3 Jiang-Nan City

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Noong lumabas ang RR Disease, napakabilis nitong kumalat sa buong mundo. Lahat ng uri ng nabubuhay na kinakailangang huminga (Tao man o hayop) ay nainfect ng virus na ito.

"Noong sandali na malaman ng mga tao ang tungkol sa RR disease ay huli na ang lahat."

"Tumaas sa 30% ang death rate matapos kumalat ng RR disease. At sa loob lamang ng dalawang buwan maliban sa malawakang pagkamatay ng mga hayop, bumagsak rin ang populasyon ng mundo ng mahigit sa 2 bilyon!"

"Ang mga nakaligtas naman ay umabot sa 5 bilyon na kung saan lahat ay may natural sa resistensya labas sa virus na ito."

"At habang nangyayari ang bangungot na ito sa loob ng dalawang buwan ay nakaramdam ang buong planeta ng napakatinding sakit."

"Narealize ng 5 bilyon na nakaligtas sa virus na ang kanilang mga katawan ay lumakas. Ang kanilang lakas, bilis, rate ng kanilang cell division, at kapal ng kanilang balat ay halos dumoble! Na sa puntong kaya na ng isang pangkaraniwang lalaki na lampasan ang mga world champion sa pagtakbo at sa weightlifting bago pa kumalat ang sakit na ito."

"At… ang virus ay nagsimulang humina!"

"Ang mga tao na namuhay ng napaka kumportable ay lumakas ng sobra sobra. Ang mga hayop naman na nakaligtas sa RR disease ay dumanas ng napakahirap na kundisyon sa kanilang paligid. At sa kanilang transformation, sila ay lumakas ng sobra sobra kaysa sa inilakas ng mga tao. At ang iilan sa mga katakot takot na mga hayop na ito ay mas lalo pang tumalino!"

"Noong September 2015 naman, hindi mabilang na mga 'halimaw' na nagtransform galing sa pagiging hayop ang nagsimulang umatake sa tirahan ng mga tao. Mula iyan sa pag atake ng labis na bilang ng mga organismo sa gitna ng karagatan!

"Madugo, Kahibangan!"

"Sa digmaan sa pagitan ng mga tao at mga halimaw, napagtanto ng mga tao na ang mga explosive weapons na kanilang pinagmamalaki ay epektibo lamang sa mga lower grade na mga halimaw. Ang mga mas malalakas na lumilipad at gumagapang na mga halimaw ay walang katakot takot sa kanilang mga kanyon. Hindi din nito magasgasan manlang mga armor nila gamit ang mga bala na nanggagaling sa kanilang mga baril! At ang kanilang mga homing missiles ay madaling naiilagan ng mga napakabibilis at mga quick-reacting beasts."

"Gumamit din ang mga tao ng mga nuclear weapons. Ngunit kagulat gulat ang kanilang natuklasan…"

"Ang defence capability ng mga halimaw na ito ay napakatindi. Ang mga halimaw na nasa blast radius lang ang mga namatay. Ang mga halimaw naman na mga nakapaligid dito ay nakaligtas. Ang lakas ng bombang ito ay hindi kasing lakas na inakala ng mga tao noon. At kahit na nakapatay sila ng grupo ng mga halimaw, ang radiation na nanggaling sa pagsabog ng nuclear bomb ay nagresulta sa pagkamutate pagkabuhay ng mga mas malalakas na halimaw. Ang pinakakilalang kinatatakutang halimaw noong taon na iyon ay ang 'Crimson Sky Wolf' na kayang lumipad at pumatay ng daan-daan hanggang libo-libong mga tao. Ito ang oras na kung saan narealize ng mga tao na ang radiation na manggagaling sa kanilang mga nuclear bombs ay makakapagmutate lamang sa mga halimaw at makapagpapalala lamang ng sitwasyon!"

"Bukod naman sa mga katakot takot na mga halimaw na naglabasan ay mayroon ding napakalalakas na mga warriors ang lumitaw sa panig naman ng sangkatauhan. Tinalo ang Crimson Sky Wolf ng isang napakalakas na warrior na kaya ring lumipad (Siya ay nasa number 2 rank sa buong mundo: Ang 'Thunder Lord')."

"Ang mga warrior na ito ay nakapagligtas na napakaraming buhay ng mga sibilyan sa napakaimportanteng oras. Tinulungan nila ang army sa pakikipaglaban sa mga grupo ng halimaw. At sa mga oras na ito ay nagsimulang maglabasan ang napakaraming mga hindi kapanipaniwalang mga kuwento."

Ang mga Human Scientist na si 'KeLuo※DeSenNa' ay gumamit ng mga materyales mula sa mga bangkay ng mga halimaw kasama ang isang metal na tinatawag na 'Blue Gold' na matatagpuan lang sa buwan. Ginagamit nila ito upang makagawa ng isang metal allow na mas matigas pa sa diamante: Ang Ke Luo Alloy! Sa paggamit ng napakalalakas na mga armas mula sa alloy na ito na kayang humiwa sa armor ng mga halimaw, Hindi na kinakailangan pang dumepende ng mga warrior sa kanilang mga kamay lamang sa pakikipaglaban sa mga katakot takot na mga nilalang na ito.

Ang bahaging ito ng kasaysayan ay napakalinaw para sa isipan ni Luo Feng.

"Noong panahon pa ng giyera, napakalaking bahagi ng siyudad ang nasira."

"Nagtayo naman ng anim na major bases ang mga bansa sa kontinente ng Asya para ilipat ang napakalalaking bilang ng populasyon ng mga tao. Ang bansa ko naman at ang India ang may pinakamaraming bilang ng mga warriors sa buong mundo! At nangunguna naman ang United States, European Union at Russia sa larangan ng teknolohiya."

"Lahat ng mga island countries ay nawasak dahil sa hindi mabilang na mga halimaw na matatagpuan sa karagatan!"

"Kahit na hanggang ngayon ay teritoryo parin ng mga halimaw ang karagatan."

"Ang mga bansa na kayang protektahan ang kanilang mga sarili sa digaang ito ng sangkatauhan at mga halimaw ay ang India, United States, European Union, Russia at ang aking bansa. Ang iba pang mga bansa maliban dito ay matagal ng nawasak. Ang United Earth Federation ay nabuo noong nasa kritikal na sitwasyon pa ang buong mundo. At ito ay pinangunahan ng limang bansa na aking binanggit bilang pundasyon nito. Tumulong ang United Forces ng United Earth Federation na magtayo na maraming human bases na nakakalat sa buong mundo."

Napaisip naman si Luo Feng.

Ang digmaang tumagal ng lima at kalahating taon ay ang pinakakinatatakutang digmaan! Ang mga namatay sa digmaang ito ay umabot sa mahigit kumulang sampung bilyon. Ang sistema na pinananatili ng Limang bansang ito ang nanatiling maayos. Habang ang ibang human bases naman bukod dito ay nagkaroon ng mga survivors galing sa iba't ibang mga bansa.

Hanggang ngayon----

Sa kalupaan, ang mga tao ang may advantage. Pero ang karagatan ay napupuno ng hindi mabilang na mga halimaw na patuloy na kumokontrol sa buong karagatan.

"Mula 2013 hanggang 2021, sa walong taong ito ay ang Grand Nirvana period ng Human history!" Sabi ni Luo Feng habang siya ay nakaupo sa kanilang sofa.

[DONG]~~[DONG]~~[DONG]~~[DONG]~~[DONG]

Nag echo sa buong bahay ang tunog ng kanilang orasan.

Tumunog ng limang beses ang kanilang orasan na nakasabit sa dingding na nagsasabing ang oras ay alas singko na ng hapon.

"Ang Grand Nirvana period." Napaisip na sabi ni Luo Hua.

"Hindi ko lubos maisip kuya kung anong itsura ng mundo bago pa man mangyari ang Grand Nirvana Period. Mayroon noong 200 na mga bansa ang mundo kaya gaano karaming tao ang nasa mga bansang iyon? 7 bilyon lamang. Ang ibang mga bansa ay nasa bingit ng panganib. Kayang wasakin ng isang napakalakas na halimaw lamang ang kanilang buong bansa."

Tumango si Luo Feng at nagsabing "Kaya binubuo ang buong mundo ng limang malalakas na mga bansa at 23 na mga cities."

Sa buong planeta ay mayroon na lamang limang bansa sa kabuohan. Ito ay ang China, India, United States of America, European Union at Russia. Ang mga lugar sa South America at Africa ay binubuo naman ng 23 na mga siyudad o di kaya'y mga base.

Ang China ay may anim na human bases, ito ang kasalukuyang anim na mga major Cities.

Ang tirahan ni Luo Feng ay ang Yang Zhou city sa Yi-An Region, isa ito sa walong bahagi ng Jiang Nan City.

Ang kabuohang populasyon ng Jiang-Nan City ay umaabot sa 200 milyon. Ang Yang Zhou city naman ng Yi-An Region ay may populasyon na mahigit isang milyong katao. Ang Jiang-Nan city base ay binubuo ng Yuan Jian Su*. At siyempre nandiyan din ang Yuan An Wei*.

*Ito ay magkakaibang uri ng mga ethnic group.

"Napakatagal ng panahon na ang nakalilipas" Sabi ni Luo Hua habang siya ay nakatingin sa kanilang orasan na nakasabit sa kanilang dingding, "ngayon ay 2056 na, mahigit 30 taon na ang lumilipas mula noong maganap ang Grand Nirvana Period. At sa ating lipunan ay kailangan ng bawat isa na magtrain sa isang dojo. Mas malakas na ang ating lipunan ngayon kaysa sa lipunan 30 taon na ang nakalilipas."

Tumango si Luo Feng.

Sa loob ng 30 taon ay may malaking pagtaas na ng bilang ng malalakas na mga warriors kasabay ng stable na progreso ng teknolohoya. Gayunman ay marami ring mga katakotakot na mga halimaw ang isinilang.

※※※※※※

[KA]

Bumukas ang kanilang pintuan at pumasok ang dalawang middle age na magkasintahan sa loob. Basang basa sa pawis at punong puno ng bahid ng pintura ang T-Shirt ng lalaki. Napakalinaw na pagod na pagot ito. Ang babae naman na hindi katangkaran ay may hawak namang basket na naglalaman ng mga gulay at karne.

"Ma, Pa" Sabi ni Luo Feng at agad itong tumayo. Sila ang kanyang mga magulang.

Si Luo Hong Guo ang kanyang ama ay si Gong Xin Lan naman ang kanyang ina.

"Haha, magpatuloy ka lamang sa pagbabasa mo Feng. Huwag mo nang abalahin ang sarili mo sa amin." Sabi ni Luo Hong Guo habang ito ay tumatawa. Dahil alam niyang nalalapit na ang exams ng kanyang anak ay napakaimportante na makita niyang nagaaral ang kanyang anak ng maigi.

Ibinaba ni Luo Hong Guo ang kanyang ulo at nakita ang isang malaking plastic bottle na puno ng tubig gripo. Naaantig siya sa tuwing nakikitang may nakahanda nang tubig sa kanya paguwi nila sa bahay. Matapos magtrabaho ng buong araw ay kaya niyang inumin ng buo iyon ng isang lagukan lamang. Mapapahinga na lamang siya ng malalim dahil dito.

"Bilisan mo na at maligo ka na. Basang basa ka na sa pawis." Sabi ni Gong Xin Lan habang ito ay tumatawa.

"Haha" Tawa ni Luo Hong Guo. Agad itong kumuha ng mga pamalit na damit at pumunta sa isang sulok na nagsilbing banyo ng kanilang pamilya sa loob ng napakaraming taon.

Tumawa lang si Gong Xin habang tumitingin sa kanyang dalawang anak at nagsabing "Feng, Hua, roasted meat ang ulam natin ngayon!"

"Roasted meat ang pinakapaburito ko sa lahat!" sigaw ni Luo Hua.

Tumawa rin si Luo Feng. Pero habang nakikita niya ang kanyang ina na isinusuot ang kanyang apron at nag hahanda na upang magluto ng hapunan ay napakalinaw na para kay Luo Feng ang lahat… Ang kanyang ina ay laging namamalengke sa gabi imbes na sa umaga dahil mas mura na ang mga bilihin sa gabi pagtapos ng kanyang trabaho. Pero ang kanyang mga pinamili ay hindi na gaanong kasariwa sa mga oras na iyon. Matapos nito ay tumingin naman si Luo Feng sa kanilang banyo na nagiisip na "Kailangan ko ng magmadaling makuha ang titulong 'Fighter' para hindi na kailangang mamalengke ni mama sa gabi at hindi na rin kailangan magpakasubsob sa trabaho ni papa."

Sa loob ng kanyang puso…..

Laging hinihiling ni Luo Feng na makapagpahinga na sa gawain ang kanilang mga magulang at mapayapang mag enjoy sa masasarap na pagkain at sa ilalim ng sikat ng araw.

"Feng" Tawag ni Luo Hong Guo habang ito ay naglalakad patungo sa kanya matapos nitong maligo, "may sasabihin sa iyo ang papa mo."

"Ano po iyon?" tugon ni Luo Feng habang siya ay nakatingin sa kanyang ama.

"Sandaling tumawa si Luo Feng, "Ganito lang iyon Feng. Hindi kita natatanong kailanman ng mga plano mo pagkatapos ng graduation mo. Puwede mo bang sabihin sa akin?" Tanong ni Luo Hong Guo. Madalang siyang makipagusap ng ganito sa kanyang anak dahil ayaw niyang mapressure ito. Alam niyang napakasipag ng kanilang anak at maganda ang nagiging standing nito sa eskwelahan.

Noong sabihin ito ni Luo Hong Guo ay napabagal ng kaunti ang pagkilos sa pagluluto ng kanilang ina na si Gong Xin Lan. Concern sila sa magiging future ng kanilang anak na si Luo Feng.

"Pa, ganito po ang iniisip ko."

"Ayon sa aking mga grades ngayon ay sigurado po akong makakapasok ako sa nangungunang military academy sa Jiang-Nan ng walang kahirap hirap. Ngayon na dala dala ko ang 'Elite' title ng dojo. Magtetraining ako upang maging isang officer sa military academy. Kayo po ni mama ay puwedeng makapasok sa family section ng military."

Mayroon ding iba't ibang tiers sa loob ng military.

Ang China ay nagrerecruit din naman ng mga sundalo nito. Gayunman, ang mga regular na mga sundalo ay hindi nakakakuha ng ganoong kalaking suweldo at pribilehiyo. Pero para sa isang batang lalaki na nagdadala ng titulong 'Elite' at nakapasok sa nangungunang military academy sa Jiang-Nan, mayroon itong angking talino at lakas. Siguradong magfofocus ang kanilang bansa sa mga taong gaya ni Feng at mabigyan ang kanilang mga pamilya ng disenteng tirahan.

Para sa pamilya ng isang officer, ang kanilang pamumuhay ay daan daang beses na mas maganda kaysa dito sa isang murang paupahang bahay na kanilang tinitirhan.

"Paano kung hindi ka makapasok sa nangungunang military academy?" Tugon ni Luo Hong Guo at agad na sinabing "Wag mo bigyan ang sarili mo ng matinding pressure Feng."

"Mayroon dalawang nangungunang military academy sa Jiang-Nan city. Kung hindi ka man makapasok sa pinakamagandang academy dahil sa resulta ng iyong exams ay wala namang problema kung papasok ka sa ikalawang pinaka nangunguna." Naiintindihan ni Luo Feng ang kanyang mga grades: para makapasok sa nangungunang academy ay kailangan niyang makakuha ng 50 na puntos na mas mataas kaysa sa isang average na Bachelor. At para naman sa ikalawang pinaka nangungunang academy ay kaylangan niya lamang makakuha ng average na score.

Mayroong ngayong dalawang type ng test: Bachelor at Specialists. May mayroon ding isang linya naghahati sa dalawa. Ang mga nasa taas ng linyang ito ay tinatawag na Bachelors, habang ang mga nasa ibaba naman ay tinatawag na mga specialist.

"Wala naman sigurong pinagkaiba kung papasok ako sa ikalawa sa nangungunang military academy. Dahil hawak ko na ang titulong 'Elite' ay tuturuan parin nila ako bilang isang officer." Sabi ni Luo Feng at ito ay tumawa.

Para maging isang Bachelor…

Dalawa lamang sa sampung tao ang kayang makagawa noon.

Pero para sa isang High school student, iisa lamang sa isang libong tao ang kayang makapagkamit ng titulong 'Elite'.

"Oo, kung mayroon ka talagang confidence sa sarili mo ay maganda yan. Pero huwag mo bigyan ang sarili mo ng sobra sobrang pressure. Kailangan lang namin ng iyong ina ang isang stable na buhay, ayun lang." Sabi ni Luo Hong Guo habang tumatango ito ng bahagya at sinabing "Binibigyan ng batang ito ang kanyang sarili ng sobra sobrang pressure."

"Hindi kalianman." Sabi ni Luo Feng habang tumatawa ito, "Wala akong nararamdamang pressure. Bata pa naman po ako kaya mayroon lang akong mas maraming energy at motivation."

Sinabi iyon ni Luo Feng ng buong lakas pero ang nasa loob ng kanyang puso talaga ay "Ma, Pa, Hua, makakapagenjoy na rin kayo sa magandang pamumuhay pagtapos kong makamit ang titulong 'Fighter'. Hindi niyo na kailangang magkaroon ng ganitong kapait na pamumuhay.

"Bilisan mo na kunin ang mga mangkok at mga chopsticks! Ilipat mo na rin ang mga pagkain sa lamesa. Handa na ang hapunan!" Utos ni Gong Xin Lan at ito ay tumawa.

"Opo!" Tugon ni Luo Hong Guo habang ito ay tumatawa at tumayo ito para kunin ang mga mangkok at mga chopsticks.

"Napakabango ng mga gulay!" Sabi ni Luo Feng habang nilalanghap niya ang kaldero at tumutulong na magbuhat ng mga pagkain."

"Nalalanghap ko na ang napakabangong amoy roasted meat, yay~~~" sigaw ni Luo Hua at agad nitong pinaandar ang kanyang wheelchair papunta sa lamesa.

Ang apat na miyembro ng isang pamilya na nageenjoy ng kanilang oras.

avataravatar
Next chapter