54 Resupplying Base

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang mabituing gabi.

Sa ilalim ng mabituing kalangitan, makikita ang isang shadow, na parang itim na kidlat, na tumatakbo sa loob ng wasak-wasak na country level city na iyon. Makikitang tumatakbo ito sa kalsada, tumatalon sa mga pader papunta sa mga abandonadong residential sector…. Ilang sandali pa ay narating na rin nito ang isang six story residential apartment kung saan nakapuwesto ang mga miyembro ng Fire Hammer Squad.

"Nandito na si Luo Feng."

"Oo nga! Mukhang wala siyang natamong sugat ah."

Pinanood ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad ang pagpasok ni Luo Feng sa hagdanan ng residential apartment gamit ang kanilang mga binoculars. Ilang sandali pa ay narating na rin nito ang rooftop ng building.

"Captain, Kuya Chen," sumigaw si Luo Feng habang tumatawa.

"Walang sugat? Hm, magaling bata, kumusta naman? Napatay mo ba ang silver moon wolf?" Kahit na kalmado ang captain nilang si Gao Feng ay hindi pa rin nito mapigilan na itanong ito. At maging si Chen Gu, ang Wei Jia brothers, at si Zhang Ke ay inaantay ang sagot niya. Tuwang tuwa rin na sinabi ni Chen Gu na, "Mukhang lumaki ang backpack ni Luo Feng mula kanina ah."

Tumatawa namang sumagot si Luo Feng ng, "Matalas talaga ang mga mata mo Kuya Chen. Oo, napatay ko ang silver moon wolf! Dinissect ko rin ang bangkay nito at inilagay ang mga importanteng materyales sa aking bag."

"Napatay mo talaga?" nanlaki ang mga mata ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad nang marinig nila ang balitang iyon galing kay Luo Feng.

Isang silver moon wolf iyon!

Ang tinaguriang hari ng mga lobo! Maging ang mga pangkaraniwang wolf type na halimaw ay madalang na makita.

"Sinuwerte lang po ako sa pagkakataong ito," ito ang tanging nasabi ni Luo Feng, "Natakot po ako noong makita ko na halos maabot na ng silver moon wolf ang speed of sound! Maging ang lakas nito ay hindi rin kapanipaniwala at ang balat nito ay napakatigas. Kung hindi lang ito malubhang sugatan noong una pa lang ay mahihirapan talaga akong patayin iyon!"

"Umabot ang bilis nito sa speed of sound?" napatingin si Chen Gu.

"Di talaga ako makapaniwala! Ano pang inaasahan mo sa hari ng mga lobo? Kaya nitong pantayan ang isang low level pig type horde leader," sinabi ni Wei Tie mula sa sobrang gulat.

"Ay patay tayo," biglang nagbago ang itsura ni Gao Feng nang maisip niya ang isang bagay.

Nagulat ng husto si Luo Feng sa itsurang ipinakita sa kanya ng kanilang captain.

"Ano pong problema captain? Ano pong nangyari?" tinanong ni Luo Feng.

"Malubhang sugatan na ang silver moon wolf na iyon kaya sigurado akong may nakalaban na itong mas malakas na fighter squad noong nakaraan," nagmamadaling tugon ni Gao Feng, "At ang masama pa nito, karaniwang nagiiwan ang mga fighter squad ng isang tracking signal sa balat ng mga nasusugatan nilang halimaw. At kung mahahanap tayo ng fighter squad na iyon ay nakasisiguro akong magkakaroon tayo ng malaking problema!"

Nagulat din si Chen Gu nang marinig niya ito, "Oo nga, hindi natin puwedeng banggain ang isang fighter squad na kayang sumugat sa isang silver moon wolf. Baka may miyembro silang kasama na wargod level!"

Noong marinig ito ni Luo Feng ay wala na itong magawa kundi mapahinga ng maluwag.

"Huwag po kayong mag-alala captain. Wala pa po akong masyadong experience sa mga ganap sa Forsaken Land pero marami na po akong alam tungkol dito matapos ko pong magresearch bago pa man tayo bumiyahe palabas ng city. Kaya matapos ko pong mapatay ang silver moon wolf ay tiningnan ko po agad ito ng maigi hanggang sa makita ko ang nakakabit na tracking device sa balat nito na agad ko naman din pong tinanggal." aniya ni Luo Feng.

Nakahinga lang ng maluwag sina Gao Feng at Chen Gu noong marinig nila ito.

Nag-alala sila sa pagkukulang ni Luo Feng sa expetience bilang isang baguhang fighter. At dahil nagnakaw sila ng halimaw na dapat ay para sa ibang fighter squad ay nangangamba ang mga ito na baka mahabol sila ng fighter squad na iyon at mapasok sa isang malaking gulo sa hinaharap.

"Hindi pa rin natin dapat kalimutan na malubhang nasugatan ang kasama nating si Zhang Ke kaya hindi tayo maaaring magtagal pa dito sa Forsaken Land. Magpahinga na kayo dahil babalik na tayo sa resupply base pagsikat ng araw bukas." utos ni Gao Feng.

"Opo captain!"

Puno ng lakas na sumagot ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad.

Pagsikat ng araw kinabukasan ay tahimik na lumabas ang Fire Hammer Squad sa #0201 country level city papunta sa abandonadong highway pabalik sa resupplying base.

Sa loob ng resupplying base ng military sector.

"Kuya Hei!"

Makikita si Zhang Ze Hu na naninigarilyo kasama ang isang matipunong lalaki sa isang sulok ng resupplying base, "May napansin ka bang kahit na sinong miyembro ng Fire Hammer Squad na bumalik dito sa resupplying base nitong nakaraan lang? Bwisit talaga ang kutong lupa na si Luo Feng na iyon. Dahil sa kanya ay napagastos ako ng 100 million kaya hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naililigpit ang hayop na iyon."

"Wala pa, ayon sa registry ay walang balita na nasagap ang resupplying base tungkol sa pagbalik ng Fire Hammer Squad mula noong umalis sila rito." tumawa ang bigutilyong lalaki, "Kailangan mong iligpit ang batang iyon sa Forsaken Land Tiger, hindi sa resupplying base."

"Oo naman alam ko iyon, ayoko pang mamatay kuya," natawa rin si Zhang Ze Hu.

Pinapatakbo ng army mula sa kanilang gobyerno ang mga headquarter cities at ang mga military sectors na kanilang nasasakupan. Kaya kahit na gaano kagalit ang mga fighter sa isa't isa ay hindi nila magawang mag-away sa loob ng mga military sectors. At kung susuwayin nila ito ay nahaharap sila sa napakatinding kaparusahan dahil sa totoo lang, ang mga resupplying bases ay hawak ng military kaya sila ang namamahala sa lahat ng nangyayari sa loob nito.

"Tawagan mo ako agad Kuya Hei sa oras na makita o malaman mong bumalik ang Luo Feng na iyon dito," isinambit ni Zhang Ze Hu.

"Sige, walang problema," tumawa ang bigotilyong maskulado.

Matapos nito ay tinapon ni Zhang Ze Hu ang upos ng kanyang sigarilyo sa sahig bago ito tapakan, "Sige Kuya, aalis na muna ako, magkita na lang tayo mamaya," matapos nito ay nagpatuloy sa paglalakad si Zhang Ze Hu sa resupplying base. Tinatawag itong base pero mayroon itong itsura na gaya sa isang residential sector. Ilang sandali lang ang lumipas bago makipagkita si Zhang Ze Hu sa dalawa pang miyembro ng Tiger Fang Squad sa ilalim ng isang malaking puno malapit sa gate ng resupplying base.

"Anong balita Tiger?" mahinang tanong ng lalaking bulag sa isang mata.

"Hindi pa daw sila nakakabalik dito, walang balita tungkol sa kanila mula noong pagalis nila rito," ngumiti si Zhang Ze Hu.

Bahagyang tumawa ang kalbong lalaki sa isang tabi at sinabing, "Kung wala pa sa kanila ang nakakarating ay malaki ang posibilidad na naubos sila ng napakaraming halimaw na humabol sa kanila noong araw na iyon. Mas maganda para sa atin kung namatay na silang lahat dahil wala na tayong poproblemahin." Hindi natatakot ang Tiger Fang Squad sa kahit na sinong miyembro ng Fire Hammer Squad pero alam nila na kung may makakabalik na kahit isang miyembro nito sa resupply base ay magkakaroon sila ng kaunting problema.

"Fire Hammer Squad huh, kung mayroon kayong sisisihin sa pangyayaring iyon, sisihin niyo si Luo Feng," nanlalamig na tumawa si Zhang Ze Hu. "Nagawa mo pang pagastusin akong hayop ka ha. Oo nga pala, nalaman niyo na ba kung sinong nagnakaw sa hunter natin?"

"Hindi pa" nakasimangot na sagot ng lalaking bulag sa isang mata habang iniiling ang kanyang ulo, "Walang kaming balita tungkol doon hanggang ngayon. Naandoon nga si captain, nagiinom sa sobrang galit."

"Naiisip ko na napakababa na ng tiyansa natin na malaman kung sino ang nagnakaw sa hunter natin dahil hindi man lang natin sila naabutan pabalik dito," sabi ng kalbong lalaki habang iniiling ang kanyang ulo. Ilang saglit pa ay nagbago ang itsura ng kalbong lalaki nito noong tumingin siya sa isang malayong lugar lagpas sa gate ng resupplying base. Nang mapansin ito ng dalawa pang mga miyembro ng Tiger Fang Squad ay agad na lumingon ang mga ito sa lugar na tinitingnan ng kalbong lalaki at sa ilang sandali pa ay nagbago rin ng todo ang itsura ng mga ito!

Nakita nila sina Gao Feng, Chen Gu, Wei Qing, Wei Tie, Luo Feng at Zhang Ke sa gate ng resupplying base.

"A9, mukhang nakaengkwentro kayo ng napakalaking problema sa panghuhuli niyo ngayon ah Old Gao," napansin ng bantay ang nawawalang braso ni Zhang Ke at agad itong tumakbo para balutin ito.

"Bwisit, huwag mo nang ipaalala sa akin! Hindi mga halimaw ang gumawa nito sa amin, kundi ang mga hayop na miyembro ng Tiger Fang Squad na iyon!" napamura si Gao Feng.

"Nandoon po ang Tiger Fang Squad, captain!" napasigaw si Chen Gu sa sobrang galit.

Sa mga oras na ito ay lumingon ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad sa lugar na itinuturo ni Chen Gu at nakita nila ang tatlong tao na nakasilong sa ilalim ng isang malaking punong hindi kalayuan sa kanila. Agad na napuno ng galit ang mukha ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad matapos makita ang mga ito. Maging ang namumutlang si Zhang Ke na may dala-dalang backpack ay napasigaw ng "Huwag kayong gagalaw diyan!"

Gulat na gulat na makita ni Zhang Ze Hu at ng dalawa pang miyembro ng Tiger Fang Squad ang anim na miyembro ng Fire Hammer Squad, kaya agad silang naglakad paalis sa kanilang kinatatayuan.

Sila ang may kasalanan sa pangyayaring ito!

Pero hindi nila naisip na makikita sila ni Chen Gu.

"Sinusubukan niyo pa ring tumakas, ha?" sumigaw si Gao Feng.

Mabilis na hinabol ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad na papalayo sa kanilang kinatatayuan. Nakuha ng kanilang pagsigaw ang atensiyon ng iba pang fighters sa resupplyinf base. Sa oras na ito ay tumigil ang tatlong miyembro ng Tiger Fang Squad sa pagtakbo mula sa Fire Hammer Squad dahil alam nila na kapag tumakbo sila ay parang inaamin na rin nila ang kanilang kasalanan. At kahit na ginawa nila iyon ay hinding hindi nila puwedeng aminin iyon sa harap ng ibang mga tao!

"Anong isinisigaw-sigaw mo diyan Gao Feng?" sumigaw ang lalaking bulag sa isang mata habang humaharap sa paparating na mga miyembro ng Fire Hammer Squad. "Ano sa tingin mo ang lugar na ito? Isa itong military sector, isang resupplying base para sa mga fighters. Isa ba itong uri ng lugar kung saan pwede kang magwala ng ganyan?"

"Tingnan mo muna kung nasaan ka ngayon kung gusto mo magwala," nanlalamig na tumawa ang kalbong lalaki.

Kahit na ano pang mangyari ay hindi na nila mapakalma ang mga sarili nila.

"Pinapairal mo pa rin ang pagiging arogante mo ha?" Galit na galit na sinugod at kinuha ni Gao Feng ang kanyang mga hammer at napakalakas na inihampas niya ang mga ito patungo sa mga miyembro ng Tiger Fang Squad, "Ibibigay ko ang hinahanap niyo!"

Agad na nagbago ang mga mukha ng lalaking bulag sa isang mata, ni Zhang Ze Hu at ng kalbong lalaki nang tuluyan.

Wala silang binanggit na kahit na anong salita dahil alam nilang sila ang may mali sa pangyayari.

"BEEP!" "BEEP!" "BEEP!" tumunog ang isang nakakabinging sirena na maririnig sa buong base. Ilang sandali pa ay makikita ang 12 na unipormadong lalaki na naghiwalay at sumugod sa kinaroroonan ng mga miyembro ng dalawang fighter squads. Nang makalapit na sila ay sumigaw ang nakaunipormeng captain ng squad na, "Ibaba niyo ang mga hawak niyong sandata! Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaban sa loob ng resupplying base! Mayroon kaming karapatan na patayin ang sinumang lumabag sa kautusang ito!"

avataravatar
Next chapter