"Pwede ba kitang kuhaning wedding singer?"
Wait. Tama ba ang narinig niya? Wedding singer? Ikakasal na ba ang bestfriend niya ng hindi niya alam? Ansakit ha.
"Wedding singer? Ikakasal ka na ba?" tanong niya rito sabay bawi ng mga kamay mula sa pagkakahawak nito. Bigla itong tumawa ng malakas na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi niya. Grabe, ang saya niya oh. Walang paglagyan ng kagalakan e.
"Tapos ka ng tumawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko ha Jake?"
Huminto ito sa pagtawa at muling tumitig sa mga mata niya. "Ako, ikakasal? Paano? Saka kanino? Kung ikaw siguro iyon, okay lang."
Nagulat siya sa sinabi nito. Ako ba ang gusto mong pakasalan? Kasi OO na agad ang sagot ko."
"Talaga ba?' sagot niya na lang dito para di maipahalata dito na kinilig siya sa sinabi nito. "Kung hindi ka ikakasal, bakit kinukuha mo akong wedding singer?"
"Ikakasal kasi yung friend ko nung College. Remember, Benjie? E nagback out bigla yung wedding singer at ako ang napakiusapan na kumuha ng bago. Siyempre sino pa ba ang maiisip ko kung hindi ikaw di ba? Kaya please, Beb pumayag ka na."
"Ahhh .. akala ko pa naman..."
"Akala mo ano? Sabi ko naman sa'yo kung di rin lang ikaw, di ako magpapakasal."
"Hahahaha! Pwede ba Jake, 'wag mo na akong daanin sa mga ganyan mo! Bestfriend mo ako, remember?" Bestfriend mo lang ako.
"Sige, kung ayaw mo e di wag! Nagkakawang gawa na nga lang ako sa'yo e. Choosy pa 'to! Ganda ka? Ganda ka?"
"Jake ..." himig pagbabanta niya na dito.
------
ARAW NG KASAL NI BENJIE at kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi siya sanay na kumanta sa harap ng ibang tao at kung hindi lang talaga importante ang nagpumilit sa kanya, never siyang kakanta talaga e.
"Hoy, okay ka lang ba? Parang di ka mapakali diyan?"
"Kinakabahan ako Jake .." sagot niya na halos di mapakali. Grabe, pawis na pawis na ang mga kamay niya.
"Ano ka ba! Kaya mo yan Beb! Dito lang ako, okay? Now, breathe in and breathe out." Ginaya niya ang ginawa nito. Kaya mo 'to Ari! You are not named Ariana kung hindi mo 'to kaya! Aja!
"And now, the Bride ..." dinig niyang sabi ng wedding host. Narinig niya ng tumutugtog ang song ng Ben&Ben na Maybe the Night. Kabado man, inumpisahan niya ng kantahin ang favorite song niya from her favorite band. Why do their wedding song is my supposed to be wedding song?
I want to lay down by the fire with you,
Where souls are glowing, ever warmer too
Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine
Habang lumalakad sa altar ang bride, di niya mapigilang maimagine na siya ito. Siguro kung ikakasal siya, gusto niya siya mismo ang kakanta habang naglalakad sa altar. Gusto niyang kantahan ang taong makakasama niya habang buhay. Napatingin siya sa pinupuwestuhan ni Jake, napakaguwapo nito ngayon sa suot nito. Bagay na bagay ang amerikana na nagpadefine sa katawan nito at parang lalong gumuwapo ito sa paningin niya.
Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I have never been more certain
I will love you 'til we're old
Nagulat siya ng may narinig siyang sumabay sa pagkanta niya. Hindi siya aware na may makaka-duet siya at hinanap ng mga mata niya kung nasaan ang taong iyon. Sana si Jake.
Maybe the night holds a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down just be near,
Stay together
Nakita niya na kung sino ang ka-duet niya at to her dismay, hindi si Jake yun kundi ang kaibigan nito na si Sam. Hmmm, maganda pala boses nito nasa isip niya. Natapos ang kanta niya at umalis na siya sa pwesto niya para mapanood ang kasal. Tumabi siya kay Jake na tutok na tutok sa seremonya.
Ngayon naman ay nasa reception sila ng kasal at kasalukuyang nagbibigay ng speech ang bagong kasal. Magkatabi pa rin sila ni Jake at marami na ang umintriga sa kanila kung kailan nila balak sumunod. Paano naman kaya kami susunod kung wala naming 'kami' nitong katabi ko?
"Jake.." bulong niya dito. "Sobrang tutok ka naman sa kanila."
Nilingon siya nito sabay sabing, "Siguro, ang sarap sa feeling ng ikakasal ano?"
"Naiinggit ka?"
"Medyo. Bakit ikaw ba hindi?"
"Hmmm .. medyo din pero wala naman akong choice kasi wala naming nagkakagusto sa akin."
"Sino may sabing wala?" sabay silang napatingin ni Jake sa nagsalita at umupo ito sa pagitan nilang dalawa: si Sam.
"Hi, Ari!" bati nito sa kanya at sabay lahad ng mga kamay nito sa kanya.
"Hi. Sam, di ba?" bati niya rin ditto sabay tanggap sa mga nakalahad nitong mga kamay.
"Buti naman at natatandaan mo pa ako. Happy to know that."
"Hindi ka kasi kalimot limot. Kapag kasi playboy, natatandaan ko.", pataray niyang sabi ditto.
"Uy, grabe ka naman! Hindi ako playboy ha!"
"Talaga ba? Hindi iyon ang pagkakaalam ko."
"Gusto ninyo bang umalis na lang ako dito? Nakakahiya kasi sa inyo! Baka nakakaistorbo kasi ako." rinig nilang sabi ni Jake sa kanilang dalawa sabay tayo nito palayo sa kanila.
"Uy Jake saan ka pupunta?" sigaw niya rito.
"Kahit saan na hindi kayo maiistorbo!"
"Alam mob a kung ano nangyari dun?" tanong niya kay Sam.
"Hayaan mo na siya baka may mens lang. So, pwede ba akong magpakilala? Yung matinong pagpapakilala? I am Sam Cortez, 28, Single, may trabaho at kayang bumuhay ng pamilya."
Natawa siya sa way ng pagpapakilala nito sa kanya. "I am Ariana, not Grande, but Angeles. 28, may trabaho and yeah, kahit na nakakahiya, Single. Hahahaha"
"Happy to know that. So, kayo ni Jake, ano kayo talaga?"
"Bestfriends. We will always be. Wait, pinopormahan mo ba ako?"
"Bakit, di pa pwede? Single ka at single ako. Sabi mo hindi naman kayo ni Jake saka nagpaalam na ako kay Jake, pumayag naman siya ..."
"Wait," putol niya dito. "Ano yung sinasabi mong pumayag si Jake? Ano ang pinayagan niya?"
"Pumayag siyang manligaw ako sa'yo. Sa kanya muna ako nagsabi bago ako lumapit sa'yo. Akala ko kasi kayo e."
"Ah, ganun ba? Sige, pumapayag na ako."
"Ha?"
"Pumapayag na ako, sige, pwede ka ng manligaw sa akin."
"Totoo? As in?"
"Oo nga di ba? Ayaw mo ba?"
"Siyempre gusto ko. Promise, di ka magsisisi." Sabi nito sabay hawak sa mga kamay niya.
"Kailangan talaga manghahawak?"
"Okay, sorry. Nadala lang ng emosyon."
----------