4 Ang Kakayahan ni Luo Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang hapunan ay inilabas ng mga magulang ni Luo Feng si Luo Hua habang si Luo Feng naman ay umalis upang magtutor.

Alas sais na ng hapon at ang kalangitan ay malapit nang magdilim.

"Malapit ng magsimula ang Tutorial na ito." Sabi ni Luo Feng habang tumutungtong sa iba't ibang mga alley na para bang isang leopard. Mayroong dead end sa kanyang harapan. Gayunman ay lumipad siya ng parang ibon sa hangin. Tumalon siya ng may 2 meters ang taas. Magaan niyang tinatapik ang tuktok ng mga dingding gamit ang kanyang kaliwang kamay sabay bagsak sa kabilang alley.

Ang pagssprint ay isang uri pagwawarm up niya bago magturo.

Sa mga oras na ito, may bilis si Luo Feng na 15 meters per second o 54 km/hr. At kahit na hindi ito ang top speed niya ay naserve niya namann ang purpose ng pagwawarm up.

[Mabilis na paghingal]

"Isa pang buwan bago magexams at pagkatapos nito ay puwede ko na munang itigil ang pagtuturo. Kumita ako ng twenty thousand-dollar sa kalahating taon ko ng pagtuturo." Ang pagdadala niya ng titulong 'Elite' ay nakapagpadali sa kanya para makakuha ng isang tutoring job sa pagtuturo ng basics.

Ang kanyang sahod ay umaabot sa 100 dollars per hour.

At sa limang araw sa isang linggo, nagtuturo siya ng isang oras kada araw. Sa madaling salita ay ang kanyang buwanang kita ay umaabot sa 2000 dollars.

"Ang aking ama ay palaging subsob sa trabaho araw araw pero siya ay kumikita lang ng 2-3 thousand dollars kada buwan. Habang ako naman ay kumikita ng mas malaki sa kanya sa pagtuturo lamang sa loob ng isang oras…Ito ang pagkakaiba ng isang pangkaraniwang tao at isang taong may hawak na titulo! At kung magiging isang 'Fighter' pa ako, ang pinagkaiba siguro ay magiging kagulat gulat!" Sabi ni Luo Feng nang may makita siyang isang cargo truck na nakaharang sa daanan.

Gayunman ay hindi manlang binagalan ni Luo Feng ang sarili niya. Bigla siyang tumalon ng may taas na 2-3 meters at saka tumakbo ng dalawang hakbang sa gilid ng pader. At saka siya bumagsak pababa at nagpatuloy sa pagtakbo.

Pagkatapos niyan----

Nakarating na si Luo Feng sa bungad na parte ng isang tahimik na residential area.

"Dito nararapat tumira sina mama at papa." At biglang tumigil si Luo Feng at tiningnan ang residential area sa harap niya. Kaunti lang ang mga bahay at mayroon ding itong mga swimming pool. May mga dahon ding nakakalat sa bawat palapag ng gusali doon at mayroon itong mga sariling garden. Kahit na sa mas mataaas pang mga palapag nito.

Maliban sa mga matatangkad na mga residential homes ay mayroon ding mga villas.

Alam mo yun----

Sa ngayon ay may kabuohang anim na major bases sa loob ng China, na matatawag din nating anim na mga major cities. At kada city ay may nakamamanghang dami ng populasyon ng mga nakatira rito. Halimbawa, ang Jiang-Nan City ay may kabuohang populasyon ng kulang kulang sa 200 milyong katao. Natural na napakaliit lamang ng sukat ng lupa rito. Ang mga bahay kagaya ng mga villa ay napaka dalang at napaka mahal. At ang mga malalaking mansion na sumasakop ng mas malaking lupain ay nagkakahalaga ng mas malaki pa kaysa rito.

"Pupunta ako sa #1801 ng 18th Building" Sabi ni Luo Feng sa guwardiya sa labas ng area.

"Maghintay ka sandali" sabi ng guwardiya habang pinipindot ang isang video telephone na kumuha ng picture kay Luo Feng. Isang boses galing sa video-telephone ang nagsabing, "Si Feng yan, papasukin niyo siya"

"Opo sir" At pinapasok na siya ng guwrdiya.

...

Isang oras ang makalilipas at lumakad na papalabas ng area si Feng.

"Sa wakas tapos na rin sa pagtuturo. Ngayon pupunta naman ako sa dojo para makita kung mayroon bang inimprove ang lakas ko."

※※※※※※

Ang 'Dojo of Limits' na pinakamalaking dojo sa buong mundo na itinayo ng pinakamalakas na fighter na si 'Hong'.

Maraming mga dojo ang nakakalat sa iba't ibang sulok ng mundo.

[Di]

Pumasok si Luo Feng sa dojo matapos niyang iiscan ang kanyang student ID sa pinto.

Ang isang 'Dojo of Limits' ay parang isang nakabaon na napakalaking halimaw. Ang laki ng sukat nito ay mas malaki pa kaysa sa kanilang High school. Sasobrang laki naman ng main gate ng dojo na ito ay kayang pumasok ang sampung kotse nang sabay-sabay. Sa loob naman ng dojo ay mayroong tatlong malalaking silver-white na mga istraktura na may airship-like style.

"Kapatid!*"

*Ang paggamit ng salitang kapatid dito ay isang uri ng pagrespeto at hindi bilang isang kadugo. Ganito na rin ang purpose ng paggamit sa lahat ng makikita na salitang "kapatid" sa natitirang bahagi ng chapter na ito.

"Pagbati Kapatid"

Sa damuhang interior ng dojong ito makikita ang napakalaking bilang ng mga miyembro nito. Noong makita nila ang 'Elite' Identification sa sa ID ni Luo Feng ay agad silang nagbigay respeto sa kanya.

Nahahati sa tatlong level ang tatlong istraktura sa loob ng dojo: isa para sa mga beginner members, isa para sa mga intermediate members at isa naman para sa mga elite members.

Ang una at ikalawang palapag sa building ng mga elite members ay malalaking teaching halls, kaya nitong magaccomodate ng ilang libong katao. Ang mga guro sa dojo ay nagtuturo rito. Ang dojo na ito ay may 30 to 40 thousand na mga miyembro.

Puwede ka lamang maging miyembro ng dojo sa edad na 16 years old. At paglagpas mo ng edad na 30 ay pagbabawalan ka ng makabalik sa dojo dahil magsasayang ka lamang ng mga mahahalagang mga kagamitan sa pagtuturo.

Mayroong iilang daang mga 'elite' students, karamihan sa kanila ay nasa 20 years old na.

Gayunpaman, si Luo Feng ay 18 years old pa lang.

"Pagbati Kapatid"

Naglakad lakad si Luo Feng nang marinig niya ang pagbati sa kanya. Pumasok siya sa ikatlong palapag ng elite building. Ang palapag na kung saan ang mga elite members lang ang pinapayagang makapasok.

Ang ikatlong palapag ay may sukat na ilang daang metro ng haba at lapad. Isa itong malaking training center. At sa oras na ito ay mayroong iilang dosena ng tao ang nandirito.

"Crazy*"

*Hindi ito isang "galit" na uri ng crazy. Isa itong nickname na nagiincorporate sa Feng ni Luo Feng (crazy = Feng Zi)

"Halika rito Crazy."

Noong makapasok siya sa napakalaking training center ay agad siyang mainit na binati ng lahat ng mga 'elite' members na narito.

"Kapatid na Wang, Kapatid na Yang, Kapatid na Li" masayang sigaw ni Luo Feng. Nagiinit ang kanyang puso habang nakatingin siya sa mga taong ito. Ang karamihan sa iilang dosenang mga taong ito ay may edad na 20 years old. Malamang ay hindi pa ito ang kabuohan ng mga 'Elite' members sa 'Dojo of Limits' ng Zhi An section. Sa kabuohang bilang nito ay umabot sa higit na isang daan pero ang karamihan sa kanila ay tinatamad pumunta dahil wala namang guro ang magtuturo.

Ang mga tao lang na pumupunta sa training center ay ang mga nanggaling sa mga mahihirap na pamilya na kung saan wala silang sariling lugar upang makapagtrain.

Ang mga mayayamang tao naman ay may mga sariling training center kung saan sila ay nagtetraining.

Kaya----

Halos lahat ng tao rito ay nakatira sa murang paupahang mga bahay. Dahil sila ay nacategorize na mga galing sa hirap, natural na bubuo sila ng maliit na grupo. Nanggaling ang nickname niyang 'Crazy' noong sabay sabay niyang hinamon at tinalo ang tatlong mayayamang 'Elite' members ng dahil sa galit.

"Gaano na kaya inimprove ko mula noong huling kalahating buwan ng training?"

Naglakad si Luo Feng papunta sa 'Fist Strength Tester Machine' sa sulok ng training hall. Nakapuwesto ito sa magkabilang side ng kanilang hall. Maging ikaw man ay beginner, intermediate, o elite, kailangan mo pa ring masukat ang lakas ng suntok mo. Kahit na ang test para maging isang 'Fighter' ay may kasamang strength* tests.

*Ang lahat ng strength test ay tumutukoy sa fist strength.

Huminga ng malalim si Luo Feng at nirelax ang kanyang buong katawan. At biglang naging concentrated ang kanyang mga tingin. Naging tensed din ang kanyang buong katawan na para bang isang leon na naghahandang makipaglaban. Nagmukhang parang isang Bow string ang kanyang spine sa sobrang tense nito. Ang kanya namang mga paa na suportado ng kanyang baywang ang nagpalakas sa kanang kamao ni Luo Feng. Ang kanyang suntok ay parang isang bala ng kanyon na kalalabas lamang sa kanyon.----

[DA]

At tumama ang kamao ni Luo Feng sa machine.

Napakalakas na umalog ng machine.

Hindi nagtagal ay lumabas ang isang number sa screen ng machine---- "809kg"

"Magaling crazy. Nalampasan mo ang 800kg milestone" sabi ng isang lalaki na tangkad na mas mataas sa 1.9meters na medyo nakasandal at tumawa at pumalakpak ito. Ang matipunong lalaking ito ay may nakakatakot at malaking peklat sa kanyang mukha.

"Kapatid na Yang" tawa ni Luo Feng, "wala lang ito kung ikukumpara sa iyo. Puwede mo ba akong tulungang ion yung 'Speed Tester Machine'?"

"Ang kapatid na Yang na nagngangalang si Yang Wi ay kasalukyang may hawak ng ikatlong puwesto sa mga 'Elite' members ng 'Dojo of Limits'. Kung hindi lamang sa kanyang bilis ay matagal na niya sanang natapos ang 'Fighter Preliminary Exams'.

Para maging fighter ang isang elite member.

Ay kailangan nitong ipasa ang dalawang mga exam----

Ang unang exam ay ang 'Fighter Fitness' exam or ang Prospective Fighter exam. Matapos mong ipasa iyon at napatunayang ikaw ay may pangangatawan na gaya sa isang 'fighter', maaari ka ng maging isang 'Prospective Fighter'

At ang pangalawang exam ay ang 'Fighter Combat' exam.

Hindi lamang pangangatawan ang basehan upang mabigyan ka ng prebilehiyo na maging isang fighter. Sa pamamagitan lamang ng pagtalo sa isang halimaw sa isang actual na labanan mo lang makakamit ang titulo na 'Fighter'.

"Speed Tester? O sige." Sabi ni Yang Wu habang ito ay tumatawa at lumalakad papunta sa machine upang i on ito.

[KA]

Nag on ang machine at umilaw.

Inadjust ni Luo Feng ang kanyang paghinga at tumayo sa ibabaw ng track na may habang 60 meters. Malapit sa speed testing machine ang isang speed testing region.

At biglang kumaripas si Luo Feng ng takbo paabante!

[WHOOSH]

Isang kisapmata lang ay narating ni Luo Feng ang kanyang maximum speed. Ang kanyang mga paa ay tumakbo ng buong lakas na nagpalakas sa printing power ni Feng. Ang kanyang katawan naman ay parang isang arrow na nanggaling sa isang pana.

"Anong resulta?" tanong ni Luo Feng habang siya ay tumatawang naglalakad pabalik sa machine.

"Oy Crazy mukhang nagimprove ka mula nung huli kang sumubok nito. Magaling, magaling" Sabi ng kapatid na Yang na manghang mangha habang nakatingin sa number na nakadisplay sa speed testing machine, "Halika rito tingnan mo sa sarili mo"

Tiningnan ni Luo Feng ang machine at ang number na nakadisplay rito ay---- "23.8 m/s"

"Magaling"

Ngunit hindi masaya si Luo Feng dito. Mayroong tatlong bahagi ang Fighter Fitness exam o ang 'Prospective Fighter' exam: Strength, speed, at reaction speed. At para sa reaction speed, si Luo Feng ay natural na biniyayahan kaya malapit na niyang makuha ang level na kinakailangan para maging isang Fighter.

Pero----

Ang passing mark na strength sa prospective fighter exam ay---- 900kg!

At sa bilis naman ay may passing mark na---- 25m/s! o 100 meters kada apat na segundo.

avataravatar
Next chapter