78 Ang Tawag Mula sa kanyang Kapatid

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabalot ng amoy ng dugo mula sa liquor store ang puso ni Pan Ya kaya buong pangamba niyang sinabi na, "Namatay nga sila dahil sa mga halimaw pero mas naniniwala akong kagagawan ito ng isang fighter! At anong klaseng fighter naman ang susubok na banggain si young master Li Wei? Alam kong ginawa nila ito para sa aking Tiger Fang Squad!"

Malinaw sa kanya ang pagkatao ng young master na ito. Kahit na bata-bata pa lang ito, ang ama nito ay isang Chinese.

Maging sa lakas man ng ama ng young master na ito o maging sa kanyang background… iilang fighters lang ang magtatangkang gumalit sa young master Li Wei na ito.

"Hindi na kailangan," kaway ng matandang beterano na si Liu, "Kaya na namin ni Ka Long na bigyan ng proteksyon ang young master."

Tumingin ang maputing maskulado sa mga natitirang miyembro ng Tiger Fang Squad at nanlalamig itong tumawa.

"Young master Li," hindi maiwasan ni Pan Ya na tingnan ang batang fighter na ito.

"Hindi pa natatapos ang aking training schedule," sumimangot ang batang fighter.

Bahagyang sumimangot si Senior Liu habang sinasabi na, "Palaging naglalakad sa gitna ng buhay at kamatayan ang mga fighters. Kaya paanong bigla na lang kayong natakot dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan na kagaya nito? At paano kayong makakarating sa malayo kung palagi na lang kayo natatakot ng ganito?"

Wala nang nasabi sina Pan Ya at ang iba pa niyang kasamahan.

"Hindi ba niyo kayang sumama sa amin hanggang sa matapos ang training ni young master?" Noong sabihin ito ni Senior Liu ay makikitang nagpalitan ng mga tingin ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad. Tinanggal na nilang lahat sa mga isip nila ang pagbalik sa headquarter city. Malinaw sa kanila na…. magiging ligtas sila kung susunod sila sa dalawang advanced warlords na kanilang kasama.

"Tama nga si Senior Liu. Kung palagi na lang tayong matatakot ay bakit pa natin kinonsidera ang mga sarili natin bilang fighters? Kahit na mayroon pang nakasunod sa atin, nakasisiguro akong mamamatay iyon ng direkta sa mga kamay natin kung magkakaroon tayo ng pagkakataon na mahuli kung sino man iyon." Isang nanlalamig na ilaw ang nagflash sa mga mata ni Pan Ya.

"Makikinig kami kay Senior Liu," tumatawang sinabi ng miyembro nila na bulag sa isang mata.

Nagbigay ng signal ang lahat ng miyembro ng Tiger Fang Squad na makikinig sila kay Senior Liu.

"Punong puno na ng amoy ng dugo ang lugar na ito kaya lumipat na tayo ng lokasyon," sabi ni Senior Liu.

Agad na umalis ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa JJ liquor chain store.

���

Tahimik silang pinanood ni Luo Feng sa kanyang orihinal na puwesto gamit ang kanyang binoculars.

"Umalis na nga sila sa JJ liquor chain store," umalis ang pitong miyembro ng Thunderbolt Squad sa store at naglakad sa isang kalye bago mawala ng tuluyan sa paningin ni Luo Feng.

"Shit, hindi gaanong kataasan ang villa na ito kaya hindi ko na sila makita ng ganoong kalayo."

Mabilis na kinuha ni Luo Feng ang kanyang backpack, shield at blade bago umalis mula sa villa na parang isang jaguar. Tumakbo siya ng may kahanga-hangang bilis at nagmadaling pumasok sa isang mataas na apartment building sa kabilang side ng kalsada. Ang apartment building na ito ay may taas na 18 stories. Talagang kagulat-gulat ang bilis ni Luo Feng dahil sa pagkontrol ng kanyang spiritual force sa dala-dala niyang shield at blade.

Nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan ang isang napakabilis na anino.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Sa loob lang ng ilang segundo ay naakyat niya ang 18th floor mula sa 1st floor! Tumingin siya gamit ang kanyang binoculars sa gilid ng isang bintana na nakaharap sa north sa loob ng isa sa mga kuwarto sa floor na ito. Sa taas ng kanyang kinatatayuan ay mas malayo na ang lugar na kaya niyang makita. Agad niyang nakita ang pitong naglalakad na miyembro ng Thunderbolt Squad sa isang kalye sa kanyang harapan. Naglakad pa ng kaunti ang mga ito bago pumasok sa isang sira-sirang six story residential apartment.

"Iniisip ko kung gumana ba talaga ang eksenang ginawa ko kanina," sinabi ni Luo Feng habang nakasquint ang kanyang mga mata, "Langit na ang bahala kung gumana man iyon o hindi."

"Hihintayin ko muli ang aking pagkakataon!"

Sinimulan muli ni Luo Feng ang ilang araw na pagmamasid sa pitong miyembro ng Thunderbolt Squad.

Kinakailangan mo bilang isang fighter ang isang napakahabang pasensya at determinasyon! Kung wala ka ng mga iyon ay paano mong makakamit ang isang hindi kapanipaniwalang lakas? Natural na para kay Luo Feng na maging ok sa panonood sa mga ito ng mag-isa.

Sa unang araw ay nanghuli ang Thunderbolt Squad noong kinahapunan ng araw na iyon. Sa mga oras na ito ay umalis silang lahat at walang iniwan na ni isang miyembro ng squad.

Umalis naman ang Thunderbolt Sauad ng umaga at hapon noong ikalawang araw para makapagsanay ang kasama nilang young master. Gaya ng dati ay wala silang iniwan na ni isang miyembro sa kanilang tinutuluyan na nagpawala lalo ng tiyansang hinihintay ng nag-aabang na si Luo Feng.

Ginawa ulit nila ito noong umaga at kinahapunan noong ikatlong araw. At gaya ng dati ay wala silang iniwan na ni isa sa kanila.

"Mukhang naghihinala na ang Tiger Fang Squad dahil sa nangyari," umupo si Luo Feng sa kamang pinagpagan niya at tahimik na tumingin sa bintana. Makikita sa ngayon ang napakadilim na langit na napupuno ng mga bituin. Pumasok ang liwanag mula sa mga bituing ito sa bintana ng kuwarto ni Luo Feng habang ang hangin ay napupuno ng amoy ng dugo.

"Anong dapat kong gawin?" sumimangot si Luo Feng.

Kung magpapatuloy sila sa ganito ay matatapos nila ng ligtas ang training schedule ng kanilang young master at hindi magtatagal ay babalik na sila sa headquarter city.

"Ring~~"

Naramdaman ni Luo Feng ang pagvibrate ng suot niyang tactical communications watch. Noong tiningnan niya ito ay nakita niya na mayroong isang tawag mula sa kanyang kapatid.

"Recall," utos ni Luo Feng.

"Beep--beep--beep--Hello kuya!" sabi ng boses ni Luo Hua na nanggagaling sa kanyang relo.

"Bakit mo nagawang tawagan ako Luo Hua?" isang ngiti ang makikita sa mukha ni Luo Feng dahil sa sobrang saya nito. Napakalungkot ang panghuhuli niya sa mga miyembro ng Tiger Fang Squad ng mag-isa…. Kaya agad na nag-init ang kanyang puso noong makausap niya ang kanyang pamilya.

"Iniisip lang kita kuya," malinaw na relax na relax at napakasaya ng kapatid niyang si Luo Hua, "Kumita ng napakaraming pera ang stocks ko kumakailan lang kuya, napakasarap sa pakiramdam ng ganito."

"Oh?" Saan mo naman nakuha yung pera?" tumatawang tanong ni Luo Feng.

Sabik na sabik na sumagot si Luo Hua na, "Anim sa walong stocks na mayroon ako ay mga quality stocks habang ang dalawang stocks naman ay ang mga aking investment. Napakaganda ng mga quality stocks dahil napakalaki ng kinikita ko mula sa mga ito taon taon. Pero ang isa sa anim sa mga stocks na ito ay biglang nagbagsak ng halaga! Sa sobrang takot ko ay naisip ko na baka mayroong nangyaring hindi maganda sa kompanyang iyon pero noong tingnan ko ito ay wala naman akong nakitang mali rito! Jeeez, kapag nangyari ito sa aking mga investment stocks ay baka mabalatan ko na ang sarili ko ng buhay."

"Pero malaki ang tiwala ko sa mga quality stocks na mayroon ako na mapapanghawakan ko ang mga ito sa loob ng mahabang panahon. At dahil wala naman akong nakitang mali sa kompanyang iyon ay wala akong dapat ikatakot.

"Kapag nagpatuloy pa ito sa pagbagsak ay bibilhin ko na ito!"

"Nagpatuloy pa ito sa pagbagsak ng 12 days kung saan nawala ang 50% ng halaga nito. Jusmiyo kinuha ko agad ang 80% ng lahat ng ipon ko para ilagay sa mga stocks na iyon. Sino ba namang makakaisip na tataas muli ito nitong mga nakaraang araw. Hindi lang siya bumalik sa kanyang dating halaga nitong 20 days, tumaas pa lalo ang halaga nito! Wow. Dumoble ang perang hawak ko dahil lang dito kuya. Napakasarap sa pakiramdam."

Ramdam na ramdam ni Luo Feng ang pagkasabik ng kanyang kapatid habang kausap niya ito sa kanyang relo.

"Nice, mas magaling ka pa kaysa sa kuya mo ngayon," tumatawang puri ni Luo Feng sa kanyang kapatid, "Edi umaabot na sa 100 million ang yamang mayroon ka ngayon?"

Binigyan niya ang kanyang kapatid ng 50 million noong nakaraan kaya mayroon na dapat itong 80 million sa kanyang bulsa.

"Oo kuya, umaabot na ito ngayon ng 170 million," tawa ni Luo Hua, "Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa perang binigay mo sa akin. Kasi kung hindi ganoon kataas ang principal ko ay paano ako kikita ng ganoon kalaking pera hindi ba?"

Dahil dumoble ang kanyang pera.

Kung mayroon siyang 10 thousand ay magkakaroon na siya ngayon ng 20 thousand kung susumahin.

Pero dahil mayroon siyang 80 to 90 million ay nadoble niya ito sa halagang 170 hanggang 180 million. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng maraming tao na napakahirap kitain ang una mong 100 million pero sadyang mas madaling kitain ang pangalawa mong 100 million.

"Magaling ka riyan Hua. Dalawang buwan na akong nanghuhuli sa Forsaken Land pero kumita lang ako ng 100 million," sabi ni Luo Feng pero sa manghang-mangha na siya sa kanyang loob-looban sa nagawa ng kanyang kapatid…. makikipaglaro ka lang sa stock market para kumita ng napakaraming pera. Ginagawa mong pera ang pera at kung marami kang perang hawak ay mas maraming pera ang iyong kikitain! Siyempre hindi mawawala rito ang pagkatalo mo sa stock market at mabilis na pagkaubos ng napakaraming pera.

"Pero hindi ito ganito kadalas nangyayari kuya," tawa ni Luo Hua.

Ilang taon nang nakikipaglaro sa kanyang mga stocks ang kapatid niyang si Luo Hua kaya napakadalang para sa kanya ang kumita ng ganito kalaki sa loob lang ng napakaiksing oras.

"Hm."

Nag-isip si Luo Feng sa kanyang sarili habang inooperate ang kanyang tactical communications watch. Pumasok siya sa kanyang bank account at nagtransfer ng 180 million sa account ng kanyang kapatid.

"Ah!" gulat na gulat na sigaw ni Luo Hua "Ang account ko kuya…."

"Malaki laki ang kinita ng kuya mo nitong nakaraan kaya para sa iyo iyan. Pagbutihin mo pang lalo at gamitin mo lahat iyan sa stock market. May isang surpresa ka mula sa akin kung mapapaabot mo iyan ng 15 billion isang araw!" tumatawang sinabi ni Luo Feng. Hindi sinabi ni Luo Feng sa kanyang kapatid ang tungkol sa 'elixir of life'.

Dahil napakamahal noon. Pero ayon sa plano ni Luo Feng, kung parehong silang kikita ng kanyang kapatid…

Ay puwede niyang bigyan-bigyan ng pera ang kanyang kapatid na puwede niyang gamitin sa pagkita lalo ng mas maraming pera. At kung magpapatuloy sila sa pagkita ng malaki ay magiging posible na para sa kanila na maabot ang inaasam-asam niyang 30 billion!

"15 billion," sigaw ni Luo Hua.

"Huwag kang mag-alala, bibigyan pa kita ng pera para diyan sa susunod," tawa ni Luo Feng. Malay natin ay maabot ng ipon ni Luo Feng at ng kanyang kapatid ang 30 billion.

At pagkatapos niyang makuha ang perang ito ay gagawa siya ng paraan para makabili ng 'elixir of life' para makatayo muli ang kapatid niya!

"Ok kuya, pagbubutihin ko pa ito ng lalo," buong tiwalang sinabi ni Luo Hua.

"Okay," tawa ni Luo Feng, "Kailangan mo nang magpahinga ng mas maaga."

"Sige kuya, mag-ingat ka riyan sa Forsaken Land."

Mabilis na tinapos ng dalawang magkapatid ang kanilang pag-uusap sa telepono.

…..

Sa tahanan ni Luo Feng sa Ming Yue sector. Sa loob ng kuwarto ng kanyang kapatid ay sabik na sabik na ibinaba ni Luo Hua ang kanyang cellphone at nagsimulang makipagchat sa kanyang computer.

"Mukhang napakasaya mo ngayon Hua ah," ngiti ng batang babae na makikita sa kanyang screen.

"Hehe, siyempre naman masaya ako," sabik na sabik na nakipagchat si Luo Hua sa dalagang ito sa kanyang screen. Ang mga pisngi ng dalagang ito ay katulad ng mga pisngi ng isang baby at mayroon din itong maliliit na tainga at maiksing buhok. Mukha siyang isang napakabright at napakapure na babae. Siya ang girlfriend ni Luo Hua na si 'Xiao Nan'.

...

Dahil nandirito lang malapit sa kanila ang college ni Xiao Nan ay natutulog pa rin ito sa kanila kahit na nasa college na ito.

Kasalukuyang nasa kanya ring kuwarto si Xiao Nan habang nakikipagchat kay Luo Hua gamit ang kanyang computer.

At sa labas ng kanyang kuwarto sa sala ng kanilang bahay.

Ay may isang middle aged na mag-asawa na kasalukuyang nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Kahit na nakakaharap sila sa TV ay walang ni isa sa kanila ang nanonood dito.

"Anong gagawin natin?" nagmamadaling tanong ng middle aged na babae, "Alam mo naman ang ugali ni Xiao Nan, kapag pinilit natin silang paghiwalayin ay sigurado akong kasusuklaman niya tayo."

"Hayaan mo siya kung kasuklaman niya man tayo. Para rin sa kanya iyan!"

Hindi mapigilang sinabi ng middle aged na lalaki sa sobrang galit nito, "Hindi siya naghirap ng kahit na kaunti noong bata pa lang siya. Sa tingin niya ba ay nabubuhay siya sa isang fairytale? Hindi tayo masyadong mayaman pero maganda pa rin naman ang pamumuhay natin. May itsura rin naman ang anak natin kaya paanong nangyari na magkaroon siya ng isang boyfriend na baldado? Ang kapatid ng baldadong iyon ay isang fighter! Pero ano naman ngayon kung isa siyang fighter? Hindi naman siya ang karelasyon ng anak natin."

"Hindi ko hahayaang tumalon sa isang napakalalim na hukay ang anak natin kahit na anong mangyari!"

"Kung hindi lang dahil kay Old Li ay hindi ko pa malalaman na nakikipagdate na pala ang anak natin sa baldadong iyon mula sa Ming-Yue sector ng hindi natin nalalaman. Galit na galit talaga ako ngayon," makikita sa mukha ng middle aged na lalaking ito ang galit sa kanyang mukha.

avataravatar
Next chapter