246 Chapter 13

"Anong ginawa mo, Jenna Rose? Bakit bigla ka na lang nag-walkout?" tanong ni Illyze sa kanya ilang minuto lang pagdating niya sa boutique.

"Nagtatanong ka pa kung bakit ako nag-walk out. Kita mo ngang si Jason Erwin Dean na ang kaharap ko kanina. Sino ba ang di magwa-walkout?" aniya at binuksan ang closet. Isa-isa niyang ihinagis sa kama ang damit niya.

"Well, you just did a grave mistake. Ang member ng The Switch ang pinaka-bagong member ng Stallion Riding Club. At dahil sa ginawa mo, akala tuloy ng lahat ng band members unwanted sila doon. Mabuti na lang maraming nag-request na kumanta sila at in-entertain sila nila Reichen. Kundi lagot ka. Magagalit tiyak si Reid. What you did is bad for the business."

"Ano pa nga bang ginagawa ko? Hindi ba nag-eempake na nga ako," aniya at hinatak ang traveling bag at ihinagis doon ang damit kahit naka-hanger pa.

"Jen, you are ruining the dress!" anito at pinigilan ang kamay niya. "Bakit ka nag-eempake? Saan ka pupunta?"

"Sa Antarctica nga, di ba?"

Pinigilan nito ang balikat niya. "Hey! Hey! Calm down! You don't have to leave just because JED is here."

"I have to leave. Or else I will go insane. I don't want to see his face and I don't want to hear his voice. Alam mo naman kung ano ang ginawa niya sa akin dati, di ba? Ayoko nang maalala iyon," mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tuwing makikita niya ito, sasambulat na lang ang galit niya. Hindi niya makokontrol ang sarili.

Kung bakit naman kasi kailangan pang mag-member ni JED sa riding club. Nananahimik siya sa lugar na iyon. Masaya na siya. Stallion Riding Club was like a refuge for her. Tapos ay dadating ito at guguluhin ang buhay niya.

"Will you give up everything you worked hard for because you hate him?" tanong nito at umupo sa kama niya. "Oras na umalis ka sa riding club, paano na ang mga kliyente mo? Samantalang exclusive na haute couture ka dito. Isipin mo ang paghihirap mo na makipag-compete. Kung paano mong ipinaglaban ang mga creations mo samantalang mas maraming mas sikat na designer na nakipag-compete sa pwesto mo. Iiwan mo ba ang lahat ng iyon? It is not worth it."

"Pero si JED." Nasasaktan pa rin siya kapag nakikita ito. And she hated reminiscing about how much she liked him then. Katulad kanina, naalala pa niya ang gabi ng concert nito sa Araneta. Na parang naroon pa rin ng ilusyon niya na in love siya dito. Bakit di na lang siya bjasta magalit dito?

"You are a strong woman. Kaya mo siyang harapin. At saka hindi naman siya laging nandito sa riding club. With all the gigs, concerts and tours, he barely has time to spend here. He doesn't have a villa here. Tingin ko kapristo lang nila ng bandmates niya na maging member dito."

Bahagyang siyang napakalma. "Sa tingin mo rin?"

"Oo. Huwag ka na lang lalabas ng boutique mo kung nandito siya."

Pinagsalikop niya ang kamay. "I am just scared."

"Na ano? Na sasaktan ka ulit niya tulad nang dati?" Umamba ito ng suntok. "Subukan lang niyang kantiin ka. Ako ang makakalaban niya."

Napangiti siya at niyakap ito. "Thanks. Hindi na ako aalis."

Subalit saglit lang na namalagi ang ngiti sa labi niya. She was still scared that she didn't hate him enough.

avataravatar
Next chapter