▨ Raven's POV ▨
Monday nanaman.
Ito ang last week na dapat kaming pumasok sa mga class number na nabunot namin. Konting tiis na lang at may makakausap nanaman ako dahil next week, kaklasi ko na ulit si Sy.
Wala naman kasi akong makausap sa classroom ko ngayon dahil hindi naman ako friendly katulad ng iba para makipag-usap unless na lang kung sila ang kakausap sa akin.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong naghihintay si Syden kaya nagulat ako.
"Wow! Himala. Maaga ka ngayon ah?" biro ko sa kanya.
Araw-araw kasi halos sampung minuto ko siyang hinihintay sa labas ng kwarto niya.
Halatang mainit ang ulo niya dahil masama ang tingin niya sa akin.
"Oo maaga ako ngayon. Pasalamat ka nga hinintay pa kita" mataray niyang sabi.
Hinarapan ko siya para asarin,
"Wow! So ako pa yung dapat na magpasalamat eh ako nga itong halos makatulog sa labas ng kwarto mo kakahintay sa'yo" sigaw ko sa harapan niya ng pabiro.
Hinawakan niya ang pisngi ko at tinulak ako.
"Ano bang problema mo?!" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin,
"Halika na. Baka ma-late pa tayo ng dahil lang sa 'yo" sambit niya.
Ngumiti ako at inakbayan siya kaya napatingin siya sa akin habang naglalakad kami.
"Ang init ng ulo mo ah? Kalma lang okay? Baka kasi may makaaway ka nanaman" pabiro kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.
Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala sila Icah kaya napatigil ako.
"Sila Icah? Hindi ba sila sasabay sa atin?" tanong ko kay Sy.
"Hindi. Nauna na sila. May aasikasuhin daw" sagot niya.
Papunta na kami sa school building at marami kaming kasabay na estudyante.
Naririnig namin silang tumatawa pero si Syden, mainit pa rin ang ulo at hindi kumikibo.
Moody kasi siya at ako lang ang nakatagal na magtiis sa kanya. Pero okay lang sa akin 'yon dahil sanay na ako sa kanya.
Habang naglalakad kami, bigla kong naalala ang classroom na pinapasukan niya. Kaklasi niya daw si Clyde, Roxanne at Carson kaya nag-aalala nanaman ako.
"Sy?" sambit ko.
Napahinto siya at napatingin sa akin.
"Bakit?" tanong niya.
"D'ba kaklasi mo si Clyde, Roxanne at Carson? Okay ka lang ba don? Gusto mo samahan kita?" pag-aalala ko sa kanya.
Napansin niyang nag-aalala ako kaya hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti siya,
"Okay lang ako. Huwag kang mag-alala. Ang dapat mong isipin, ang sarili mo" pahayag niya sa akin.
"Basta't kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako" sambit ko sa kanya.
Nag-umpisa na kaming maglakad pero hindi naman ganoon kabilis dahil nag-uusap kami.
"Para namang hindi mo ako kilala Raven. Lahat naman kaya ko at kinakaya ko" sambit niya.
Napansin kong nawala na rin ang init ng ulo niya dahil nakangiti siya.
Naisip ko rin sa sarili ko na kailangan kong maging matapang at malakas para sa kapatid ko. Pagdating ng araw, siya naman ang proprotektahan ko nang sa ganon hindi na siya matakot.
Narating na namin ang hallway at natatanaw ko na rin ang classroom ko. Hinarapan ko siya kaya napatingin nanaman siya sa akin.
"Sumabay ka sa amin ng break time mamaya ah? Baka kasi takasan mo nanaman kami" pahayag ko sa kanya.
"Oo sasabay ako. Hihintayin kita mamaya sa labas ng classroom niyo" sambit niya. Ngumiti siya at iniwanan na ako.
Kaya napag-pasyahan ko na rin na pumasok sa classroom ko. Maingay at magulo pa rin katulad ng dati at walang pagbabago.
Umupo ako sa dati kong lugar dahil wala namang umuupo doon kaya kinuha ko na kaagad para hindi ako maunahan.
Sa pinakadulo ang pwesto ko at malapit sa bintana kaya nakikita ko pa kung anong nangyayari sa labas.
"Nakakainip talaga if wala kang kausap, lalo na kung baguhan ka"
Biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Naka-black cap siya, maroon shirt at black pants. Maayos ang porma at dating niya.
"Bakit hindi mo kausapin ang mga girls para naman hindi ka mainip?" tanong niya sa akin.
"Hindi ako friendly para kausapin sila unless na lang if kakausapin nila ako" sambit ko sa kanya at tumingin na lang ulit ako sa bintana.
"Oh well. Wala din naman akong kausap dito sa classroom na 'to last week kaya nakakainip" pahayag niya.
Tumingin ako sa kanya at seryoso siya. Madalas ko rin siyang nakikita dahil nga kaklasi ko siya pero ngayon niya lang ako kinausap.
"Last week na lang 'to kaya tiisin muna lang" cold kong sabi sa kanya.
Nakita ko si Clyde na dumaan sa hallway kasama ang mga member niya. Ang iba sa kanila pumasok sa classroom kung nasaan ako kaya nalaman kong Phantom Sinners sila. Tinitignan ko lang sila ng masama at napansin 'yon ng katabi ko.
"Mukha atang galit ka sa kanila?" sambit niya habang nakangisi siya.
Nagbuntong-hininga ako at tumingin ulit sa kanya,
"Oo. For some reason" sambit ko.
Bakit ba kasi kinakausap niya ako?
"By the way, I'm Axelle" tinanggal niya ang cap niya at gwapo din siya katulad ko kaya sa palagay ko magiging mag-kaibigan kami.
"Just call me Sean" sambit ko sa kanya.
"Cool name" sabi naman niya.
Nag-ring na ang bell at pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang attendance kaya pumila na ako para pumirma at nasa likuran ko lang siya.
Pagkatapos pumirma ng mga kaklasi namin, nagsi-labasan ang iba para lumibot total pwede naman dahil walang teacher pero bawal pumunta sa ibang classroom. Pero karamihan, nasa classroom lang nila at doon nagpapalipas ng oras.
"Baguhan ka lang dito, right?" nagsalita ulit si Axelle kaya napatingin nanaman ako sa kanya.
Tumango ako,
"Oo. Kami ng kakambal ko" sambit ko sa kanya.
"You're lucky" sambit niya habang nakangiti.
"Why?" tanong ko sa kanya habang nakikita ko ang iba naming kaklasi na lumalabas.
"Dahil may kapatid ka. Only child kasi ako kaya...alam mo na. Gusto ko ng kapatid" pahayag niya.
"Hindi ba mas masaya kapag only child? Sa 'yo napupunta lahat ng atensyon ng magulang mo?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya at iniligay ang cap niya sa ulo niya.
"Madalas silang nasa trabaho kaya wala silang oras sa akin. And...wala akong makausap dahil mag-isa lang ako sa bahay namin" sambit niya.
Siguro palagi siyang mag-isa kahit sa eskwelang 'to.
"Member ka ba ng Silent Alliance?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at nag-isip muna siya ng malalim.
"No. I didn't join any group. Mas gusto kong akong mag-isa other than maraming kasama" naglabas siya ng lapis sa bulsa siya at pinaikut-ikot 'yon sa lamesa.
"Ako naman, mas gusto kong kasama ang kambal ko kaysa sa ibang tao. Marami siyang kabigan kaya no choice ako kundi sumama sa kanila kahit puro babae at higit sa lahat, naiilang ako" pahayag ko sa kanya habang nilalaro niya pa rin ang lapis sa lamesa.
"Then, maghanap ka ng mga kaibigan na lalaki" sambit niya.
"I'm not that friendly" patawa kong sabi.
"Madali lang 'yan kung susubukan mo. Look! Kinausap kita and you did the same" sambit niya.
Siguro susubukan ko munang makipag-close sa kanya bago ko gawin sa ibang tao. I'll try.
"I'll try but I can't promise" sambit ko.
Tuluy-tuloy na ang pag-uusap namin hanggang sa napunta kami sa Phantom Sinners, pero hindi ko sinabi sa kanya ang about kay Syden. Galit din daw siya sa Phantom Sinners dahil pinahirapan siya noon kahit wala siyang kasalanan.
Pero habang nag-uusap kami, nakarinig ako ng mga estudyanteng sumisigaw ng,
"Silent grave!"
Kaya napatakbo kami para magtago.
❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖
▨ Syden's POV ▨
Pagkatapos naming mag-usap ni Raven iniwanan ko na siya para pumasok sa classroom ko.
As usual, magulo at maingay. Nakita ko nanaman ang mga taong ayaw kong makita pero no choice ako kundi maghanap ng mauupuan.
Isa na lang ang bakanteng upuan at 'yon ay nasa pinaka-gitna. Nakita ko ang mga Redblades na nakatingin sa akin ng masama. Hinayaan ko na lang sila at pumunta ako doon sa bakanteng upuan.
Inilagay ko sa upuan ko ang bag ko at umupo na ako. Pagkaupo ko, bigla akong natulala dahil nakita kong puno ng sulat ang lamesa ko at binasa ko 'yon ng isa-isa.
"Retard!!"
"Loser!"
"Skank"
"Ugly"
"Weird"
"Pathetic"
"Crazy"
"Freak"
"Worthless"
"Bitch"
"Fool!"
"Stupid!!"
"Trash!!!"
"Unloved"
"WHORE!!"
"Dumbass!"
Marami pang iba pero hindi ko na binasa. Habang binabasa ko 'yon ng paulit-ulit, naiinis at nanginginig ako sa galit. Tahimik lahat sila at alam kong pinlano nila 'to, pinlano nilang dito talaga ako umupo. Kahit nakatingin lang ako sa lamesa ko alam kong nakatingin sila sa akin at natutuwa sila.
"Nagustuhan mo ba ang pwesto mo?" may lumapit sa akin na tatlong babae kaya napatingin ako sa kanila. Ang isa sa kanila umupo sa lamesa ko.
Tinignan ko siya at sarcastic siyang nakangiti sa akin. Alam kong member sila ni Roxanne dahil nakapula sila.
"You should read all of that" tinuro niya ang lamesa ko kaya napatingin ulit ako dito.
"Pinaghirapan namin 'yan para sa 'yo kaya huwag mo naman sanang sayangin ang effort namin" sarcastic niyang sabi.
Habang nakatingin ako sa lamesa ko, tumulo ang luha ko.
"Hindi mo ba nagustuhan? Or baka naman tears of joy yan?" sambit niya habang pinagtatawanan ako.
Nanatili lang akong nakaupo habang lumuluha dahil nagtitimpi ako ng galit.
Pero hindi pwedeng ulit-ulitin at laitin nila ako. Kailangan kong lumaban para sa sarili ko.
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ako ng masama sa babaeng nakaupo sa lamesa ko.
"Aminin mo na kasing totoo lahat ng 'yan-" hindi niya pa man natatapos ang pagsasalita niya. Hinila ko ang buhok kaya napatayo siya at itinulak ko siya ng malakas.
At dahil naka-heels siya, alam kong nasaktan siya dahil sa pagkakadapa niya.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko at lumayo sa akin ang dalawa niyang kasama. Napatayo ang iba mula sa kinauupuan nila.
"Sige! Ituloy mo pa ang sasabihin mo!" galit kong sabi sa kanya.
Tinignan niya ako ng masama habang inaalalayan siya ng ibang Redblades para tumayo. At alam kong hindi nila gagawin 'to sa akin kung walang nag-utos.
Nilapitan ko siya habang tinitignan niya ako ng masama.
"Sabihin mo sa akin. Sinong nag-utos sa 'yo?" matapang kong tanong sa kanya.
Napa-kunot ang noo niya at tinawanan ako,
"What are you saying?" patawa niyang tanong.
Nagbuntong-hininga ako at matapang siyang tinignan.
"Alam ko may nag-utos sa inyo na gawin sa akin 'to at plano niya rin na paupuin ako sa pwestong 'yon" sambit ko sa kanila.
"I am the mastermind" malakas niyang sabi.
Napatingin ako kay Roxanne at tumayo siya mula sa pwesto niya.
Sabi ko na nga ba.
Ngumiti ako at mataray siyang tinignan,
"Bakit naman? Dahil gumaganti ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko sa 'yo noong first day kong makapasok dito?" sarcastic kong tanong sa kanya.
Umalis siya sa pwesto niya para lumapit sa akin.
"Hindi. Dahil sa lahat ng tao dito, ikaw ang pinaka-kinaiinisan ko" mataray niyang sabi with her wicked eyes.
"Ikaw ang pinakauna kong papatayin pagdating ng araw" dagdag pa niya.
"Kung mapapatay mo ako" sagot ko sa kanya.
Tinignan niya ang member niya na tinulak ko kanina at tinanggal ng babae ang heels niya dahil namamaga ang paa niya.
Hinarapan ako ni Roxanne.
"Who are you para saktan ang member ko?" tanong niya.
Tinignan ko ang member niya at ngumiti ako kay Roxanne ng masama.
"She deserves it" sambit ko habang nakangiti at halatang nainis si Roxanne.
Sinampal niya ako at alam ko naman na gagawin niya 'yon sa akin kaya hindi na ko nabigla. Napahawak ako sa pisngi ko pero ibinaba ko rin ang kamay ko at ngumiti ng masama sa kanya.
"Well, you deserve it" wika niya habang nakangiti.
Alam ko naman na nasiyahan siya sa ginawa niya sa akin.
Pero hindi pwedeng magpatalo ako sa kanya. I slapped her too para magising siya sa katotohanan na hindi niya ako basta-basta malalait kahit baguhan ako.
Napahawak siya sa pisngi niya dahil nabigla din siya sa ginawa ko.
"Deserve mo din 'yan" sambit ko sa kanya.
"Gusto mo isa pa?" tanong ko.
Sasampalin ko sana siya pero nadaplisan nanaman ako ng kutsilyo. Tumingin ako sa likod at ang babaeng tinulak ko kanina ang gumawa no'n.
Ngumiti si Roxanne dahil sa ginawa ng member niya at napahawak naman ako sa braso ko dahil medyo malalim ang sugat na natamo ko galing sa kutsilyo at dumudugo na rin ito.
"Busy ang Redblades ngayon kaya hindi ka namin mapaparusahan kahit gustung-gusto namin. But you're not lucky because I will ask someone para gawin 'yon" mataray niyang sabi habang ako naman, seryoso lang ang tingin sa kanya.
Ano naman ang ibig niyang sabihin?
Tumingin siya sa gilid kaya sinundan ko kung sino ang tinitignan niya habang nakangiti siya.
"I will ask Blood Rebels to do it for me" sarcastic niyang sabi kay Carson.
Seryoso ba siya?!
Tumingin sa akin si Carson at ngumiti siya ng masama pero iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
"If that's the case, I'll do it" matapang na sabi ni Carson.
Nagtinginan lahat sila sa akin para tignan kung natatakot ako pero ako normal ang tingin sa kanila.
Like I care.
Nag-ring na ang bell kaya kaagad na naglabasan ang iba. Pinakaunang lumabas si Roxanne kaya sinundan siya ng mga members niya.
Lagi naman akong dumadaan sa backdoor kaya kinuha ko na ang bag ko para umalis. Habang hinahanap ko ang wallet ko napansin kong tumayo si Carson kaya nagmadali akong umalis kahit hindi ko pa nahahanap ang wallet ko. Alam kong makakasalubong ko siya dahil papunta siya sa harapan.
Binilisan ko ang paglalakad pero nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin gamit ang nakakatakot niyang mata.
"Pwede ba tigilan mo siya?! I will punish her kaya pabayaan muna lang ang sinabi ni Roxanne" nagulat lalo ako ng makita ko si Clyde.
Tinanggal niya ang pagkakahawk sa akin ni Carson at hinila niya ulit ako sa likuran niya.
Nagkatinginan lang sila ng masama. Lumapit ang mga member ni Clyde sa likuran niya at lumapit din ang member ni Carson sa likuran nito kaya mukhang magkakaroon ng away sa pagitan ng dalawang grupo.
Nagsitakbuhan ang iba pang nakakita nito at pumunta sila sa kabilang classroom.
"Silent grave!!" sigaw nila sa mga classroom na 'yon kaya narinig ko din.
Kaya tumakbo na rin ako.
To be continued...
✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿
Hello ! ♥♥♥
Sorry po kung may wrong grammars, mispelled words, typograpical error, etc.