindi pa kasi ako nakabili ng uniporme. Naglagay rin ako ng kaunting kolorete sa aking mukha. Wow! ang ganda ko talaga.

Napabuntong-hininga na lang ako nang makita tulog parin si Josh hanggang ngayon.

Pinagmasdan ko siya ng maigi. May itsura rin pala ang lalakeng 'to.

Kailangan kong kunin ang tiwala ni Josh para magamit ko siya sa paghihiganti ko sa ex-crush ko. Kung kailangan ko manggamit ng tao para magtagumpay sa mga plano ko ay gagawin ko.

"Josh, wake up." pag-yuyugyug ko sa kanya.

"Ano oras na ba?" wika nya habang nag-uunat.

"5:30 am," tipid kong sagot.

"Oh no! I'm late," natataranta sabi nya at dali-dali kinuha ang gagamitin nya sa pagligo.

Hinihintay ko siyang matapos maligo dahil sasabay siya sa'min ni Jm.

Napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto.

"P-pasok!" pasigaw kong sabi para marinig ng kumakatok.

Lumantad naman sa'kin si Jm na nakasuot na kulay asul na dress na bumagay sa kanyang balat.

"Hi! good morning, ate. Pinapatawag po ni tita kayo ni kuya Josh," nakangiti niyang ani.

"Sabihin mo, sandali lang hindi pa kasi tapos maligo si Josh," seryoso kong saad habang nililigpit ang higaan.

"Sige po," aniya.

"May kailangan ka--

Hindi na natuloy ang aking sasabihin na biglang lumabas si Josh na nakatop-less at lumantad sa'min ang basang-basa nyang abs.

"Wow! dami mong pandesal, kuya Josh," malanding tono ni Jm sabay kagat-labi.

"Wag ka nga magtopless sa harap naming mga babae. Tsk! magbihis ka na nga," naiirita kong sabi habang inaayos ang mga gagamitin ko sa school.

"Sorry po, Queen," wika nya sabay balik sa banyo.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Oh, Jm bat nandito ka pa?" wika ko habang nakataas ang kaliwang kong kilay.

"Wala po, hehe," nahihiya nyang sabi sabay alis.

Mga childish...

Makalipas ang ilang oras, naayos na namin ang mga gagamitin sa school

Pumunta kami ni Josh sa habang kainan para kumain.

"Anak, are you ready to face them?" seryoso nyang tanong sabay halik sa'kin sa pisnge.

"Yes mom, I'm ready. I will make sure na pagbabayaran nila ang lahat ng sakit na pinaranas nila sa'kin," gigil kong ani habang mahigpit nakahawak sa kutsara.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na kami kumain.

Sumakay kami sa Montero car ko para makarating sa school. Si Josh muna ang nagmaneho kasi wala akong gana magmaneho. Baka maaksidente pa kami kung ako nagmaneho dahil nanginginig ang aking kamay sa galit.

Makalipas ang ilang minuto, nasa school na kami. Malapit lang kasi sa condo ang school.

Nasa entrance pa lang kami ay samo't saring bulungan ang amin narinig.

"Wow! Ang gaganda at gwapo naman nila," naiingit na sabi ng isang babae na sobrang kapal ang kolorete sa mukha.

"Chix,pare," kagat-labi sabi ng lalakeng mukhang unggoy sabay turo sa'kin.

Yuck!

"May bago na naman pagtritripan si Queen," pagmamalaki ng isa pang babae na sobrang payat.

"As if naman na matakot ako sa Queen nyo duhhh," maarti kong ani sa'kin isipan.

Hindi ko na pinakinggang yun ibang bulungan. Bulungan ba tawag dun? rinig na rinig namin eh.

Pumunta kami sa dean office.

"Are you a daughter of Ms. Ongcuangco?" nakangiting nyang tanong.

Tanga naman ng principal na 'to. Tinatanong pa ba yan? kamukha ko naman si Mama. Sarap buhusan ng tubig para mahimasmasan. Ang aga-aga umiinit na naman ang ulo ko.

"Ara, kalma," sabi ko sa sarili at huminga ng malalim.

"Ofcourse," blangko kong ekspresyon saad.

"Ito na 'yon seksyon ninyo.  Ito na din ang uniform ninyo. Mag-aral kayo ng mabuti huh," wika nya sabay abot ng section card at ng mga uniforms sa'min.

Hindi mo na kami nagpalit ng damit kasi mahuhuli na kami sa klase.

Hinanap na namin 'yon room. Kabisadong-kabisado ko na ang pasikot-sikot dito dahil dati dito ako nag-aral.

Makalipas ang ilang minuto, nahanap na namin ang room.

Dali-dali ko binuksan ang pinto na wala ng Katok. Sus! Hindi na uso ang katok sa'kin.

Ginala ko ang mga mata ko sa room. Hanggang sa napatingin ako sa ex-crush  ko na nakatingin din sa'kin. Napatingin din ako kay Chai na nakatingin kay Josh habang na kagat-labi.

Flirt!

"Do you have any permission na pumasok na hindi man lang kumakatok?" wika ng amin guro habang nakataas ang kaliwa pekeng kilay.

Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Who are you to ask me like that? kilala mo ba ang kausap mo? well, kung di mo ako kilala? ako magpapakilala sayo. Ako lang naman ang nag-iisa anak ng may-ari ng school na ito. Pwede ka mawalan ng trabaho sa inasal mo," mataray kong ani

Napansin ko naman na napalunok ang ang amin guro dahil sa kaba. Mukhang nasa 30s na ang kanyang edad.

"Patawad po, madam. Hindi ko po sinasadya kayo na sigawan. Nabigla lang po ako. Wag nyo po ako alisan ng trabaho," pagmamakaawa nya sabay luhod.

"Sa susunod kikilalanin mo muna 'yong kinakalaban mo," wika ko sabay tingin kina Chai at Leo na senyales na pinariringgan ko sila.

"Hindi na po mauulit," saad nya na may halong hikbi.

"From now on, hindi ka na sa school namin nagtuturo. Ililipat kita ng school. Ayuko makita ang pagmumukha mo," mataray kong ani.

"Pero---

Hindi na nya natuloy ang kanyang sasabihin na magsalita ako.

"I said leave, bago ka pa matanggalan na lisensya bilang guro," sigaw ko na umaalingawngaw sa buong klase.

Agad naman nya 'yong sinunod habang nakayuko.

Umupo na kami nina Josh at Jm sa upuan para walang nangyari. Kay Leo ako tumabi na kanina pa nakatitig sa'kin. Sige! titigan mo pa ako, para mahulog ka sa bitag ko.

Magpapakilala kaya ako? para mas lalo mahulog siya sa'kin.

"Hi, What's your name? I'm Ara," nakangiti kong tanong sabay lahad ng aking kamay.

Halata nagulat siya sa pagpapakilala ko.

"Kapangalan nya 'yong kaklase namin dati," pabulong nyang sabi na rinig ko naman.

"I'm Leo, nice to meet you, Ara," sabay tanggap ng aking kamay. Sobrang higpit ng pagkahawak nya parang ayaw na nya bitawan.

Ito na tamang panahon para gawin ko ang aking plano kay Leo. Aakitin ko si Leo at pag nalaman ko na inlove na siya sa akin ay iiwan ko na.

"He deserve it," aniya ko sa'kin sarili sabay tawa ng mahina.

Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Leo para matulog. Wala naman kasing klase dahil pinalayas ko 'yong teacher. Nakita ko na namumula ang hayup.

Leo's POV

I look Ara while she's sleeping in my shoulder. She so beautiful. Kumakabog ang puso ko sa tuwing nakikita at lumalapit siya sa'kin.

Wala kami ginawa buong araw dahil pinalayas ni Ara si Ms Rodriguez. Si Ara lang ang naglakas loob kalabanin si Mrs Rodriguez. She's aggressive that's why I like her.

Napabalikwas ako sa tunog ng bell hudyat na uwian na. Ginigising ko si Ara para sabihin na uwian na.

"Ara, wake up!" seryoso kong sabi habang tinatapik ko ang kanyang braso.

"Hmmm! anong oras na?" wika nya habang nag-uunat.

"4:00 pm," tipid kong sagot.

"Oh no! uwian na pala," natataranta nyang sabi.

Nililigpit na namin ang amin mga gamit.

"Pasensya na sa balikat mo ako natulog. Napuyat kasi ako kagabi eh," nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisnge ko na kinapula ko.

Napatulala ako sa kawalan at napangiti sa ginawa nya.

Pailing-iling ako lumabas ng classroom at hindi mapigilan mapangiti sa nangyari.

I think I'm inlove.

Ara's POV

Nandito ako sa banyo upang palitan ang lipstick ko. Yuckk! hindi ko masikmura humalik sa pisnge nun.

Lumabas ako ng banyo at hindi ko inaasahan may nakabangga ako. Kaya nagsihulog ang mga dala kong gamit.

Agad naman akong tinulungan ng lalake na hindi ko maaninag ang mukha.

Hanggang sa napagtanto ko na si Leo ang nakabangga ko.

"Salamat," nakangiti kong sabi na ibigay nya sa'kin nalaglag kong gamit.

Iniwan ko na siya at bababa na sana ng hagdan na napansin ko na basa ito.

"A-ahhhh!" sigaw ko dahil muntik na ako madulas pero agad ako nasalo ni Leo.

Sinadya ko talaga matapilok para mapansin ako ni Leo.

Dinala ako ni Leo sa clinic at pinaupo doon.

"O-ouch! it's so hurt!" pagdradrama ko.

"Saan banda?" nag-aalala tanong ni Leo.

"Dito," sabay turo ko sa bandang hita ko.

Namula si Leo dahil malapit na 'yong sa singit ko.

"Sigurado ka?" namumula nyang tanong.

"Oo! huhu, pag-iinarte ko.

Ganyan nga Leo mahulog ka sa bitag ko.

"Ah sandali lang, tatawag lang ako ng nurse," natataranta nyang sabi.

Aalis na sana siya pero pinigalan ko siya.

"Dito ka lang, wag mo akong iwan," mahina kong sabi sapat na marinig nya.

Tatlong buwan ang nakakalipas.

Nandito ako sa kwarto para matulog. Nanliligaw na sa'kin si Leo. Mamaya sasagutin ko na. Gagamitin ko si Josh para magawa ko ang aking plano. Hindi man kita kayang patayin, Leo. Sasaktan ko nalang puso mo.

"Your deserve it, leo," wika ko sabay halakhak.

Nagbasa muna ako ng end this war by jonaxx sa Wattpad hanggang sa dalawin na ako ng antok

In the morning.

Leo's POV

Bumibilis ang tibok ko sa kakaisip kung ano ang reaksyon ni Ara pag nagpropose ako. Matutuwa ba siya?

magagalit ba siya?

Mahal na Mahal kita, Ara. Papatayin ko ang mga hahadlang sa'kin relasyon kahit  na si Chai. Handa ko gawin ang lahat para sa'yo.

If you don't ask, My name is Leonardo Garcia. I'm 18 years of age. Anak ako ng pinakamayaman na pamilya sa buong mundo.

Papunta kami ngayon ni Ara sa restaurant na pagmamay-ari ng Tito ko. Kumakabog ang puso ko sa kaba kasi plano ko na magpropose kay Ara para maging kami na.

I'm so nervous!

Argh! what if i-basted nya ko?

"Wag mo isipin yan, Leo," pagpapakalma ko sa aking sarili.

Makalipas ang ilang oras nasa restaurant na kami.

Tinakpan ko ang mga mata nya gamit ang blindfold para isorpresa sya. Dahan-dahan kami naglalakad.

"N-nasaan tayo,Leo?" Kinakabahan nyang tanong.

"Secret," wika ko habang inaalayan siya papunta sa destinasyon.

Makalipas ang ilang segundo nasa tapat na kami ng reception.

Unti-unting ko tinanggal ang  blindfold sa kanyang mga mata nya.

"S-surprise!" masaya kong ani.

"Wow! Leo ang ganda naman dito," namamangha nyang ani.

"Pero mas maganda ka," nakangiti kong sabi sabay kindat.

"I know right," nakangiti nyang sabi.

Nanlumo naman ako dahil wala naman reaksyon si Ara sa papuri ko.

Hindi man siya kinilig?

Kumain mo na kami bago simulan ang sorpresa ko para sa kanya.

Parang familiar siyang kumain. Parang si--

Napabalik ako sa realidad na magsalita si Ara.

"Leo, thank you sa sorpresa mo ah," nakangiti nyang sabi sabay subo ng kanin.

"Ara, you look so pretty," seryoso kong sabi habang nakatitig sa kanya.

"Thanks, you look so handsome too," nakangiti nyang sabi sabay inom ng juice.

Hindi ko siya pinansin at patuloy ko siya tinitigan.

I will make sure that you will never forget this day, Ara.

Tumugtog ang pianist ng All of me by John Legend. Hinila ko siya para isayaw.

"Una nating pagkikita nahulog na ako sa'yo. Mahal na mahal kita, Ara. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang kamatayan. Sana hayaan mo na makapasok ako sa buhay mo," Nakangiti kong sabi habang nakaluhod.

"Leo, tumayo ka naman d'yan," nag-aalala nyang sabi.

Umiling ako.

"Precious Ara Ongcuangco?

Will you be my girlfriend?" nakangiti nyang sabi.

She was shocked.

"Yes, Leo," nakangiti nyang sabi habang tumatango.

"Yes! kami na ni Ara!" Sigaw ko dahil sa saya na naramdaman

"Leo, wag kang maingay nakakahiya," nakangiti nyang sabi sabay yakap sa'kin.

Hinawakan ko ang magkabilaan nyang pisnge at unting-unti hinalikan.

She doesn't know how to respond properly.

Her lips is so soft.

I think I'm her first kiss.

I'm so lucky.

Kumalas na ako sa pagkakahalik sa kanya at niyaya siya umupo ulit.

"Ara, I have something for you," I said while giving my gifts.

Agad naman nya ito binuksan.

"Wow! vice cosmetic. Sino bumili nito?" namamangha nyang tano.

"Its me," nakangiti kong sabi.

Mukhang nagulat siya sa'kin sinabi.

"thank you," she said then he hugged me.

Ara's POV

Hinatid ako ni Leo pauwi sa condo. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina

Ipinagtataka ko lang? bakit may alam si Leo pagdating sa makeup?

Imposible naman na bakla siya? Playboy nga siya dati..

Hindi ako makatulog patuloy ko parin iniisip ang pagkatao ni Leo.

Sino ka ba talaga, Leo? Ano ba ang tunay mong pagkatao?