webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Teen
Not enough ratings
53 Chs

♥ CHAPTER 26 ♥

▨ Raven's POV ▨

Nandito kami ngayon sa room ng outsiders dahil nga sa nangyaring Silent Grave. Kapag daw kasi narinig namin ang word na 'yon, magtago na raw kami para hindi kami madamay.

Nakita kong pumasok si Icah pero siya lang mag-isa. Leaders din kasi si Hadlee at Maureen kaya siguradong nasa kabilang classroom sila para bantayan ang mga member nila.

Nakita ako ni Icah kaya lumapit siya sa akin,

"Raven" ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

Napansin niyang hindi ko kasama si Syden kaya tumingin-tingin siya sa paligid.

"Oh, nasaan si Syden?" tanong niya habang naghahanap.

"Hindi ko nga rin alam eh" sambit ko habang nakatingin sa may pintuan.

Ang kupad pa naman no'n.

"Ano bang mangyayari kapag Silent Grave tapos hindi ka nakapagtago?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti pero tumingin lang ulit siya sa pintuan.

"Kapag sinabi kasing Silent Grave, ibig sabihin mag-aaway ang Phantom Sinners at Blood Rebels. Parehong mainit ang ulo nila kaya kahit sinumang makita nila, napagbubuntungan nila ng galit at pinapahirapan nila kahit walang ginawang masama" saad niya.

Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim,

"Maliban na lang kung Redblades ka. Syempre hindi sasaktan ni Carson ang girlfriend niya at ang Redblades. Si Clyde naman, hindi kayang saktan ang Redblades dahil kay Roxanne, kaya ang pinaniniwalaan ng iba, mahal pa rin ni Clyde si Roxanne" pahayag ni Icah.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumingin ako ulit sa pintuan dahil wala pa rin si Syden.

"Baka naman nahuli na siya? Ang kupad pa naman kumilos no'n" sambit ko.

Ngumiti ulit si Icah,

"Alam mo naman ang kambal mo. Malakas ang loob. Kahit sino binabangga" sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at hindi na lang siya pinansin.

"Matigas ang ulo ng babaeng 'yon, mahirap bawalan" sambit ko naman.

Bumukas ang pintuan ng ilang beses pero wala pa rin siya.

Sa pinaka-huling beses na nagbukas ang pinto, nasiyahan ako ng makita ko siya. Tumingin siya sa paligid para hanapin kami at lumapit siya.

Umupo siya sa tabi ko habang nakangiti. Nakaupo lang kami sa sahig dahil wala namang upuan para magamit namin.

"Bakit ngayon ka lang?" seryoso kong tanong sa kanya bago siya nakaupo.

"Hindi lang naman ako ang tumatakbo sa hallway 'nu ba?" sagot niya.

Tinignan ko lang siya at hindi na kumibo.

"Hindi ba uso ang upuan dito Icah?" tanong ko kaya napatingin si Icah sa akin.

"Ahh 'yun ba? Pasensya na ah? Pinilit ko lang kasi ang council na bigyan kami ng room na mapagtataguan. Binigay naman sa amin, 'yun nga lang walang upuan at wala mapaghihiraman dahil winasak lahat ng Blood Rebels noon" pahayag niya sa amin.

"Bakit naman winasak ng Blood Rebels?" tanong ni Syden kay Icah.

"Kapag kasi galit sila, sinisira nila ang mga upuan at walang magawa ang mga estudyante kundi matakot na lang" sambit niya.

Talaga nga sigurong nakakatakot ang mga Blood Rebels kapag kinalaban sila.

"Sino ba talaga ang mas nakakatakot. Phantoms or Rebels?" tanong ko kay Icah.

Nag-isip isip muna siya bago niya kami tinignan.

"Noong Chained School, sobrang nakakatakot ang Blood Rebels. Pero ngayon sa Prison School nananahimik sila. Simula nung sinagot ni Roxanne si Carson, nanahimik ang Blood Rebels. Parang nawalan sila ng kontrol dahil inlove talaga si Carson kay Roxanne at kay Roxanne niya binuhos lahat ng oras niya. Kaya ngayon, sa Prison School, mas kinakatakutan ang Phantom Sinners"

pahayag ni Icah.

Nanatili lang kaming nakatingin sa kanya at nakikinig sa mga sinasabi niya. Mas maganda pa rin kasi kung marami kaming alam tungkol sa eskwelang 'to.

Nakatingin sa may pintuan si Icah na parang malalim ang iniisip niya.

"Hindi naman mabubuo ang Blood Rebels kung hindi nagkaroon ng misunderstanding. Inosente at tahimik lang sina Carson, Clyde at si Roxanne.  Pero isang araw, nag-iba ang tingin sa kanila ng mga estudyante dahil may nangyari" seryoso niyang sabi.

Nagtaka kami ni Syden sa sinabi niya kaya napakunot ang noo namin.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Syden sa kanya.

Tumingin sa amin si Icah at ngumiti siya,

"Back then, nerd silang tatlo at palagi lang silang nagbabasa ng libro...." biglang natahimik si Icah.

"It's a long story. Sa ibang araw na lang natin pag-usapan" sambit niya.

Nagtinginan na lang kami ni Syden at hindi na kumibo.

Tahimik lang kami ng ilang segundo pero hinarapan niya ako kaya napatingin ako sa kanya,

"Minsan naiisip ko kung makakalabas pa ba tayo ng buhay o patay? Or baka naman hindi na tayo makalabas?...Pwede rin namang makalabas kung gagawa tayo ng paraan pero paano?" tanong niya sa akin habang nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"D'ba pangako natin lalabas tayo dito ng sabay at higit sa lahat, lalabas tayo ng buhay" saad ko sa kanya. Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya pero hindi naman siya nainis sa ginawa ko dahil sanay naman siya.

Sa ganitong sitwasyon, kailangan naming lakasan ang loob namin para makalabas kami dito.

Inayos namin ang upo namin para hintayin ang oras na pwede na kaming lumabas.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Carson's POV ▨

Nagsilabasan lahat ng estudyante dahil alam naman nila kung saan mapupunta ang pagtatapat namin ni Clyde kanina.

Magkaharap kami ngayon at nagtitinginan kami ng sobrang sama. Nalaman din ng mga members ko ang nangyayari sa classroom na 'to kaya pumunta sila dito kasama si Dustin, ganon din naman ang ginawa ng mga members ni Clyde at nakita ko ang mga dati kong member sa grupo niya kaya napatawa

ako.

"Mabuti naman at..." tinignan ko isa-isa ang mga dati kong members na nasa grupo niya.

"Napunta sa 'yo ang mga members ko?" tanong ko sarcastically.

Ngumisi siya at tinignan ang mga members niya na nasa likuran niya.

"Anong magagawa ko, kung mas gusto nila sa akin?" he said sarcastically.

Ngumiti ako habang sarcastic siyang nakatingin sa akin.

"It's okay as long as they're happy! Alam mo namang binibigay ko sa mga members ko ang mga bagay na makapag-papasaya sa kanila" masaya kong sabi para inisin siya.

"Bakit?" ngumisi siya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Nagdudusa ba sila sa 'yo kaya tinatalikuran ka na nila?" he asked.

"What?! Come on Clyde, I'm not like you. Na pinaparusahan ang mga members para lang sundin ang lahat ng sinasabi mo" sambit ko.

Tumingin ako kay Dustin at ngumiti ako ng pabiro,

"We're totally and actually different. We're both leaders but we are not the same. Huwag mo akong itulad sa 'yo na desperadong makuha lahat ng meron ako" I said to him at nakikita kong namumula siya which means naiinis na siya kaya lalo pa akong ngumiti.

"Sige. For now, ipagmayabang mo lahat ng meron ka. But I'm sure, soon...all the things na meron ka, mapupunta lahat sa akin at tignan natin kung sino ang talunan" pahayag niya.

"I'll wait for that day" I said with my cold eyes pero nakangiti pa rin ako.

But I know one thing kung paano ko siya lalong maiinis. Alam kong magugulat sila sa sasabihin ko pero mas magugulat si Clyde sa hihingiin ko.

"If you want Blood Rebels, then take it" sambit ko habang seryoso ang mga mata ko para maniwala silang seryoso talaga ako sa sinasabi ko.

Ngumiti si Clyde at yumuko bago tumingin sa akin,

"Your joke is not funny" sambit niya.

"Who said that I'm kidding?" sarcastic kong sagot sa kanya.

Seryoso ko siyang tinignan at nakita niya 'yon. Nabigla din lahat ng member ko at pati na rin ang mga member niya.

"Ibababa ko ang Blood Rebels para malampasan niyo kami, luluhod ako sa harapan ninyo...You know me Clyde, I'm true to my words. But... give me just one thing. Of course may kapalit dapat ang gagawin kong pagluhod sa harapan niyo" sambit ko sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin, kaya lumapit pa ulit ako sa kanya para tapatan siya lalo.

Tumingin muna ako kay Dustin at ngumisi siya dahil alam na niya kung ano ang sasabihin ko.

"We... The Blood Rebels...is going to kneel infront of Phantom Sinners...if you will give me your girl member. It's Syden, right?" sarcastic kong sabi.

Alam kong nainis si Clyde at namula na siya kaya alam kong magkakagulo. Nilusob niya ako at nakita 'yon ng mga members niya at members ko kaya nag-umpisa na ang gulo.

Nakikita naming duguan na ang mga members namin pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagsusuntukan.

May pasa na rin ako at si Clyde pero hindi ko naman maramdaman ang sakit dahil sanay naman ako at manhid na ang katawan ko sa mga ganitong bagay.

"Alam mo? Nagtataka lang ako kung bakit gano'n mo na lang pinapahalagahan...or should I say kinukulong mo ang babaeng 'yon?" sarcastic kong tanong kay Clyde.

Tumigil ang mga members namin sa pag-aaway at napatingin sila sa amin ni Clyde.

Ngumisi siya at matapang akong tinignan,

"Binabalaan kita! Huwag na huwag mo siyang lalapitan" sambit niya.

Nakuha niya pa talagang balaan ako.

"What if" sabi ko.

Nilapitan ko siya at tinapatan,

"Kunin ko siya ng sapilitan sa grupo mo?" pabiro kong sabi.

Mahigpit niyang hinawakan ang damit ko at sinuntok ako ng malakas. Pwede naman akong umilag pero hindi ko na ginawa.

Napaatras ako dahil sa malakas niyang suntok.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yan" sabi niya sa akin.

Pinunasan ko ang labi kong dumudugo at tinignan ko sila.

"Bakit? Is it because of that secret?" sarcastic kong tanong.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya nag-iba ang reaksyon niya.

"What are you saying?" mahina niyang sabi.

Tumalikod ako at ngumiti ng masama. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ulit ang damit ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Anong sikreto ang pinagsasasabi mo?!" galit niyang tanong sa akin.

"I don't know. Kaya pwede ba bitawan mo ako!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinignan ko siya ng masama.

Naglabas siya ng kutsilyo mula sa bulsa niya  kaya inilabas ko din ang kutsilyo ko. Masama lang ang tingin namin sa isa't-isa habang ang mga member namin nag-umpisa nanamang mag-away kahit hindi pa kami nag-uumpisa ni Clyde.

Nilusob niya ako pero iniwasan ko 'yon at naitulak ko siya sa wall. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa kutsilyo na astang sasaksakin ko siya.

Pagkalapit ko sa kanya, biglang humarang si Roxanne at hinawakan ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Dumating din ang mga Redblades na member niya kaya natigil ang kaguluhan.

"Carson. Stop it" seryoso niyang sabi with her cold eyes.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakahawak siya sa braso ko.

Binitawan niya ang braso ko at humarap siya sa aming lahat.

"Ako dapat ang nagtatanong sa inyo"

sabi niya.

Mataray niya kaming tinignan.

"Anong ginagawa niyo? Balak niyo bang magpatayan dito?" tanong niya sa amin.

Siya lang naman ang nakakapigil sa tuwing nag-aaway ang Blood Rebels at Phantom Sinners.

"Itigil niyo na 'to!" tumalikod sa Roxanne para iwanan kami. Pero bago siya makalabas ng pintuan, nagsalita si Clyde.

"Sige. Pero itutuloy natin 'to kapag Chained School na" pahayag ni Clyde sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napa-kunot ang noo ko.

"What?!" tanong ko kay Clyde.

Ngumisi siya at sarcastic akong tinignan,

"Bakit? Hindi ba nabanggit sa'yo ni Roxanne?" tanong niya.

Palabas na sana si Roxanne pero napatigil siya dahil sa sinabi ni Clyde. Napatingin ako sa kanya at nabigla siya sa sinabi ni Clyde kaya nakatingin siya dito.

"What are you saying?" tanong ko ng may pagtataka.

Tumingin sa akin si Roxanne at halatang gulat pa din siya.

"Roxanne" sambit ni Clyde.

"Hindi mo ba sinabi sa boyfriend mo?" sarcastic niyang tanong kay Roxanne.

Hindi makatingin ng diretso si Roxanne kay Clyde at ganon din siya sa akin. Halos nakayuko siya na parang hindi mapakali sa nangyayari.

"Wait?! Nagkausap kayo?" tanong ko sa kanila. Matapang ko silang tinignan dahil sa sinasabi ni Clyde.

Nakatingin ako kay Roxanne at ganon din siya sa akin. Mukhang kinakabahan siya.

"H-hindi. Wala akong alam sa sinasabi niya" sagot ni Roxanne sa akin. Hindi rin siya makatingin kay Clyde, si Clyde naman nakangisi lang habang nakatingin kay Roxanne.

Parang may napapansin na 'ko sa kanilang dalawa.

"Siguro. Imahinasyon ko lang na may sinabi si Roxanne sa akin. You don't have to take it seriously Carson" seryosong sabi ni Clyde.

May mali na dito. At may napapansin na ako.

"Sabihin niyo nga sa akin" sabi ko sa kanila gamit ang nakakatakot kong boses.

Tumingin silang dalawa sa akin.

"Nagkikita ba kayo secretly?" tinignan ko ng masama si Clyde at nakangiti lang siya ng masama.

"At bakit naman ako makikipagkita sa ex ko?" sambit ni Clyde sabay tingin kay Roxanne.

"Oo o hindi lang ang sagot na gusto kong marinig?" seryoso kong sabi sa kanya.

"No. We're not seeing each other" sagot ni Roxanne.

Tinignan ko lang siya at hindi na ako nagsalita.

"Itutuloy natin ang away na 'to kapag ibinalik na ng council ang Chained School" sabi ni Clyde kaya napatingin ako ulit sa kanya.

"At paano ka naman nakakasigurong ibabalik nga 'yon ng council?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin ang araw na 'yon, at doon na rin natin tatapusin ang kaguluhang 'to dahil no such punishment exists sa Chained School. All things are legal, right?" he said.

Pagkasabi niya non, umalis na sila kaya naiwan ang grupo ko at grupo ni Roxanne. Lalabas na rin sana ang Redblades pero pinigilan ko sila.

"Roxanne!" sigaw ko sa kanya habang tinitignan ko siya ng masama.

Napahinto siya at tumingin siya sa akin. Nakita niyang masama ang tingin ko sa kanya kaya alam kong takot na siya sa akin.

"Mag-uusap tayo" matapang kong sabi sa kanya.

Umalis na ako kaya sumunod din sa akin ang mga member ko. Hindi ko man alam kung anong ginagawa ngayon ni Roxanne pero alam kong takot na siya sa sinabi ko.

Dahil kilalang kilala niya ang bawat kilos ko at alam niyang seryoso ako sa lahat ng bagay.

Lalo na kung involve ako...at ang grupo ko.

To be continued...